You are on page 1of 25

1

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGPAPALALIM NG
KAALAMAN AT PAGSASAGAWA NG MAG
-AARAL GAMIT ANG KASANAYAN SA
PAGBASA NG MGA MAG-AARAL NA
NASA IKAWALONG BAITANG NG
MALIGAYA NATIONAL HIGH
SCHOOL, ATIMONAN
QUEZON TAONG
PANURUAN
2023-2024
Ipinakita sa Fakultad ng Departamento ng Kolehiyo

Quezonian Educational College, Inc

Atimonan, Quezon

Ipinasa Bilang Bahaging Pangangailangan para sa Introduksyon sa Pananaliksik:


Wika at Panitikan

INIHANDA NI:

FRANZ PAULO B. ESPINOSA


2

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Sa kabanatang ito makikita ang mga dahilan kung bakit napiling pag-aralan ng mga

mananaliksik ang ganitong uri ng paksa, mga kaligiran ng paksa, layunin ng mga

mananaliksik, ang sakop at delimitasyon ng buong pag-aaral, kahalagahan ng

pagsasagawa ng naturang pag-aaral.

A. SULIRANIN

Ang kabanata na ito ay nagpapakita ng mga salik na nakakaapekto sa mag-

aaral ng Ikawalong Baitang na kumakatawan sa pagbasa at pagpapalalim ng

kaalaman ng mag-aaral na naging dahilan upang pag-aralan ng mananaliksik ang

mga solusyon na makakatulong upang mahasa at mapalawig ang kaalaman ng

mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nagtatalakay ng mga pamamaraan upang

ang kakulangan ng kaalaman at kahusayan ng mag-aaral ay matugunan ng

mananaliksik sa tulong ng mga guro. Ang mga aktibidad sa pananaliksik na ito ay

pagtutuunan ng pansin para ang tamang paggamit at pagkasunod-sunod ng mga

salita na malalaman ng mga mag-aaral ay magamit sa araw-araw na pag-aaral.

Ang pananaliksik din na ito ay magbibigay panibagong determinasyon sa mag-

aaral upang mas lalong bigyang halaga at maibahagi sa kapwa nila mag-aaral.

Malalaman din ng mag-aaral ang mga layunin, bahagi, at uri ng pagbasa na


3

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
magbibigay motibasyon upang maging masining ang pagbasa at pagiging malalim

sa naturang kaalaman ng mag-aaral.

Sa mabilis na pag-usad ng globalisasyon at teknolohiya, lahat ng mag-

aaral ng ikawalong baitang ay nagkaroon ng kakulangan sa kahusayan sa maayos,

dekalidad na edukasyon sa pagbasa. Pagbasa ang magbibigay ng opurtunidad sa

bawat mag-aaral na makamtan ang anumang hangarin sa buhay sapagkat sa tulong

nito ang mag-aaral lalong magkakaroon ng lohikal na kaalaman patungkol sa mga

paksa na kanilang pag-aaralan. Ito rin ang nagsisilbing tulay ng mga mag-aaral

nasa sulok ng lipunan para makaagapay sa mabilis na pagbabago’t pag-unlad ng

kaalaman ng mag-aaral. Edukasyong sa pagbasa ang hahango sa putik na ating

nakagisnan at magdadala sa rurok ng tagumpay. Sa kabilang banda naman

malaking papel ang ginagampanan ng bawat guro sa larangan edukasyon sa

pagbasa. Sila ang nagsisilbing modelo, nagbibigay lakas, tapang at tatag sa

ikawalong baitang na naghahangad na matupad ang anumang minimithi sa buhay.

