You are on page 1of 2

1

2 Karapatan sa Paghalal ( right to suffrage)


3 - Nakapaloob sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987
4 - Ito ang karapatan at obligasyon ng mga kalipikadong mamamayan bumoto upang
5 mailuklok sa tungkulin ang ilang opisyal ng pamahalaan.
6 - Ang pagpapasya ng mamamayan sa mga usapin at mga katanungang inihaharap sa
7 taumbayan.
8
9 Mga Kalipikasyon ng Isang Botante ayon sa Aritkulo V ng Saligang Batas ng 1987:
10 1. Mamamayan ng Pilipinas (Filipino citizen)
11 2. Labing walong taong gulang o higit pa (18+)
12 3. Naninirahan sa Pilipinas ng 1 taon at 6 na buwan sa lugar na kung saan binabalak
13 niyang bumoto bago dumating ang araw ng halalan.
14
15 Sakop ng Karapatan sa Paghalal:
16 1. Eleksyon - Ang proseso o paraan ng pagboboto o pagpili ng mga mamamayan ng
17 opisyal ng pamahalaang mamumuno sa kanila sa takdang panahon.
18 -Ipinagkakatiwala ng mamamayan ang kanyang boto sa kandidatong inihalal sa iba’t
19 ibang posisyon sa pamahalaan sa loob ng isang termino (madalas 3-6 years).
20 -Obligasyon: Ang mga mamamayan ay dapat pumili ng kandidatong karapat-dapat sa
21 posisyon sa halalan.
22
23 2. Plebisto - Ang proseso ng pagboto ng mamamayan para sa kanyang pagsang-ayon o
24 pagtutol sa isang iminungkahing batas na inihaharap sa taumbayan.
25 -Maaring gamitin upang malaman ang pagsang-ayon o pagsalungat ng mamamayan sa
26 mga panukalang pagbabago o ussog sa Saligang Batas.
27
28 3. Referendum - Ang proseso kung saan ang anuman batas o bahagi nito na pinagtibay ng
29 Kongreso o ng mga pamahalaang lokal ay inihaharap sa taumbayan para sa kanilang
30 pagsang-ayon o pagtutol.
31
32 4. Initiative - Ang Itinakdang kapangyarihan ng taumbayan na tuwirang magpanukala,
33 magpatibay, o susugan ang isang batas o ordinansa sa isang halalang espesyal na
34 ipinatawag para rito.
35 -Direktang kapangyarihan ng mamamayan na gumawa ng batas.
36
37 5. Recall - Ang proseso ng pagtanggal sa posisyon o pagbawi sa ipinagkaloob na
38 kapangyarihan ang isang halal na opisyal ng pamahalaang lokal sa loob ng kanyang
39 panunungkulan o bago matapos ang kanyang termino.
40 -Ang mga mamamayan ay mayroong kapangyarihan na tanggalin ang opisyal sa
41 posisyon kung hindi niya ginagampanan ng tama ang kanyang tungkulin at umaabuso
42 siya sa kapangyarihan.
43
44 Paano Mamili ng Karapat-Dapat na Kandidato?
45
46 - Suriin ang “Track record” ng Kandidato: Malalaman kung malinis o mabuti ang
47 isang kandidato base sa kanyang nakaraan,pamumuhay (lifestyle) at mga
48 nagawa para sa bansa base sa kanyang track record.
49 - Dapat suriin kung may magandang plataporma, plano at programa ang
50 kandidato na makakatulong sa paglutas ng mga problema sa bansa
51 - Dapat na tunay sa kalooban niya ang paglilingkod at sa pagpapatupad ng
52 kanyang mga plano at pangako sa mga mamamayan at sa bansa
53
54
55
56 Sources: Padayon (AP book)
57
58
59
60

You might also like