You are on page 1of 16

4 Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III

Learning Activity Sheets


Health 4
Quarter 3 – Week 5-8
Gamot ay Gamitin, Huwag
Abusuhin
I. Alamin
Pagkatapos ng Learning Activity Sheet na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nailalarawan ang tamang paraan ng paggamit ng gamot.


2. naipakikita ang pag-unawa sa pagsusulong ng kaligtasan sa paggamit ng gamot para
maiwasan ang masamang epekto /dulot sa ating katawan. (H4S-IIIfg-5)
3.naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbabasa ng impormasyon, mga nakasulat sa
pakete ng gamot (medicine label), at iba pang paraan upang makasiguro na tama ang paggamit
ng gamot. (H4S-IIIij-6)
4. nasusunod ang mga tamang paraan ng paggamit ng gamot.

II. Subukin
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang pangungusap. Kung tama isulat ang salitang TAMA at
kung mali isulat ang salitang MALI sa inyong sagutang papel.

______1. Dalawang araw nang pabalik-balik ang lagnat ni Riza. Kumonsulta siya sa
doktor bago uminom ng gamot.
______2. Si Marie ay uminom ng sobrang antibiyotiko upang labanan ang sakit na
dumapo sa katawan.
______3. Tiningnan at sinuri ni Leo ang pakete ng gamot bago ininom para sa
kaniyang sakit ng ulo.
______4. Ilagay kahit saan ang gamot pagkatapos gamitin.
______5. Mahalagang huwag nang tingnan ang nilalaman ng label ng gamot.
______6. Bumili ng gamot sa tindahang malapit sa inyong bahay kung ito ay may
reseta.
______7. Ang pakete ng gamot ay nagsasaad kung gaano karami ang dapat inumin.
______8. Ilagay ang gamot sa naaabot ng mga bata.
______9. Bumili ng gamot na kaiba sa inireseta ng doktor upang makamura sa
presyo.
______10. Inumin ang gamot sa itinakdang oras.

3
Aralin
Laging Ligtas: Pag-iwas sa Panganib ng
5 Pag-abuso at Maling Paggamit ng Gamot

III.Balikan

Nakakita na ba kayo ng gamot na kapsula?

Ano kayang mga posibleng mangyayari sa atin kapag uminom tayo ng gamot kahit
Hindi kailangan o masobrahan sa paggamit?

Itala natin ang sanhi at bunga ng maling paggamit ng gamot.


Halimbawa ng Gamot Sanhi Bunga

IV.Tuklasin
Basahin ang komik istrip at sagutin ang mga tanong.

Habang naghihintay sina Ali, Berto, at Dina sa kanilang guro sa loob ng silid-aralan, napag-
usapan nila ang nangyari kay Karen.

4
V.Suriin

Tanong:
1. Ano ang dahilan ng pagsugod kay Karen sa ospital?
2. Ano ang nangyari kay Karen pagkatapos uminom ng sobrang dosis ng gamot?
3. Bakit kailangan ang reseta ng doktor bago uminom ng gamot?
4. Paano nakaaapekto sa ating kalusugan ang maling paggamit ng gamot?

A. ANTIBIYOTIKO
May hangganan ang paggamit sa lahat ng gamot lalo na sa mga antibiyotiko dahil
sa sumusunod:
Pagkalason at reaksiyon. Bukod sa pinapatay ang bacteria, nakapipinsala rin sa
katawan ang antibiyotiko. Maaaring makalason o maging sanhi ito ng allergy. Maraming
namamatay taon-taon dahil gumagamit sila ng antibiyotiko na hindi nila kailangan.
Pagkasira ng balanse ng katawan. Hindi lahat ng bacteria sa katawan ay nakapipinsala.
Ang iba ay kailangan ng katawan upang normal na tumakbo ito. Kadalasan, parehong
pinapatay ng antibiyotiko ang masasama at mabubuting bacteria. Ang mga sanggol na
binibigyan ng antibiyotiko ay nagkakaroon kung minsan ng impeksiyon sa bibig sanhi ng
fungus (agihap)o sa balat (moniliasis). Nangyayari ito dahil pinapatay ng antibiyotiko o ang
mga bacteria na pumipigil sa fungus.

