You are on page 1of 14

4

EPP-Industrial Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Pagleletra, Pagbuo ng Linya at
Pagguhit
Alamin
Ang modyul na ito ay mga gawaing susukat at lilinang sa
iyong kaalaman at makatutulong upang malinang ang kasanayan
sa malayang pagguhit o pagsulat na ginagawa upang makabuo ng
mga letra o numero sa pamamagitan ng kamay. Sa pamamagitan
ng mga linya at guhit, nakabubuo tayo ng isang larawan o disenyo
na may hugis at nagiging kapakipakinabang na produkto.

Karagdagan na aralin sa modyul na ito ay inaasahang


matatamo ang sumusunod na mga kasanayan:
• natatalakay ang pagleletra, pagbuo ng linya at pagguhit;
• naisasagawa ang pagleletra, pagbuo ng linya at pagguhit; at
• napapahalagahan ang pagleletra, pagbuo ng linya at
pagguhit. (EPP4IA-0c-3)

1
Subukin

Panuto. Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa mga


paglalarawan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Center Line a. Uri ng letra at


pinakaordinaryong disenyo
na itinatag sa pagitan ng
taong 1956 at 1962

2. Text b. Ito ay linyang ginagamit sa


pantukoy

3. Script c. Tumutukoy sa mga linyang


panggitna

4. Gothic d. Ito ang uri ng letra na may


pinakamaraming palamuti
na karaniwang ginagamit
sa mga sertipiko

5. Reference line e. Ginamit na pagleletra sa


kanlurang Europa na kung
minsan ay tinatawag na
“Old English”.

f. Linyang panudlong

2
Aralin
Pagleletra, Pagbuo ng
1 Linya at Pagguhit

May iba’t ibang uri ng letra at linya na ginagamit upang


makabuo ng disenyo o estilo. Ang pagleletra, pagbuo ng linya at
pagguhit ay ginagamit sa pagsulat ng mga pangalan ng mga
establisyemento gaya ng mga bangko, gusali, supermarket at
palengke. Ginagamit din ito sa mga pangalan ng paaralan,
simbahan at mga kalsada upang makilala. Sa pagleletra, iniaayon
din ito sa pinaggagamitan, mula sa simple at kumplikadong
disenyo.
Sa pagbuo ng mga larawan, ginagamitan ito ng mga linyang
pinagdugtong-dugtong. Ang mga larawan o disenyo ay
nagkakaroon ng hugis at nagiging kapaki-pakinabang na
produkto.

Balikan
May iba’t ibang kagamitan sa ating tahanan na may
nakasulat na iba’t ibang disenyo at estilong letra at mga linya.
Makapagbibigay ka ba ng ilang halimbawa?
Kung isusulat ang iba’t ibang disenyo at estilo ng mga letra
at numero, anu-anong uri ng mga linya at guhit ang ginamit?

3
Tuklasin

Panuto. Kilalanin kung anong uri ng letra at linya ang mga


sumusunod na nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

__________ __________

__________ __________

__________
4
Suriin

Pag-aralan ang iba’t ibang uri ng letra. Sa bawat uri nito,


pansinin ang pagkakaiba-iba ng bawat letra, guhit at linya.

Mga Uri ng Letra

1.Gothic – uri ng letra na simple, walang palamuti o dekorasyon


at ordinaryo ang disenyo. Ginagamit ito sa paggawa ng pagtatalang
teknikal.Itinatag noon sa pagitan ng 1956 at 1962.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk LL Mm Oo
Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
2. Roman – uri ng letra na makapal na bahagi. Ito ay ginawang
kahawig sa mga sulating Europeo.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk LL Mm Oo
Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
3. Script – Karaniwang ginagamit sa pagleletra ng mga Aleman.
Kung minsan tinatawag din itong “Old English”. Ginagamit na
pagleletra sa Kanlurang Europa noong unang panahon.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk LL Mm Oo Pp Qq
Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
4.Text – uri ng letrang may pinakamaraming palamuti.
Karaniwang ginagamit sa pagsulat sa mga sertipiko at diploma.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk LL Mm Oo Pp
Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz

5
Mga Alpabeto ng Linya

May iba’t ibang uri ng linya na ginagamit sa pagbuo ng isang


larawan o disenyo. Tinatawag itong alpabeto ng linya.

1. Linyang panggilid o border line

2. Linyang pang nakikita o Visible line

3. Linyang pang di-nakikita o invisible line

4. Linyang pasudlong o extension line

5. Linyang panukat o dimension line

6. Linyang panggitna o center line

7. Linyang pantukoy o reference line

8. Linyang panturo o leader line

9. Linyang pambahagi o section line

10. Linyang pamutol o break line

6
Pagyamanin

A. Panuto. Punan ng tamang sagot ang patlang upang matukoy


ang inilalarawan ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

__________ 1. Rekomendado sa paggawa ng pagtatalang teknikal.


__________ 2. Letrang ginawa kahawig sa mga sulating Europeo.
__________ 3. Ito ay malayang ginagawa upang makabuo ng letra
at numero gamit ang kamay.
__________ 4. Istilo ng letra na karaniwang ginagamit sa pagsulat
sa sertipiko at diploma.
__________ 5. Pagleletrang karaniwang ginagamit sa kanlurang
Europa noong unang panahon.

B. Panuto. Isulat sa sagutang papel ang patinig na alpabeto sa


anyo ng Script na pagleletra. Sundin ang rubrik na nasa ibaba sa
pagsulat sa pagleletra bilang batayan sa pagsusuri ng iyong gawa.
Lagyan ng tsek (/) kung nagawa nang maayos at ekis (x) naman
kung hindi nagawa ng maayos.