Sila ang nagiging modelo’t humuhubog sa pagkatao ng isang mag-aaral. Isa sa

mga tungkuling dapat magampanan ng maayos ng isang guro ay ang pagkatuto ng

mga mag-aaral pagbasa ng Asignaturang Filipino kasama na rito ang pag-abot sa

layunin. Maraming salik ang akademikong nakakaapekto sa pagganap ng mga

mag-aaral sa pagbasa. Una, sa mga ito ay kapaligiran sapagkat nagkakaroon dito

ng ingay na magbibigay distraksyon sa mag-aaral. Pangalawa, kapag mayroong

kakulangan sa libro ng paaralan ang mag-aaral ay hindi magkakaroon ng oras na

basahin at siyasatin maigi ang paksa na ibinigay ng guro. Pangatlo, kakulangan sa


4

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
aktibidad na ginagamitan ng pagbasa upang mahasa ang mag-aaral sapagkat kung

wala ito ay hindi mababalanse ang kahusayan at kaalaman ng isang mag-aaral.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalapat ng lawak sa kaalaman sa pagbasa na

tumutugon sa mga mag-aaral sa salik na nakakaapekto sa pagpapalalim ng

kaalaman at pagsasagawa ng mag-aaral na nasa ikawalong baitang ng Maligaya

National High School, Atimonan Quezon Taong Panuruan 2023-2024. Layunin

nitong sagutin ang mga tiyak na katanungan:

1. Ano ang salik na nakakaapekto sa pagpapalalim ng kaalaman ng mag-aaral ng

ikawalong baitang batay sa mga bawat sumusunod:

1.1 Kaalaman sa Pagbasa

1.2 Interes sa Pagbasa

1.3 Pag-unawa sa Babasahin

1.4 Pag-unawa sa Kahalagahan ng Pagbasa

1.5 Pagbibigay ng mga hakbang sa pagbasa

2. Gaano kalawak ang kaalaman ng mag-aaral sa pagbabasa?

3. Paano umunawa at bumasa ang mga mag-aaral sa mga kwento ng aklat na

babasahin?

C. LUNAN NG PAG-AARAL
5

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa paaralan ng Maligaya National High School

sa Munisipalidad ng Atimonan, Lalawigan ng Quezon.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

INSTITUSYON

Malaki ang magiging bahagi ng pananaliksik na ito sapagkat ang bawat mag-aaral

ay magiging hasa sa pagbasa na magreresulta ng malawak na kaalaman na

makakatulong sa institusyon at magiging upang basehan din ito ng susunod na

mananaliksik upang lalong lumago ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa

ikawalong baitang.

GURO

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro sapagkat malalaman ng mga


6

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
guro ang mga dapat idagdag sa kanilang pagtuturo upang ang bawat mag-aaral ay

patuloy na lumago sa kaalaman na kanilang pinag-aaralan sa araw-araw.

MAG-AARAL

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mag-aaral sapagkat ang natatangi nilang

kaalaman sa pagbasa ay madagdagan ng mga malalalim na salita na magiging

reperensiya nila upang makabuo ng mga bagong ideya sa mga aktibidad sa

pagbasa.

SUSUNOD NA MANANALIKSIK

Makakatulong ito sa susunod na mananaliksik sapagkat ito ang makukuhanan ng

mga basehan o ideya na magagamit upang ang isang bahagi ng mga salik ay

magkaroon ng karagdagang katugunan na makakatulong sa mag-aaral.

E. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa kakayahan ng mga mag-aaral sa


7

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
ikawalong baitang sa Maligaya National High School ng Atimonan sa pag-

iimplementa ng iba’t ibang gawain para sa pagpapa-unawa ng kahalagahan ng

pagbasa. Pinapakita na ang pangunahing mag-aaral lamang ng ikawalong baitang

ang respondente sa pag-aaral na ito. Samakatuwid, binibigyang diin sa pag-aaral

na ito ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang bilang

isang panitikan na kinalakhan ng kanilang mga ninuno.

Ang mga mananaliksik ay nilimitahan ang kanilang pag-aaral sa mga mag-

aaral ng ikawalong baitang sapagkat mas matutunan at mas madaling

makakasanayan ang pag-aaral at pagpapahalaga ng kasanayan sa pagbasa kung ito

ay malalaman sa mismong baitang ng mananaliksik. Upang makahanap ng sapat

at nararapat ng datos, ang bilang ng respondente ay dalawampu’t lima(25) katao.

