You are on page 1of 14

4

EPP – Industrial Arts


Ikatlong Markahan – Modyul 2
Dalawang Sistemang Panukat
Alamin

Ang modyul na ito ay may mga gawain na susukat at lilinang


sa iyong kaalaman tungkol sa dalawang sistemang panukat na
Ingles sa metric at metric sa Ingles.
Dagdag pa rito, pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ikaw
ay inaasahang:
• nakikilala ang dalawang sistemang panukat;
• nagagamit ang dalawang sistema ng pagsusukat sa mga
gawaing pang-industriya;
• napapahalagahan ang tamang paggamit ng dalawang
sistema ng pagsusukat. EPP4IA-Ob-2

Subukin

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na sukat ay


sistemang Ingles o sistemang metriko. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

_____________1. 1 pulgada

_____________2. 1 piye

_____________3. 2.54 sentimetro

_____________4. 1093.613 yarda

_____________5. 1 metro tonelada

1
Aralin
Paggamit ng Dalawang
1 Sistemang Panukat
Bilang isang mabuting mag-aaral, mahalagang matutuhan
mo ang paggamit ng dalawang sistemang panukat.

Balikan

Panuto: Punan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa bawat


pangungusap. Piliin sa kahon ang sagot at isulat ito sa iyong
sagutang papel.

Iskuwalang Asero Meter Stick Protraktor

Tape Measure T – Square Zigzag Rule

1. Ang ____________________ ay ginagamit sa pagsusukat sa


malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay.
2. Karaniwang ginagamit ng mga mananahi ang
____________________ sa pagsusukat para sa paggawa ng
pattern at kapag nagpuputol ng tela.
3. Ang ____________________ ay ginagamit sa pagkuha ng mga
digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit
na mga linya.
4. Ang ____________________ ay ginagamit ng mga mananahi sa
pagsusukat ng mga bahagi ng katawan kung tayo ay
nagpapatahi ng mga damit.
5. Ginagamit ang ____________________ sa pagsukat ng
mahahabang linya kapag nagdodrowing.

2
Tuklasin

Panuto: Suriing mabuti ang mga sukat sa ibaba at sagutin ang


mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

12 pulgada = 1 piye o talampakan

3 piye = 1 yarda

1 pulgada = 25.4 milimetro

= 2.54 sentimetro

1 piye = 30.48 sentimetro

= 0.3048 metro

1 yarda = 91.44 sentimetro

= 0.9144 metro

a. Ano ang tawag sa mga sukat sa itaas?

b. Sa iyong palagay, saan ginagamit ang mga ito?

c. Mula sa mga sukat, magbigay ng dalawang bagay na


ginagamitan ng mga sukat na ito na makikita sa inyong
bahay.

3
Suriin

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang


angkop na sukat ng isang bagay. May dalawang uri ng sistema ng
pagsusukat; ito ay ang Sistemang Ingles at ang Sistemang Metrik.
Ang Sistemang Ingles ay ang lumang pamamaraan sa pagsusukat
samantalang ang Sistemang Metrik ang ginagamit sa
kasalukuyan. Upang maging matagumpay sa pagsusukat,
kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa pagsusukat.

Mga Pamamaraan ng Pagsusukat

May dalawang sistema ng pagsusukat, ito ay ang sistemang


ingles at sistemang metrik. Ang bawat sistema ay may iba’t ibang
yunit na ginagamit. Bawat yunit ng Sistemang Ingles ay may
katumabas na sukat sa Sistemang Metrik. Sa matatanda,
nakasanayan na ang paggamit ng Sistemang Ingles, at sa
kasalukuyan ay binibigyang pansin ang pagsusukat gamit ang
sistemang metrik.

Ang dalawang sistema ng pagsusukat ay ang Sistemang


Ingles na ginagamit ng matatanda at ang Sistemang Metrik na
ginagamit sa ngayon.

Ang mga pamamaraang ito ay mahalaga upang may batayan


sa pagkuha ng sukat at ang yunit na gagamitin lalo na kapag ito
ay may kaukulang bayad.