Hindi na tatablan pag tumagal. Sa katagalan, ang pinakamahalagang dahilan kung


bakit dapat magkaroon ng limitasyon sa paggamit ng antibiyotiko ay pagkabawas ng bisa nito.
(http://health.wikipilipinas.org/index.php/Kahalagahan_ng_Limitadong_Paggamit_
ng_Antibiyotiko)

B. Maaaring Panganib sa Maling Paggamit ng Gamot:


1. Pisikal na Panganib kagaya ng pagkabingi dahil sa maling paggamit.
Mga Epekto ng Maling Paggamit ng Gamot
 Pagtatatae
 Pananakit ng tiyan
 Pagsusuka
 Pagbaba ng puwersa ng dugo
 Pangangapos sa paghinga o mahirap na paghinga
 Taluhiyang Reaksiyon (Allergic Reactions)pamamaga ng labi,mukha o dila,
pagkakaroon ng butlig-butlig sa balat
2.Sikolohikal na Panganib(Psychological Harm)
Ang sobrang pag-inom ng antibiotic ay nagiging dahilan ng pagkapinsala ng
kapakipakinabang o kaibigang bakterya sa lamang-loob ng tao ay nakapagdudulot ng pabigla-
biglang pag-atake ng sakit sa pag-iisip.
Ang sobrang paggamit ng sangkap sa ubo at sipon na guaifenesin ang dahilan ng
pagkakaiba ng pagbabago ng paningin o pagkilala sa kulay at tunog. Ito rin ang dahilan ng
pagkakaroon ng guni-guni hanggang anim na oras.
(Galvez Tan,J.Z.,et al.(2009)The Health Curriculum in Philippine Basic Education Phillipines.
Meeks L. (2011) Compreehensive School Health education 7 th ed.
Stepens,E.MD(2011).Effects of Antibiotics Over an Extended Period.
http://www.medicinenet.com)
Sa mga nabanggit na epekto ng mali at labis na paggamit sa gamot, mahalaga ang
pagpapakunsulta sa doktor upang tamang gabay ang ating matatanggap.
5
VI.Pagyamanin .
I. Panuto: Punan ang tsart ng mga epekto ng maling paggamit ng gamot.
Mga Epekto ng Maling Paggamit ng Gamot
1.
2.
3.
4.
5.

II. Panuto: Punan ang mga kahon ng kahalagahan ng pagpapakonsulta sa doktor bago
uminom ng gamot.
“Mahalaga si Dok”

Kahalagahan ng
pagpapakunsulta
sa doktor.

VII. Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng mga angkop na salita upang makabuo ng
makabuluhang pangungusap.

Ang ________________paggamit ng ____________ay


nagdudulot
ng_________________sa_______________________
____.

VIII.Isagawa
I. Punan ang bawat talulot ng bulaklak ng maling epekto ng pggamit ng
gamot.

6
IX. Tayahin
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang nilalaman ng mga pahayag. Isulat ang
salitang TAMA kung wasto ang nilalaman ng pangungusap at MALI kung hindi ito
wasto.
1. Isang pisikal na epekto ng maling paggamit ng gamot ang
pagkabingi.__________
2. Ang maling paggamit ng gamot ay nagdudulot ng panghihina ng immune
system._________
3. Nakabubuti sa mga bata ang pag-inom ng gamot kahit hindi kumukunsulta sa
doktor.
4. Ang pamamaga ng labi, mukha, at dila ay sanhi ng sobrang pag-inom ng
gamot.____________
5. Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay epekto ng sobrang
paggamit ng gamot.____________

Aralin Sa Oras ng Karamdaman, Wastong


5 Preskripsiyon ang Kailangan

I.Balikan
Bakit kailangan ng preskripsiyon mula sa lisensiyadong doktor bago
uminom ng gamot ? Ano-ano ang mababasa ninyong nakasulat sa pakete ng gamot
o medicine label?
Ikaw kaibigan, anong gamot o mga gamot ang naipainom na sa iyo ng iyong
mga magulang? Natatandaan mo pa ba kung para saan ang mga pinainom sa iyong
mga gamot? May sinusunod bang oras at pamantayan kung kelan at ilang beses mo
itong inumin?
Ang ating mga katanungan ay may kaugnayan sa ating panibagong aralin sa
linggong ito. Tara na at ating simulan!

