You are on page 1of 62

Alagad ako ni Jesus

Mga Aralin sa Pambatang Sunday School


Buwan ng Agosto at Setyembre, 2022

______________________________
Pangalan
_______________________________
Pangalan ng Church

1 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


2 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
Agosto 7, 2022

Ako ay Laging Handa


Lucas 12: 32-40

Deaconess Mary Joyce Villanueva

3 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


STORY TIME

Si Gab ay batang mahilig mag-ipon. Mayroon syang malaking


piggy bank sa kanilang bahay at lahat ng sukli na ibinibigay sa
kanya ay dito niya hinuhulog. Noong nakaraang Pasko binigyan
siya ng kanyang mga ninong at ninang ng pera at inilagay rin
niya sa kanyang piggy bank. Napakaraming pera na ang naipon
ni Gab.
Noong nakaraang February 2, na kanyang birthday, binigyan din
siya ng kanyang lolo at lola ng pera, hindi rin niya ito ginastos,
idinagdag niya ito sa kanyang alkansya. Halos mapuno na ang
kanyang alkansya at nakita ito ng kanyang mommy.
“Gab, mabuti ang mag-ipon ng pera, pero huwag sanang ito ang
maging number 1 sa buhay mo.”
“Opo, mommy! Naaalala ko po ang isang lesson namin sa
Sunday School na itinuro ni Teacher Dolly. Sabi po niya hindi
daw pera ang pinaka importanteng bagay sa mundo. Kinuwento
po nya sa amin ang Lucas 12:32-40. Wait lang po kukunin ko po
ang Bible ko para basahin ulit ito. ”
Hinanap nga ni Gab sa kanyang Bible ang Lucas 12:32-40 at ito
ay kanyang binasa nang malakas.
4 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
Ang Kayamanang Hindi Mawawala

“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod


ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. Ipagbili ninyo ang
inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan!
Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo
sa langit ng kayamanang hindi nauubos. Doo'y walang
magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira. Sapagkat
kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong
puso.”

5 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Mga Aliping Laging Handa
“Maging handa
kayong lagi at
panatilihing
maliwanag ang
inyong mga ilawan.
Tumulad kayo sa
mga aliping
naghihintay sa pag-
uwi ng kanilang
panginoon buhat sa
kasalan, upang kung
ito'y dumating at
kumatok ay
mabuksan nila agad
ang pinto.
Pinagpala ang mga
aliping aabutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon.
Tandaan ninyo: magbibihis siya at pauupuin sila, ipaghahanda
sila ng pagkain at pagsisilbihan. Pinagpala sila kung maratnan
silang handa pagdating ng Panginoon, maging sa hatinggabi o sa
madaling-araw man. Sinasabi ko sa inyo, kung alam lamang ng
may-ari ng bahay kung anong oras darating ang magnanakaw,
hindi niya pababayaang makapasok ito. Kayo man ay dapat na
humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi
ninyo inaasahan.”
Tuwang tuwa ang Mommy ni Gab. Hindi lang siya marunong
mag ipon ng pera para sa kinabukasan, pinahahalagahan din ni
Gab ang mga kwento sa Biblia na kanyang naririnig.
6 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
ARAL:
1. Maraming mga kayamanan ang hindi mawawala at hindi
nauubos.
2. Dapat tayo ay laging handang tumulong sa mga mahihirap.
3. Dapat tayo ay laging handang gumawa ng mabuti
4. Dapat tayo ay laging handang tumulong sa kapwa natin.
5. Dapat tayo ay laging handang maglingkod sa Diyos.
PANALANGIN:
Aming Panginoong Jesus, maraming salamat po sa pagpapaalala
sa amin na kailangan naming mag-ipon ng kayamanan sa langit.
Ito ay mga bagay na hindi mawawala at hindi masisira.
Patawarin po ninyo kami kung naka-focus po kami sa mga
kayamanan dito sa lupa. Tulungan mo po kami na laging maging
handang maglingkod at gawin ang nais mo sa aming buhay.
MEMORY VERSE:
“Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din
ang inyong puso.”
Lucas 12:34
MGA TANONG:
1. Anong bagay ang mayroon si Gab?
2. Ano ang kanyang ginagawa tuwing makakatanggap siya ng
pera?
3. Ano daw dapat ang ating iniipon ayon sa Lucas 12:34-40?
4. Ano ang mga bagay na dapat nating ginagawa upang
makaipon ng kayamanan sa langit?
5. Anong mga bagay ang dapat nating paghandaan?

7 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 1:

Kulayan ang nagpapakita ng dapat gawin para


magkaroon ng kayamanan sa langit. Lagyan ng ekis ang
hindi.

8 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 2
Hanapin ang mga letra gamit ang mga numbers at isulat ito sa
patlang.

