You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
SDO ZARAGOZA ANNEX

1st PERIODICAL TEST IN EPP 5

NAME: __________________________________________________ SCORE: __________


GRADE/SECTION: ________________________________________ DATE: ____________
Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
______1. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
A. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
B. Napalalaki nang malusog ang mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal.
C. Napagaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
D. Lahat ng nabanggit.

______2. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bakuran ng bahay, alin sa mga sumusunod ang puwede mong gamitin bilang compost o isang
lalagyan ng mga tuyong dahon, balat ng prutas, gulay at mga tirang pagkain?
A. Lumang kariton. B. Pinagpatong-patong na mga lumang gulong ng sasakyan.
C. Kahong gawa sa karton. D. Maliit na balde.

______3. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang dapat unang gawin?
A. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain at iba pang nabubulok na bagay.
B. Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anumang pantakip.
C. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
D. Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas.

______4. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko maliban sa isa? Alin dito?
A. Maganda ang texture at bungkal (tilt) C. Hindi mabilis matuyo
B. Malambot D. Matigas

______5. Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura?
A. Dalawang araw C. Dalawang oras
B. Dalawang linggo D. Dalawang buwan

______6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko?


A. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon.
B. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at gatas.
C. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na dahon, tirang pagkain, balat ng prutas, gulay at dumi ng hayop.
D. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at gulay.

______7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang dagdagan ng abonong organiko ang lupang taniman, maliban sa isa. Alin dito?
A. Upang bigyan ng pagkain at sustansiya ang mga halaman.
B. Upang lumaking malusog at mamunga ng husto ang mga gulay.
C. Upang mapalitan ang mga nawawalang sustansiya ng lupa.
D. Upang dumami ang mga insekto sa lupa.

______8. Ang basket composting ay:


A. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
B. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad ng compost pit.
C. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
D. Wala sa nabanggit.

______9. Isa sa mga paraan ng paggawa ng abonong organiko ay tinatawag na Fermented Fruit Juice o FFJ. Alin sa mga sumusunod na pahayagang
naglalarawan dito?
A. Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi maasim.
B. Ito ay mula sa mga nabubulok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop.
C. Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.
D. Lahat ng nabanggit.

______10.Ano ang tawag sa isang hukay o isang lalagyan kung saan pinagsamasama ang mga nabubulok na mga dahon, prutas, gulay at mga tira-
tirang pagkain?
A. compost B. soil holder C. nitrogen D. rainwater collector

______11. Alin sa mga sumusunod na halaman ang mabisang pestisidyo gamit ang tuyong dahon nito?
A. ilang-ilang B. tabako C. siling labuyo D. anahaw

______12. Dapat bang puksain ang mga insektong kumakain ng mga dahon?
A. Oo B. Hindi C. hindi tiyak D. hindi alam
______13. Mainam bang gamiting pamatay ng kuto ang sili, sibuyas at luya?
A. Oo B. hindi C. hindi tiyak D. hindi alam

______14. Anong uri ng halaman ang pinakamabisang insect repellants na madalas na ginagamit ng mga magsasaka?
A. Lemon Grass B. Ilang-ilang C. Watermelon D. Spring Onion

______15. Ito ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo ang pinatuyo at dinikdik na bunga at mainam ibudbod sa mga halamang
pinamumugaran ng mga insekto.
A. kamyas B. pulang sili C. kamatis D. atis

______16. Anong uri ng pamamaraan ng pagpuksa ng peste ang ginagamitan ng mga kamay?
A. mekanikal B. attractants C. kemikal D. insect repellant

______17. Alin sa mga sumusunod ang organikong paraan ng pagsugpo ng mga kulisap o peste?
A. pagpapa-usok C. pagbubungkal B. pag-abono D. pagdidilig

______18. Alin sa mga sumusunod na kulisap ang bumubutas ng mga dahon?


A. Webworm C. Plant hopper B. Ladybug D. Leaf Roller

______19. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang organikong pamuksa ng peste?


A. dinurog na carrots at singkamas B. dinurog na bawang
C. dinurog na paminta na may suka D. dinurog na sili, sibuyas at luya

