You are on page 1of 4

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ang


kauna- unahang nobelang
isinulat ni Rizal.
Magdadalawampu’t apat na taon
pa lamang siya nang isulat niya
ito. Naisipan ni Rizal na sumulat
ng Noli Me Tangere dahil sa
tatlong aklat na nagbigay sa
kaniya ng inspirasyon: The
Wandering Jew, Uncle Tom’s
Cabin, at ang Bibliya.
Nang mabasa ni Rizal ang
aklat na The Wandering Jew (Ang
Hudyong Lagalag) ay nabuo sa
kaniyang puso na sumulat ng isang
nobelang gigising sa natutulog na
damdamin ng mga Pilipino at
magsisiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol.
Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking
kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota.
Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa
buong mundo nang walang tigil.
Ang Uncle Tom’s Cabin ay tungkol sa pagmamalupit
ng mga puting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang
pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa
pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.
1
Ang pamagat na “Noli Me Tangere’’ ay salitang
Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay ‘’huwag
mo akong salingin’’ na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo
ni San Juan.
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong
dalawampu’t anim na taong gulang siya. Makasaysayan
ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang
mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng
nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na
nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay
pagsasama-samahin niya upang maging nobela. Ngunit
hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng
kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang
katulong.
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya
itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati
ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris
noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman
niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa
Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere, ngunit wala
siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na
nagpahiram sa kaniya ng salapi na naging daan upang
makapagpalimbag ng dalawang libong (2,000) sipi nito sa
Imprenta Lette.
Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela.
Pinili ni Rizal ang mga elemento na ipaloloob niya rito,
2
hindi lamang ang aspektong astetiko ang kaniyang naging
konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng
simbolismo.
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at
nangamba ang kaniyang pamilya na baka siya’y
mapahamak, inibig pa rin niyang makabalik sa Pilipinas
dahil: Una, hangarin niyang maoperahan ang kaniyang ina
dahil sa lumalalang panlalabo ng mata. Pangalawa, upang
mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni
Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong 1884-
1887. Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang
naging bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga
kababayan.
Ang nobela ay tumatalakay sa mga kinagisnang
kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya.
Binabatikos din ng nobela ang mga kaugalian na
nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang
taglay ng simbahang Katoliko na nahihigitan pa ang
kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng
kontrobersya ang nobelang ito, kung kaya't pagkatapos
lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas,
tinanggap ni Gobernador Heneral Terrero sa Malacañang
at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli Me
Tangere. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal na
Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang
magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng
kilos laban sa nobela ni Rizal.
Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand
Blumentritt, ang mga layunin niya ay ang sumusunod:
1. Matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng
3
mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng
pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan.
3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na
ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng
masama.
4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di
tunay na relihiyon.
5. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa karaingan
ng pamahalaan.
6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig,
kapintasan at kahirapan sa buhay.

Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan


ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na
nangyayari sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila
sa Pilipinas.

You might also like