9 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Agosto 14, 2022

Estudyante Ako ni Jesus


Lucas 12: 49-56

Deaconess Mary Joyce Villanueva

10 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


STORY TIME

Si Ariel ay batang ayaw papasok sa paaralan. Siya ay 11 taong


gulang na pero araw araw ay kailangan siyang itayo mula sa
higaan ng kanyang Nanay Lydia.
Isang araw ng Lunes, nagmamadali si Nanay Lydia na maghanda
ng agahan para makakain si Ariel bago pumasok sa paaralan.
“Ariel, Ariel gising na! Handa na ang almusal mo. Kumain ka na
at baka mahuli ka pa sa school,” ang nagmamadaling sabi ng
nanay ni Ariel.
Nagtulug-tulugan si Ariel at hindi siya tumayo sa kanyang higaan
kaya’t nilapitan siya ng kanyang nanay at pinilit na itinayo sa
kanyang higaan. Walang nagawa si Ariel kundi tumayo at
sumunod sa kanyang nanay upang kumain at maghanda para
pumasok sa eskwelahan.
Naupo rin si Nanay Lydia sa hapag kainan upang kwentuhan ang
kanyang anak.
“Anak, gusto mo bang maging alagad ni Jesus?” tanong ni Nanay
11 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
Lydia.
“Opo, Nanay!” mabilis na sagot ni Ariel.
“Sabi ni Jesus dapat tayong mag-aral na mabuti upang malaman
at maunawaan natin kung ano ang nangyayari sa ating paligid.”
“Nanay, yan po ba yung sinasabi sa Lucas 12:53-65? Parang
narinig ko po kasi na binasa ni Pastor nung Sunday ang kwento
na yan. Teka, kukunin ko lang po ang Bible ko para mahanap ko
at mabasa.”
Sinabi rin ni Jesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong
kumakapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyo agad na uulan,
at ganoon nga ang nangyayari. At kung umiihip ang hangin
mula sa katimugan ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakaganoon
nga. Mga mapagkunwari! Marunong kayong umunawa ng
palatandaan sa lupa at sa langit, bakit hindi ninyo nauunawaan
ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?”

12 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


“Tama anak! Yan nga ang gusto kong sabihin sayo. Dapat bilang
isang estudyante ikaw ay maging masipag at matiyaga sa iyong
pag-aaral sa school at sa mga bagay na itinuturo ni Jesus para
alam natin ang mga nangyayari sa
ating paligid sa kasalukuyang
panahon.”
“Nanay, patawarin po ninyo ako.
Mula po ngayon, magsisipag na po
ako sa aking pag-aaral at
matutulog ng maaga para
makagising din po ng maaga.
Salamat din po dahil hindi po kayo
nagsasawa na maghanda ng
kakainin ko at hindi po kayo
nagsasawa sa gisingin ako tuwing
umaga.”
Niyakap ni Ariel si Nanay Lydia at
siya ay masayang pumasok sa school.

ARAL:
1. Tayo ay alagad ng Panginoon at dapat tayong nag-aaral ng
kanyang mga itinuturo.
2. Tayo ay mag-aral mabuti ng mga Salita ng Diyos.
3. Kailangan din nating maging masipag at matiyaga sa ating
pag-aaral sa school.
4. Bilang alagad ng Diyos kailangan din natin pag-aralan ang
nangyayari sa ating paligid.

13 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


MEMORY VERSE:
“Mga mapagkunwari! Marunong kayong umunawa ng
palatandaan sa lupa at sa langit, bakit hindi ninyo nauunawaan
ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?”
Lucas 12:56
PANALANGIN:
Mahal na Diyos, maraming salamat po sa pagkakataon na kami
ay makapag-aral ng iyong mga salita at makapag-aral ng maayos
sa aming mga eskwelahan. Salamat din po sa aming mga
teachers sa school at sa church na tumutulong sa amin upang
mas maintindihan ang aming mga lessons. I-bless mo po kaming
lahat. Amen.

MGA TANONG:
1. Sino ang batang tinutukoy sa kwento?
2. Ano ang katangian ng batang ito?
3. Sino ang tumulong sa kanya upang mabago ang kanyang ugali?
4. Anu- ano ang mga bagay na dapat nating gawin bilang mag-
aaral sa ating school at sa Sunday school?
5. Paano natin maunawaan natin ang mga nangyayari sa ating
paligid?

14 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 1
Pagdugtungin ang numbers 1-18 at kulayan ang larawan.

15 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 2
Bilugan ang mga bagay na ginagamit mo sa school.

16 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Agosto 21, 2022

Pinalaya na Ako ni Jesus


Lucas 13: 10-17

Deaconess Rhona Grace Añada


17 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
STORY TIME

Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagtuturo sa isang


sinagoga. May isang babae roon na labing-walong taon nang
may karamdamang sanhi ng isang masamang espiritu.

18 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Siya'y nakukuba at hindi na makaunat. Nang siya'y makita ni
Jesus, tinawag siya at sinabi, “Magaling ka na sa iyong
karamdaman.” Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa
babae, at noon di'y naibalik ang dati niyang postura at nagsimula
siyang magpuri sa Diyos.

Siya'y nakukuba at hindi na makaunat. Nang siya'y makita ni


Jesus, tinawag siya at sinabi, “Magaling ka na sa iyong
karamdaman.” Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa
babae, at noon di'y naibalik ang dati niyang postura at nagsimula
siyang magpuri sa Diyos.

19 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagkunwari! Hindi ba't
kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o asno at dinadala
sa painuman kahit sa Araw ng Pamamahinga? Ang anak na ito ni
Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labing-walong taon.

