You are on page 1of 16

Learning Topics:

• Alamat

• Alamat ni Prinsesa Manorah

• kilos, gawi, at karakter 

• Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di


Makatotohanang mga Pahayag 
Ang alamat o legend sa wikang Ingles
ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang
bagay, lugar, o pangyayari o katawagan na
maaaring kathang-isip lamang o may bahid
ng katotohanan 

Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa


pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng mga pangyayaring
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.

Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang


salitang alamat ay panumbas sa salitang, “legendus” ng wikang Latin
at “legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.” 

Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y


wala pang sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-salin na lamang. 
Panoorin ang video mula sa link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=WYVaLPIDcDw
Panoorin ang video mula sa link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=ztz4S6u0aMk
Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter? 

Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na kasanayan,


o pagsasabuhay. Ang mga adhikain, pagpapahalaga, motibo, iniisip at
pagkatao ng isa ay makikita sa mismong ikinikilos at ginagawa. Nagiging
produkto ang kilos ng kung ano ang nasa loob ng isang indibidwal. 

Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan


ng isang tao o grupo ng mga tao. Sa tagal at sa dami ng mga
gumagawa ng isang gawi ay maaaring maisama na ito sa kultura at
tradisyon ng mga tao sa isang lugar. 

Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan


kung paano siya nag-iisip, kumikilos at nagpapasya batay sa
papel na ginagampanan o binibigyang-buhay. 
Panoorin ang video mula sa link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=hUoMcJhSlKg
Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di
Makatotohanang mga Pahayag

1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari


na may dahilan o basehan. Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang nagpapahayag ng batayan o
patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay, napatunayan,
ayon sa, at iba pa.
Halimbawa:
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na inaangkat ng bansa ay
makatutulong sa kasalukuyang krisis-pangkalusugan.
Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di
Makatotohanang mga Pahayag

2. Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung


bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o katuwiran.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang nagpapahiwatig ng pag-
aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa aking palagay, palagay ko, sa
tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa.

Halimbawa:
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.
Panoorin ang video mula sa link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=AsKuNlLJ9uA&t=357s
Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng salita at
kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at
kahulugan sa paglipas ng panahon. Nanggaling
ang salitang ito sa Griyegong salita na etymos, na
nangangahulugang “actual or real” at logia o
“aral”.
 Pagsasama ng mga salita
Uri ng Pinagmulan ng Salita  Hiram na salita
 Morpolohikal na pinagmulan
 Onomatopeia

 Pagsasama ng mga salita


- Salita na nabuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng dalawa o higit pang salita.

Hal. Pamangkin – Para naming akin  Hiram na salita


- Banyag ang mga salitang ito
- Mga salitang galing sa ibang wika at kultura
- Ngunit, inaangkop ang salita para sa local at
pangkaraniwang paraan ng pananalita

Hal. Apir – Up here


 Pagsasama ng mga salita
Uri ng Pinagmulan ng Salita  Hiram na salita
 Morpolohikal na pinagmulan
 Onomatopeia
 Morpolohikal na Pinagmulan
- Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita

Hal: kukunin
Pinagmulan: ku (panlapi), kuha + in

 Onomatopoeia - Naglalarawan sa pinagmulan


ng salita batay sa tunog. 

Halimbawa: Tagaktak – tak-tak-tak 


Pangungusap: Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa
kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig. 
Panoorin ang video mula sa link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=rEYX4cTUd8Q

You might also like