You are on page 1of 14

4

EPP-Industrial Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Paggawa ng Sariling Disenyo sa
Pagbuo ng Produktong Gawa sa
Karton
Alamin
Ang modyul na ito ay may mga pagsasanay upang
matutuhan ng mga bata ang wastong paggawa ng sariling disenyo
na gawa sa karton. Ito rin ay makatutulong upang mapaunlad at
magdulot ng pangkabuhayan sa pang araw-araw na pamumuhay.
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw
ay inaasahang:

• nakikilala ang mga pangunahing kagamitan at gamit nito at


mga kasanayan sa paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo o
pagbabago ng produktong yari o gawa sa karton;
• nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong yari o gawa sa karton;
• napahahalagahan ang mga kasanayan at kaalaman sa
paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong yari o gawa sa karton EPP4IA-Of-6.

Subukin

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang


papel.
1. Ito ay pandugtong ng mga nagupit na piraso ng karton?
A. kahon C. pandikit
B. lapis D. ruler

2. Ito ay ginagamit sa pagkukulay ng mga nagawang proyekto.


A. glue C. lapis
B. kahon D. pintura

3. Isang uri ng kagamitan na ginagamit sa paggawa ng disenyo na


pangmarka.
A. lapis C. gunting
B. pandikit D. pin

1
4. Ito ay kagamitang ginagamit na pamputol sa karton.
A. pandikit C. gunting
B. pintura D. lapis

5. Ito ay ginagamit na panukat sa anumang likhang sining.


A. kahon C. ruler
B. lapis D. pandikit

Paggawa ng Sariling
Aralin
Disenyo sa Pagbuo ng
1 Produktong Gawa sa
Karton
Mahalagang matutuhan ng isang batang katulad mo ang
wastong paggawa ng sariling disensyo sa pagbuo ng produktong
gawa sa karton. May mga bagay din na dapat isaalang-alang sa
pagdidisenyo ng iba’t ibang uri ng proyekto upang maging maayos
at kapakipakinabang ang proyekto.

Handa ka na bang malaman ang mga paraan na ito? Tiyak


na makatutulong ito upang mas lalong gumanda ang iyong
disenyo.

2
Balikan
Panuto: Punan ang mga salita na may kulang na titik sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. E_P_NGH_

Ito ay ginagamit na pamahid sa proyektong natapos upang


maging malinis ang bahagi nito.

2. L_W_D

Ito ay ginagamit upang makagawa ng proyektong ceramics


na naaayon disenyong gagawin.

3. P_NT_R_

Ito ay ginagamit na pandagdag kulay sa disenyong ginawa


upang maging kaakit-akit tingnan.

4. P_M_T_L

Ito ginagamit na pang-alis sa mga sobrang bahagi


ng proyekto.

5. T_B_G

Ito ginagamit na pambasa at panghalo sa luwad upang


lumambot bago itong masahin.

2
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang tula na nakalahad sa ibaba.
Matapos basahin ay sagutan ang mga tanong tungkol dito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Disenyo Natin Paunlarin


ni Zoren Ace P. Sese

Sa bawat proyekto
Disenyo’y numero uno
Sa pag-isip ng konsepto
At pagsulat sa kwaderno

Disenyo’y pag-aralan
Pamamaraa’y sundan
Upang proyekto’y maging mainam
Iyan ang layunin ng disenyong pinaghirapan

Sukat, linya, materyales at pamamaraan


Iyan ang susi sa paggawa na dapat tandaan
Idisenyo mo ang proyekto
Sa pamamaraang sistematiko

Pagbutihin ang disenyo


Sapagkat ito’y kaluluwa ng proyekto
Isang proyektong maganda
Susi sa magandang kita

3
Mga Tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng tulang nabasa?
2. Bakit kailangang isagawa ang pagdidisenyo ng isang
proyekto?
3. Saan ginagamit mga desenyo na nabanggit sa tula?
4. Bakit naging susi sa magandang kita ang maayos at
sistematikong disenyo ng produkto?

Suriin

Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paggawa at Gamit Nito

1. Karton

Ginagamit na panghalili sa kahoy o tabla.

2. Gunting at cutter

Ginagamit na pamputol ng materyales na gawa


sa papel, tela o karton.

3. Ruler

Ito ay ginagamit sa pagsusukat, sa paggawa ng


mga linya sa drowing at iba pang maliliit na
gawain na nangangailangan ng sukat.