Kung ikaw ay magpapatahi ng iyong uniporme, ano kayang


uri ng pagsusukat ang gagamitin para maging tama ang lapat ng
uniporme sa katawan mo?

Isa pang halimbawa, sa pagpili ng tela ano kaya ang


ginagamit na pamamaraan ng pagsusukat para sa mga nananahi
ng mga pantalon, kurtina at iba pa?

4
Sa pagbili ng kahoy sa hardware anong uri naman kaya ng
pagsusukat ang ginagamit ng tindera upang malaman ang
babayaran ng mamimili?

Katulad din naman sa pagbili ng kawad ng kuryente, kung


ikaw ay gagawa ng extension cord, paano ito sinusukat upang
maging batayan kung magkano ang babayaran ng isang
mamimili?

Sistemang Ingles

12 pulgada = 1 piye o talampakan

3 piye = 1 yarda

Sistemang Metrik

10 milimetro = 1 sentimetro

10 sentimetro = 1 desimetro

10 desimetro = 1 metro

100 sentimetro = 1 metro

1000 metro = 1 kilometro

Pagsasalin ng Sistemang Panukat ng Ingles sa Metrik at


Metrik sa Ingles

Ang bawat yunit sa pagsusukat ay may katumbas na sukat


sa Sistemang Ingles at Sistemang Metrik.

Sistemang Ingles

12 pulgada = 1 piye

3 piye o talampakan = 1 yarda

Sistemang Metrik

10 millimetro = 1 sentimetro

5
10 sentimetro = 1 desimetro

10 desimetro = 1 metro

100 sentimetro = 1 metro

1000 metro = 1 kilometro

Tumbasan ng Sukat

Haba

Sistemang Ingles Sistemang Metrik

1 pulgada = 25.4 milimetro

= 2.54 sentimetro

1 piye = 30.48 sentimetro

= 0.3048 metro

1 yarda = 91.44 sentimetro

= 0.9144 metro

Sistemang Metrik Sistemang Ingles

1 milimetro = 0.03937 pulgada

1 sentimetro = 0.3937 pulgada

1 metro = 39.37 pulgada

1 metro = 3.2809 piye

1 metro = 1.0936 yarda

1 kilometro = 1093.613 yarda

6
Timbang

1 onsa = 28.35 gramo

1 liba = 0.4536 kilogramo

1 tonelada = 907.2 kilogramo

= 0.9072metriko tonelada

1 gramo = 0.03527 onsa

= 15.432 butil

1 kilogramo = 2.2046 libra

1 metro tonelada = 1.102 tonelada

Dami

1 pulgada kubiko = 0.0164 litro

1 galon (Imperial) = 4.546 litro

(Amerikano) = 3.785 litro

1 litro = 0.03531 piye kubiko

= 0.2642 galon

Mga Simbulo ng Bawat Yunit ng Pagsusukat

Pulgada =“ Sentimetro = sm.

Piye =‘ Desimetro = dm.

Yarda = yd. Metro = m.

Milimetro = mm. Kilometro = km.

7
Pagyamanin

A. Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) sa patlang kung ang tinutukoy sa


bawat sukat ay tamang katumbas at ekis ( x ) naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

__________1. 1 yarda = 91.44 sentimetro

__________2. 1 gramo = 2.2046 libra

__________3. 1 litro = 0.2642 galon

__________4. 1 tonelada = 907.2 kilogramo

__________5. 1 kilometro = 1093.613 yarda

B. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot sa pamamagitan


ng pagpili ng katumbas na sukat mula sa kahon. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

0.0164 litro 1 onsa 10 milimetro

2.2046 libra 2.54 sentimetro 907.2 kilogramo

1. 1 pulgada kubiko = ______________________


2. ______________________ = 1 sentimetro
3. ______________________ = 28.35 gramo
4. 1 kilogramo = ______________________
5. 1 tonelda = ______________________

8
C. Panuto: Ang mga sumusunod na salita ay mga yunit na
ginagamit sa sistemang ingles at metric. Isulat ang tamang
salita sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga nagulong letra.
Isulat ang sagot iyong sagutang papel.