II.Tuklasin
I.Basahin ang dayalogo at pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong.
(Sa silid-aralan, aktibong nakikisali sa talakayan sina Rona, Ben, Belen at
Roy.)
Gng. Castro: Magandang araw sa inyong lahat. Gusto kong malaman mula
sa inyo kung ano ang ginagawa ninyo bago uminom ng gamot.
Rona: Sinasamahan ako ng Nanay ko sa klinika upang magpatingin sa
doktor. Sinusunod ko ang preskripsiyon mula sa doktor sa gabay ng aking
mga magulang.
Gng. Castro: Tamang gawi ang ginagawa mo Rona. Ikaw naman Ben?
Ben: Sinusuri kong mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot upang

7
malaman ko kung kailan mawawalan ng bisa.
Belen: Hindi kami bumibili ng gamot ng Nanay ko kung saan-saan lang.
Bumibili kami sa mapagkakatiwalaang botika upang hindi kami makabili ng
pekeng gamot.
Gng. Castro: Tama ang ginagawa ninyo mga bata. Ano naman ang
maibabahagi mo sa amin Roy?
Roy: Pinaghihiwalay namin ang lalagyan o taguan ng mga gamot
namin sa mga panlinis sa bahay at pamuksa sa mga insekto,
Sinisigurado namin na hindi kayang abutin ng aking mga
nakababatang kapatid ang imbakan ng mga gamot upang hindi
nila paglaruan.
Gng. Castro: Magaling! Ako ay nalulugod sa inyong ibinahagi ngayon.
Oras na para sa susunod ninyong asignatura. Paalam mga bata.
Mga Bata: Paalam din po Gng. Castro.

III.Suriin
Mga Tanong:
1.Ano-ano ang ibinahagi nina Rona, Ben, Belen, at Roy sa kanilang kaklase at guro?
2.Bakit kailangan nating komunsulta sa doktor bago uminom ng gamot?
3.Bakit kailangang bumli ng gamot sa mapagkakatiwalaang botika?
4.Nasiyahan ba si Gng. Castro sa mga ibinahagi ng kanyang mga mag-aaral?Bakit?

I. Mga Tamang Paraan sa Paggamit ng Gamot:


 Gamitin ang gamot na may gabay ng responsableng nakatatanda.
 Basahin at suriing mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot (medicine label)
 Kumunsulta sa doktor bago uminom ng gamot.
 Sundin ang mga panutong nakasaad sa preskripsiyong pang mediko o
medical prescription.
 Tingnan at suriin kung kailan mawawalan ng bisa ang gamot (expiration date)
 Isaalang-alang ang tamang pag-iimbakan o pagtataguan ng mga gamot.
 Bumili ng gamot sa mapagkakatiwalaang botika

Alam Mo Ba….
Nakatutulong ang gamot upang guminhawa ang pakiramdam o
gumaling sa isang karamdaman. Uminom ng tamang gamot para sa isang sakit o
karamdaman.
.

8
IV.Pagyamanin
I.Panuto: Sagutan ang tseklist. Lagyan ng tsek ang inyong sagot.
Mga Tanong OO Hindi
1. Dapat ba akong magpakunsulta sa doktor bago
uminom ng gamot ?
2. Ang mga nakasulat sa pakete ng gamot ay dapat
ba nating basahin ?
3.Ang mga preskripsiyon ng doktor ay kailangan din
ba nating suriin ?
4.Kailangan ko pa rin ba ang gabay ng magulang o
nakakatanda kung iinom ako ng gamot?
5.Mahalaga ba na alamin ko ang expiration date ng
gamot na iinumin ko ?

II.Panuto: Punan ang tsart ng mga tamang paraan ng paggamit ng gamot.


Mga Tamang Paraan sa Paggamit ng Gamot

V. Isaisip
Panuto: Isulat sa loob ng House Organizer ang inyong natutuhan tungkol sa
tamang paggamit ng gamot.

Ang mga Natutuhan Ko

VI.Isagawa
Panuto: Ipaalala sa isang maysakit na kaibigan ang tamang paraan ng paggamit ng
gamot.
Gumawa ng talaan nito.
1. 3. 5.

2. 4.

9
VII. Tayahin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng
sumusunod na pangungusap:

Nakasulat bisa doktor


Kaibigan preskripsiyon mapagkakatiwalaang

1. Kumonsulta sa __________bago uminom ng gamot.


2. Bumili ng gamot sa _______________botika.
3. Suriin kung kailan mawawalan ng _____________ang gamot.
4. Sundin ang __________________na ibinigay ng doctor.
5. Basahin at suriing mabuti ang _______sa pakete ng gamot.

Aralin
7 PALIWANAG MO, KAILANGAN KO!

