You are on page 1of 1

UPPER BICUTAN NATIONAL HIGH SCHOOL SCORE

Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City


Ikatlong Pagtataya 4th Grading EsP-10
SY 2019-2020
Pangalan: ______________________________ Petsa: _____________
Taon at Pangkat: ________________________ Guro: _____________

I. Panuto: Bilugan ang itik ng tamang sagot.


1. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohan. Itinuturing ding isang lason na
humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito ay natural na masama?
a) Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari
b) Sapagkat inililihis ang katotohan
c) Sapagkat ito ay isang uri ng panandaraya
d) Sapagkat sinasang-ayun ang mali
2. Ang mga sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa mga ito ay ang karapatan
sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng bagong likha, maliban sa:
a) Intellectual piracy
b) Copyright infringement
c) Theft
d) Whistleblowing
3. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?
a) Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang
b) May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga impormasyon
c.) Walang pagpapahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong pinoprotektahan
d.) Nagbibigay nang malawakna paliwanag at kahulugan sa maraming bagay upang ilayo ang tunay na katotohanan
4. Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kaniyang pagbabagong-buhay ay ang kalimutan ang madilim niyang
nakaraan. Dahil dito, itinago niya ang kaniyang karanasang ito sa kompanyang kaniyang pinaglilingkuran sa
kasalukuyan. Sa iyong palagay, may karapatan ba siyang itago ang katotohan?
a) Mayroon, dahil responsible siya rito
b) Mayroon, dahil may alam siya rito
c) Mayroon, dahil sa ibibigay nito sa kaniya
d) Mayroon, dahil lahat ay may karapatang magbago
5. Ayon sa isang whistleblower. “Hindi naman sa kailangan ko, pero kailangan eh. Ayaw na ng pamilya ko,at ayaw ko na
rin sana, pero itutuloy ko na rin.” Paano pinaninindigan ng whistleblower ang kaniyang pakikibaka para sa
katotohanan?
a) Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya
b) Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya
c) Mula sa kaniyang tungkuklin at obligasyon sa pamilya at bayan
d) Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya
6. Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa lahat ng pagkakataon
sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang mataandaan ang pahayag na
mapanindigan at ipahayag sa lahat ng pagkakataon?
a) Dahil ito ang katotohan
b) Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao
c) Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang
d) Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat
7. Ang sumusunod ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas nahihikayat na gawin ang pagnanakaw sa gawa ng iba
kaysa sa lumikha ng sarili at paulit-ulit na pagsasagawa nito, maliban sa isa:
a) Mababang presyo
b) Anonymity
c) Madaling transaksyon
d) Hindi sistematiko
9. Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na manunulat sa
kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Ano ang nalabag niya?
a) Prinsipyo ng Confidentiality
b) Prinsipyo ng Intellectuality
c) Prinsipyo ng Intellectual Honesty
d) Prinsipyo ng katapatan
10. Matagal ng napansin ni Celso ang mga maling gawi ng kaniyang kaklase sa pagpapasa ng proyekto. Alam niya ang
mga batas ng karapatang-ari(copyright), dahil dito, nais niya itong kausapin upang bigyan ng babala sa kung ano ang
paglabag nito. Tama ba ang kaniyang gagawing desisyon?
a) Tama, sapagkat ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito
b) Tama, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase
c) Tama, sapagkat ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha
d) Tama, sapagkat ito ay obligasyon sa kapuwa

Prepared By: Mrs. Hideliza G. Hagos

You might also like