You are on page 1of 2

NAME: DATE:

YEAR AND SECTION: EsP 9 TEACHER:

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
1st QUARTER

MGA GABAY NA TANONG:


1. Naging madali ba ng pagpili ng mabuti para sa iyo? Bakit?

2. Anong mga isinaalang-alang mo sa pagpili ng mga mabuting nais mo


makamit?

3. May epekto ba ang iyong kapwa sa mga inaasam mong mabuti?


Pangatwiranan.

4. Ano’ng maidudulot sa iyo ng paggawa ng mabuti para sa iyong kapwa?


TAYAHIN
Tama o Mali. Isulat ang Tama o Mali sa mga nakalaang patlang kung ito ang
ipinahahayag ng bawat pangungusap. Kung mali, palitan ang mga may salungguhit
at palitan nang tamang salita o parirala.
_______1. Ang Kabutihang Panlahat ay nakakamit sa pagmamagitan ng
pagtutulungan, pagkakaisa at pagsasakripisyo.
_______2. Ang Kabutihang Panlahat ay isang magic; isang pangarap o mithiin na
nais makamit ng walang ibinibigay na pagsisikap.
_______3. Sinumang minimithi ang Kabutihang Panlahat ay gumagalang din sa
dangal ng bawat tao.
_______4. Ang pagkilala at paggalang sa karapatan ng kapwa ay hindi kailangan sa
pagbuo ng lipunang nagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat.
_______5. Ang kapayapaan ay naayon sa katotohanan, na pinatatatag ng
katarungan, pinalalakas ng pag-ibig at isinasagawa ng may kalayaan.
_______6. Nakatutulong ang pluralismo sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat.
_______7. Ang mga free-riders ay nakatutulong sa pagkamit ng Kabutihang
Panlahat.
_______8. Ipinapakita ng Indibidwalismo ang pagiging pangunahin ng indibidwal
na
kalayaan at karapatan.
_______9. Ang pwersahang pagpapapasan ng hindi pantay na bigat upang
mapanatili ang Kabutihang Panlahat ay maaaring sabihin na kawalang katarungan.
_______10. Nilikha ang tao na may pantay-pantay na dangal.

You might also like