1. Aa - __________ 4. Oo - __________
2. Ee - __________ 5. Uu - __________
3. Ii - __________

Mga Pamantayan Tsek Ekis


1. Naaayon sa uri ng letra na ipinapagawa.
2. Maayos ang pagkakagawa ng pagleletra.
3. Nasunod ang sukat ng bawat letra.
4. May tamang pagkakalayu-layo ang mga titik.
5. Maayos ang kabuuan ng pagleletra.

7
Rubriks:
5 Puntos - 5 Pamantayan ang Nasunod
4 Puntos - 4 Pamantayan ang Nasunod
3 Puntos - 3 Pamantayan ang Nasunod
2 Puntos - 2 Pamantayan ang Nasunod
1 Puntos - 1 Pamantayan ang Nasunod

C. Panuto. Isulat ang titik ng mga katinig na alpabeto gamit ang


Roman na pagleletra. Sundin ang rubrik sa Gawain B bilang
batayan sa pagsusuri ng iyong gawa. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Bb - __________ 4. Rr - __________

2. Kk - __________ 5. Ww - __________

3. Mm - __________

Isaisip

Panuto. Punan ng angkop na titik ang patlang upang mabuo ang


kaisipan ng talata. Ang una at huling titik ay ibinigay na patnubay.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang p _ _ _ _ _ _ _ _ a ay isang gawaing malaya mong


naiguguhit ang iba’t – ibang l _ _ _ a upang makabuo ng isang d _
_ _ _ _ o o estilo.Ang bawat uri ng letra ay may kanya-kanyang
pinaggagamitan. G _ _ _ _ c ang isa sa mga uri ng letra na kung
saan ay may pinakasimpleng disenyo. Sa pagbuo ng mga larawan
at disenyo gumagamit tayo ng mga pinagdugtong-dugtong na mga
l _ _ _ a at g _ _ _ t.

8
Isagawa

A. Panuto. Magsanay sa pagguhit ng letra gamit ang mga batayang


istilo ng pagleletra. Isulat ang titik ng iyong buong pangalan gamit
ang iba’t ibang uri ng letra na nakasaad sa tsart. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

Istilo Pangalan

Roman

Script

B. Panuto. Gumuhit ng isang larawan gamit ang iba’t-ibang


alpabeto ng linya. Isulat sa pamamagitan ng letrang script ang
pamagat ng iyong iginuhit. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____________________________________
Pamagat

9
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nais mong baguhin ang estilo ng sulat ng karatula ng inyong


tindahan dahil malabo at hindi na mabasa ito. Anong
kasanayan ang maaari mong gawin upang mabago ito?
A. pagguhit C. paglilinya
B. pagleletra D. pagpipintura

2. Naghahanap ang inyong paaralan ng may kaalaman sa


pagleletra. Ikaw ay may natatanging kaalaman sa gawaing
ito, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin na abala ang gawaing ito.
B. Gagawin mo ang gawain kahit wala kang kaalaman
dito.
C. Ipapaalam na ikaw ay may kaalaman sa gawaing
pagleletra.
D. Magdadahilan na marami kang ginagawa kaya hindi
mo mahaharap ang gawain.

3. May itinatayong establisyemento sa tapat ng inyong bahay .


Naghahanap ang may-ari nang marunong gumawa ng
pagleletra. May natatangi kang kaalaman sa ganitong
gawain.
A. Ipagyabang ang iyong kakayahan.
B. Ipaalam na may talento ka sa pagleletra.
C. Ilihim na may kaalaman sa gawaing ito.
D. Hayaang humanap ng ibang gagawa nito.

4. Ang isang arkitekto ay gumagawa ng plano ng isang bahay.


Karaniwang ginagamit sa pagguhit ng mga arkitekto ay
______________.
A. alphabet of lines C. pagleletra
B. pagdodrowing D. pagpipinta
.

10
5. Ang hugis ng dulo na ipinapakita ng karagatan ay hugis na
nakikita o _______________.
A. border line C. dimension line
B. center line D. visible line

11
12
Isaisip Tuklasin
Pagleletra 1. Script
Linya 2. Roman
Disenyo 3. Linyang panukat o
Gothic dimension line
Linya at guhit 4. Linyang di-nakikita o
invisible line
5. Linyang pangnakikita o
visible line
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. c A. 1. b
2. d 1. Gothic 2. b
3. e 2. Roman 3. c
4. a 3. Pagleletra 4. a
5. b 4. Roman 5. d
5. Script
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cristobal, Guadalupe C, Alladin G. De Guzman, Loida I. Hilario, Harriet O.
Pontigon, Rebecca T. Watson, at Efigenia P. Pangilinan, (2005)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Workteks sa Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan para sa Ika-apat na Baitang Manila: Rex
Bookstore

Gabay s Kurikulum ng K-12, MELCs, 2020. Pasig; Department of Education.

Samadan, Eden F., Marlon L. Lalaguna at Virgilio Laggui. 2015. Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan (Patnubay ng Guro). Pasig City: Vibal
Group, Inc.

Samadan, Eden., Marlon L. Lalaguna at Virgilio L. Laggui. 2015. Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan (Gabay ng Mag-aaral). Pasig City: Vibal
Group, Inc.

Samadan, Eden., Marlon L. Lalaguna at Virgilio L laggui. (2015). Marilou E.


Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C.
Dispababiladera, at mga kasama (2015). “Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan” (Patnubay ng Guro), Pasig City: FEP Printing
Corporation.

Teresita Sayo, Juan E. Manuel Jr,1998. Agap at Sikap Manila: Instructional


Materials Development Center.

13

You might also like