Professional Documents
Culture Documents
LP - GIVING Pinagpapala Ang Nagbibigay Sa Bahay NG Diyos
LP - GIVING Pinagpapala Ang Nagbibigay Sa Bahay NG Diyos
I. PAMAGAT NG ARALIN:
Layunin:
Lumaya ang mga bata mula sa kahirapan sapamamagitan ng pagtuturo ng daan upang
sumagana at ito ay ang pagbibigay kasya pagtanggap.
Maunawaan ng mga bata na ang lahat ng meron sila ay galing sa Diyos lalo na ang pinan-
siyal o salapi na nahahawakan nila ay ang Diyos ang nag bigay kay dapat nilang
maalalang ibigay ang dapat sa Diyos bilang pagpaparangal.
Mailagay sa mga bata na hindi kawalan o kabawasan ang kanilang ibibigay sa Diyos
kundi ito ang susi upang pagpalain sila ng Diyos kasama ng kanilang pamilya.
Ang biblia ang pamantayan natin sa pagtuturo at itinuturo nito ang pagbibigay sa Templo
ng Diyos.
Matutunan nila ang pagbibigay ng IKAPU at HANDOG lalo na sa edad 10-14 pataas.
Ngayon na naituro sa sa kanila ang pagbibigay dapat mabigyan diin na hindi dapat
pupunta sa bahay ng Diyos na walang dalang handog o salaping handog para sa Diyos.
Malaki man o maliit basta para sa Diyos.
Itanong sa mga bata kung SINO ANG GUSTO O ANG KUMAKAIN NG PIZZA.
Kung halimbawa may nagbigay sayo ng buong isang pizza ano ang gagawin mo dito:
1|Page
A). ITO BA AY KAKAININ MO LAHAT?
B). TATABI ANG HINDI MO MAUUBOS NA BAHAGI?
C.) IBABAHAGI AT HAHATIIN ANG PIZZA PARA IBIGAY
(palabasin ang ideya ng mga bata sa tatlong pagpipilian)
Maaring karamihan ng isasagot ng mga bata ay titik C ibahagi at hahatiin ang pizza para
ibigay.
Matapos sumagot ang bata, magtawag ng isang bata sa unahan para isulat niya sa bawat slice ng pizza
kung sino ang bibigyan niya. Dito mo makikita bilang guro kung babahaginan ba nila/niya ang Diyos o
bibigyan lang nila ang gusto nilang bigyan. Ngunit wag mo munang sasabihin na dapat may bahagi ang
Diyos. Ito ay sasabihin mo sa aplikasyon ng Gawain. Paalala ito ay pasimula ng aralin kaya’t dapat ito ay
gawin ng mabilis.
Aplikasyon ng Gawain:
Ang nagbigay ng pizza ay ang Diyos, tayo ang binigyan nito at may Kalayaan nabigyan natin ang ating
gustong bigyan o kaya ay kainin at sarilinin nalang natin ito. Ngunit hinihintay ng Diyos na bahaginan mo
siya bilang tanda ng pasasalamat at pagkilala mo sa kanya.
Ganun din sa bawat na tataggap natin na pinansiya o salapi dapat kapag may nagbigay sa atin ay maalala
nating itabi at ibigay sa bahay ng Diyos.
Sa biblia ang pagpaparangal sa Diyos ng kanilang mga ani o natatanggap ay isang Gawain ng
pagsunod at pagkilala sa Diyos. Ito ay dinadala nila sa bahay ng Diyos upang gamitin at natutuwa
ang Diyos sa bawat gumagawa nito at pinagpapala.
2|Page
Mga bata basahin natin ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pagdadala ng IKAPU at HANDOG sa bahay ng
Diyos.
Malakias 3:6-18
Ang Salita ng Dios (ASND)
6. Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Ako, ang Panginoon, ay hindi
nagbabago. Kaya nga kayong mga lahi ni Jacob ay hindi lubusang nalipol.
7. Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin.
Manumbalik kayo sa akin, ang Panginoong Makapangyarihan, at babalik ako
sa inyo. Pero itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’
8. Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Dios?
Parang imposible. Pero ninanakawan ninyo ako. At itinatanong inyo, ‘Paano
namin kayo ninanakawan?’ Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibi-
gay ang inyong mga ikapu at mga handog.
10. Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang Panginoong
Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng
templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito,
padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.
11. Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas
ang bunga ng inyong mga ubas.
3|Page
15. Masasabi pa nga natin na mapalad ang mga taong mayabang. Sapagkat
sila na gumagawa ng masama ay umuunlad. At kahit na sinusubukan nila ang
Dios, hindi sila pinarurusahan.’ ”
(Notes: Ilagay o isulat ito sa isang manila paper na puwedeng maging visual ads ipasulat sa mga bata sa kanilang kuwaderno.)
JUNIOR CLASS Week 1
Saklaw na Edad: 12-14 pataas
MALAKIAS 3: 10
4|Page
“Dalhin ninyo ng buong-buo
ang inyong ikasampung bahagi
sa tahanan ng Diyos upang
matugunan ang pangangailangan
sa Aking tahanan. Subukin ninyo
Ako sa bagay na ito, kundi Ko
buksan ang mga bintana ng lan-
git at ibuhos sa inyo ang
masaganang pagpapala.”
PAGBABALIK-ARAL:
-Balikan ang illustarsyon ng pizza.
- Tanugin ang mga bata bilang isang recitation na mayroong prize tungol sa 5 I’s na
DAHILAN SA PAGBIBIGAY.
5|Page
DISKASYON PATUNGKOL SA TITHE & OFFERING:
10% or ikasampung
bahagi ng tinatanggap
mong salapi o pera.
HANDOG/ OFFERING
6|Page
7|Page