I. Balikan
Piliin sa kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
pakete doktor tindahan botika uminom bisa
1. Kumonsulta sa doktor bago __________________ ng gamot.
2. Bumili ng gamot sa mapagkakatiwalaang _____________.
3. Suriin kung kailan mawawalan ng ___________ ang gamot.
4. Sundin ang preskripsiyon na ibinigay ng _________.
5. Basahin at suriing mabuti ang nakasulat sa _________ ng gamot.

II. Tuklasin
Basahin ang balita at sagutin ang mga tanong ukol dito.
Bata, Isinugod sa Ospital
Isang batang lalaki ang isinugod sa Amas Provincial Hospital dahil sa
pananakit ng tiyan bandang ika-2 ng hapon. Napag-alamang umaga pa sumasakit
ang tiyan ng bata at nakainom na rin umano ng gamot sa bahay nila. Minabuti ng
guro na dalhin na lamang sa pagamutan ang bata dahil sa patuloy na pananakit ng
tiyan nito. Dito na nalaman ang nainom na gamot ng bata ay expired na gamot. Payo
ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health, isaayos na mabuti ang mga
gamot sa bahay at lagyan ng tamang label. Nakabubuting magtanong muna sa
nakatatanda ang mga bata bago uminom ng anomang gamot.
Kasalukuyang nagpapagaling ngayon si Omar N. Flores, siyam na taong
gulang, mag-aaral sa ikaapat na baitang.

10
III. Suriin
Sagutin ang mga tanong ukol sa balita.
1. Bakit hindi naalis ang pananakit ng tiyan ni Omar sa unang ininom niyang gamot?
2. Ano ang payo ng Kagawaran ng Kalusugan upang maiwasan ang nangyari kay Omar?
3. Tama ba ang naging hakbang ng guro na dalhin siya sa pagamutan?
4. Kung ikaw si Omar, ano ang dapat mong gawin bago uminom ng gamot?
5. Ano ang aral na maaaring makuha sa binasang balita?

Halimbawa ng preskripsiyong pangmediko:

https://images.app.goo.gl/vt8epCpe6N7Sob1K9

IV.Pagyamanin
I. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama
at iguhit ang malungkot na mukha kung ito naman ay mali. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

_____ 1. Kinakailangang basahin at suriing mabuti ang pakete ng gamot.


_____ 2. Huwag ng kumonsulta sa doktor bago uminom ng gamot.
_____ 3. Inumin ang gamot ayon sa iyong kagustuhang dami at kahit anong oras na gustuhin.
_____ 4. Gamitin ang gamot na may gabay ng responsableng nakatatanda.
_____ 5. Sundin ang mga panutong nakasaad sa preskripsiyong pangmediko.

II. Panuto: Piliin at kulayan ng dilaw ang mga tamang paraan sa paggamit ng gamot.

11
V. Isaisip

Panuto: Punan ang loob ng mga kahon ng mga tamang paraan sa paggamit ng gamot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Tamang
Paraan sa Paggamit ng
Gamot

VI. Isagawa
Panuto: Punan ang patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Uminom ng gamot na may gabay ng magulang upang _________________________.


2. Dapat suriing mabuti ang makasulat sa pakete ng gamot upang __________________.
3. Kumonsulta sa doktor bago uminom ng gamot upang __________________________.
4. Sundin ang mga panutong nakasaad sa preskripsiyong pangmediko upang
____________________________________________________________.
5. Uminom ng gamot sa itinakdang oras upang _________________________.

VII. Tayahin
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang pangungusap. Kung Tama isulat ang salitang TAMA at
kung mali isulat ang salitang MALI bago ang bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
__________1. Binabasa nang mabuti ang direksiyon at tamang sukat bago inumin
ang gamot.
__________2. Binibigay sa kapitbahay ang natirang gamot.
__________3. Umiinom si Juan ng antibiotics kapag sumasakit ang ulo na hindi
nagtanong sa responsableng nakatatanda.
__________4. Gumagamit ng kutsara sa pag-inom ng tabletang gamot.
__________5. Hindi na binasa ni Maria ang nakasulat sa pakete ng gamot at
uminom siya ng mas marami sa itinakdang gamot upang mabilis
ang paggaling.

12
Aralin
8 WALA NANG BISA ‘YAN!

I. Balikan

Piliin sa kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng sumusunod na pangungusap.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
sundin kumonsulta gabay dami bisa nakasulat

1. Basahin at suriing mabuti ang _____________ sa pakete ng gamot.


2. Nababawasan ang __________ ng gamot na lipas na o expired na.
3. _______________ sa doktor bago uminom ng gamot.
4. Gamitin ang gamot na may ___________ ng nakatatanda.
5. _______________ ang mga panutong nakasaad sa preskripsiyong mediko.

