You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BAYAWAN CITY

LINGGUHANG Paaralan BUGAY NHS Baitang X


BANGHAY- Guro CHARMIEN M. Asignatura ARALING
ARALIN ESTOSATA PANLIPUNAN
(DepEd Order 42, s. Linggo 4th Quarter Module 1-Week Markahan IKA- APAT na
2016) 1-2 Markahan
(6 hours)
I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay… ay may pag-unawa sa kahalagahan ng
A. Pamantayang pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa
Pangnilalaman pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa
Ang mag-aaral ay… nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
B. Pamantayan sa Pagganap pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa
kanilang pamayanan.
Kompetensi: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan
K – Natutukoy at nauunawaan ang kahulugan ng pagkamamamayan.
-Nauunawan ang ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
na nagpapahayag tungkol sa pagkamamamayan.
- Napaghahambing ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan.
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin S – Nakagagawa ng maikling pagsasadula, tula, islogan at isang awitin ang
mga mag-aaral na nagpapakita ng pagiging isang aktibong mamamayan.
-Nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan ng pagkamamamayan.

A – Nabibigyang halaga ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan


pagsunod ng mga patakaran.

II. PAKSA
Ika-apat na Markahan – Modyul 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
Sanggunian:
 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative
Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
Unang Edisyon, 2021
 https://www.youtube.com/watch?v=9tg5wU1bQFI ( Akoy Isang Mabuting Pilipino)
 https://www.scribd.com/document/460336042/393671106-Pamantayan-Sa-Pangkatang-Gawain-docx
III. MGA KAGAMITAN
A. Araling Panlipunan 10- Modyul 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
B. Powerpoint Presentation
C. Laptop
D. Speaker
E. TV
Subjek Integrasyon: Music, Filipino, Esp
Estratehiya: Differentiated activity, group activity and discussion

IV. PAMAMARAAN

Pahina1 of 9
Unang araw ng Unang Linggo
A. Panalangin
B. Pagtala sa lumiban
C. Balik-aral
Naalala ni’yo pa ba ang ating napag-aralan sa pang-apat na module sa ikatlong markahan? Sige
nga’t ating subukin ang inyong kaalaman sa nakaraang aralin.

Gabay na tanong:
1. Magbanggit ng dalawang batas ng Yogyakarta at iyong ibabahagi ang nilalaman nito.
2. Ano ang pangunahing pokus ng Gender and Development (GAD)?
3. Ano ang Plano ng Pilipinas para sa Gender and Development, para sa mga taong 1995- 2025?
D. Pangganyak

Gawain 1: Awit Suri! ( Integrasyon sa Music )


Panuto: Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat at bibigyan sila ng ilang saknong na
kakantahinsa harapan. Pagkatapos nitong kantahin sasagutan nila ang mga katanungan sa ibaba.
Ako’y Isang Mabuting Pilipino
Noel Cabangon

Ako'y isang mabuting Pilipino Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Minamahal ko ang bayan ko Kaya't pag-aaral ay aking pinagbubutihan
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin 'Di ako gumagamit ng bawal na gamot
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin O kaya'y tumatambay at sa eskwela'y 'di
pumapasok
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan
Pumipila at 'di nakikipag-unahan 'Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
at 'di ako pasiga-siga sa lansangan 'Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko'y aking pinahahalagahan
Bumababa't nagsasakay ako sa tamang sakayan
'Di nakahambalang parang walang pakiaalam Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada Minamahal ko ang bayan ko
Humihinto ako 'pag ang ilaw ay pula Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko 'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Minamahal ko ang bayan ko
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto Mga karapatan nila'y kinikilala ko
At 'di nagtatago sa ilalim ng puno Iginagalang ko ang aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.
Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan
'Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Minamahal ko ang bayan ko
Inaalagaan ko ang ating kapaligiran Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino
Pahina2 of 9
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng may akda?
2. Anu-ano ang mga katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagiging isang mabuti at aktibong mamamayan ng
iyong barangay o ng Bayawan City? Ipaliwanag.

Ikalawang araw ng unang Linggo

E. Paglalahad ng Aralin

 Panimulang Gawain
-Panalangin
- Pagtala ng liban
 Pagbabalik -aral:
1. Ano ang kaugaliang Pilipino mula sa kanta na mas napupusoan mo? Ipaliwanag.
2. Kumuha ng isang saknong sa kanta at ipaliwanag mo.

Ang awit ni Noel Cabangun na pinamagatang Akoy Isang Mabuting Pilipino ay may kaugnayan sa ating
tatalakayin ngayon. Ngunit bago niyan bubuoin muna ninyo ang pinaghalong titik na ito.

GAPAKAMAMAMANAY

Guro: Tama ang inyong nabuong salita. Ngayon, tatalakayin natin ang Konsepto at Katuturan ng
Pagkamamamayan (Citizenship).

