You are on page 1of 1

Masasabi kong naayon ito at mas pinagmamalaki ko ang kinagisnan kong

bansang tinubuan at kulturang nakapaloob sa atin at kung ihahambing sa ibang


bansa o nasyonalismo ay ang ating kultura ay isang depinasyon ng isang
mapagmalasakit sa iba o mga turismong napapadpad sa atin pagkat tumutulong
tayo at sadyang nasa dugo ang mabuting ugali na nanalaytay sa atin bilang
Pilipino.

Ang kulturang Pilipino ay nagsimula daang taon na ang nakalipas. Sa pagdaan


ng maraming taon, ang ating kultura ay naimpluwensyahan ng mga katabing
bansa natin sa Asya. Sa pagdating ng mga mananakop mula sa Kanluran, lalo pang
naging diverse ang ating kultura. Sa kasalukuyan, maraming mga Pilipino ang
nagiging proud kapag nakikita nila ang kanilang kultura na fini-feature sa mga
palabas sa TV o internet.

Ang ilan sa mga kulturang tatak Pilipino ay ang pagsagot ng po at opo sa mga
nakakatanda, ang pagmamano, ang pagiging malapit sa buong pamilya, at ang
pagluluto ng mga pagkain kagaya ng adobo at sinigang.

ipinagmamalaki ko ang ating kulturang nakagisnan wala nang hihigit pa sa


kultura nating mga Pilipino, ito ay bunga ng ibat ibang lahi na sumakop sa ating
bansa, mas may pagpapahalaga tayo sa pamilya, pag-aasawa, at higit sa lahat sa
ating pananampalataya kahit na tayo ay nasa panahon ng teknolohiya, ay hindi pa
rin natin nakakalimutan ang paggalang sa mga nakakatanda at mga magulang
natin.

sabihin man nila ang england ay mas maunlad sa ating bansa dahil sa kaniyang
kakaibang pananaw sa buhay, mayaman parin ang ating kultura lalong lalo na ang
pagiging magiliw natin sa mga banyaga at pagiging matatag sa lahat ng hamon ng
buhay, marami tayong maaaring maipagmalaki sa ating sariling kultura .

You might also like