4. Pandikit, glue, o candle glue

Ginagamit na pandugtong sa gagawing


proyekto.

4
5. Pintura

Gamit na pangkulay ng gagawing proyekto.

6. Lapis

Gamit na pananda sa disenyo.

Mga Kasanayan sa Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo o


Pagbabago ng Produktong Gawa sa Karton

1. Pagpaplano
Mahalaga ang plano ng isang proyekto. Dito nakasaad ang
pangalan ng proyekto, mga kagamitan, bilang, at halaga. Dito rin
makikita ang pamamaraan sa paggawa ng proyekto.

2. Pagsusukat
Ito ay kasanayan ng pagbibigay-katangian sa isang bagay
gamit ang iba’t ibang kasangkapan na may kalibra. Mahalagang
tama ang sukat ng mga gagamitin sa proyekto upang makagawa
nang maayos at magandang proyekto.

3. Pagpuputol
Ang paggamit ng tamang kasangkapan sa pagputol ay
mahalaga. Sundin ang tamang panuntunan sa tamang paraan
ng pagpuputol ng mga ito.

4. Pagpipinta
Dapat ay pintahan ang mga bahagi ng proyektong ginawa
upang ito ay maging kaaya-aya sa paningin ng mga susuri nito.

5. Pagbubuo
Tiyaking tama ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng
proyekto upang ito ay matibay at maganda.

6. Pagtatapos
Upang maging pulido o makinis ang gawa, lagyan ng barnis
o pintura ang produkto o proyektong ginawa.

5
Pamamaraan ng Pagdidisenyo
1. Ortographic
Ito ay pagpapakita ng iba’t
ibang tanawin o views ng
proyekto. Ipinapakita nito ang
tatlong tanawin ng isang
proyekto.

2. Isometric
Ito ang nagpapakita ng tatlong
tanawin ng proyekto sa isang
pagguhit na nakahilig ng 300(30
degrees) ang bawat tagiliran.
Maaari din itong gawin sa
pamamaraan ng malayang
pagkokrokis upang maipakita
ang kabuuang hugis ng
proyektong gagawin.

3. Perspective
Isa itong krokis na nahahawig sa
isometric. Ang hugis nito ay
malaki sa unahan at papaliit
hanggang dulo tulad ng pagtingin
sa riles ng tren. May dalawa o
higit pa na tuldok na gabay sa
pagguhit ng bawat bahagi ng
bagay na nais ilarawan.

6
Pagyamanin

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag ukol sa


paggawa ng sariling disenyo ng produktong gawa sa karton
Lagyan ng T kung tama at M naman kung mali. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
___1. Upang maging pulido o makinis ang iyong gawa, lagyan mo
ito ng barnis o pintura ang proyektong ginawa.
___2. Ang lapis ay nagsisilbing panukat sa proyektong nais
idisenyo
___3. Ang pagpipintura sa disensyong likha ay nagbibigay ng
kaaya-ayang kalidad ng proyekto.
___4. Ruler ang kagamitan sa pagsukat ng bawat bahagi ng
disensyo sa proyekto.
___5. Glue ay ginagamit upang idikit ang mga nakahiwalay na
bahagi ng proyekto.

B. Panuto: .Tukuyin ang mga produktong maaaring magawa mula


sa karton. Lagyan ang tsek (√) kung ito ay maaring gawin mula
sa karton at ekis (X) naman kung hindi.
Produkto √/X
1. Pamaypay
2. Damit
3. Bag
4. Pako
5. Lagayan ng sapatos
6. Gulong
7. Salansanan ng dokumento
8. Egg Tray
9. Plorera
10. Palamuti sa dingding

7
C. Panuto: Basahin at unawain ang ibat-ibang uri ng kagamitan
sa paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo ng produktong gawa sa
karton. Isulat ang letra ang tamang sagot sa sagutang papel.
A. Gunting/Cutter D. Pintura
B. Karton E. Ruler
C. Pandikit F. Lapis

1. Ito ay ginagamit na panghati o pamutol sa mga sobrang


bahagi ng desensyo.
2. Ito ay ginagamit na panukat sa ginagawang proyekto.
3. Ginagamit na panghalili sa kahoy o tabla.
4. Ito ay ginagamit upang mabigyang kulay ang iyong proyekto.
5. Nagsisilbing pandugtong sa mga hiwalay n bahagi.