II. Tuklasin
Basahin at unawain ang nilalaman ng tula.

Kalusugan, Pangalagaan
Kalusugan ay mapapangalagaan,
Kapag doktor ay lalapitan.
Preskripsiyong kaniyang binibigay,
Ay sinusunod mong tunay.

Huwag basta lang inumin ang gamot


Upang kalusugan ay tunay na maayos
Siyang kailangan sa paghanapbuhay
Na siyang mahalaga sa iyong buhay.

Botikang mapagkakatiwalaan,
Ang dapat mong bilhan at puntahan.
Expiration date ay dapat tingnan,
Upang ang paggaling mo ay makamtan.

III. Suriin
Panuto: Gumuhit ng bilog sa inyong papel at isulat dito ang salita o parirala na may kaugnay
sa tamang paggamit ng gamot.

13
Mga tanong:
 Saan ba dapat bumibili ng gamot?
 Ano ang isinasaalang-alang sa pagpili ng pagbibilhan ng gamot? Bakit?

Mga Tamang Paraan sa Paggamit ng Gamot

1. Tingnan at suriin kung kailan mawawalan ng bisa ang gamot (expiration date).
Mahalagang tingnan ang nakasulat sa pakete o medicine label kung kailan mawawalan
ng bisa ang gamot (expiration date) upang maiwasan ang problemang pangkalusugan na
maaring mangyari.

2. Isaalang-alang ang tamang pag-iimbakan o pagtataguan ng gamot.


Upang maiwasan ang hindi inaasahang pagkalason dahil sa pag-inom ng maling gamot,
imbakin o itago ang gamot sa lugar na hindi maaabot ng mga bata. Huwag kalimutang isulat
ang pangalan ng gamot. Iwasang ihalo ang gamot sa mga pamatay insekto o panlinis sa
bahay.
Mahalagang imbakin o itago ang mga gamot sa tamang lugar at temperatura upang
hindi mawala ang bisa ng gamot. Iwasang imbakin o itago ang gamot sa tabi ng bintana, sa
sasakyan, o sa palikuran.
Ang ibang gamot ay kailangang imbakin sa refrigerator ngunit huwag ilagay sa freezer.
Ang ibang gamot naman ay kailangang imbakin sa lugar na may mataas na temperatura.

3. Bumili ng gamot sa mapagkakatiwalaang botika.


Upang maiwasang makabili ng mga palsipikadong gamot o peke, iwasang bumili ng
gamot sa palengke o tindahan. Kailangang bumili sa mapagkakatiwalaang botika upang
mabigyan ng tamang gamot ayon sa preskripsiyon ng doktor.

IV. Pagyamanin
I. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang ng bawat larawan kung ito ay nagpapakita
ng tamang pag-iimbak ng gamot at ekis (X) naman kung mali.

1. ______ 2. ______
https://images.app.goo.gl/3xC8vWy35GYDfoW36 https://images.app.goo.gl/pXR7JMBPeGpUcWFn8 https://images.app.goo.gl/TRSH11v6BENjTcQCA

3. _____ 4. _______ 5. ______


https://images.app.goo.gl/6GVwrc9ebaec84DX6 https://images.app.goo.gl/9BkE3RLrnuiBFkbJ8 https://images.app.goo.gl/zfTSsDeETKARb7C18

14
II. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang larawan na nagpapakita ng tamang pagtatabi ng
gamot at isulat sa patlang ang iyong dahilan sa piniling larawan.

______________________________ _______________________________
______________________________ _______________________________

V. Isaisip
Panuto: Punan ang loob ng mga kahon ng mga tamang paraan sa paggamit ng gamot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Mga Tamang Paraan sa Paggamit ng Gamot

VI. Isagawa
Panuto: Sagutin ang tanong sa Medicine Organizer. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ano ang mangyayari kapag uminom


ka ng expired na gamot?