F. Pagtalakay sa Aralin

Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship)

Ang pagkamamamayan (citizenship) ay ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng
isang pamayanan o estado. Sa panahon ng kabihasnang Griyego nagsimula ang konsepto ng citizen. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.

Ang lipunan na ito ay binubuo ng ng mga indibidwal na may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
Ang polis ay binubuo ng mga mamamayan na limitado lamang sa mga kalalakihan. Ang pagiging
mamamayan ng Greece ay may kaakibat na mga karapatan at tungkulin. Ayon kay Pericles, hindi lamang
sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kapakanan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na
makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Sa
nagdaang panahon, nagbago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan
natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung
Pahina3 of 9
saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang sumusuod na kahulugan bawat bilang at sagutin ito sa isang-kapat na papel.
Piliin lamang ang sagot sa kahon at isulat ito bago sa bilang.

pagkamamamayan Murray Clark Havens (1981)

Pericles Polis mithiin

1. Ayon sa kanya, ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng


estado.
2. Ayon kanya, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kapakanan ng
estado.
3. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na ______.
4. Ito ay ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.

Tatlong araw sa Unang Linggo

 Panimulang Gawain
-Panalangin
- Pagtala ng liban
 Pagbabalik -aral:
1. Mula sa natalakay natin kahapon, ibahagi ang inyong kaalaman.
2. Ipaliwanag ang pahayag ni Murray Clark Havens (1981 na ang pagkamamamayan o citizenship ay
ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado.

Sa Pilipinas, inilahad ng estado sa Saligang-batas kung sino ang itinuturing na mga citizen at mga kaakibat
na tungkulin at karapatan ng mga mamamayan.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Ito ay ang ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas na nagpapahayag tungkol sa pagkamamamayan.

Pahina4 of 9
Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

1. Jus sanguinis - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa pagkamamamayan ng isa sa


kaniyang magulang. - Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
2. Jus soli o jus loci - Ang pagkamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak.
- Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Karagdagang kaalaman:
Maaring magkaroon ng dalawang pagkamamamayan (Dual Citizenship) ang isang indibidwal sa
pamamagitan ng isang legal na proseso na tinatawag na Naturalisasyon (Naturalization). Ang indibidwal na
ito ay dapat nang sumunod sa mga batas at regulasyon ng dalawang bansa.
Gawain 3: Tanong ko: Sagot mo.
Panuto: Mula sa ating natalakay sagutin ang mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa isang kalahating
papel na pahalang.
1. Batay sa artikulo IV, seksiyon 1 paano mo masasabi na ikaw ay mamamayan sa Pilipinas?
Ipaliwanag.
2. Bakit kapag dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat
lapatan ng kaukulang batas?
3. Paghambingin ang Jus Soli at Jus Sanguinis.
4. Paano magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan ang isang indibidwal?

Pahina5 of 9
E. Paglalapat

Unang araw sa Ikalawang Linggo

 Panimulang Gawain
-Panalangin
- Pagtala ng liban
 Pagbabalik -aral:
1. Batay sa ating natalakay na paksa ibahagi ang iyong natutunan.
2. Bilang isang mamamayan ng Bayawan City, paano mo maipapakita ang pagiging mabuting
indibiduwal?

Istratehiyang ginamit ng guro ay differentiated activity.


Subject integration: Music, arts, Filipino

Gawain 4: Pangkatang Gawain: Talento ko, Ipapakita ko.

Panuto: Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ang nilalaman ay dapat naipapakita ang
kahalagahan sa pagiging aktibong mamamayan. Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng dalampung
(20) minuto sa paghahanda at pagkatapos ay itatanghal na nila ito. Ang guro ay magbibigay puna
bawat grupo pagkatapos nitong magtanghal.

Pangkat una- Pagsasadula


Pangkat dalawa- Gumawa ng isang islogan at ipaliwang ito.
Pangkat tatlo- Gumawa ng kanta ng pangdalawang minuto.
Pangkat apat- gumawa ng tula na may apat na saknong.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Mga batayan Kahanga-hanga (5) Mahusay (4) Pagbutihin pa (3 )


Nilalaman Naibigay ng buong May kaunting Maraming kakulangan sa
husay ang hinihingi ng kakulangan ang nilalaman na ipinapakita sa
takdang paksa sa nilalaman na ipinakita pangkatang gawain.
pangkatang gawain. pangkatang gawain.
Presentasyon Boung husay at Naipakita ang Di gaanong naipaliwanag
malikhaing naipakita pagkamalikhain ng ang pangkatang Gawain.
ang pangkatang gawain. pangkatang gawain.
Koopersyon Naipapamalas ng buong Naipapamalas ng halos Naipapamalas ang
miyembro ang lahat ang pagkakaisa at pagkakaisa ng iilang
pagkakaisa sa paggawa paggawa ng meyembro sa paggawa ng
ng pangkatang gawain. pangkatang gawain. pangkatang gawain.
KABUUAN

Ikalawang araw sa Pangalawang Linggo


G. Paglalagom
 Panimulang Gawain
-Panalangin
- Pagtala ng liban
 Pagbabalik -aral:
1. Sa oras ng pagtatanghal ano ang inyong nararamdaman?
2. Sa inyong ginawang aktibi kahapon paano ninyo ito napagtagumpayan?

