You are on page 1of 10

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pagkatuto
Ikaapat na Markahan – MELC 9
Karahasan sa Paaralan

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 8

Manunulat: Bb. Princess F. Bagsic


Editor: Gng. Madeline A. de Asis
Tagasuri: G. Alan Vincent B. Altamia
Tagaguhit: G. Vincent Kyle Daniel
Tagalapat:
Division of Capiz Management Team: Dr. Salvador O. Ochavo Jr
Dr. Segundina F. Dollete
Gng. Shirley A. De Juan
G. Allan Vincent A. Altamia
Regional Management Team: RD: G. Ramil B. Uytico
ARD: G.Pedro T. Escobarte Jr
ADM Coordinator: G. Celestino Dalumpines, IV
Gng. Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
G. Donald T. Genine
Gng. Meriam T. Lima

i
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-
kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at
ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang
ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

ii
Learning Activity Sheets (LAS)

Pangalan ng Mag-aaral:_________________________ Grado at Seksiyon:_______


Pangalan at Lagda ng Magulang _______________________ Petsa: ____________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 8

Karahasan sa Paaralan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa


paaralan (EsP8IPIVc-14.1)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang paaralan ang sinasabing pangalawang tahanan ng bawat isa sa atin.


Dito tayo unti-unting natututo sa maraming bagay tungkol sa ating sarili at
kapaligiran. Ang paaralan ang isa sa unang nagpapamulat sa atin ng mga
impormasyon na ating kinakailangan para umunlad at lumago ang ating buhay.
Ngunit hindi rin lingid sa iyo ang mga balitang may mga karahasang
nagaganap sa paaralan. Karahasan na maaaring nakararating sa kaalaman ng
mga guro na nasosolusyunan din. Ngunit maaaring mas marami rito ang lingid sa
kaalaman ng mga lider at namamahala ng paaralan na marahil ay pilit na itinatago
at pinagtatakpan. Ang pagbubully ay nagdudulot ng emosyonal at psychological
na trauma sa mga kabataan dahil sa ganitong stage ng kanilang buhay sila ay
maramdamin, at naghahanap ng mga taong kanilang mapagkunan ng tamang
pagpapahalaga.
Sa araling ito ay itutuon natin ang pansin sa pagtatalakay sa dalawang
pangunahing karahasang laganap na sa paaralan sa kasalukuyan.
1. Ang Pambubulas o Bullying
Ang pambubulas o bullying ay ang isang uri ng pang-aapi o pananakot at
madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang
katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan. Ito ay maaaring:
a. Pasalitang Pambubulas. Kung saan ang tao ay ginagamitan ng mga
masasamang salita tulad ng pangangantiyaw, panunukso, panlalait,
pang-aasar, pang-iinsulto, pag-mumura at pagpapahiya sa tao
b. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas. Ito ay ang paninira sa dignidad
at reputasyon ng tao Kasama na rito ang paninira sa pakikipag-ugnayan
ng tao sa kanyang kapwa. Halimbawa nito ay ang hindi pagtanggap sa
isang tao o sadyang pang-iiwan sa kaniya sa maraming pagkakataon,
panghihikayat sa ibang mag-aaral na huwag makipagkaibigan sa isang
partikular na indibidwal o pangkat, pagkakalat ng tsismis, pagpapahiya
sa isang tao sa gitna ng nakararami at iba pa.
1
c. Pisikal na Pambubulas. Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang
indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari. Kasama rito
ang panununtok, paninipa, pananampal, pangungurot, o ang biglang
pag-alis ng upuan habang nakatalikod upang matumba ang nakaupo.
Kabilang din dito ang pagkuha at pagsira sa gamit o pagpapakita ng
hindi magagandang sensyas ng kamay.
d. Cyber Bullying o Pagmamaton gamit ang Makabagng Teknolohiya.
Ang pagmamaton sa internet o “cyber bullying” ay ang paggamit ng
internet at iba pang kaugnay na teknolohiya para sadyang paulit –ulit
na makasakit ng kapwa.
Ang mga sumusunod ay maaring maging epekto sa biktima ng pambubulas:
a. Pagpapakamatay – tumatatak sa pag-iisip ng tao na siya ay walang
kwenta dahil sa pambubulas kaya nakakaisip sila na gawin ito.
b. Depresyon – ang biktima ay lubos na nababagabag sa mga masasakit
na salita na pinupukol sa kanya kaya siya nakakaranas nito.
c. Nahihiya o natatakot humarap sa maraming tao – dahil sa
pambubulas mas pinipili ng tao na pumirme na lang sa bahay.
d. Marahas – nangyayari ito kapag ang biktima ng pambubulas ay punong-
puno na at nasosobrahan sa galit at nawawala na siya sa katinuan.
e. Masiraan ng ulo o mawala sa tamang pag-iisip- nangyayari ito kapag
hindi na kinakaya ng biktima ang mga masasamang salita galing sa
nambubulas. Nakakaramdam siya ng depresyon hanggang sa umuwi sa
ganitong sitwasyon.
f. Nawawalan ng tiwala sa sarili – bumababa ang kumpiyansa ng biktima
na makilahok sa anumang mga gawain sa paaralan at kumunidad.
Ganoon din sa pakikipagkapwa. Nawawalan sila ng lakas ng loob na
makipagkaibigan.
g. Labis na pagkabalisa – dahil dito nahihirapang makatulog ang biktima
na minsan ay nagiging sanhi ng stress o pagkakaroon ng sakit.
h. Nagdudulot ito ng madalas na pagliban sa klase na nagiging
dahilan ng mabababang marka na minsan ay nauuwi sa paghihinto o
tuluyang hindi pagpasok sa eskwelahan.

Pero bakit nga ba may mga pambubulas?


1. Marahil dahil sa pagkakainggit ng isang tao sa kapwa.
2. Maaaring kulang siya sa pansin at pag-aaruga sa bahay.
3. Ninanais niya na magkaroon ng kapangyarihan
4. Ginagaya ang mga karahasang naranasan sa tahanan
5. Hinahayaan ng pamilya na gawin ang nais niyang gawin kahit na ito ay
hindi tamang gawain.
6. Kulang sa komunikasyon o hindi napalago ang kumonikasyon sa loob
ng pamilya.

Paano nga ba maiwasan ang pambubulas?


a. Huwag pansinin ang ginagawa ng mga bully. Sa ganitong paraan,
maaaring kusang lumipas na lamang ang pambubully.
b. Kontrolin ang nararamdamang galit at gumawa ng ibang paraan para
malipat ang atensiyon sa iba.

2
c. Iwasan ang makipag-away pisikal o makipagsuntukan dahil maaari
lamang magresulta ito sa hindi maganda.
d. Magkaroon ng tiwala sa sarili. Subukang palakasin ang kumpiyansa sa
sarili dahil ang mahihina ay siyang target ng mga nambubully.
e. Huwag hayaang makialam ang iba sa sarling buhay. Walang sinuman
ang makapagdidikta sa kung ano ang dapat mong gawin at desisyon
na isasakatuparan.
f. Kausapin ang mga taong may kapangyarihan. Kung biktima ng
pambubully maari kang sumangguni sa guro, magulang, guidance
counselor o coach.
g. Magkaroon ng mabuti at tunay na kaibigan. Mahalagang mayroon kang
karamay na kaibigang mapagkatiwalaan at mapagsabihan ng
problema.

2. Paglahok sa Fraternity/Sorority at Gang


Katulad ng pambubulas, ang fraternity at gang ay isang laganap rin na
karahasan sa paaralan na kailangang mabigyang-pansin.
Ayon sa Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos, ang gang ay
ang pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang indibidwal na ang tanging layunin
ay makilahok o sumali sa masasamang gawain o mga krimen at gumagamit ng
karahasan o intimidation upang maisagawa ang mga ito.
Ang fraternity/Sorority naman sa kabilang dako ay isang panlipunan o
akademikong organisasyon o samahan o pagkakapatiran na pinag-isa ng
layuning mapalago ang aspetong intelektwal, pisikal at sosyal ng mga kasapi.
Maganda ang layunin ng fraternity at sorority ngunit nagdudulot ito ng
hindi mabuting resulta sa mga sumasali rito. Ang pagsali sa fraternity/sorority
at gang sa paaralan ay sagabal sa pag-aaral ng mga kabataan. Nagiging
arogante at nawawalan ng respeto o paggalang ang mga kasapi nito sa mga
nasa kapangyarihan o awtoridad dahil sila ay naniniwala na walang mas
makapangyarihan sa kanila. Ang pagpapatupad nito ng iba ay taliwas kaya
humahantong ito sa hindi magandang resulta o minsan ay nagiging dahilan ito
para gumawa ng krimen ang tao. Isa na rito ang tinatawag na hazing kung saan
ay masasabing panganib at kumikitil ng buhay ng tao. Patunay rito ang mga
sumusunod:
1. Taong 2014 namatay ang labingwalong taong gulang na Lasalista na
si Guillo Cesar Servando dahil sa tadtad ng pasa ang likod at hita nito na tanda
na nakaranas ng initiation o paddling;
2. Noong Setyembre 17, 2017, si Horacio Tomas Castillo III na isang
first year law student ng University of Santo Tomas ay ni-recruit ng Aegis Juris
Fraternity. Siya ay naging biktima din ng hazing at sa kasamaang palad ay
hindi na nakaabot pa ng buhay sa Chinese general Hospital na pinagdalhan
sa kanya.
Talaga nga namang ang pagsali sa mga Fraternity/ Sorority o gang ay
hindi nakakabuti bagkus ito ay nagdadala lamang sa tao sa kapahamakan.
Ayon sa batas ng Pilipinas o Republic Act No. 8049 (Anti-Hazing Law), bawal
ang anumang uri ng hazing.

