You are on page 1of 52

LARO TAYO!

ANG SINUMANG MAKAHULA


AY MAY KARAGDAGANG
ISANG PUNTOS (1 POINT)
GAME NA KAYO?
BION

IBON
DANRAA

ADARN
A
WITA

AWIT
ORIDKO

KORIDO
ALTU

TULA
NAMROSA
ROMANS
A
NAIRAHAK
KAHARIA
N
NAKTINAIP
PANITIKAN
YASAKSANAY
KASAYSAYA
N
ANG
IBONG
ADAR
NA
ANG KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG
IBONG ADARNA
ANG PAGLAGANAP NG KORIDO SA PANAHON
NG MGA ESPANYOL

Marso 16, 1521 – nang marating ng mga


Espanyol ang Pilipinas sa pangunguna
ni Ferdinand Magellan.
1565 – naman nang dumating si Miguel
Lopez de Legaspi sa bansa at nagtatag
ng unang pamayanan sa Cebu.
TATLONG PANGUNAHING LAYUNIN:
1.Upang palaganapin ang
Katolisismo
2.Pagpapalawak ng kapangyarihan
sa pamamagitan ng pananakop
3.Paghahanap ng mga pampalasa,
masaganang likas-yaman, at mga
hilaw na materyales.
Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap
ang Katolisismo ay sinunog nila ang mga
nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno.
Pinalitan nila ito ng panitikang nagbibigay-diin sa
pananampalatayang Kristiyanismo.
Ito rin ang naging sanhi kung bakit ang panitikan sa
panahong ito ay mapanghuwad o may
pagkakatulad sa mga anyo at paksang Espanyol.
Lumaganap sa larangan ng panulaan ang mga tulang
liriko, mga awit, korido, at ang pasyon. Sa larangan
naman ng drama ay ang duplo, karagatan, komedya o
moro-moro, mga dulang panrelihiyon, senakulo at
sarsuwela.
Samantalang ang mga akdang tuluyan o prosa ay may
paksang panrelihiyon at karaniwang tungkol sa mga
talambuhay ng mga santo.
JOSE VILLA PANGANIBAN ET AL., PANITIKAN NG PILIPINAS

Ang panitikan ng Pilipinas noong panahon ng Espanyol


ay sinasabing may tatlong katangian:
1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng
mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo,
karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay
at mga pagsasaling wika.
2. Ang karaniwang paksain ay relihiyon.
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa
anyo, paksa, o tradisyong Espanyol.
TULANG ROMANSA

Dalawang anyo:
1. Awit
2. Korido
Madalas ay nagsisimula ito sa panalangin o
pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.
Kalimitan ay tungkol sa pakikipagsapalaran o
kabayanihan.
ARTHUR CASANOVA, PANITIKANG PILIPINO
PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO

PAMANTAYAN AWIT KORIDO

Batay sa Anyo Binubuo ng 12 Binubuo ng


pantig sa loob ng walong pantig sa
isang taludturan loob ng isang
taludtod at apat
na taludtod sa
isang taludturan
PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO

PAMANTAY AWIT KORIDO


AN
Musika Ang himig ay Ang himig ay
mabagal na mabilis na
tinatawag na tinatawag na
andante allegro
PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO

PAMANTAYA AWIT KORIDO


N

Paksa Tungkol sa Tungkol sa


bayani at pananampalat
mandirigma at aya, alamat, at
larawan ng kababalaghan
buhay
PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO

PAMANTAYAN AWIT KORIDO

Katangian ng mga Ang mga tauhan ay Ang mga tauhan ay may


Tauhan walang taglay na kapangyarihang
kapangyarihang supernatural o
supernatural ngunit siya kakayahang magsagawa
ay nahaharap din sa ng mga kababalaghan
pakikipagsalaparan na hindi magagawa ng
ngunit higit na karaniwang tao
makatotohanan o hango
sa tunay na buhay
PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO

PAMANTAYA AWIT KORIDO


N

Mga Florante at Ang Ibong


Halimbawa Laura, Pitong Adarna,
Infantes De Kabayong
Lara, Doce Tabla, Ang
Pares ng Dama Ines,
Pransya, Prinsipe
Haring Patay Florinio
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay


maaaring hinango lamang sa kuwentong-
bayan mula sa mga bansa sa Europa tulad
ng Romania, Denmark, Austria, Alemnya
at Finland.
Ito rin ang dahilan kung bakit sinasabing
ang Ibong Adarna ay hindi ganap na
maituturing na bahagi ng Panitikang
Pilipino.
Kung uugatin ang kasaysayan, ang tulang
romansa ay nakilala sa Europa noong
panahong Medieval o Middle Ages.
Tinatayang noong 1610, mula sa Mexico
ay nakarating ito sa Pilipinas na
ginamit na instrumento ng mga
Espanyol upang mahimok ang mga
katutubo na yakapin ang relihiyong
Katolisismo.
Sinasabi naman ng maraming kritiko na umaangkop naman sa
kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman ng akda.
Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian ay
pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng:
• Pananampalataya sa Diyos
• Pagpapahalaga sa Kapakanan ng Pamilya
• Mataas na Paggalang ng mga Anak sa Magulang
• Paggalang sa Matanda
• Pagtulong sa Nangangailangan
• Pagtanaw ng Utang na Loob
• Mataas na Pagpapahalaga sa Dangal at Puri ng Kababaihan
• Pagkakaroon ng Tibay at Lakas ng loob, atbp.
Ang Ibong Adarna ay itinuturing na
“panitikang pantakas” sapagkat ang
mahihirap na Pilipino na sakbibi ng
hirap at sakit ay pansamantalang
nakatatakas sa kanilang tunay na
kalagayan sandaling mabasa o
mapanood ang akdang ito at
mailagay ang kanilang sarili sa
pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
Ang mga sipi ng Ibong Adarna ay ipinagbibili
sa mga perya na karaniwang isinasagawa
tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan.
Ito rin ay itinatanghal sa mga entablado na
tulad ng komedya o moro-moro.
Dahil sa pasalin-saling pagsipi, ang mga sulat-
kamay at maging ang mga nakalimbag na
kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng
pagkakaiba-iba sa gamit at baybay ng mga
salita.
MARCELO P. GARCIA
1949 – isinaayos ni Garcia ang
pagkakasulat ng kabuuan ng
akda partikular ang mga sukat
at tugma ng bawat saknong. Sa
kasalukuyan ang kaniyang
isinaayos na sipi ang
karaniwang ginagamit sa mga
paaralan at palimbagan.

You might also like