Pahina6 of 9
-Sa puntong ito, may bago nanaman tayong gagawin. Tara at sisimulan natin!

A. Kahulugan ko: Ibigay Mo!


Panuto: Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa mga salitang nasa ibaba. Isulat sa sagutang papel.

Ang pagkamamamayan ay_____________________________________ __________________________________


__________________________________________________________________________.

B. Simulan Ko: Dugtungan Mo!


Panuto: Dugtungan ang sinimulang pangungusap batay sa iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay
at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang aralin ay tungkol sa ___________________________________________________ ____________


______________________________________________________________________ _____________
2. Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat______________________________________________
___________________________________________________________________________________.
3. Bilang isang mabuti at aktibong mag-aaral sa Bugay National High School, sisikapin kong
isabuhay ang mga natutunan ko sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng _______________
_______________________________________________________________________________________

Ikatlong araw sa Iklalawang Linggo


H. Pagtataya
 Panimulang Gawain
-Panalangin
- Pagtala ng liban

 Pagbabalik -aral:
Magbibigay ang guro ng ilang minuto sa pagrerebyu ng mga paksang natatalakay sa
nakaraang araw. Pagkatpos ay magbibigay ang guro ng mahabang pasulit sa klase.

A. Multiple choice
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado.
A. mamamayan B. makabansa C. pagkamamamayan D. makabayan
2. Aling kabihasnan ang tinatayang pinagmulan ng konsepto ng citizen?
A. Greece B. Egypt C. Mesopotamia D. Africa
3. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado sa kabihasnang Griyego?
A. bayan B. lalawigan C. polis D. rural
4. Sa anong artikulo ng Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na Pilipino sa bansa?
A. Arikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo 4
5. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay
sa pagkamamamayan ng isa sa mga magulang?
A. Dual Citizen B. Jus Sanguinis C. Jus soli D. Naturalization
6. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung
saan siya ipinanganak.
A. Jus soli B. Dual Citizenship C. Naturalization D. Jus sanguinis
7 . Ang mga sumusunod ang maaaring dahilan sa pagkawala ng pagkamamamayan ng isang
indibidwal, maliban sa_______________.
A. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
B. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
C. nakapangasawa ng taga ibang bansa
D. nawala na ang bisa ng naturalisasyon

8. Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen,
siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin?
A. pagkamamamayan B. mamamayan C. makabansa D. Makabayan
Pahina7 of 9
9. Sa Pilipinas, saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang mamamayan ng bansa?
A. Bibliya B. Saligang Batas C. Saligang Aklat D. Batas

10. Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas, maliban sa?
A. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
B. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
C.yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas na ito
D. yaong nakatira sa Pilipinas sa loob ng sampung taon

11. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na maaaring mawala at maibalik ang
pagkamamamayan ng isang Pilipino?
A. Seksyon 3 B. Artikulo 4 C. Artikulo 2 D. Artikulo 1

B. Jumbled Letters

Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra upang mabuo ang tamang salita na binibigyang kahulugan
sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

__________ 12. (SUJ SANNISGUI) Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa pagkamamamayan ng
isa sa kaniyang magulang.
__________ 13. (GANGSALI SABAT) Sa Pilipinas, dito nakasulat ang mga batayan sa pagiging mamamayan ng

__________ 14. (SHIPTICIZEN). Isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado
. __________ 15. (RICLESPE). Ayon sa kaniya, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang
kapakanan ng estado.
__________16. (LISOP)Tawag sa mga lungsod estado ng Greece.
I. TAKDANG ARALIN

Gawain: Pinoy o Dayuhan?


Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod. Isulat ang salitang PINOY kung ang tao sa sitwasyon ay Pilipino at DAYUH
naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel.
___________ 1. Si George ay isang Australyano na dumaan sa proseso ng naturalisasyon sa Pilipinas.
___________ 2. Si Kim ay isang Koreano na nag-aaral sa Cebu.
___________ 3. Si Matt ay bumibisita sa Pilipinas kada taon. Siya ay taga Canada
___________ 4. Si Zoe ay ipinanganak sa Bayawan. Ang kaniyang ina ay Pilipino at ang ama naman niya ay isang
___________ 5. Si Anna ay anak ng isang Igorot at Cebuano. Naninirahan siya sa Maynila.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang
nag ing epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa tulong ng aking punong guro Bat superbisor
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang guro?

Pahina8 of 9
Inihanda ni:
CHARMIEN M. ESTOSATA
Teacher I

Sinuri ni:

__________________________________
Mater Teacher I/ Teacher III

Nabatid ni:

DR. VERNA I. SALDO


EPSVR1-FIL/MTB

Pahina9 of 9

You might also like