You are on page 1of 11

FILIPINO 9

Ang Gantipala ni Allah

Mga Pang-ugnay na Ginagamit


sa Sanhi at Bunga
Aklat-Yugto 9 -Yunit III-pahina 276-285
3rd quarter-Ikaanim Linggo
Pag-aralan mo ito
Basahin natin Ito:

Ang Gantimpala ni Allah


(Halaw mula sa post ni Quran-Ayah at mga Hadith)

Ang kuwentong ito ay totoong nangyari mula sa bansang


Saudi Arabia.
Isang bata ang naiwan mula sa pangangalaga
Ng kaniyang ina. Maaga siyang naulila sa kaniyang ama, at habang
siya ay nag-aaral ay sinisikap ng kaniyang ina na magtrabaho at
maghahanapbuhay para sa kaniyang gastusin lalo na sa kaniyang
pag-aaral.
Saksi ang anak sa lahat ng hirap at pagtitiis ng kaniyang ina para
matupad ang kaniyang mga pangarap at makapagtapos siya ng
pag-aaral . Nangarap siya na makatapos upang masuklian ang
kabutihan at pagtitiis ng ina.
Ngunit, sa kagustuhan ng Allah ay namatay ang
kaniyang ina bago pa siya makatapos ng pag-aaral. Dahil dito ay
nangako siya na kapag nakapagtapos siya ay magpapatayo siya
ng masjid at madrasah na tutulong sa mahihirap. Ito ay kaniyang
iaalay bilang gantimpala sa kaniyang ina. Alam niyang kahit na
namayapa na ito ay magiging masaya ito sa kaniyang kapasyahan
na tulungan din ang kaniyang kapwa gabay ni Allah.
Dumaan ang mga araw at siya ay nakapag-asawa at
nagkaroon ng anak. Isang araw habang siya ay papalabas mula
sa masjid ay nakita ng mga tao ang isang refrigerator na
ipinapasok dito.
Siya ay nalungkot at nag-isip.
“Nagbibigay ako ng tulong sa iba-ibang lugar pero
naiwan ko ang aming masjid at ako ay naunahan sa kabutihan.
Nakita siya ng imam ng masjid at binati siya nito.
“Salamat sa iyong kabutihan at sa binigay mo na na
refrigerator.”
Siya ay nagtaka sa ipinahayag nito sa kaniya.
Hindi sa akin ang refrigerator na iyan, patanggi niya.
Iyan ay galing sa iyo, dagdag pa ng imam.
Dumating ang kaniyang anak na nasa elementarya pa
ang gulang at nagsabi, “Sa akin iyan, aking Ama. Iniaalay ko ang
gantimpala na iyan para sa iyo.”
Siya ay napaluha at nagsabi, “Saan nanggaling ang
pera na pinambili mo?
“Limang taon kong inipon ang perang iyan mula sa
ibinibigay ninyo sa akin, tugon ng anak.
“At iyan ay dahil sa nakita kong ginagawa ninyong
pagtulong at pag-alay sa aking lola kaya ako ay nag-ipon at
inialay ko rin ang gantimpala para po sa inyo.”
Kung ikaw ay magiging mabuti sa iyong
magulang at mamahalin mo sila nang walang kapalit,
gagantimpalahan ka ni Allah dito sa mundo at sa kabilang
buhay.

Sagutin ang mga tanong sa pagtatalakay sa kabuuan ng


kuwento:
1. Ano ang kaugnayan ng dalawang tauhan sa
kuwento?
2. Paano ipinakita ng ina ang kaniyang pagmamahal sa
kaniyang anak?
3. Ano ang pinapangarap ng anak na matupad kahit na
sumakabilang buhay na ang ina?
4. Sa paanong paraan naisip ng anak na makapagbigay ng
gantimpala sa kaniyang ina kahit ito ay namayapa na?
5. Anong pangyayari sa kaniyang buhay ang
nagpapatunay ng gantimpala ni Allah sa kaniya?
6. Kung ikaw ang ama ng bata, gagawin mo rin ba
ang kaniyang ginawa?
7. Masasabi bang naging mabuting anak ang lalaki?
Nakaapekto ba ito sa kaniyang pagiging ama?
Bakit? Ipaliwanag
8. Anong aral ang mapupulot natin sa kuwento?

Talakayin natin ang tungkol sa:

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Sanhi at Bunga


Narito ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
pagbibigay ng sanhi.
•sapagkat/pagkat
1. Nag-aaral ako nang mabuti sapagkat ayokong
matulad sa ibang tumanda nang walang
pinag-aralan.
2. Dahil sa Internet marami ang nakagagawa ng
mga maling bagay ‘pagkat hindi nila
dinidisiplina ang kanilang sarili.

*dahil/dahilan sa
1. Maagang napapariwara ang kabataan ngayon
dahil sa impluwensiya ng barkada at
teknolohiya.
2. Paton-patong na problema dahilan sa mga bagay
na napanonood sa telebisyon at Internet.

* palibhasa
1. Palibhasa ay bata pa kaya walang pakialam
ang ibang kabataan sa mangyayari sa
kanila.

2. Nasusunod ang luho ng ibang kabataan palibhasa


ay mayaman ang kanilang pamilya.

* kasi
1. Hindi na kasi siya makapapasok sa susunod na
semestre.
2. Kasi naman hindi pa alam ang maaaring hirap
na mararanasan, padalos-dalos sila sa
pagdedesisyon.

* naging dahilan
1. Pagkabaon sa utang ang naging dahilan ng
pag-aaway ng mag-asawa.

2. Naging dahilan ng pag-aaway nila ang


kawalan nila ng pera.
Gawin natin ito

Gawain A. Sagutin ang Gawin Natin titik B sa pahina


282

Gawain B. Sagutin ang Pagsasanay 1 at


Pagsasanay 2 sa pahina 286

Aklat – Yugto 9: Pinagsanib na Wika at Panitikan

You might also like