At isinasaad ng pananaliksik na ang pangunahing kasarian ng respodente ay

labindalawa na lalaki (12) at labintatlo na babae(13). Ang mga piling mag-aaral

lamang ng ikawalong baitang na may kakayahan na maipakita ang kasanayan sa

pagbasa at maiparating ang nais nilang sabihin tungkol sa pagpapahalaga ng

kasanayan sa pagbasa ng asignatura. Anuman ang kasarian lalaki man o babae,

may kasanayan man sa pagbasa o wala ang isang mag-aaral. Nais maging bukas

sa pagpapanatili at pangangalaga sa hindi kinamulatang gawi ng pagbabasa at

pag-iral ng pagkapositibo sa isip at gawa. Higit sa lahat gusto pang matuto at

madagdagan ang wastong kaalaman sa pagbasa at pagsasabuhay nito sa mga

aktibidad na babasahin.
8

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT

F. BATAYANG KONSEPTWAL

HINDI MALAYANG BARYABOL


MALAYANG BARYABOL

Ano ang salik na nakakaapekto sa


Propayl ng mga respondente ng ikawalong
baitang sa pagpapalalim ng kaalaman ng mag-aaral

 Edad ng ikawalong baitang batay sa mga


 Baitang
 Kasarian bawat sumusunod:

Sa mga mag-aaral ng Maligaya National  Kaalaman sa pagbasa


High School, Taong Panuruan 2023-2024
 Interes sa pagbasa

 Pag-unawa sa babasahin

 Pag-unawa sa kahalagahan ng

pagbasa

 Pagbibigay ng mga hakbang sa

pagbasa

Pigura 1.

G. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

1. ASIGNATURA - Ang mga asignatura ay napapalitan o nadaragdagan sa

bawat taon ng pag-aaral. Magkakaiba ang mga asignaturang tinuturo sa


9

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
elementarya, sekondarya, at kolehiyo.

2. DATOS - Ang datos ay tumutukoy sa mga impormasyon na ginagamit sa isang pag


aaral. Ito ay maaaring mga elemento o kaalaman na may kinalaman sa paksa. Ito ay
isang batayan sa pagtiyak ng kasagutan.

3. QUESTIONNAIRE - ay isang pangkat ng nakalimbag o nakasulat na mga

tanong na mayroong mapagpipiliang mga sagot, na idinisenyo para sa mga

layunin ng isang naig-sukat, pagsusuri, pag-uusisa o pagsisiyasat o pag-aaral na

pang-estadistika.

4. REKOMENDASYON - ito ay isang solusyon upang malutas ang problema


na kinakailangan ng pag paatunay o pgbibigay ng malalim na pag-aaral.

rekomendasyon o pg rerekomenda ng isang solusyon upang marelsuba ang

problema.

5. SANGGUNIAN - Ang sanggunian ay ang ugnayan sa pagitan ng dalawa o

higit pang mga bagay na siyang nagtatakda ng tiyak na paraan upang magkaron

ng ugnayan ang mga bagay.

KABANATA II
10

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT


LITERATURA
Sa bahaging ito ng kabanata makikita ang mga kaugnay na literatura at kaugnay

na pag-aaral na siyang mas magpapatibay ng higit sa pag-aaral ng paksang ito.

A. MGA KAUGNAY NA LITERATURA


A. 1. DAYUHANG LITERATURA

Para naman kay Grades et. al, (2007) ang isang metakognitibong mambabasa ay
tinatanong sa sarili kung nauunawaan ba niya ang sinasabi ng awtor, ano ang gagawin
niya kung hindi niya nauunawaan ang binasa at ano ang maaari niyang gawin upang
lalong maunawaan ang sinasabi ng awtor.

Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang may pag-unawa ay
isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong
proseso na nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na
representasyon ng isang teksto”.

Sinabi naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na “Habang ang
mga magaaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang din sa
kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag-unawa at pagkatuto”.

