You are on page 1of 9

Phil-IRI Form 1 – Posttest

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Ano ang nalalaman mo tungkol sa ahas? Alamin sa talata ang


iba pang kaalaman sa anyo ng ahas.

Mag-ingat!

Ang ahas ay isang uri ng reptilyang hayop. Sa madilim at masusukal


na lugar nais manirahan nito. Gumagapang ang mga ito sa pamamagitan ng
kanilang katawan. Singnipis ng buhok ang dila nito. Kamandag ang
ibinubuga ng tuklaw ng ahas. Ang tuklaw nito ay makamandag at
nakamamatay kung walang anumang lunas na gagawin agad.

Ang kobra ang isa sa may pinakamabagsik na kamandag ng ahas. Ang


sawa, wala mang kamandag ay mapanganib din. Kapag ikaw ay nalingkis
nito, siguradong patay ka. Kaya mag-ingat sa mga ahas.

Gr. II
Bilang ng mga Salita: 85
Mga Tanong:

Literal 1. Ano ang hayop na nabanggit sa iyong binasa? ________


Sagot:
2. Ano ang tirahan ng ahas? ________
Sagot:
3. Ano ang ibinubuga ng kagat ng mga pangil ng ahas? ________
Sagot:
Pagpapaka- 4. Bakit dapat tayong mag-ingat sa ahas? ________
hulugan Maaaring sagot:
5. Ano pa kayang mga hayop ang may kamandag
na dapat nating iwasang huwag makagat o makalmot? ________
Maaaring sagot:
Paglalapat 6. Ano ang gagawin mo kapag may makita kang ahas
sa daan? ________
Maaaring sagot:
7. Upang di pamugaran ng ahas ang paligid ng
inyong paaralan at bahay, ano gagawin mo
bilang mag-aaral? ________
Maaaring sagot:

SY 2012-2013
Phil-IRI Form 1 - Posttest

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Alam ba ninyo kung paano ipinanganak ang mga palaka?


Ipinanganganak ba ang mga ito na katulad ng tao? Alamin
natin.

Ang Pagbabagong Anyo ng Palaka

Ikinuwento ni Jun sa kanyang ina ang natutuhan niya sa


paaralan.

“Ang palaka po pala ay may tatlong yugto ng kanyang buhay. Una


po, nabubuhay sila bilang isang itlog na nababalutan ng likidong
malapot upang di sila makain ng ibang hayop sa tubig. Pangalawa,
sila ay nagiging butete na may hasang at buntot upang sila ay
makahinga at makalangoy sa tubig. Sa paglipas ng mga araw,
nabubuo ang baga nito kasabay ang pagkawala ng buntot at hasang.
Napapalitan ito ng mga mga paa upang sila ay makapamuhay sa lupa
bilang isang ganap ng palaka.”

“Magaling talaga ang anak ko. Natandaan mo ang inyong leksyon


sa araw na ito.” Sabi ng kanyang natutuwang ina.

Gr. II
Bilang ng mga Salita: 75
Gr. III
Bilang ng mga salita: 113

Mga Tanong:

Literal 8. Ano ang pamagat ng kuwento? ________


Sagot:

9. Ilan ang pagbabagong anyo ng palaka? ________


Sagot:

10. Ano ang ikalawang yugto ng buhay ng palaka?


Sagot:

Pagpapaka- 11. Ano kaya ang mangyayari kung mauubos ang ________
hulugan palaka sa paligid?
Maaaring Sagot:

12. Ano kaya ang iba pang buting dulot ng palaka sa atin? ________
Maaaring Sagot:
SY 2012-2013
Paglalapat 13. Ang palaka ay hayop na nakatutulong sa atin. ________
Ano ang dapat mong gawin sa mga ito?
Maaaring Sagot:

14. Nakita mong pinaglalaruan ng mga bata ang


isang palaka, ano ang sasabihin o gagawin mo? ________
Maaaring Sagot:

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Saan sa magagandang tanawin sa Pilipinas ang napuntahan


mo na?

Kahanga-hangang Tanawing Kalikasan

Sa pangunguna ng Pangulo ng Pilipinas tatlong nangungunang


landmarks sa bansa ang napabilang sa “Magic 10” sa paghahanap ng mga
kahangahangang tanawing kalikasan na isinagawa ng pandaigdigang
pananaliksik nitong Mayo 2008.