Hindi ba dapat siyang kalagan kahit na sa Araw ng


Pamamahinga?” Napahiya ang lahat ng kumakalaban kay Jesus
dahil sa isinagot niya. Natuwa naman ang mga tao dahil sa lahat
ng mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

20 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


ARAL:

Pinapagaling at pinapalaya tayo ni Jesus sa


anumang uri ng sakit.

Magtiwala tayo sa kapangyarihan ni Jesus.

Tayo ay may tungkulin na dapat gawin upang


pangalagaan ang ating sarili.
Magalak at purihin natin si Jesus sa lahat ng
kanyang mga ginawa.

Maging mapagpakumbaba tayo.

PANALANGIN

Mahal naming Jesus na nagpapagaling ng


lahat ng uri ng sakit, kami ay nagpupuri sa
21 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
iyong kapangyarihan. Tulungan mo po kami na laging magtiwala
sa iyo at sa iyong mga salita. Pagalingin mo po ang lahat ng may
sakit sa oras na ito. Salamat po Jesus. Mahal po kita Jesus.
Amen!

MEMORY VERSE
“Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga
bagay na panlupa.”
Colosas 3: 2

MGA TANONG
1. Ano ang sakit ng babae at ilang taon na niya itong
nararamdaman?
2. Paano siya pinagaling ni Jesus? Ano ang kanyang reaksyon?
3. Sino ang nagalit sa ginawa ni Jesus at bakit?
4. Ano ang naramdaman ng lahat ng kumalaban kay Jesus?
22 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
5. Naranasan mo na ba ang magkasakit nang matagal? Ano ang
pakiramdam mo at ano ang ginawa mo?
6. Paano mo hihikayatin ang iba na magtiwala kay Jesus?

GAWAING KAMAY 1

Kulayang mabuti ang larawan.

23 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


GAWAING KAMAY 2
HANGING HEART

24 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Mga Gamit na Kailangan: Yarn o sinulid, straw o gawa sa tinuping
papel, crayons.
Gabay sa Paggawa:
1. Guhitan ng mga bahagi ng mukha ang larawan.
2. Kulayan ng mabuti
3. Lagyan ng tali sa straw gamit ang yarn.

25 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Agosto 28, 2022

Magpapakumbaba Ako
Lucas 14: 1, 7-14

Deaconess Cory De Ocampo-Roque


STORY TIME
26 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
Masayang lumalangoy ang grupo ng mga isda sa karagatan at
pinag-uusapan ang nalalapit na karera ng mga isda. Lahat ay
maaaring sumali, maliliit o malalaki man, kaya naman tuwang-
tuwa ang lahat at marami ang nais sumali. ”Sasali ako sa karera ng
mga isda..kaya kong lumangoy ng mabilis” sabi ni Bangus. ”Ako
din sasali din ako kahit maliit lamang ako, ibibigay ko ang aking
buong makakaya para sa karera”, sagot naman ni Galunggong.

Walang anu-ano’y sumabat sa usapan si Pating. ”Aba! ang liliit


ninyo sasali kayo sa karera? Kaming mga malalaking isda ang may
karapatang sumali sa karera dahil walang kasing bilis ang aming
paglangoy.” ”Teka, hindi yata tama yan Pating. Masyado kang
nagmamataas. Akala mong ikaw lang ang may kakayahang sumali
27 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
sa karera, lahat naman ay pwede,” sagot naman ni Bisugo. ”Oo
nga. Lahat ay maaaring sumali pero tiyak naming kaming mga
malalaking isda ang mananalo,” sabay tawa pa ng nang iinis na si
Pating.

Maya-maya habang sila’y lumalangoy, hindi nila napansin ang


lambat sa kanilang daraanan. Nahuli silang lahat pero buti na lang
malalaki ang butas ng lambat, nakawala ang maliliit na isda at ang
malalaking isda ang nahuli. Mabilis na lumagoy nang mabilis ang
ibang maliliit na isda palayo sa lambat.

”Grabe mga kasama buti nakaligtas tayo sa lambat ano. Kaya lang
nakakalungkot sila Pating nahuli ng lambat. Hindi na sila
makakasali sa karera ng mga isda,” sagot naman ni Bangus. ”Oo
nga kahit nagmamataas siya na silang malalaking isda ang
mananalo, gusto parin natin silang makasama,” sagot naman ni
Galunggong.

28 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


”Alam nyo bang may kwento sa Biblia tungkol sa mabuting
pakikitungo at pagpapakababa mga kasama?” sagot ni Bisugo.
”Gusto nyo bang ikwento ko ito sa inyo?”
”Oo Bisugo. Ikwento mo nga at makikinig kaming lahat, ” sagot
naman ng ibang mga isda. ”Sige makinig kayo at ito ang kwento,”
wika ni Bisugo.