VII. Tayahin
A. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang pangungusap. Kung Tama isulat ang salitang
TAMA at kung mali isulat ang salitang MALI. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
___1. Bumibili sa tindahan ng gamot para sa allergy na walang reseta ng doktor.
___2. Ang mag-anak na Rosas ay nagpapakonsulta lamangsa mga ekspertong
manggagamot.
___3. Ang sobra o labis na pag-inom ng gamot ay nakapagdudulot ng ibang kondisyon o
pagbabago sa utak.
___4. Ang tamang pag-inom ng gamot ay makaiiwas sa mas malalang karamdaman.
15
___5. Uminom ng gamot ng kaibigan kapag sumakit ang ulo.
16
ISAGAWA
1.kumunsulta sa II.
TAYAHIN doktor. ISAISIP 1.Kumunsulta sa
2.uminom ng Ang mga natutuhan doctor.
1.doktor gamot sa tamang ko: 2.Bumili ng gamot
2.mapagkakatiwala oras 1.Mga tamang sa botika.
ang 3.suriin ang gamot paraan sa 3.Suriin kung kailan
3.bisa na iinumin paggamit ng ang expiry date ng
4.preskrisiyon 4.ilagay ang mga gamot. gamot.
5.nakasulat. gamot sa isang 4.Sundin ang
malinis na lugar na 2.Kumunsulta sa preskripsiyon ng
madaling makita. doctor bago doktor.
5.sundin ang payo uminom ng gamot. 5.Basahin at suriing
ng doktor at (maari pa silang mabuti ang pakete.
magulang. magsulat ng iba
pa.)
PAGYAMANIN SURIIN
1. Oo TAYAHIN
1.mga ginagawa nila 1.Tama
2. Oo
bago uminom ng gamot 2.Tama
2.upang malaman ang 3.Mali
3. Oo tamang gamot sa sakit. 4.Tama
3.upang makabili ng 5.Mali
4. Oo tamang gamot.
5. Oo 4.opo,dahil sa mga
ibinahaging sagot ng
mga mag-aaral.
ARALIN 6
ISAISIP II PAGYAMANIN SURIIN
I.maling, gamot, 1.Makaiwas sa I. 1.Nasobrahan siya
panganib,ating maling paggamit ng 1.Pagtatae sa pag-inom ng
kalusugan gamot. 2.Pananakit ng gamot.
2.Magkaroon ng tiyan 2. Nanghina siya.
ISAGAWA reseta 3.Pagbaba ng 3. Upang magamit
3.Malaman ang pwersa ng dugo ng tama ang gamot.
1.Pagkabingi,pagka sakit. 4.Pagsusuka 4.Maaaring
lason,hindi na 4.Mapanatili ang 5. Pangangapos magkaroon ng
tatablan , pagtatae, kalusugan ng hininga pisikal na panganib
pagsusuka,allergic 5.Tamang gabay 6. Allergic gaya ng pagkabingi
reactions. sa pag-inom ng reactions- at sikolohikal na
(maaring iba-iba gamot pamamaga ng panganib.
ang kasagutan) labi,mukha…
ARALIN 5
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan p. 351-360
2. http://eskwelanaga.files.wordpress,com/2011/02/nakalululong-na-droga-unang-
bahagi.pdf
3. http://www.philstar.com/punto-mo/2014/04/20/1313945/payo-sa-pag-inom-ng-gamot
4. Galvez Tan,J.Z.,et al.(2009)The Health Curriculum in Philippine Basic Education
Phillipines.
5. Meeks L. (2011) Comprehensive School Health education 7th ed.
6. Stepens,E.MD(2011).Effects of Antibiotics Over an Extended Period.
7. http://www.medicinenet.com
8. Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 Kagamitan ng Mag-aaral
pp. 361-369
9. Edukasyong Pangkalusugan Grade IV Patnubay ng Guro
10. Galvez Tan, J.Z. (2009) The Health Curriculum in Philippine Basic Education.
Manila: UNACOM
11. Meeks L. (2011) Comprehensive School Health Education 7th Edition. (2011).
Guide to Proper Medication Use and Storage. Retrieved from
http://www.maximhome.com
12. https://images.app.goo.gl/vt8epCpe6N7Sob1K9
13. https://images.app.goo.gl/3xC8vWy35GYDfoW36
14. https://images.app.goo.gl/pXR7JMBPeGpUcWFn8
15. https://images.app.goo.gl/TRSH11v6BENjTcQCA
16. https://images.app.goo.gl/6GVwrc9ebaec84DX6
17. https://images.app.goo.gl/9BkE3RLrnuiBFkbJ8
18. https://images.app.goo.gl/zfTSsDeETKARb7C18
19. https://images.app.goo.gl/ubY2mts1hrR

17

You might also like