You are on page 1of 1

Ni. Rose Julianna C.

Paet

“Ako ay mamamayang Pilipino at


ipinagmamalaki ko ang lahi ko”

Ako ay ipinanganak dito sa Pilipinas


Namulatan ko mga kayamanang wagas
yamang tubig, gaya ng mga perlas
Yamang lupa, ganda ay di lumilipas

Ang mga pagkain na galing sa kalikasan


Sarap at sustansya nito ay di mapantayan
Prutas at glay na nasa hapag kainan
Salo-salo aking pamilya ng sabayan

Ang mga Pilipino ay sadyang masisipag


Dahil pamilya muna ang inaatupag
Pagsilbihan man nila ang mga banyaga
Puno pa rin ng pagmamahal at tiwala

Kaya kung ang iyong kaibigan ay isang Pilipino


Lubos na maipagmamalaki mo ito
Iba’t-iba man ang mga lahi nito
Ugali at kultura’y kailanman hindi magbabago!

You might also like