Napansin ni Jesus na pinipili ng ilang mga panauhin ang mga


upuang pandangal. Kaya't sinabi niya ang talinghagang ito sa
kanila. “Kapag inanyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang uupo
agad sa upuang pandangal. Baka may inanyayahang mas kilala
kaysa sa iyo. Baka lapitan ka ng nag-anyaya sa inyong dalawa at
sabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay mo ang upuang iyan sa taong
ito?’ Sa gayon, mapapahiya ka at doon ka uupo sa pinakaabang
upuan. Mabuti pa, kapag naanyayahan ka, doon ka muna maupo
sa pinakaabang upuan. Kapag lumapit sa iyo ang nag-anyaya at
kanyang sinabi, ‘Kaibigan, dito ka sa kabisera,’ mapaparangalan ka
sa harap ng lahat ng mga panauhin. Sapagkat ang nagmamataas
ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”

29 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag
naghahanda ka ng isang salu-salo, huwag ang iyong mga kaibigan,
mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang
aanyayahan mo, dahil aanyayahan ka rin nila at sa gayon ay
susuklian ang iyong ginawa. Subalit kapag ikaw ay maghahanda,
anyayahan mo ang mga

mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga bulag. Kapag ganito ang
ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang
ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa
muling pagkabuhay ng mga matuwid.
”Ang ganda ng kwento Bisugo! Talaga palang hindi kinalulugdan
ng Diyos ang mga mapagmataas kundi ang mga mapagkumbaba,”
sagot ni Galunggong.
30 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
”Oo tama naman talaga, hindi magandang pag-uugali iyon at
nakakasakit pa tayo ng damdamin ng iba. Imbes na magmataas
tayo, isipin muna natin ang kalagayan ng iba. Kagaya ng nangyari
kanina. Hindi natin inaasahan na si Pating ay mahuhuli
samantalang siya ang nagmamataas kanina habang nag-uusap
tayong mga isda. Nakakalungkot man na nahuli sila, minsan ang
ating pagiging mapagmataas ang magpapahamak sa atin,” sagot
naman ni Bangus.

”O sya mga kasama. Alam kong sabik na tayong sumali sa karera


ng mga isda. Tara na’t paghandaan na natin at mag-aya pa tayo ng
iba pang mga isdang nais sumali. Mas marami sasali, mas masaya
di ba?” wika ni Galunggong.
At masaya muling lumangoy ang grupo ng mga isda sa karagatan
na mga sabik sumali sa paligsahan sa mga susunod na araw.

ARAL:
31 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
1. Hindi ako magmamataas sa aking kapwa. Lahat tayo ay
pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
2. Pakakaisipin kong mabuti kung may masasaktan ako sa aking
ginagawa at sinasabi.
3. Hindi kinalulugdan ng Diyos ang nagmamataas kundi ang mga
nagpapakumbaba.
4. Ang Diyos ang dapat nating itinataas hindi ang ating mga sarili
sa ating mga ginagawa.
5. Minsan, ang pagiging mapagmataas sa kapwa ang
magpapahamak sa atin.

PANALANGIN:
Aming Kaibigang Jesus, marami pong salamat sa pagpapaalala sa
bawat isa sa amin na dapat kaming maging mapagpakumbaba at
huwag magmataas sa aming kapwa. Lagi po nawa naming gawin
ang mga bagay na nakalulugod sa iyong harapan, may
nakakakita man o wala. Hangarin po nawa naming palagi ang
pusong mapagkumbaba saan man po kami naroroon. Ito po ang
aming panalangin na may pagpapasalamat. Amen.

MEMORY VERSE:
“Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa, at ang
nagpapakumbaba ay itataas.”
Lucas 14:11

MGA TANONG:

32 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


1. Ano ang pinag-uusapan ng grupo ng mga isda sa karagatan?
2. Paano nakipag-usap si Pating sa ibang mga isda?
3. Ano ang nangyari sa mga isda habang sila ay nag-uusap?
4. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pagiging
mapagmataas?
5. Bilang bata, paano mo maipapakita ang pagiging
mapagkumbaba sa iyong kapwa?
GAWAING KAMAY 1:
Kulayan ayon sa hinihinging kulay ng bawat numero.

GAWAING KAMAY 2:

33 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Panuto:
1. Gupitin ang mga larawan ni Jesus at mga kahon.
2. Ilagay ang mga sumusunod na salita sa bawat kahon:
• Hindi ako magiging mayabang sa kapwa.
• Hindi ko iisiping mas magaling ako sa iba.
• Kapag ako ay pinupuri, ang Diyos ang aking itataas.
3. Ilagay ang salitang “PAGPAPAKUMBABA”sa unang kahon at
gamit ang yarn o tali, butasan ito na magiging lusutan ng yarn.

Setyembre 4, 2022

34 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Nakahanda Akong Magsakripisyo
Lucas 14: 25-33

Ate Dorothy Angeles-Pelayo


STORY TIME

35 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Isang araw ay naguguluhang nagtanong si Anna sa kanyang
mommy.
“Mommy, nagbabasa po kasi ako ng Bible para sa Sunday School
namin kaso naguguluhan po ako sa binabasa ko. Pwede mo po
bang i-explain sa akin?” pakiusap ni Anna.
“Ano iyon, anak?” pag-uusisa ng kanyang mommy.
“Ang sabi po kasi ni Jesus ‘hindi maaaring maging alagad ko ang
sinumang umiibig sa kanyang ama
at ina, asawa at mga anak, mga
kapatid, at maging sa sarili niyang
buhay nang higit sa akin. Ang hindi
magpasan ng sarili niyang krus at
sumunod sa akin ay hindi
maaaring maging alagad ko,’ ibig
po bang sabihin nito, kailangan ko
po kayong iwanan kapag gusto
kong sumunod kay Jesus?”
naguguluhang tanong ni Anna.
“Anak, ang ibig sabihin ng sinabi ni Jesus ay kung gusto mong
maging alagad niya, dapat ay willing kang sumunod sa kanya at
hindi mo na susundin ang gusto mong pansarili. Mas uunahin
mo siya at mas mamahalin kaysa sa kahit sino pa man,”
paliwanag ng kanyang mommy.
“Naiintindihan ko na po, mommy. Ibig sabihin po ay handa po
ako dapat na talikuran ang mundong ito para sa kanya,”
naliwanagang sagot ni Anna.