Para naman kay Grades et. al, (2007) ang isang metakognitibong mambabasa ay
tinatanong sa sarili kung nauunawaan ba niya ang sinasabi ng awtor, ano ang gagawin
niya kung hindi niya nauunawaan ang binasa at ano ang maaari niyang gawin upang
lalong maunawaan ang sinasabi ng awtor.

Ito ay nakitaan ng pagsuporta sa pagsusuri ni Scott (2006), napag-alaman niya na


ang pag-uunawa ng binabasa ay nakakaimpluwensya sa antas ng kaalaman ng mga mag-
11

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
aaral tungkol sa pag-aaral ng mga salita kabilang dito ang bokabolaryo at kasanayan sa
pagbabaybay at pati na rin ang kakayahang magbigay linaw ng salitang inilathala.

Sinabi naman ni Toze (2012) na nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa


kabatiran at karunungan ang pagbasa. Isa itong aliwan, kakayahan, pakikipagsapalaran,
pagtuklas at nagbibigay ng ibat-ibang karanasan sa buhay. Tunay na napakaraming
kaalaman ang makukuha ng tao sa pagbabasa. Maaari siyang makatuklas ng mga bagay
na makatutulong sa kanya sa kanyang pang-arawaraw na pamumuhay. Isa itong
mabisang aliwan na hindi lamang nagpapatalas ng isipan kundi nakapagbibigay ng
kasiyahan lalo na sa mga taong hilig ang pagbabasa. Hindi magiging epektibo ang
pagbabasa kung hindi ito malalapat ng mambabasa sa tunay na pangyayari sa
pamumuhay. Malaki ang gamit ng dulog Tugunang Pagtatanong sa paglalapat ng mga
natutuhang kaalaman sa teksto sapagkat nakagagawa ng mga katanungan ang mga mag-
aaral na maaaring may kinalaman sa tekstong binasa at totoong nangyayari sa reyalidad
na buhay. Malaki ang kaugnayan ng mga pahayag ng iba’t ibang dalubhasa sa kanilang
ginawang literatura sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat dito mas nalilinaw at
nabibigyan ng katuturan ang pagiging epektibo ng Tugunang Pagtatanong bilang dulog
sa paghahasa ng kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-21 na siglo sa pagbabasa, pag-
unawa ng binasa at paglalapat sa tunay na buhay ng mga natutunan mula sa binasang
teksto.

A. 2. LOKAL NA LITERATURA
Ayon kay Belvez (2002), mahalagang tiyakin muna ang kahandaan sa pagbasa
ng mag-aaral bago turuan ito ng pormal na pagbasa. Kahit na anong sipag, sikap at
tiyaga ng guro sa pagtuturo na matutong bumasa ang mag-aaral kung hindi naman siya
handa ito ay balewala rin.
Mabilin (2016), ang pagsulat ay katulad din ng pagbasa nakinakailangang
gamitan ng wastong pag-iisip, ibayong damdamin at karanasan. Isa itong paraanng
pakikipag-unawaan o pakikipagdiskurso ng isang tao sa kanyang kapwa sa pamamagitan
ng mga letra, salita, parirala at mga pangungusap.
12

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
Konektado ito sa inilahad ni Constantino (2008) na may ilang epektibongatityud sa
pagbasa. Una, pagiging alerto-laging inaalam kung ano ang sinasabi ngawtor at paano
sinabi; pangalawa, may fleksibilidad, may malawak na kaalaman atkasanayan sa
pagbasa at pag-iisip at nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ngawtor at paano ito
sinasabi at pangatlo, nakapagsasarili–nakagagawa ng sarilingpangangatwiran, pagsusuri,
paghuhusga, at pagtatasa.

Ganito rin ang pahayag ni Bernales et. al, (2013) na ang pagbasa ay ang pagbibigay
ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Hindilamang kasanayang
pangwika ang pagbasa kung hindi isang mahalagang Gawaindin. Kung nais niyang
matuto, ituturing niya ang pagbasa bilang behikulo sa pagtuklas at pagtamo ng sari-
saring kaalaman.