1. OLMIMTERI = _____________________
2. LPUGAAD = _____________________
3. EYIP = _____________________
4. BRAIL = _____________________
5. NESMITROTE = _____________________

Isaisip

Panuto: Ibigay ang katumbas na sukat ng mga sumusunod. Isulat


ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Sistemang Ingles
1. 12 pulgada = __________________
2. 3 piye = __________________

B. Sistemang Metrik
3. 10 millimetro = __________________
4. 10 sentimetro = __________________
5. 10 desimetro = __________________

Isagawa
Panuto: Gawin ito sa iyong sagutang papel, gumamit ng ruler sa
paggawa ng guhit o linya na pahalang sa papel na may sukat na:
1. pulgada 4. 3 sentimetro
2. 1 ½ pulgada 5. 3 ¼ pulgada
3. 10 milimetro

9
Tayahin

A. Panuto: Ibigay ang katumbas na sukat at simbulo ng mga


sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1. 1 tonelada = ________________.
A. 907.2 kilogramo C. 1.102 tonelada
B. 2.2046 libra D. 28.35 gramo
2. 1 sentimetro = ________________.
A. 0.3048 metro C. 1.0936 yarda
B. 91.44 sentimetro D. 0.3937 pulgada
3. 1 galon (imperial) = ________________.
A. 0.2642 galon C. 4.546 litro
B. 0.0164 litro D. 2.2046 libra
4. Ano ang simbulong ginagamit sa pulgada?
A. ‘ C. yd.
B. “ D. mm.
5. Ang (yd.) ay simbulong ginagamit sa yarda, ano naman ang
sa piye?
A. sm. C. km.
B. dm. D. ‘

B. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na sukat ay tama


o mali. Isulat sa patlang ang T kung ito ay tama at M kung ito
naman ay mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

____________1. 10 milimetro = 1 sentimetro

____________2. 12 pulgada = 1 piye o talampakan

____________3. 1 pulgada kubiko = 0.00164 litro

____________4. metro = (“)

____________5. desimetro = (m.)

10
11
Pagyamanin Isaisip Tayahin
A. 1. / 1. 1 piye o A.
2. x talampakan
3. / 2. 1 yarda 1. A
4. / 3. 1 sentimetro 2. D
5. / 4. 1 desimetro 3. C
B. 1. 0.0164 litro 5. 1 metro 4. B
2. 10 milimetro 5. D
3. 1 onsa B.
4. 2.2046 libra 1. TAMA
5. 907.2
kilogramo 2. TAMA
C. 1. milimetro
2. pulgada 3. TAMA
3. piye 4. MALI
4. libra
5. sentimetro 5. MALI
Susi sa Pagwawasto
12
Subukin Balikan
1. Sistemang A. 1.
Ingles Iskuwaladong
2. Sistemang Asero
Ingles 2. Meter Sick
3. Sistemang 3. Protraktor
Metrik 4. Tape
4. Sistemang Measure
Metrik 5. T-Square
5. Sistemang
Ingles
Sanggunian
Cristobal, Guadalupe. C., Alladin G. De Guzman, Loida L. Hilario,
Harriet O. Pontigon, Rebecca T. Watson, at Efigenia P.
Pangilinan, (2005). Edukasyon Pantahanan at
Pangkabuhayan, Workteks sa Edukasyong Pantahan at
Pangkabuhayan para sa Ika-apat na Baitang. Manila: Rex
Bookstore.

Gabay sa Kurikulum ng K-12, MELCs, 2020. Pasig City:


Department of Education.

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Lagui,


Marilou E. Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia,
Bernie C. Dispababiladera, at mga kasama (2015).
“Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan” (Patnubay ng
Guro), Pasig City: FEP Printing Corporation.

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Lagui,


Marilou E. Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia,
Bernie C. Dispababiladera, at mga kasama (2015).
“Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan” (Kagamitan ng
Mag-aaral), Pasig City: FEP Printing Corporation.

Samadan, Eden., Marlon Lalaguna at Virgilio Laggui. (2015).


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Gabay ng
Guro). Pasig City: Vival Group, Inc.

Samadan, Eden., Marlon Lalaguna at Virgilio Laggui. (2015).


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Gabay ng Mag-
aaral). Pasig City: Vival Group, Inc.

13

You might also like