36 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


“Mommy, sinabi rin po ni
Jesus, ‘Kung ang isa sa inyo'y
nagbabalak na magtayo ng
tore, hindi ba siya uupo muna
upang magplano at
kuwentahin kung magkano
ang magagastos niya upang
matiyak kung may sapat
siyang pera para maipatapos
ang kanyang ipapatayo? Baka
matapos mailagay ang mga
pundasyon ay hindi naman
mayari ang tore. Siya'y
kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. Sasabihin nila,
‘Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman
naipatapos,’” dugtong pa ni Anna.
“Ibig sabihin naman nito ay kapag nais mong sumunod kay Jesus,
kailangan mong maglaan ng panahon para maghanda. Hindi
maaaring magsisimula ka ngunit dahil kulang ka sa pagplaplano
o paghahanda, hindi mo ito matatapos,” dagdag pa ng kanyang
mommy.
“Mommy, last na po. Sinabi rin po ni Jesus ‘sinong hari na
makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna mauupo upang
pag-aralang mabuti kung kaya niya, gamit ang sampung libo
niyang kawal, na sumagupa sa kalaban na may dalawampung
libong kawal? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay
magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo,”
pagtatanong pa ni Anna.

37 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


“Anak, ang ibig sabihin naman nito ay kailangan mong aralin ang
sitwasyon. Hindi maaaring sugod ka lang nang sugod na hindi mo
pag-aaralan at paplanuhin ang iyong mga gagawin lalo na kung
ito ay para kay Jesus,” pagpapaliwanag ng kanyang mommy.
“Naintindihan ko na po, mommy. Ibig sabihin po pala ay
kailangan kong maghanda, magplano at willing na magsakripisyo
kung gusto kong maging alagad ni Jesus,” naliwanagang sagot ni
Anna.
“Tama, anak. Kaya ang pagiging alagad ni Jesus ang isa sa
pinakamahalagang desisyon sa ating buhay. Ikaw ba, anak?
Nakahanda ka ba na maging alagad Niya?” tanong ng kanyang
mommy.
“Oo naman po, mommy. Lalo po ngayon na mas naintindihan ko
na kung paano magiging alagad Niya,” masayang sagot ni Anna.

38 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


ARAL:
1. Ang pagiging alagad ni Jesus ay nangangailangan na tayo ay
maging handa sa pagsasakripisyo at uunahin natin palagi ang
Diyos.
2. Nais ni Jesus na tayo ay matutong magplano lalo na kung ang
gagawin natin ay para sa kanya.
3. Nais ni Jesus na tayo ay matutong mag-aral ng sitwasyon
upang tayo ay magtagumpay sa paglilingkod sa kanya.
PANALANGIN:
Aming kaibigang Jesus, salamat po dahil naliwanagan kami sa
iyong mga sinabi at natutunan namin kung paano ang maging
alagad mo. Turuan at tulungan mo po kami na makapaghanda,
makapagplano at maging willing na magsakripisyo para sa iyo. Sa
pangalan mo lamang po, Jesus. Amen.
MEMORY VERSE:
“Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad ko ang
sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang
buhay.” Lucas 14:33
MGA TANONG:
1. Ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Jesus na “Ang hindi
magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa akin ay hindi
maaaring maging alagad ko?”
2. Base sa kwento, ano ang ating mga dapat gawin kung nais
nating maging alagad ni Jesus?
3. Handa ka bang magsakripisyo bilang alagad ni Jesus? Anu-ano
ang mga naiisip mong isakripisyo para sa Kanya?

39 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 1
Ang mga larawan sa ibaba ay nagpapakita ng maaari nating
ibigay at isakripisyo para kay Jesus kahit tayo ay bata pa. Kulayan
ito nang mabuti.

TALENTO

KAYAMANAN

PANAHON

40 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 2
PANUTO: Gumupit ng maliliit na papel mula sa magazine o art paper at
idikit sa krus sa ibaba.

Handa Akong
Magsakripisyo

Halimbawa na maaaring gawin:

41 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Setyembre 11, 2022

Hahanapin Ko ang Nawawala


Lucas 15: 1-10

Woman Worker Maila Moya-Garcia

42 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


STORY TIME
Sa isang kabukiran ay may mag-lolo na
nag-uusap. “Tope bakit ka umiiyak?” ang
tanong ni Lolo Juan sa kanyang apo.
“Lolo nawawala po kasi ang alaga kong
manok. Kanina lang po ay pinakain ko pa.
Huhuhu,” iyak ni Tope.
“Sige apo, huwag ka nang umiyak at
hahanapin natin ang iyong alagang manok,” pangako ng Lolo.
Inabot sila ng tanghali sa paghahanap ng manok ni Tope bago
nila ito nakita. Masayang- masaya si Tope nang makita ang alaga
niyang manok.
“Alam mo ba apo, may kwento rin si Jesus tungkol sa
nawawalang tupa at salapi? Sige maupo muna tayo dito sa
duyan at ikukuweto ko sa iyo.”
Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga
makasalanan ay lumapit kay Jesus upang makinig. Nagbulung-
bulungan naman ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng
Kautusan.
Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama sa mga makasalanan at
nakikisalo sa mga ito.”
Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang
talinhagang ito. “Kung ang sinuman sa
inyo ay may isandaang tupa at mawalan
ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't
iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa
pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y
43 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
matagpuan? Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong
papasanin.
Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan
at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa
akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa
inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang
makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnapu't
siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
“O kaya, kung ang isang
babae ay may sampung
salaping pilak at mawala
ang isa, ano ang gagawin
niya? Hindi ba't magsisindi
siya ng ilawan, wawalisan
ang buong bahay at
hahanaping mabuti ang
nawawalang salapi
hanggang sa ito'y kanyang
makita? Kapag nakita na
niya ito, aanyayahan niya
ang kanyang mga kaibigan
at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa
akin, sapagkat nakita ko na ang nawawala kong salaping pilak!’
Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng
Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”
“Hayan apo di ba maganda din ang kwento ni Jesus? Nagsasaya
sila kapag natagpuan ang isang bagay na nawala. At ganun din sa
atin na kanyang mga anak. Malungkot si Jesus kapag nawawala
44 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
tayo sa kanya at nakagagawa ng kasalanan. Pero nagiging
masaya siya kasama ng mga anghel sa langit kapag nagsisi na
tayo sa mga nagawa nating mali.”
“Oo nga po Lolo. Naisip ko po bigla si Maya ang aking kalaro. Lagi
kasi siyang nang-aasar. Aayain ko siya na dumalo sa Sunday
School para makilala niya si Jesus at malaman kung ano ba ang
mga dapat niyang gawin. Salamat po lolo, kain po muna tayo.
Naamoy ko na po ang masarap na tinolang manok na niluto ni
lola.”

ARAL:
1. Hanapin natin mga bata na hindi pa kilala si Jesus.
2. Ikwento natin sa iba si Jesus.
3. Ayain natin ang ating mga kaibigan na dumalo sa kapilya.
PANALANGIN:
Aming Panginoong Jesus maraming salamat po sa pagmamahal
po ninyo sa amin. Sa kabila na kami ay nakagagawa ng mali ay
patuloy po ninyo kaming hinahanap at pinapatawad. Nawa nga
po kung papaano mo kami hinanap ay makatulong din po kami
sa iba na nawawala na kayo po ay makilala. Amen.

MEMORY VERSE:
“Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng
Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”
Lucas 15:10
MGA TANONG:
45 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
1. Sinu-sino ang lumapit kay Jesus upang makinig ng kanyang
kwento?
2. Ano ang sinabi ng mga Pariseo tungkol kay Jesus?
3. Tungkol saan ang talinghagang kinuwento ni Jesus?
4. Ano ang naramdaman ng pastol at ng babae nang makita nila
ang tupa at salapi na nawala?
5. Ano ang natutuhan ninyo mula sa kwento?

Gawaing Kamay 1
Panuto: Bilugan ang tamang sagot.
1. Anong hayop ang inaalagaan ng pastol?

2. Ano ang naramdaman ng pastol ng mawala ang isa sa

mga alaga niyang tupa?


3. Sino ang nagsabi na “Ako ang mabuting Pastol”?
4. Sa talinghaga ng “Nawawalang Salapi”, ilang salaping
pilak ang nawala?

46 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 2
Pagguhit ng tupa. Sundin ang mga
sumusunod na hakbang.

47 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Setyembre 18, 2022

Mapagkakatiwalaan Ako
Lucas 16: 1-13

Pastor Aristotle Garcia


48 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
STORY TIME
Isang araw, inutusan ni Aling Julie si Totoy para bumili sa
tindahan ni Mang Donald ng mga kailangan niya sa pagluluto.
Masiglang sumunod ang bata sa utos ng kanyang nanay kahit na
medyo malayo ang tindahan.

MANG
DONALD’S

“Mang Donald, pabili nga po ng isang boteng suka, isang boteng


toyo, dalawang sibuyas at isang buong bawang,” sabi ni Totoy
pagdating sa tindahan.
Habang iniaabot ang binili ay sinabi ni Mang Donald, “Bale 35
pesos lahat.”
Iniabot naman ni Totoy ang 50 pesos na ibinigay sa kanya ng
nanay niya. “Eto po ang bayad,” sabay talikod para umuwi.
“Sandali, ang sukli mo,” sabi ng tindero.
“Ayy, oo nga po pala,” natatawang sabi ni Totoy. Gusto na kasi
niyang makauwi para ipagpatuloy ang pagsasagot sa kanyang
modules.

