You are on page 1of 2

NASAN ANG LANGIT

May isang taong ibig malaman kung saan ang langit, kung ano ang ayos nito at kung
ano ang mararamdaman kapag narito na.
Marami ang nagsasabi sa kanya na makakamtam ang langit sa kabilang buhay. Ang
sabi ng iba, naririto mismo sa lupa ang langit. Ang sabi rin ng iba, wala raw langit.
Dahil sa mga ganitong sagot, lalong naguluhan ang isip niya. Ngunit sinunod niya ang
iba’t ibang payo ng kung sino- sino. Ngunit hindi siya nasiyahan. Hindi rin siya lumigaya.
Isang araw, nagdasal siya ng taimtim at hiniling sa Diyos na sana’y ipakita sa kanya
kung ano ang ayos ng langit. Maya- maya ay naidlip siya.
Sa kanyang panaginip, ginising siya ng isang matanda at niyaya siya na mamasyal
upang makita niya ang langit.
Sa di kalayuan, nakita niya ang kanyang bahay at ang iba pa niyang nakikita sa araw-
araw. Ang mga puno, mga hayop, mga tao at lahat ng bagay na nasa pamayanan niya. Nakita
rin niya ang isang umpok ng mga kababaihan at kalalakihan nagsasayaw, nagbibiruan,
nagtatawanan, at nagkakainan. Nakita niya ang pulutong ng mga taong nanonood sa dalawang
lalaking nag- aaway.
Lalakad pa sana siya sa dako pa roon ngunit may ilog na humadlang sa kanya. Bumalik
siya at nabugnot. Ito ba ang langit? Ito ang pang- araw- araw na nakikita ko?
Nag- isip siya. Paano magkakaroon ng biruan, sayawan, at halakhakan sa langit? Paano
magiging langit ang pook na may nag- aaway at sigalutan? Lahat ba ng ito ay ang iyong
karaniwang bagay na nakikita niya?
Maya- maya, tumango- tango siya, “Nasa sarili ang langit. Nasa pakikisama sa iba at
pakikibaka sa masasama. Nasa sarili ang kaligayahan, ang kasiyahan at walang kabuluhang
bagay”.

271 salita
Baitang 9
SI GOYO

Isang elepante si Goyo. Wala pa siyang isang taong gulang nang dalhin dito buhat sa
India. Sa Hardin Botaniko siya inalagaan.
Ngayon, labinlimang taong gulang na siya at kaibigan ng lahat. Natutuwa sa kanya ang
mga bata at matanda sapagkat isa siyang payaso. Ibig na ibig niya ang damo ngunit pambihira
ang pagkahilig niya sa sorbetes. Alam niya ang kuliling ng magsosorbetes. Marunong siya
umabot nito sa pamamagitan ng kanyang trompa. Marunong din magpasalamat si Goyo sa
pamamagitan ng pagsiyap.
Mabiro si Goyo, kung minsan, sinusumpit niya ng tubig ng kanyang trompa ang
sinumang lumapit sa kanya. Dumadamba siya ng dahan- dahan upang makatawag ng pansin.
Marami siyang nalalamang panloloko kaya’t tuwang- tuwa sa kanya ang sinumang dumadalaw
sa Hardin Botaniko.
Isang araw, ayaw kumain ni Goyo. Kahit anong ialok sa kanya ay ayaw niyang pansinin.
Inalok din siya ng sorbetes ngunit hindi man lamang ito tiningnan. Nang suriin ng tagapag-
alaga, may bukol palang tumutubo sa pagitan ng mga daliri nito.
Ilang araw ang lumipas. Lumala ang sakit ni Goyo. Walang tigil sa kauungal at
katataghoy si Goyo. Iwinawasiwas niya ang kanyang trompa nang kaliwa’t kanan. Takot ang
lahat ng taong lumalapit sa kanya. Pati ang tagapag-alaga ay hindi makalapit. Takot din ang
beterinaro, sapagkat baka maghuramentado si Goyo.
Magang- maga na ang isang paa ni Goyo. Ito pa naman ang pinakamaselang bahagi sa
katawan ng elepante.
Isang, araw batang batang beterinaryo ang dumating. Naibalita sa kanya ng dating
beterinaryo ang katayuan ni Goyo. Bubusbusin niya ang bukol nito.
Nahintakutan ang mga taong naroroon. Natatakot silang baka saktan ni Goyo ang
batang beterinaryo. Ngunit hindi man lamang ito nangamba. Hinugasan niya ang namamagang
paa ni Goyo. Kinuha sa lukbutan ang matalim na pambusbos at inilagay ito sa bukol.
Pumulandit ang dugo. Umungol si Goyo at dahan- dahang ibinaba ang kanyang trompa.
Nilagyan ng beterinaryo ng gamot ang kanyang sugat.
Parang bumuti ang pakiramdam ni Goyo.Maya- maya ay may nag abot sa kanya ng
isang malaking apa na punong- puno ng sorbetes. Inabot ito ni Goyo at anyong isusubo- ngunit
hindi itinuloy. Inabot niya ito sa beterinaryong gumamot sa kanya.
Marunong magpasalamat ang elepante.

380 salita

You might also like