Sang-ayon ito sa sinabi ni Adison (2006) na kung ang ehersisyo ay para sa katawan,
ang pagbasa ay para sa isip. Sa lahat ng libangan o direksyon sa buhay wala pang
makapupuno sa mga empty spaces o espasyo maliban sa kapakipakinabang na pagbasa.

B. KAUGNAY NA PAG-AARAL

B.1. DAYUHANG PAG-AARAL

May kasanayan ang mga mag-aaral sa pagbasa sa pagkilala ng salita ayon sa maling
bigkas, ang ibig sabihin ay may sapat na kasanayan sasalita kung ang pagbabasa ay
nakatuon sa maling bigkas kung kaya’t ang mga mag-aaral ay medyo kaunti angmaling
bigkas ng mga salita at hindi gaanong malinaw ang pagkakabigkas kaya sa pahayag ni
Guinoo (2017) ang wastong bigkas ng mga salita ay kasama sa araw-araw na
paglalakbay ng tao ang pakikipag-ugnayan gamitang wika.

Ayon kay Yaseen (2013) may kasanayan ang mga mag-aaral sa pagkilala ng salita
ayon sa pagpapalit na ang ibig sabihin ay medyo kaunti lang ang nababago samga
salitang binibigkas at medyo kaunti lang ang naidadagdag, naibabawas, at naipapalit ng
isang tunog saunahan, gitna at hulihan gaya sa pag-aaral na isinagawa na lumabas na
13

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
sang-ayon ang mga guro na pagdating sa ponolohiya o mga palatunugan ito ang isa sa
pinakamahirap na kasanayan para sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng kasanayan sa
pagbasa. Mahalaga rin na magkaroon ng kamalayan sa pagsasanay upang maibigay ang
pangangailangang elemento sa pagpapaunlad sa pagbasa.

Maihahalintulad ang nagging resulta sa pa pag-aaral na isinagawa ni Yang (2014),


patungkol sa kung paano mapaunlad ang kasanayan ng mag-aaral sa pagbasa. Lumabas
sa kanyang pag-aaral na karamihan sa kasanayan sa pagbasa na kinapapalooban kung
paano mabibigyan ng solusyong basahinang mga salitang di – pamilyar, pagluha ng
pangunahing-diwa, paano ang pagbasa ng kritikal, at paano magkaroon ng pang-unawa
sa binasa, ang mga ito ay maaring mapaunald sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik sa
pagtuturo kung paano magbasa at bumasa. Marahil kapag ang mag-aaral ay magkaroon
ng kasanayan sa pagbasa at mapaunlad pa nito ang kanyang pang-unawa sa binabasa,
magiging buo ang pagbasa nya sa mga teksto`, walang `labis walang kulang.

Ayon kay Haupt (2015) ang pagbasa ay napakahalagang kasanayan para sa mga
mag-aaral sa lenggwahe kaalinsabay ng kasanayan sa lenggwahe ay ang kasanayan sa
pagsulat, kasanayan sa pagsasalita at kasanayan sa pakikinig. Ang mga mag-aaral ay
hinihimok na paunlarin pa ang kanilang kasanayan sa pagbasa dahil maaari nila itong
mapamanihala sa iba pa.

Sa pahayag naman nina Torgesen at Mathis (2010), ang kahirapan sa pagbasa ay


maaaring mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga workbooks, textbooks o
worksheet.

B. 2. LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay (Delgado 2015) ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-
unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumangwikang nakasulat samakatuwid ang
14

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
pagbasa ay daan tungo sa kaalaman kaya’t ang isang mag-aaral na magkaroon ng
kasanayan at kakayahan sa pagbasa ang pagkilala sa mga salita ay magiging maayos ang
pagbigkas at walang pagsisingit na salitang mangyayari.

Sa pahayag ni Japee (2018) ang pagbabasa ay proseso ng pagkilala ng mga nakasulat


na simbolo, mabuting inuunawa kung ano ang ibig sabihin ng binasang teksto,
nakakilala ang mga salita, bukod sa natutukoy ng mambabasa ang bawat titik na
bumubuo ng salita, nabubuo atnatutukoy rin niya ang kahulugan kapag pinagsama ang
mga titik upang ito ay maging isang makabuluhang salita.