49 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Nagmamadali na ding umuwi si Totoy nang makuha ang sukli.
Hindi na niya ito binilang.
“Inay, eto na po ang pinabili ninyo. Eto din po ang sukli,” sabi ni
Totoy. Nang bigla siyang may mapansin. Sobra ng 10 pesos ang
sukli ni Mang Donald.
Nag-isip si Totoy. Malayo ang
tindahan at mainit sa labas para
ibalik pa niya ang sukli. Isa pa ay
hindi naman niya kasalanan kung
nagkamali si Mang Donald. At saka kailangan pa niyang tapusin
ang pagsasagot sa modules niya. Pero bilang alagad ni Jesus,
kailangang siya ay palaging maging matapat.
Kaya bumalik si Totoy sa tindahan kahit na malayo ito at mainit
ang panahon.
“Mang Donald, sobra po ang sukli ninyo sa akin. Eto po ang 10
pesos na sobra,” sabi ni Totoy. “Pasensya na po kayo kasi hindi
ko po binilang ang sukli ninyo bago ako umalis.”
Tuwang-tuwa si Mang Donald kay Totoy, kaya kumuha siya ng
paboritong tinapay ni Totoy at ibinigay sa kanya. “O, heto ang
premyo ng batang mabait. Sana, lahat ng bata ay katulad mo na
matapat, kahit sa maliit na bagay.”
Habang pauwi si Totoy, naalala niya ang kwento na nabasa niya
sa Bible tungkol sa isang katiwala na hindi naging tapat sa
kanyang amo.
Minsan ay nagkwento si Jesus sa kanyang mga alagad. Sinabi
niya, “May taong mayaman na may isang katiwala. May
nagsumbong sa kanyang ginagastos nito ang kanyang pera.”
50 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
“Halika dito, katiwala. Bigyan mo ako ngayon ng ulat tungkol sa
aking mga ari-arian,” sabi ng mayaman.
Natakot ang katiwala dahil malalaman ng kanyang amo na hindi
siya naging tapat sa kanyang panunungkulan. Siguradong
matatanggal siya sa trabaho niya. Inisip niya kung ano ang
pwede niyang gawin.
Ang ginawa niya ay tinawag niya ang mga may utang sa kanyang
amo at binawasan ang mga utang nila. Iniisip kasi niya na dahil
sa ginawa niyang ito ay may mga taong kakalinga sa kanya kapag
nawalan na siya ng trabaho.

Saka sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang mapagkakatiwalaan sa


maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay;
ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking
bagay.”
Palagi itong tinatandaan ni Totoy. Kaya kahit maliit na halaga
lang ang 10 pesos, naging tapat pa din siya kay Mang Donald.
ARAL:
1. Bilang mga alagad, tayo ay dapat na mapagkakatiwalaan

51 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


kahit sa maliliit na bagay.
2. Hindi lamang sa pera tayo dapat na mapagkakatiwalaan,
kundi maging sa ating mga sinasabi at ginagawa.
3. Kapag napagkatiwalaan tayo sa maliit na mga bagay,
mapagkakatiwalaan din tayo sa malalaking bagay.
4. Natutuwa ang Diyos kapag napagkakatiwalaan niya tayo sa
lahat ng bagay.
PANALANGIN:
Aming Diyos, maraming salamat po sa magandang aral na aming
natutuhan ngayon. Tulungan mo po kami na maging tapat sa
aming mga iniisip, sinasabi at ginagawa. Sana po ay
makapaglingkod kami sa iyo nang may katapatan. Mahal ka po
namin. Amen.
MEMORY VERSE:
“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa
maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.”
Lucas 16:10
MGA TANONG:
1. Sino ang batang mapagkakatiwalaan sa kwento?
2. Ano ang ginawa niya sa sumobrang sukli sa kanya?
3. Sa kwento ni Jesus, tama ba ang ginawa ng katiwala? Bakit?
4. Kapag tayo ay napagkatiwalaan ng Diyos sa maliit na bagay,
ano sa palagay mo ang ibibigay pa niya sa atin?
Gawaing Kamay 1
Mag-drawing ng mga paninda para sa sari-sari store. Gamiting

52 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


gabay ang mga paninda na nasa ibaba ng sari-sari store. Pumili
lamang ng gustong itinda.

SARI-SARI

Gawaing Kamay 2
Kulayan nang maganda ang larawan ng isang matapat na alagad
53 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
ng Panginoong Jesus.

Setyembre 25, 2022

Ikukwento ko sa Iba si Jesus


54 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
Christian Education Sunday
Mateo 28: 19-20

Pastor Aristotle Garcia


STORY TIME
Isang araw, pagkatapos ng Sunday School sa church ay
nagkwentuhan ang magkaibigang sina Bryan at Jude.
“Napansin ko na napakasipag mong magyaya ng mga
makakasama natin sa church. Bakit mo ginagawa iyon?” tanong
ni Bryan sa kaibigan.
“Kasi masaya ako kapag nagpupunta ako palagi sa church,”
sagot ni Jude.
“Ako din naman masaya din ako kapag pumupunta sa church
kasi marami akong natututuhan tungkol kay Jesus,” sagot ni
Bryan.

55 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


“E bakit hindi ka nagyayaya ng mga kaibigan natin para maging
masaya din sila at matuto tungkol kay Jesus?” sagot ni Jude.
“Oo nga ano,” medyo nahihiyang sagot ni Bryan. “Hindi ko nga
pala dapat sinasarili ang mga natututuhan ko tungkol kay Jesus.”
“Lagi ko kasing tinatandaan ang itinuro sa atin ng teacher natin
sa Sunday School, noong bago bumalik sa langit si Jesus noong
muli siyang nabuhay. Naaalala mo pa ba yun?” Nakatingin si
Jude sa kaibigan habang naghihintay ng sagot.

“Oo naman,” sabi ni Bryan. “Pagkalipas ng 40 araw matapos


mabuhay si Jesus, kasama niya sa isang bundok ang mga alagad
at pinagbilinan sila na lumabas sila at pumunta sa iba’t ibang
lugar para masabihan ang tungkol sa Panginoong Jesus.”

56 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


“Tama. At noon din sinabi ni Jesus na dapat nilang bawtismuhan
ang mga tao sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal na
Espiritu,” dugtong ni Jude.

“At ang lahat ng mabawtismuhan ay dapat din maturuan para


makasunod sila sa mga ipinapagawa ng Diyos sa kanila,” sabi ni
Bryan. “Saka ipinangako sa kanila ni Jesus na palagi niyang
57 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
sasamahan ang mga alagad kahit na hanggang sa katapusan ng
panahon.”
“Anggaling hindi ba?” sabi ni Jude. “Imagine, hindi sila iiwan ng
Panginoong Jesus hangga’t nagtuturo sila sa ibang mga tao
tungkol sa mga ipinapagawa sa kanila ng Diyos.”
“Pero ang hindi ko makakalimutan ay yung sinabi ni Teacher na
kaya mayroong church ay para sa gawaing ito ng pagtuturo at
pagsasanay ng mga alagad. Sabi pa niya, ito daw ang layunin ng
Christian Education sa ating church,” naalala pa ni Bryan ang
nangyari habang ikinukwento niya ito sa kaibigan.
“Iyan din ang dahilan kung bakit ako nagyayaya ng mga kaibigan
natin. Hindi ko man sila maturuan ngayon kasi bata pa ako, pero
sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila, ay nakakatulong din
ako para makilala ng iba ang Panginoon,” sabi ni Jude.
“At simula ngayon, gagayahin na kita. Magyayaya din ako ng
mga kaibigan at kakilala ko para sila din ay maturuan ng tungkol
kay Jesus,” sabi ni Bryan.
Hindi nila alam ay nakikinig pala sa kanila ang kanilang guro sa
Sunday School na kunwari ay nagbabasa at nakangiting naisip,
“Sana all ay nagyayaya ng mga kaibigan at kakilala para sila din
ay makaalam ng gusto ng Diyos na ipagawa sa kanila.”

ARAL:
1. Gusto ni Jesus na ikinukwento natin siya sa iba.
2. Dapat at hindi natin sinasarili ang mga natututuhan natin
tungkol kay Jesus.
3. Gusto ni Jesus na mas marami pang mga bata ang makaalam
58 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022
tungkol sa kanya at sa gusto ng Diyos na gawin nila.
4. Mahalaga na masunod ng mga tao ang ipinapagawa ng
Diyos.
PANALANGIN:
Panginoong Jesus, napakabuti mo po sa amin. Tulungan mo po
kaming maalala ang mga kaibigan namin at mga kakilala na
yayayain po namin para pumunta sa church. Tulungan mo din po
kami na maikwento ka sa kanila. Salamat po. Amen.
MEMORY VERSE:
“Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo.
Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa
katapusan ng panahon.”
Mateo 28:20
MGA TANONG:
1. Ano ang pangalan ng magkaibigan na dumadalo sa Sunday
School para sa mga bata?
2. Sino ang mahilig magyaya ng mga kaibigan para makasama
sa church? Bakit daw siya nagyayaya?
3. Ano ang ipinapagawa ni Jesus sa mga alagad bago siya
bumaik sa langit?
4. Ano ang pangako niya sa mga alagad?
Gawaing Kamay 1
Tulungan ang magkaibigang Bryan at Jude para mapuntahan ang
kanilang mga kaibigan at maanyayahan sa church.

59 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Gawaing Kamay 2

60 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


Isulat sa ilalim ng larawan ng mga bata ang pangalan ng kaibigan
mo na gusto mong yayain para matutuhan ang tungkol kay Jesus.

PANGKALAHATANG MEMORY VERSE


SA BUWAN NG MAYO
“Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa
lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng
Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.”
MATEO 28:19

61 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022


MAHAHALAGANG PAALALA
Magandang araw! Ilang mga paalala para sa atin.
1. Mag pray at basahing mabuti ang bawat instruction bago ito
sagutan.
2. Tingnan ang date at sagutan lamang ang activities para sa
Linggong iyon.
3. Ugaliing i-memorize ang mga verses. Maaaring
magpatulong sa mga nakatatanda sa atin.
4. Huwag mahihiyang magtanong. I-approach ang mga ate at
kuya, o ang ating mga manggagawang babae at lalaki kung
mayroon kayong gusto pang malaman sa pinag-aaralan.
5. I-share din ang natutunan sa iba. Pwedeng humingi ng
kopya sa ating mga manggagawa.

WRITERS:
Dss. Rhona Grace Añada Dss. Mary Joyce Villanueva
Dss. Cory De Ocampo-Roque Ate Dorothy Angeles-Pelayo
WW Maila Moya-Garcia Pastor Aristotle Garcia

EDITOR: Pastor Aristotle Garcia

62 | SBD Sunday School Aug-Sept 2022

You might also like