You are on page 1of 2

SI DAVID, ANG MABAIT NA

Mga tauhan:

Narrator: Aldrich Jacob


David: Jayden Barona
Pulubi 1: Kian Clark
Pulubi 2: Chrizann
Tindero: Aaron James
Janitor: Vhonn Gethro
Kaibigan (Alexa): Vjera

Narrator (Aldrich): Habang naglalakad si David pauwi ng bahay galing sa paaralan, may nakasalubong
siyang mga pulubi na nanglilimos.

Pulubi 1 (Kian): Maaari bang manglimos? Ilang araw na kasi kaming hindi kumakain.

David (Jayden): Ito ang 20 pesos, at ang natirang pagkain ko kanina. Pagpasensyahan nyo na.

Pulubi 1 (Kian): Naku, maraming salamat. Makakabili na kami ng aming makakain.

Pulubi 2 (Chrizann): Salamat, gutom na gutom na kami. At naghihintay din ang iba naming kapatid
para may makain sila.

David (Jayden): Walang anuman.

Narrator (Aldrich): Masayang nakauwi ng bahay si David. Maya-maya ay may kumakatok sa kanilang
pintuan. Ang kanyang kaibigan na si Alexa.

Tok tok tok

David (Jayden): Sino po sila?

Alexa (Vjera): David, si Alexa ito. Maaari mo ba akong matulungan sa aking takdang aralin?

David (Jayden): Halika at pumasok ka. Tutulungan kita sa iyong takdang aralin.

Alexa (Vjera): Naku, maraming salamat David.

Narrator (Aldrich): Tinulungan ni David ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ay umuwi na ito.
Kinabukasan, habang naglalakad naman si David papunta sa kanilang paaralan, may nakasalubong
siyang isang tindero na hirap na hirap buhatin ang kanyang kariton.

Tindero (Aaron): Iho, maaari mo ba akong tulungan magtulak?

David (Jayden): Opo! Tutulungan ko po kayong magbuhat kahit hindi ninyo sabihin sa akin.

Narrator: At tinulungan ni David ang tindero hanggang sa ito ay makarating sa kanyang pwesto.
Pagdating sa kanilang paaralan, nakita naman ni David ang kanilang Janitor na nadulas habang
naglilinis ng sahig.

David (Jayden): Kuya, tulungan ko na po kayo! May natitira pa naman pong oras bago ang aming
klase.

Janitor (Vhonn): Naku, maraming salamat David. Nadulas ako sa natapon na juice ng isang bata.

Narrator (Aldrich): Si David ay isang mabuting bata. Tinuruan siya ng kanyang mga magulang na
maging mabuti sa iba sa kung ano ang kanyang makakayang ibigay na tulong na hindi naghahanap ng
kapalit.

Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, si David naman ang nangangailangan dahil naiwan siya
mag-isa sa kanilang bahay. Habang siya ay naglalakad upang makahanap ng makakain, nakasalubong
niya muli ang mga pulubi, at sila naman ang nagbigay ng pagkain kay David.

Pagkatapos, nakasalubong niya ang kanyang kaibigan na si Alexa, at tinulungan naman ni Alexa si
David sa kanyang takdang aralin.

Isang umaga, habang naglalakad si David papuntang paaralan nakasalubong niya ang tindero, at
binigyan siya nito ng masarap na tinapay na naging baon ni David sa paaralan.

Pagdating sa paaralan, nakita siya ng kanilang Janitor at tinulungan si David na buhatin ang kanyang
mabigat na bag papunta sa kanilang silid.

Sa aming patalastas o commercial, makikita natin na kung anong ginawa mo sa iyong kapwa, ay
babalik din ito sa iyo. Kung nagbigay ka ng kabutihan, may kabutihan din na darating sa iyo sa oras ng
iyong pangangailangan. Kaya, tularan natin ang mabait na batang si David.

Maraming salamat sa inyong pakikinig.

You might also like