Ayon sa pahayag ni Magno (2014) ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagbasa ay


nakakapagpalawak at nakakapagpalalim ng pang-unawa na kung saanmadali na lamang
tuklasin ng mambabasa ang mga nakapaloob na konteksto ng akda at nakikilala at
nabibigkasnang maayos ang mga nakasulat na simbolo.

Sa Pilipinas, ayon kay De Juan (2013) sa paglalahad niya ng mga suliranin sa


pagtuturo ng Filipino isa rito ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng
mga akdang pampanitikan at ang guro ay hindi mulat sa lahat ng pagbabagong
nagaganap sa kapaligiran lalo nasa larangan ng wika at panitikan para sumunod sa
makabagong estilo o teknik sa pagtuturo kung paano magbasa nang may kasanayan sa
asignaturang Filipino.

Kaugnay ng pag-aaral ni Medul (2017), Abad (2018) at Salonga (2019) na ang mga
kagamitang pampagtuturo tulad ng workbook o worktext ay nakapagpapaunlad at
nakapagdaragdag pa ng kaalaman ng mgamag-aaral sa pagsasagawa ng mga ito.
15

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

A. DISENYO AT METODO

Sa bahaging ito ng kabanata makikita ang mga ang mga gagamitin ng


mananaliksik upang makakalap ng mga datos at ilan pang mahahalagang impormasyon
gaya ng metodolohiya, paraan ng pananaliksik, instrumento, tritment ng datos at
pormulang gagamitin sa pag-aaral na siyang mas magpapatibay ng higit sa pag-aaral ng
paksang ito.

Ang pag-aaral ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya na paraan ng


pananaliksik. Ang Palararawan/Deskriptibong Metodolohiya (Descriptive Method) ay
idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan upang mas
mabilis na makuha ang mga datos na kinakailangan sa mga respondenteng inilalahad ng
mananaliksik.

Talatanungan ang pinaka susi ng mananaliksik sapag-alam ng magiging sagot


at datos. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, gagamit ang mananaliksik ng dalawang
paraan upang makakuha ng mga datos. Ang mananaliksik ay magsusuri at magbibigay
ng talatanungan sa mga pangunahing respondante upang masagot at malaman ang datos
na kinakailangan ng mananaliksik.

Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong pag-aaral ng kaso


bilang deskriptibong pananaliksik at paglalahad ng opinyon sa bawat isa ng mga
mananaliksik para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng mga
datos at ang paraang ito'y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng
sapat na panahon.
16

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
B. KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG DATOS AT
PARAAN SA PANGANGALAP NG DATOS

Upang maisagawa ang pagsusuri, gagamitin sa pag-aaral na ito ang


palarawang pagsusuri gamit ang talatanungang sasagutan ng mga napiling respondente
sa ikawalong baitang ng Maligaya National High School na ginamit ng mananaliksik.
Gamit ito, inilalarawan, itinatala, sinusuri at ipinapaliwanag nito ang mga benipisyo at
mga magagandang naidudulot ng paggamit ng mga hakbang upang matuto ang mag-
aaral.

B.1. METODO NG PANGANGALAP SA SEKONDARYANG


DATOS

Ang pag-aaral ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya na paraan ng


pananaliksik. Ang Palararawan/Deskriptibong Metodolohiya (Descriptive Method) ay
idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan upang mas
mabilis na makuha ang mga datos na kinakailangan sa mga respondenteng inilalahad ng
mananaliksik.

B.1.1. Pananaliksik Na Pansilid-Aklatan

B.1.2. Pananaliksik Dektronikong Silid-Aklatan

B.2. METODO SA PANGANGALAP SA PRIMARYANG


DATOS

B.2.1. Talatanungan

Talatanungan ang pinaka susi ng mananaliksik sapag-alam ng magiging sagot


at datos. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, gagamit ang mananaliksik ng dalawang
paraan upang makakuha ng mga datos. Ang mananaliksik ay magsusuri at magbibigay
17

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
ng talatanungan sa mga pangunahing respondante upang masagot at malaman ang datos
na kinakailangan ng mananaliksik.

