You are on page 1of 3

Ang pagkakaroon ng K-12 curriculum sa ating bansa ay naging isang malaking usapin, maraming sumang-

ayon at marami ring tumutol sa desisyong ito ng DepEd. Kabilang ako sa mga taong sumuporta sa
desisyong nagawa ng DepEd. Kahit na ito ay naging suliranin sa nakararami lalong-lalo na sa mga
magulang na nagpapa-aral sa kanilang mga anak, makikita pa ring may malaki itong ambag at tulong
para sa mga mag-aaral at sa susunod na hihiranging mga manggagawa ng bansa.

Una, ginagawa nito na hubugin at linangin ng mas mabuti ang mga kakayahan at kaalaman ng isang
estudyante tungo sa pagiging mas kwalipikado at handang mag-aaral sa kolehiyo at manggagawa o
empleyado sa darating na panahon. At marami na ngayon sa buong sakop ng mundo ang nagkakaroon
ng ganitong pamamalakad sa kanilang sistemang pang-edukasyon, at upang ang ating bansa ay
makasabay sa mga bagong pamamaraan ng iba, kailangan din nating isagawa ang kurikulum na ito. Kung
saan makakatulong ito sa ating mga mag-aaral na hindi mahirapan umangkop sa mga pangyayaring
nangyayari sa labas ng bansa. Kung kaya't nasasabi na ang k-12 curriculum ay tinutulungan hubugin ang
bawat mag-aaral sa mas mahusay na bersiyon ng kanilang mga sarili.

Hindi magiging isang dagok sa lipunan ang kurikulum na ito. Kung ang iba man ay nahihirapan sa
pagpapa-aral ng kanilang mga anak, bukas ang mga pampublikong paaralan para sa kanila. Bilang mga
magulang, huwag nating pagkaitan ang ating mga supling sa mas magandang buhay na maaaring
ipagkaloob sa kanila. Suportahan natin sila, ipagpatuloy at pagtibayin ang nasimulan.

Ang Alamat ng Tubig Alat


Noong unang panahon, sa isang malayong lugar nakatira ang mag asawang sina Dodong at Maria na
kung saan si Dodong ay laging nangingisda upang may mapakain sya sa kanyang asawa na si Maria.
Mahirap lang ang buhay nila pero may mga mabuti itong loob.

Isang araw, aalis na si Dodong ng maagang maaga upang magtrabaho sa gitna ng karagatan. Sa
kasaamang palad, gagabi na kaso pira piraso pa lamang ang kanyang nakuha kaya’t ito ay kanila nalang
inulam.

Makalawang araw, nag mamadali si Dodong na umalis dahil tatanghaliin na sya sa trabaho.

Maria: Dong! yung kaning bola na ginawa ko para sayo dalhin mo pangtawid gutom.

Dodong: Sige, salamat mahal!

Sa sobrang pag mamadali ni Dodong, biglang nalaglag sa isang maliit na butas ang kanyang dalang
pagkain na ginawa ng asawa nya. Pilit nya itong hinanap sa butas ngunit iba ang nakita nito. Mga maliit
na di nilalang na kung tawagin ay duwende. Nakita si Dodong ng mga duwende at tarantang taranta ang
mga ito. Dagil sa taranta, aksidenteng na daganan ng mga duwende ang isa nilang kasamahan. Kaya
naman ito’y tinulungan ni Dodong. Binigay ng mga duwende ang nahulog na pagkain ni Dodong.
Lumabas ang pinuno ng mga duwende at ito’y namangha sa kabutihang ginagaw ni Dodong kaya naman
binigyan ito ng isang mahiwagang gilingan.

Duwende: dahil sa iyong mabuting kalooban, bibigyan kita ng isang mahiwagang gilingan. Ang gilingan
na ito ay tumutupad ng kahit ano mang hiling na nais mo. Iisipin mo lang ang nais mo, papaikutin mo to
pakaliwa pag mag bukas at pakanan naman upang matigil ang paglabas ng kahit ano mang bagay na
hiniling mo.

Dodong: Totoo ho ba?! maraming salamat ho dito!

Agad na kumaripas sa pag takbo si Dodong pauwi dahil gusto nyang ikuwento sa kanyang asawa ang
nangyari. Kinuwento na nga ni Dodong kung ano ang nangyari sa kanya.

Maria: Toto ba yan mahal ko?!

Gulat na sagot ni Maria.

Dodong: Subukan natin kung talagang totoo ba yung sinabi ng duwende.

Dodong: Bigyan mo kami ng ginto.

Pinihit ni Dodong pakaliwa at nagulat sila sa walang tigil na pag labas ng ginto sa gilingan. Pinihit naman
ulit ito ni Dodong pakanan ng sagayon ito ay tumigil sa pag labas.

Makalipas ang mga araw, si Dodong ay nangisda sa karagatan. Sa kasamaang palad, wala pa itong
nabibingwit kaya naman si Dodong ay kumain na lang muna ng mangga at nag aantay na may ma
bingwit.
Dodong: Teka lang, parang mas masarap kainin tung manggang to pag may asin. Pero sa ako kukuha ng
asin eh wala akong dala. Ahh tamang tama dala ko yung mahiwagang gilingan, hihiling nalang ako ng
asin dito.

Humiling na nga si Dodong sa mahiwagang giliran kaya naman ito ay pinihit na nya pakaliwa. Habang
pinipihit nya ito, biglang may kumagat sa pain nya kaya naman madali nya itong kinuha. Sa pagmamadali
ni Dodong sa pagkuha sa pain nya, di na nya na malayan na puno na pala ng asin yung bangka nya.
Lumubog sa bigat ang bangka ni Dodong. Sa kabutihang palad, hindi na lunod si Dodong. Pero hindi na
nya magawang ma pihit pa kanan para mapatay yung mahiwagang gilingan at hindi na nya ito makita
dahil sa lalim ng binagsak nito. Mula noon nagsimula nang umalat ang dagat.

You might also like