______20. Alin sa mga sumusunod ang napupuksa sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng sapot na kasama ang uod?
A. Leaf rollers B. Armored scale C. Plant hoppers D. Webworm

______21. Ilang buwan ang kailangan bago gamitin ang compost o abonong organiko?
A. isang buwan B. tatlong buwan C. dalawang buwan D. apat na buwan

______22. Alin sa mga sumusunod ang hindi puwedeng gamiting sangkap sa paggawa ng compost?
A. dumi ng hayop B. mga di-nabubulok na bagay D. apog D. tuyong dahon.

______23. Ang mga sumusunod ay nabubulok, maliban sa isa. Alin dito?


A. balat ng prutas B. tira-tirang pagkain C. maliliit na bato D. dayami

______24. Ang __________ ay proseso ng pagbubulok ng basura upang gawing pataba.


A. basket composting B. di-organikong pataba C. organikong pataba D. recycling

______ 25. Upang mapanatili ang iyong kaligtasan dapat na gumamit ng ___________ habang gumagawa ng abonong organiko.
A. sabon B. Personal Protective Equipment o PPE C. payong D. manipis na kasuotan

______26. Mas mainam na gumamit ng _____________ habang gumagawa ng abonong organiko sa ilalim ng init ng araw.
A. payong B. kapote C. sombrero D. sarong

______27. Sa paggawa ng hukay para gagamitin sa paggawa ng abonong organiko, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod, maliban sa
_____________.
A. lugar na tuyo B. lugar na patag
C. lugar na malayo-layo sa bahay D. lugar na palaging dinadaanan ng mga tao

______28. Ang mga sumusunod ang pagsasama-samahin upang makabuo ng abonong organiko maliban sa __________.
A. natuyong dahoon B. nabubulok na prutas at gulay
C. nabubulok na pagkain, at iba pang nabubulok na bagay D. maliliit na bato

______29. Ito ang pinakamabilis puksain sa lahat ng mga insekto/kulisap. Kailangan lamang sunugin ang mga sapot nito kasama ang uod upang
hindi na ito muling makapaminsala.
A. Aphids B. Leaf Roller C. Webworm D. Lady Bug

_____30. Ang pesteng ito ay sobrang mapaminsala sa mga punongkahoy. Mahalagang panatilihing malinis palagi
ang buong kapaligiran na maaaring pagpugaran ng mga ito.
A. Armored Scale B. Plant Hoppers C.Ring Borer D. Webworm

Panuto: Sagutin ang


bawat bilang at
piliin ang tamang
sagot sa loob ng
kahon.
______________________1. Ito ay mainam na paraan ng pagdidilig sa maliit na taniman subalit sa malawak na taniman naman, iminumungkahi ang
paggamit ng hose dahil nakokontrol nito ang daloy ng tubig galing sa gripo.

______________________2. Mainam gamitin ang mga ito para palambutin ang lupang nakapaligid upang makahinga ang mga ugat ng halaman.

______________________3. Ginagamit ang kagamitang ito upang pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa halamanan.

______________________4. Paraan ng paglalagay ng abonong organiko sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman.

______________________5. Ang mga ito ay nananatili at namumugad sa mga halaman tuwing nagdidilig sa hapon.

______________________6. Ang paraang ito ng pag-aabono ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng organikong abono sa mga
dahon ng halaman.

______________________7. Ito ay ang paglalagay ng abonong organiko sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng
kamay o isang kagamitang nakalaan para dito.

______________________8. Ito ay paraan ng paglalagay ng abono na ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin. Kadalasan ito’y
ginagawa sa isang maliit na taniman.

______________________9. Ito ay uri ng abono na ligtas sa kalikasan at walang masamang epekto sa kalusugan ng tao.

______________________10.Ginagamit ito sa pagdidilig ng halaman sa pamamagitan ng dahan-dahan na pagbuhos ng tubig sa tanim. Iwasan ang
biglang pagbuhos dahil natatapon ang lupa na siyang sinisipsipan ng mga ugat.

You might also like