B.2.2 Desinyo ng Sampling at Paraan sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay paparoon sa napiling paaralan, ang Maligaya


National High School upang ibahagi ang pangunahing kagamitan sa pagproseso ng
pagkakalap ng mga datos sa piling respondante na makikita sa saklaw at delimitasyon ng
pag-aaral. Dala ang sulat o liham mula sa thesis adviser na si Gng. Enna Verdan at sa
tulong ng aming butihing ina ng aming paaralan na si Ma’am Menchie A. Aragon ay
ilalapit ko sa mga kaguruan at butihing principal ang aking layunin ng pagbibigay ng
talatanungan sa mga mag-aaral bago ko pasimulan ang aking hangarin at layunin.

A. PAGLALAPAT NG ISTATISTIKA NA TRITMENT SA MGA


DATOS

B. Weighted Mean – ang mananaliksik ay gagamit ng formulang ito upang malaman ang

salik at kalagayan ng mag-aaral sa kasanayan at lalim ng kaalaman sa pagbasa . Ang

mga respondent ay ang mga mag-aaral na nasa ikawalong na baitang na binubuo ng

labindalawang lalaki (12) at labintatlong babae (13) na may kabuuan na dalawampu’t

lima (25) na respondent.

Ang formulang gagamitin ay Weighted Mean na:

WM = 5f+4f +3f + 2f +1f

Kung saan ang:

WM= Weighted Mean


18

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
f= Frequency

TF= Total Frequency

BILANG KATUMBAS DESKRIPSYON

5 4.21-5.00 Lubos na Sumasang-Ayon (LS)

4 3.41-4.20 Sumasang-Ayon (S)

3 2.61-3.40 Neutral (N)

2 1.81-2.60 Hindi Sumasang-Ayon (HAS)

1 1.00-1.80 Lubos na Hindi Sumasang-Ayon

(LHSA)

B. Metodolohiya

Paraan ng Pananaliksik
Upang maisagawa ang pagsusuri, gagamitin sa pag-aaral na ito ang
palarawang pagsusuri gamit ang talatanungang sasagutan ng mga napiling respondente
sa ikawalong baitang ng Maligaya National High School na ginamit ng mananaliksik.
Gamit ito, inilalarawan, itinatala, sinusuri at ipinapaliwanag nito ang mga benipisyo at
mga magagandang naidudulot ng paggamit ng mga hakbang upang matuto ang mag-
aaral.

Instrumento

Ang gagamiting instrumento ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay sarbey na

talatanungan. Sa pamamagitan ng sarbey at pagbibigay ng talatanungan ito naging

pangunhaing instrumento. Kakalap ang mananaliksik ng mga tanong na may kaugnayan

sa paksa upang masagot at maibigay ang hinihinging impormasyon at hinihinging mga

datos na kalakip nito.


19

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
Ang mga mananaliksik ay paparoon sa napiling paaralan, ang Maligaya National
High School upang ibahagi ang pangunahing kagamitan sa pagproseso ng pagkakalap ng
mga datos sa piling respondante na makikita sa saklaw at delimitasyon ng pag-aaral.
Dala ang sulat o liham mula sa thesis adviser na si Gng. Enna Verdan at sa tulong ng
aming butihing ina ng aming paaralan na si Ma’am Menchie A. Aragon ay ilalapit ko sa
mga kaguruan at butihing principal ang aking layunin ng pagbibigay ng talatanungan sa
mga mag-aaral bago ko pasimulan ang aking hangarin at layunin.

Reperensiya:
Konektado ito sa inilahad ni Constantino (2008) na may ilang epektibong atityud

sa pagbasa. Mula sa https://www.coursehero.com/u/file/94974523/Kaugnay-na-Literatura-


at-Pag-aaraldocx/

Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang may pagunawa ay

isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong

proseso na nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na

representasyon ng isang teksto” (ph. 315). