You are on page 1of 9

JESUS LADDER OF GRACE CHURCH, INC.

Sec. No. CN201704284


Manila East Road. Highway, Brgy. Tandang Kutyo
Tanay,Rizal, 1980
JLOG CHILDREN TEACHER LESSON PLAN
ARALIN SA ISANG BUWAN: _________
Beginners and Primary Week 1
Saklaw na Edad: 7-11 pataas

I. PAMAGAT NG ARALIN:

“PINAGPAPALA ANG NAGBIBIGAY SA BAHAY NG DIYOS”

Layunin:
 Lumaya ang mga bata mula sa kahirapan sapamamagitan ng pagtuturo ng daan upang
sumagana at ito ay ang pagbibigay kasya pagtanggap.

 Maunawaan ng mga bata na ang lahat ng meron sila ay galing sa Diyos lalo na ang
pinansiyal o salapi na nahahawakan nila ay ang Diyos ang nag bigay kay dapat nilang
maalalang ibigay ang dapat sa Diyos bilang pagpaparangal.

 Mailagay sa mga bata na hindi kawalan o kabawasan ang kanilang ibibigay sa Diyos
kundi ito ang susi upang pagpalain sila ng Diyos kasama ng kanilang pamilya.

 Ang biblia ang pamantayan natin sa pagtuturo at itinuturo nito ang pagbibigay sa Templo
ng Diyos.

 Ngayon na naituro sa sa kanila ang pagbibigay dapat mabigyan diin na hindi dapat
pupunta sa bahay ng Diyos na walang dalang handog o salaping handog para sa Diyos.
Malaki man o maliit basta para sa Diyos.

II. MOTIBASYON/ PANGGANYAK:

Itanong sa mga bata kung SINO ANG GUSTO O ANG KUMAKAIN NG PIZZA.

-Matapos itong itanong ipakita sa mga bata ang larawan ng pizza.

Sabihin sa mga bata ang scenario na ito:

ARALIN SA ISANG BUWAN: _________


Beginners and Primary Week 1
Saklaw na Edad: 7-11 pataas

Page 1|9
Kung halimbawa may nagbigay sayo ng buong isang pizza ano ang gagawin mo dito:
 A). ITO BA AY KAKAININ MO LAHAT?
 B). TATABI ANG HINDI MO MAUUBOS NA BAHAGI?
 C.) IBABAHAGI AT HAHATIIN ANG PIZZA PARA IBIGAY
(palabasin ang ideya ng mga bata sa tatlong pagpipilian)

Maaring karamihan ng isasagot ng mga bata ay titik C ibahagi at hahatiin ang pizza para
ibigay.

Matapos sumagot ang bata, magtawag ng isang bata sa unahan para isulat niya sa bawat slice ng pizza
kung sino ang bibigyan niya. Dito mo makikita bilang guro kung babahaginan ba nila/niya ang Diyos o
bibigyan lang nila ang gusto nilang bigyan. Ngunit wag mo munang sasabihin na dapat may bahagi ang
Diyos. Ito ay sasabihin mo sa aplikasyon ng Gawain. Paalala ito ay pasimula ng aralin kaya’t dapat ito ay
gawin ng mabilis.

Aplikasyon ng Gawain:

Ang nagbigay ng pizza ay ang Diyos, tayo ang binigyan nito at may Kalayaan nabigyan natin ang ating
gustong bigyan o kaya ay kainin at sarilinin nalang natin ito. Ngunit hinihintay ng Diyos na bahaginan mo
siya bilang tanda ng pasasalamat at pagkilala mo sa kanya.

Ganun din sa bawat na tataggap natin na pinansiya o salapi dapat kapag may nagbigay sa atin ay maalala
nating itabi at ibigay sa bahay ng Diyos.

Mga Materyales at Paraan na kailanganin ng guro:

 Cardboard o matigas na didikitan ng pizza.


 Matapos itong idikit sa matigas na bagay kailangan itong balutan nga plastic.
 Ito ang magsisilbi mong visual aids. Sa plastic mo ipapasulat sa bawat slice ang
kanilang nais bigyan. Gamitin ang white board marker na pangsulat upang mabura
mo sa plastic na nakabalot sa pizza na may card board.

 -Ang larawang ito ay makikita sa isang docx file na visual aid


need to print.

ARALIN SA ISANG BUWAN: _________


Beginners and Primary Week 1
Saklaw na Edad: 7-11 pataas

PAGBUBUKAS NG ARALIN:

Page 2|9
 Sa biblia ang pagpaparangal sa Diyos ng kanilang mga ani o natatanggap ay isang
Gawain ng pagsunod at pagkilala sa Diyos. Ito ay dinadala nila sa bahay ng Diyos upang
gamitin at natutuwa ang Diyos sa bawat gumagawa nito at pinagpapala.

 Tanong na dapat Sagutin:

1. Bakit Kailangan ba ng Diyos ang ating ibibigay sa Kanya?

(palabasin ang idea ng mga bata. Pero dapat nilang maunawaan bakit ng ba tayo
nagninigay sa Diyos.)

2. Bakit gusto tayo ng Diyos na magbigay sa kanya?

3. Ano ba ang naidudulot ng ating pagbibigay?

4. Saan dadalhin ang ating mga handog o ibibigay sa Diyos?

* Sa araling ito ay masasagot natin ang lahat ng tanong na ito. Kaya’t mga bata basahin
natin ang sinasabi ng Biblia patungkol sa pagbibigay sa tahanan ng Diyos.

TALATANG DAPAT KABISADUHIN:


( ang visual aids nito ay nasa page 4. Maaring ipasulat sa iyong mga mag-aaral o kaya ay bigyan
sila ng printed out na kopya upang ang pagsusulat nila ay hindi makakuha ng oras sa iyong
pagtuturo. )

DEUTERONOMIO 16:16b-17
Magdala sila ng HANDOG tuwing haharap, ayon
sa kanilang makakaya, ayon sa dami ng
pagpapalang tinaggap ninyo mula kay YAHWEH
na inyong DIYOS.

Page 3|9
VISUAL AIDS FOR STUDENTS

DEUTERONOMIO 16:16b-17

Magdala sila ng HANDOG


tuwing haharap, ayon sa
kanilang makakaya, ayon
sa dami ng pagpapalang
tinaggap ninyo mula kay
YAHWEH na inyong
DIYOS.

Page 4|9
ARALIN SA ISANG BUWAN: _________
Beginners and Primary Week 2
Saklaw na Edad: 7-11 pataas

 PAGBABALIK-ARAL:
- Balikan ang iklustrasyon sa pizza.
- Balikan ang memory verse.
- Ngayon mga bata sa palagay ninyo bakit ba tayo nagbibigay sa Lord. Ito
ang ating tatalakayin ngayon.
-

4 I’s na DAHILAN BAKIT TAYO NAGBIBIGAY SA DIYOS


1. I- to ay utos ng Diyos na hindi nagbabago.
(Ang Diyos ay hindi nagbabago maging ang Kanyang utos sa pagbibigay.)

2. I- to ay pagsunod natin sa Diyos.


(Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng ating ibibigay ang kailangan niya ay ating pag-sunod).

3. I- to ay pagpaparangal natin sa Diyos.


(Ang pagpaparangal sa Diyos sapamamagitan ng pagbibigay ay isang uri ng pagsamba sa Diyos.)

4. I- to ay pagbabalik ng pasasalamat sa binigay ng Diyos sa atin.


( tayo ay binigya ng Diyos upang ibalik sa kanya ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay sa
Kanya.)

(Notes: Ilagay o isulat ito sa isang manila paper na puwedeng maging visual ads ipasulat sa mga bata sa kanilang kuwaderno.)

 Gawan ng yealing ito upang hindi malimutan ng mga bata:


(Isulat ito sa visual aids para Mabasa nila.)

“ Dalawang kamay na may hawak na


handog kasabay ng paa papunta sa
bahay ng Diyos”

Page 5|9
ARALIN SA ISANG BUWAN: _________
Beginners and Primary Week 2
Saklaw na Edad: 7-11 pataas

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _______________


Edad: __________________ Pangalan ng Guro: _______________________________

Activity 2: Pagdadala ng Handog sa bahay ng Diyos.

Tuwing kailan tayo mag dadala ng handog sa Panginoon.


a. pag-gusto natin
b. pag sinabihan tayo
c. tuwing araw ng linggo.

Pangakong HANDOG SA LORD tuwing pupunta sa


tahanan ni Lord.

___________________________________________________

.pagkatapos sagutan pagandahin ang kulay ng bahay ni Lord.


ARALIN SA ISANG BUWAN: _________

Page 6|9
Beginners and Primary Week 3
Saklaw na Edad: 7-11 pataas

 PAGBABALIK-ARAL:
- Balikan ang iklustrasyon sa pizza.
- Balikan ang memory verse.
- 4 I’s na dahilan sa pagbibigay
- Kanilang pangakong handog.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBIBIGAY:


Akronim ng B.I.G.A.Y.

1. B - inigay natin ito kay Lord hindi sa tao.


2. I – pinakikita natin na una si Lord sa ating mga pinansiyal.
3. G- inagawa natin ito ng may katapatan hindi pag gusto lang.
4. A- ng pagbibigay ay Mabuti kasya tumaggap
5. Y- ayaman tayo dahil sa pagsunod natin kay Lord.

Activity 2.1: Personalized Envelop


Panuto: Gagawa sila ng personalized na sobre na gagamitin nila para
sa kanilang Love Offering.

Materials needed:
- Malinis na folder or kahit gamit na.
- Glue
- Gunting
- Colored paper
- Mga panggayak na puwede nilang gamitin sa sobre.
- Plastic cover( lalagyan ng plastic cover ang sobre.)
- tape

Para sa Guro:
Ilagay sa folder ang pattern sa page 8 para ipahiram ito sa mga bata. Dapat ay dalawang pattern
para mabilis ang lahat makagawa.

Dalawang sobre ang pagawa sa mga bata upang meron silang pamalitan.

Gumawa ka rin ng sayo upang ang bata ay magkaroon ng idea ng design.

Page 7|9
Page 8|9
ARALIN SA ISANG BUWAN: _________
Beginners and Primary Week 4
Saklaw na Edad: 7-11 pataas

RUMARAGASANG PAGPAPALA

Sinabi ng Diyos aangat ang buhay ko…


Pagkat Sinabi ng Diyos, sumagana ang buhay ko …
Kaya’t ako’y magsasaya (ohhh)
Pagkat sinabi ng Diyos ay sinabi N’ya
Di ko bibitawan lahat ng pangako N’ya

Koro:
Rumaragasang Pagpapala aking nararanasan
Hindi ako magtataka kung bakit sa’kin na pupunta

Mula hilaga, kanluran, timog, Silangan,


saan man magpunta
Rumaragasang pagpapala aking natanggap na!

Tulay:
Kayang kaya ni HESUS
Na ako ay pagpalain
Higit pa sa’kin inaasam
Higit pa sa’kin hinihiling
Ibibigay ng Diyos, pangako n’ya totoo
Sabrang-sobrtang pagpapala

-saluhin na
- ibulsa na
-ipamigay na.

Page 9|9

You might also like