Isaisip

Bakit kailangang matandaan at matutuhan ng isang batang


katulad mo ang paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo ng
produktong gawa sa karton? Magbigay ng limang
pinakamahalagang dulot nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Narito ang rubriks para sa gawain
Indikasyon Puntos
5 4 3 2 1
Nilalaman at lawak ng pagtalakay.
Paraan ng paglalahad.
Pagpili ng gininamit na salita.

15-13 Pinakamahusay
12-10 Mahusay
9-7 Katanggap-tanggap
6-1 Mapaghuhusayan

8
Isagawa

Ihanda mo ang iyong sarili at mga kaakibat na kagamitan sa


paggawa ng disensyo na yari sa karton.
Panuto: Narito ang isang lalagyan ng lapis, disenyohan ayon sa
nais.

Narito ang rubriks para sa gawain.


Indikasyon Puntos
5 4 3 2 1
Kompleto ang detalye
Ang ideya ay orihinal
Malinis na gawa
Pagkamalikhain
Kabuuang anyo

25-13 Pinakamahusay
12-10 Mahusay
9-7 Katanggap-tanggap
6-1 Mapaghuhusayan

9
Tayahin

A. Panuto: Batay sa ating napag-aralan, hanapin ang mga salita


na may kaugnayan sa mga paraan ng pagdidisenyo sa proyekto.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

P A G P U P U T O L A Q W P

A S D F G H J K L O G F D A

P A G T A T A P O S I I D G

Q W E R T Y U I I I I I D P

A X S D D F F F F G F F X A

A P A N D I K I T V G F Z P

A A S F R T Y G H H J V A L

K A R T O N A Q W R B B S A

Q W E T G H H J K R F B D N

L A P I S S D G H T D V F O

1. _____________________ 3._____________________ 5.___________________


2._____________________ 4._____________________ 6.____________________

B. Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng


paglalagay ng tamang salita sa patlang upang mabuo ang
kaisipan ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Sa ___________ ng isang proyekto, nakasaad ang pangalan ng
proyekto, mga kagamitan, bilang, at halaga. Dito rin makikita
ang pamamaraan sa paggawa ng proyekto.
2. Sa ___________ ng isang proyekto tiyaking tama ang
pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng proyekto upang ito ay
matibay at maganda.
3. Dapat ___________ ang mga bahagi ng proyektong ginawa upang
ito ay maging kaaya-aya sa paningin ng mga susuri nito.
4. Ang lapis ay gamit na ___________ sa disenyo.
5. Ang karton ay ginagamit na ___________ sa kahoy o table.

10
11
Pagyamanin
Subukin Balikan Tayahin
A. A
1. C 1.ESPONGHA 1. T 1. Karton
2. D 2.LUWAD 2. M 2. Lapis
3. A 3.PINTURA 3. T 3. Pandikit
4. C 4.PAMUTOL 4. T 4. Pagtatapos
5. C 5.TUBIG 5. T 5. Pagpuputol
6 Pagpaplano
B.
1. √ B.
2. X 1. pagpaplano
3. √ 2. pagbubuo
4. X 3. pinturahan
5. √ 4. pananda
6. X 5 panghalili
7. √
8. √
9. √
10.√
C.
1. A
2. E
3. B
4. D
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Cristobal, Guadalupe. C., Alladin G. De Guzman, Loida L. Hilario,


Harriet O. Pontigon, Rebecca T. Watson, at Efigenia P.
Pangilinan. (2005). Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan, Workteks sa Edukasyong Pantahananat
Pangkabuhayan para sa ika-apat na Baitang. Manila Rex
Bookstore.

Gabay Pangkurikulum ng Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan sa Baitang 4. 2016. Republika ng Pilipinas:
Kagawaran ng Edukasyon.

Gabay sa Kurikulum ng K-12 MELCs, 2020, Pasig City:


Department of Education

Samadan, Eden F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou


E. Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C.
Dispabiladera, et.al. 2015. Unang Edisyon. Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng
Guro.Republika ng Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon.

Samadan, Eden F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Dolores


M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera;
Teresita B. Doblon, et.al. 2015. Unang Edisyon
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng
Mag-aaral. Republika ng Pilipinas: Kagawaran ng
Edukasyon.

12

You might also like