Ang Tubbataha Reef sa Palawan bilang 7. Tirahan ito ng mga isda


at iba pang mga kauri nito gaya ng Manta Rays at Lion Fish.

Ang kabigha-bighaning Chocolate Hills sa Bohol na may 1268 na


magkakatulad ang laki at hugis. Ang mga damo na kulay tsokolate kapag
tag-init.

Ang makapigil-hiningang Puerto Prinsesa Subterranean River


National Park sa Palawan na naglalantad ng limestone na hugis bundok.
Ang ilog na ito sa ilalim ng yungib na malalakbay sa may 8.2 kilometro at
napapalamutian ng naglalakihang Stalactites at Stalagnites. Sinasabing
ang ilog sa ilalim ng lupa ang pinakamahabang ilog sa buong mundo. Ang
baybayin nito sa bunganga ng yungib ay katatagpuan ng mga tsonggo at
naglalakihang butiki at squirrels.

Gr. IV
Bilang ng mga Salita: 147
Mga Tanong:

Literal 15. Sino ang nagsagawa ng pananaliksik sa

SY 2012-2013
paghanap ng mga kahanga-hangang
tanawing kalikasan? ________
Sagot:

16. Kailan isinagawa ang pananaliksik? ________


Sagot:

17. Ilan ang napabilang sa “Magic 10” sa mga landmarks


sa Pilipinas? ________
Sagot:

Pagpapaka- 18. Bakit mahalaga ang Tubbahata Reef?


hulugan ________
Maaring sagot:

19. Bakit kaya tinawag na Chocolate Hills ang may


1268 na mga bundok? ________
Maaaring Sagot:

Paglalapat 20. Ano ang magandang dulot sa ating bansa ng


pagkakaroon ng mga kahanga-hangang
tanawing kalikasan? ________
Maaaring Sagot:

21. Papaano ka makatutulong sa pangangalaga


sa mga kahangahangang tanawin sa inyong pook? ________
Maaaring Sagot:

22. Alin sa mga napuntahan mo na magagandang pook


sa Pilipinas ang nais mong balikan muli? Bakit? ________
Maaaring Sagot:

SY 2012-2013
Phil-IRI Form 1 – Posttest

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Ikaw ba’y bahagi sa pagbabawas ng basura patungo sa malinis


na kapaligiran? Anong mga hakbang ang ginagawa mo?

Kabataan, Katuwang sa Malinis na Kapaligiran

Binasa ni Ella ang ginawa niyang takdang-araling sanaysay na


may pamagat na “Kabataan: Katuwang ka sa Malinis na Kapaligiran”.

Ang nakakalat na basura ay suliranin ng bawat mamamayan lalo


na sa siksikang lugar gaya ng mga lungsod. Ang mga basurang ito sa
paligid ang nakapipinsala sa kapaligiran at kalusugan.

Bilang kabataan at mag-aaral, malaki ang maitutulong natin


upang ang hangaring luminis ang ating kapaligiran ay matupad. Ilan
sa mga maaari nating gawin ay paggamit ng mga materyales at mga
kagamitang maaring irecycle. Paggamit ng likurang bahagi ng papel
na wala pang sulat. Ang mga papel naman na di na magagamit pa ay
maaaring ipunin upang maipagbili o gawing pambalot.

Sa tahanan, ihihiwalay ang mga basurang nabubulok sa di


nabubulok ay isang epektibong paraan upang makagawa tayo ng
pataba sa pamamagitan ng composting. Ang mga damit nating di na
ginagamit ay maaaring ipamigay sa mga kapus-palad na tao o kung
di na maaaring isuot, gawing basahan ang mga ito. Sa pagpapaala-
ala sa mga nakatatanda na kung maaari ay tigilan na nila ang
paninigarilyo at pagsisiga upang mabawasan ang mga usok na
ikinakalat sa paligid.

Sadyang marami pa tayong magagawa bilang kabataan kung


susubukan lang natin. Kayang-kaya nating pagandahin ang ating
paligid kung gugustuhin natin.

Matapos mabasa ni Ella ang kanyang sanaysay, isang malakas na


palakpak ang kanyang tinanggap mula sa kanyang mga kaklase at
guro.