3
III. Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 367-392


https://www.health.harvard.edu/healthbeat/giving-thanks-can-make-you-happier
https://blogvonallennnn.wordpress.com/2017/11/09/pambubulas/
https://radyo.inquirer.net/154780/karanasan-sa-pambubully-ibinahagi-ni-xian
lim/amp
https://www.pep.ph/news/local/72527/xian-lim-opens-up-about-being-a-victim
of-bullying-i-was-a-scared-kid
https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-bullying
https://blogvonallennnn.wordpress.com/2017/11/09/pambubulas
https://philippineone.com/ang-mabuti-at-masamang-dulot-ngpagsali-sa-frat-
alamin/

IV. Pagsasanay

Pagsasanay 1
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Unawaing mabuti ang
ipinapakita ng mga ito. Ano sa tingin mo ang mga pangyayaring
nagaganap sa mga larawan? Tukuyin ito isa-isa. Pagkatapos ay sagutin
ang mga sumusunod na katanungan na nakalista sa ibaba. Isulat ang
kasagutan sa sagutang papel.

2 5

4
Mga katanungan:
1. Anong mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay sa paaralan ang
iyong naaalala nang makita mo ang mga larawan? Ibahagi mo.
2. May mabuting dulot ba ang mga ito sa mag-aaral na tulad mo? Bakit?
Ipaliwanag.
3. Ano ang magagawa ng isang kabataang tulad mo upang ang
paglaganap ng pambubulas, gang o fraternity at sorority ay mapigilan at
masugpo?

Pagsasanay 2
Panuto: Tunghayan ang sipi ng totoong kwento ni Xiam Lim na
ibinahagi niya sa manunulat na sina Rhommel Balasabas (2019) at
Rachelle Siazon (January 24, 2019).
https://radyo.inquirer.net/154780/karanasan-sa-pambubully-ibinahagi-
ni-xian-lim/amp
https://www.pep.ph/news/local/72527/xian-lim-opens-up-about-being-a-
victim-of-bullying-i-was-a-scared-kid

Karanasan sa pambubully, ibinahagi ni Xian Lim

Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Lim na ginawang parang


impyerno ng ilang mga kabataan noon ang kanyang buhay.

Kwento niya, dahil sa pagiging introvert noon, wala siyang kaibigan at


naranasan niyang mabugbog at duraan ng kapwa mga bata.

Nang sinubukan niya anyang magsalita ay nagresulta pa ito lalo sa


pambubugbog sa kanya at dumating sa puntong tinutukan siya ng
kutsilyo sa leeg kaya’t nanatili na lamang siyang tahimik.

Bukod dito, naranasan din ni Lim na umiyak sa harapan ng klase


habang pinagtatawanan at kinukutya ng mga kamag-aral.

Dahil sa naturang mga insidente, sinabi ng aktor na mayroong


pagkakataon na nagsinungaling siya sa kanyang ina na siya ay may
sakit para lamang hindi makapasok sa eskwelahan.

Dahil dito, hinikayat ni Lim ang mga biktima ng bullying na huwag


manahimik hindi tulad niya sa naging kanyang mga karanasan.

Paano niya na-overcome ang pagiging biktima ng bullying?

Sagot ni Xian, “ Through sports. That’s the reason bakit ako ng


basketball. Very late na ako nagbasketball. Maybe kailangan ko
maghanap ng kakampi. Maybe kulang ako sa pag-expose ko sa sarili
ko sa tao. So, I looked for an alternative—sports."
Mga katanungan:
1. Batay sa sitwasyon, tama ba ang ginawa ni Xian Lim? Kung ikaw ang
nasa katayuan niya, paano mo malalampasan ang mga masamang
epekto ng pambubulas?
2. Paano ka makakatulong sa kapwa kabataang biktima na ng
pambubulas?
3. Kung ikaw ay naging biktima ng mga ganitong karahasan sa
paaralan paano mo ito nalampasan? Ibahagi mo.

V. Repleksiyon

Sa puntong ito, ikaw ay tiyak na may kamalayan na sa kasalukuyang


kalagayan ng paaralan, kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga karahasang
nagaganap dito. Mahalagang maibahagi mo sa lahat ang iyong natutunang
kaalaman mula sa aralin.
Pagnilayan ang poster-slogan sa ibaba. Gamit ito, gumawa ng isang
malayang tula o maikling sanaysay o editorial na maglalarawan ng mahalagang
mensahe na natutunan mula sa aralin. Ibatay ang gawain sa rubrik na makikita
sa ibaba ng larawan.

Tulong!

5
6
Pagssanay 1
1. Hazing
2. Sorority/Gang
3. Physical Bullying
4. Social Bullying
5.Pasalitang Pambubulas
Repleksiyon Pagssanay 2
Ang sagot Ang sagot Ang sagot sa mga
ay nakadepende ay nakadepende sa katanungan ay
sa mag-aaral. mag-aaral. nakadepende sa mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto VI.
20 Kabuuang Puntos
2 Kalinisan sa pagsusulat
4 Paggamit ng mga angkop na salita
6 Kaugnayan sa Tema
8 Nilalaman
Puntos
Kaukulang Rubrik
Rubrik para sa Pagmamarka ng Repleksiyon:

You might also like