You are on page 1of 14

Paaralan MASANTOL HIGH SCHOOL -SHS Baitang 11

ARAWANG Guro MARINO Q. DIMARUCUT Asignatura Filipino sa Piling Larang (TVL)


BANGHAY ARALIN Petsa at Oras ng
Pagtuturo APRIL 19, 2023 / 6:00 – 7:40 AM Kwarter Ikatlo

Day 1
Ang mga layunin ay dapat matugunan sa loob ng isang linggo at may kaugnayan sa mga pamantayan ng
kurikulum. Upang matugunan ang mga layunin, kailangang sundin ang mga kinakailangang pamamaraan at
kung kinakailangan, karagdagang mga aralin, pagsasanay at mga gawaing panlunas. Maaaring gawin para sa
I. LAYUNIN pagbuo ng kaalaman at kakayahan sa nilalaman. Ang mga ito ay tinasa gamit ang mga estratehiya sa Formative
Assessment. Ang pagpapahalaga sa mga layunin ay sumusuporta sa pag-aaral ng nilalaman at mga kakayahan at
(Objectives) nagbibigay- daan sa mga bata na makahanap ng kahalagahan at kagalakan sa pag-aaral ng mga aralin. Ang
mga lingguhang layunin ay dapat hango sa mga gabay sa kurikulum.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan sa wasto at angkop na pagsulat ng piling anyo ng
(Content Standards) sulatin

B. Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng 4-6 piling sulating teknikal-bokasyunal.


(Performance Standards)

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto / Layunin Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.
Isulat ang bawat Koda sa bawat CS_FTV11/12WG-0m-o-95
LC(Learning Competencies/
Objectives Mga Layunin
Write the LC code for each)
1. Natutukoy ang mga katangian ng menu ng pagkain;
2. Nakalilikha ng isang malikhain menu ng pagkain;
3. Nakapagninilay sa napag-aralan sa pamamagitan ng pagbuong makabuluhang
proyekto.
II.
NILALAMA Menu ng Pagkain
N
(Content)
Itala ang lahat ng mga materyal na gagamitin sa iba't ibang araw. Ang iba't ibang mapagkukunan ng mga
III. KAGAMITANG PANTURO materyal ay nagpapanatili ng interes ng mga bata sa aralin at sa pag-aaral. Tiyakin na mayroong pinaghalong
kongkreto at manipulatibong mga kagamitan pati na rin ang mga materyal na nakabatay sa papel. Ang aktuwal
(Learning Resources)
na pag-aaral ay nagtataguyod ng pagbuo ng konsepto

A. Sanggunian (References) Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) Ikalawang Markahan-Modyul 8 Pagsulat ng Menu ng Pagkain-
Learning Resources Management and Development System (LRMDS) School Division of
Pampanga
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
(Teacher’s Guide pages)
2. Mga Pahina sa Kagamitang
SLM Modyul 8 pahina 10-15
Pang-Mag-aaral
(Learner’s Materials pages)
3. Mga pahina sa Teksbuk
(Textbook pages)

4. Additional Materials from


Learning Resource (LR) portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan sa balik -aral-https://www.google.com/search?q=masantol+pampanga&tbm
(Other Learning Resources) https://www.youtube.com/watch?v=OZ0wqg8Ksng
https://m.facebook.com/Unang.Hirit/photos/a.10150303187362349/

Ang mga hakbang na ito ay dapat gawin sa buong linggo. Ibahagi nang wasto ang mga gawain upang
matutong mabuti ang mga mag-aaral. Palaging magabayan ng pagpapakita ng pagkatuto ng mga
mag-aaral na maaari mong mahihinuha mula sa mga gawain sa pormatibong pagtatasa. Ipagpatuloy
ang pag-aaral sa sistematikong paraan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng
IV. PAMAMARAAN maraming istratehiya upang matuto ng mga bagong bagay, magsanay sa kanilang pag-aaral,
(Procedures) magtanong sa kanilang mga proseso sa pag-aaral, at magsagawa ng mga konklusyon tungkol sa
kanilang natutunan kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay at dating kaalaman. Ipahiwatig
ang paglalaan ng oras.
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng aralin 1. Panimulang gawain
(Reviewing previous lesson or
presenting the new lesson)
a. Panalangin
https://www.youtube.com/watch?v=3-VOz0GhJ9M

b. Pagtsek ng mga pumasok at Lumiban sa Klase


c. Pagbati at Paalala

1). -Panuntunan sa loob ng klase (Face to face class)

2). Pamantayan sa Pagpupuntos/pagmamarka

2. Pagbabalik-tanaw

Panuto: Ano-ano ang mga pormat ng liham pangnegosyo?

1. Estilong block 2. Estilong full-block 3. Estilong semi-block

Pagbabalik tanaw sa mga nakaimbak na


kaalaman

-Activate Prior Knowledge


B. Paghahabi sa layunin ng aralin Indicator 2
(Establishing a purpose for the 3.Pagganyak:
lesson)
Panuto: Tignang mabuti ang larawan, ang mga sangkap na makikita sa ibaba ay mula sa isa sa mga paboritong pagkain ng mga
Kapampangan ang sinigang na sugpo. Subuking mabuo ang mga hakbang sa pagluluto nito gamit ang mga sangkap sa ibaba.
Siguraduhing ang lahat ng mga sangkap ay magagamit sa pagbuo ng mga hakbang.

Sinigang na Sugpo
8 tasang tubig
½ tasang kalamansi, isang 1 ½ -oz pulbos na sampalok “ready-mix”
2 kutsara mantika
1 kutsara tinadtad na bawang
1 tasang tinadtad na sibuyas
2 tasang tinadtad na hinog na kamatis
2 tasang buong labanos
2 librang sugpo
3 sariwa, mahabang berdeng sili
1 ½ librang kangkong
1 kutsara patis

Mga Hakbang
1. Ilagay ang tubig at katas ng _____ o pinaghalong sampalok.
2. Pakuluin nang labinlimang minuto.
3. Sa ibang kawali, iinit ang ______ at mag-gisa ng ______, _______ at _______,
pagkatapos idagdag ito sa tubig.
4. Idagdag ang ______ at ______ at ilaga.
5. Pakulin hanggang malambot pero malutong.
6. Idagdag ang maanghang na _______ at _________.
7. Idagdag ang _______ ayon sa panlasa.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Pagkatapos ng naunang gawain, ipasagot ang mga sumusunod na katanungan sa mga mag-aaral nang maiugnay ito sa
sa bagong aralin aralin ngayon:
(Presenting examples/instances
of the new lesson)  Batay sa ating unang gawain, anong lutuin ang ipinakita?
 Anong ang iyong kaalaman na napulot patungkol sa sinigang na sugpo?
 Saan pa maaring makakita ng mga detalye patungkol sa mga pagkain?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Mahalagang maunawvaan ng isang mag-aaral na tulad mo na kabilang sa kursong teknikal-bokasyunal ang Indicator 1
paglalahad ng bagong kasanayan #1 kahalagahan ng menu ng pagkain at nilalaman nito. Makabubuo ka ng sarili mong menu ng pagkain sa
(Discussing new concepts and practicing pamamagitan ng pag-alam ng kahalagahan, katangian, hakbang, at mga patnubay sa pagbuo nito.
new skills #1)
Pagsulat ng Menu ng Pagkain
Ang Menu ay itinuturing na isang sulating teknikal-bokasyunal. Ito ay pinakamahalagang kagamitan at ang
pangunahing pinagkukunan ng impormasyon at naglalara\\ran sa isang kainan, restawrran o fast food.

Katangian ng Menu ng Pagkain


I . Nakaayos ang uri ng pagkain - kinakailangang ang pagkaing ilalagay sa menu ay nakapangkat batay sa
uri ng pagkain: pagkaing may sabaw, pagkaing gawa sa karne ng baboy o baka, isda, pagkaing laman-dagat,
kanin, pampagana, panghimagas, i:numin at iba pa.

2. Mayroong nakalagay na presyo - inilalagay ito upang maging mas madali para sa parokyano na makita
ang halaga ng pagkain na kanilang gustong kainin.

3. Mayroong paglalarawan - higit na magkakaroon ng ideya ang kakain kung ito ay mayroong
paglalarawan.

4. Gumagamit ng mga larawan -patok sa mga mamimil i ang pagkakaroon ng


larawan upang makita nila ang hitsura ng pagkaing nakalahad sa menu.
Makikita natin ang iba't ibang menu sa magkakaibang kainan kaya't kung minsan ay nagpapagandahan ang
mga ito upang makahikayat ng taong kakain. Ang mga ito ay dumaan sa matinding proseso bago pa man
natin ito makita dahil may mga hakbang na dapat sundin upang makabuo ng makabulubang menu ng
pagkain.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu Indicator 1
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Discussing new concepts and practicing new  Masustansiya - ang mga pagkain na ihahanda ay dapat may layunin makapagpabuti ng kalusugan ng
skills #2 mga taong kakain.
 Matipid at abot kaya - ang mga pagkain ay hindi hihigit sa presyong hindi kaya ng mga taong
layuning pagsilbihan.
 Kakayahang Pamamahala - ang oras at kakayahan sa paghahanda ay kailangan isama sa
pagpaplano.
 Panlabas na anyo - dito kailangang suriin ang sumusunod:
a. Kulay
b. Tekstura
c. Porma
d. Lasa
e. Hitsura
 Pagkakaiba sa kaugalian pagdating sa pagkain - may iba't ibang uri ng tao kung saan may mga
pagkaing kanilang tinatangkilik, maaaring ito ay dahil sa kanilang relihiyon o ang kanilang diyeta o
pangkalusugang pangangailangan.
 Kakayahan sa pagpapanatili - pagkakaroon at kalidad ng pagkaing ihahain, napakahalaga sa isang
kainan na kayang panatilihing palaging bago ang pagkain o iwasan ang initin lamang ang mga ito
kinabukasan nang sa gayon ay di magbago ang hitsura, tekstura at lasa nito. Mainam din ang
paglalagay ng pagkain sa menu na laging kayang ihanda upang maiwasan ang pagkadismaya ng mga
tagatangkilik.
 Pagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkain - sa paghahanda ng pagkain
mahalagang mayroong sapat na kagamitan upang hindi naisasaalang-alang ang hitsura, porma at
kalidad ng pagkaing ihahain sa hapag at maging kaiga-igaya sa harap ng kakain.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo


sa Pormatibong Pagtatasa 3 Panuto: Basahin ang mga sumusunod at tukuyin kung ano ang dapat isaalang-alang sa bawat sitwasyon na
(Developing mastery (leads to Formative may kinalaman sa pagpaplano ng menu.
Assessment 3)
A. Kakayahan sa pagpapanatili
B. Kakayahang Pamamahala
C. Masustansiya
D. Matipid at abot kaya
E. Pagkakaiba sa kaugalian pagdating sa pagkain
F. Pagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkain
G. Panlabas na anyo
________ 1. Si Ana ay isang beheteriyano (vegetarian) kaya’t mahalaga sa kaniya ang kainang naghahain ng
may gulay.

________ 2. Sinisigurong masarap ang pagkaing ihahanda samatakatuwid ang mga tagapagluto ay may
angking galling, karanasan o di kaya'y nakapag-aral ng kursong HRM o Culinary.

________ 3. Ang bagong bukas na kainan sa aming lugar ay napakahusay sa mga inihahaing putahe dahil
gumagamit ng iba't ibang kagamitan sa mga pagkaing inihahanda.

________ 4. Hindi maikakaila na dayuhin ang kainang J and M Resto dahil makikita mo na ang mga
pagkain ay maaayos ang hitsura, porma at tekstura.
________ 5. Si Glenda ay napakatipid pagdating sa pagkain kaya sinisiguro niyang eksakto lamang ang
dalang pera sa tuwing kakain, kaya hilig niya sa kainan na nakikita ang presyo upang hindi na siya
magtatanong.

________ 6. Hindi nagsasawang tangkilikin ni Amelia ang Kare-kare at Sinigang sa Kainan ni Manay dahil
napakasarap nito at hindi nawawala sa tuwing hinahanap niya ito.

________ 7. Sinisiguro ni Aling Mameng na babalik ang kaniyang tagatangkilik hindi lamang dahil sa lasa
ng pagkain, prayoridad din ang kanilang kalusugan dahil makikita sa menu nito na nakalagay ang "No
Artificial Ingredients Added."

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- Gawain: Paggawa ng Menu ng Pagkain Indicator 3


araw na buhay  Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang kaalaman sa iba’t ibang pagkain na inihahain sa isang Indicator 4
(Finding practical applications of restawran. Maaaring magtanong sa kanilang guro sa Food and Beverage Services. (appetizer, soup, Indicator 5
concepts and skills in daily living) main course, dessert, beverages) Indicator 6
 Bigyan ang bawat pangkat ng limang larawan ng pagkain o inumin ayon sa kanilang specialty.
 Gamit ang iba pang mga materyales sa paglikha, kailangang makagawa ang bawat grupo ng
halimbawa ng isang menu.
 Bigyan ang bawat grupo ng 10 minuto upang matapos ito.
 Gamitin ang rubrik sa ibaba upanga magsilbing gabay sa pagbibigay grado sa bawat awtput.
H. Paglalahat at Pagbubuod kaugnay 1. Ano ang menu? Indicator 3
sa Aralin 2. Anu-ano ang mga katangian ng menu ng pagkain?
(Making generalizations and abstractions 3. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu?
about the lesson) 4. Bakit kailangang may menu ang anumang kainan?
5. Magbigay ng kainan na sa palagay mo ay mayroong napaka-epektibong menu ng pagkain.
Pangatwiranin ang iyong sagot.

I. Pagtataya sa Natutuhan Tumpak o Ligwak Indicator 4


(Evaluating learning) Basahin at unawain ang bawat pangungusap na may kinalaman sa pagsulat ng menu ng pagkain. Isulat ang
TUMPAK kung ang ideya ay tama. Isulat naman ang LIGWAK kung ito ay mali.

______ 1. Kinakailangang ang pagkaing ilalagay sa menu ay nakapangkat batay sa uri ng pagkain.

______ 2. Ang Menu ay itinuturing na isang sulating akademiko.

______ 3. Gamit ang menu, nakakukuha ng impormasyon at naglalarawan sa isang kainan, restawrran o fast
food.

______ 4. Inilalagay ang presyo upang maging mas madali para sa parokyano na makita ang halaga ng
pagkain na kanilang gustong kainin.

______ 5. Patok sa mga mamimili ang pagkakaroon ng larawan upang makita nila ang hitsura ng pagkaing
nakalahad sa menu.

J. Mga karagdagang Gawain para sa


aplikasyon o panlunas (Additional activities
for application or remediation)

Kailangan pagnilayan ng mga guro at tasahin ang kanilang pagiging epektibo (Pag-isipan ang pagtuturo at tasahin ang sarili
VI. PAGNINILAY bilang isang guro. Pagtuunan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa linggong ito. Ano ang gumagana? Ano pa ang dapat gawin upang
( Reflection) matulungan ang mga mag-aaral na matuto? Tukuyin kung ano ang maitutulong ng mga
superbisor sa pagtuturo. (Maaari mong isangguni ang mga nauugnay na katanungan.)
A. .Bilang ng mag-aaral na nakakuhang
80% sa pagtataya (No. of learners
who earned 80% in the evaluation

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidyasyon
(No. of learners who require
additional activities for
remediation
C. Nakatulong ba remidyal? Bilang ng
mga mag-aaral na nakahabol sa
aralin
(Did the remedial lessons work?
No. of learners who have caught
up with the lesson)
D. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidyasyon (No.
of learners who continue to
require remediation)

E. Alin sa mga istratehiyang patuturo na


katulongng lubos? Paano ito
nakatulong?
(Which of my teaching
strategies worked well? Why did
these work?)
F. Anong suliranin ang naranasan
nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro
(What difficulties did I encounter
which my principal or supervisor
can help me solve?)
G. Anong mga inobasyon o localisasyon
na kagamaitang panturo ang aking
ginamit/natuklasan na nais kong
ibahagi sa ibang mga guro (What
innovation or localized
materials did I use/discover which
I wish to share with other
teachers?)

Inihanda ni: Iniwasto ni: May Kinalaman:

MARINO Q. DIMARUCUT ARCELI P. MANIEGO WILLET S. PEREZ, PhD.


Teacher II Head Teacher III / SHS Focal Person Principal III

You might also like