Gr. V
Bilang ng mga Salita: 225

SY 2012-2013
Mga Tanong:

Literal 23. Kaninong suliranin ang nakakalat na basura? ________


Sagot:

24. Ano ang nakapipinsala sa kapaligiran


at ating kalusugan? ________
Sagot:

25. Saan maaring gamitin ang lahat na nabubulok? ________


Sagot:

Pagpapaka- 26. Bakit kaya kinakailangang magtulungan tayo sa


hulugan pagbabawas ng basura? ________
Maaaring Sagot:

27. Kung hindi ka tutulong sa pagpapanatiling malinis


ng kapaligiran sa inyong paaralan, ano kaya ang
maaaring mangyari? ________
Maaaring Sagot:

Paglalapat 28. Ano ang maari mong gawin sa mga batang


nagkakalat ng basura sa simbahan? ________
Maaaring Sagot:

29. Paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng


malinis na kapaligiran? ________
Maaaring Sagot:

30. Tingnan ang loob ng silid-aralan, ano ang lugar dito


ang kinakailangang linisin o baguhin o pagandahin?
Paano mo ito gagawin? ________
Maaaring Sagot:

SY 2012-2013
Phil-IRI Form 1 – Posttest

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Anu-ano ang ang mga pagdiriwang na alam mong idinaraos sa


Pilipinas?

Tayo ay Magdiwang

Sa klase ni Gng. Ortiz sa Sibika, tinatalakay nila ang tungkol sa


mga pagdiriwang sa Pilipinas.

“Ang mga pagdiriwang sa buong bansa na mahalaga sa ating


kasaysayan at lipunan ay Pambansang Pagdiriwang. Pagdiriwang ito na
nakadeklarang pista opisyal kaya walang pasok ang mga opisina at
paaralan sa buong Pilipinas. Ilan sa mga pagdiriwang na ito ay ang:

Araw ng Edsa Rebolusyon. Tuwing ika-25 ng Pebrero ginugunita natin


ang kalayaan ng mga Pilipino sa rehimeng diktador.
Araw ng Kagitingan. Pagsapit ng ika-9 ng April, binibigyang pugay natin
ang mga sundalong nakipagdigma sa mga hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Araw ng Kalayaan. Tuwing Hunyo 12, ipinagdirawang ng Pilipino ang
kalayaan mula sa Espanya. Pinararangalan din sa araw na ito ang ating
pambansang bayaning si Gat Jose Rizal sa Luneta.

Ipinamamalas natin ang mga katangian at kaugalian ng mga Pilipino sa


Pansibikong Pagdiriwang. Halimbawa ng mga pagdiriwang na ito ay ang:

Araw ng Ina at Ama. Sa araw na ito ginugunita natin ang


pagmamahal at pag-aaruga sa atin ng ating mga magulang. Tuwing
ikalawang Linggo ng Mayo ipinagdirawang ang Araw ng mga Ina
samantalang tuwing ikatlong Linggo naman ng Hunyo ang Araw ng
mga Ama.

Linggo ng Wika. Ipinamamalas natin sa buong linggo na ito ang ating


pagmamahal sa sariling wika. Si dating Pangulong Manuel L. Quezon
ang Ama ng Wikang Pambansa.

Araw ng Nagkakaisang Bansa. Ginugunita natin sa araw na ito ang


pakikipagbuklod at pakikipagkaibigan natin sa ibang bansa.

SY 2012-2013
Gr. VI
Bilang ng mga Salita: 242

Mga Tanong:

Literal 31. Ano ang dalawang uri ng pagdiriwang na


nabanggit sa iyong binasa? ________
Sagot:

32. Anong pagdiriwang ang isinasagawa tuwing


ika-25 ng Pebrero? ________
Sagot:

33. Sino ang ama ng Wikang Pambansa?


________
Sagot:

Pagpapaka- 34. Bakit kaya natin ginugunita ang mga pansibikong


hulugan pagdiriwang? ________
Maaaring Sagot:

35. Bakit kaya tinalakay ni Gng. Ortiz ang mga


pagdiriwang na ating ginugunita sa Pilipinas? ________
Maaaring Sagot:

Paglalapat 36. Ano ang gagawin mo kung niyaya ka ng iyong


kaibigan na manood ng palabas sa plasa tungkol
sa kadakilaan ng mga bayani? ________
Maaaring Sagot:

37. Paano mo maipakikita ang paggunita sa


Araw ng Ina at Ama sa iyong mga magulang? ________
Maaaring sagot:

38. Sa paanong paraan mo maipapakita ang


pakikiisa sa mga pagdiriwang na ito? ________
Maaaring Sagot:

SY 2012-2013
SY 2012-2013

You might also like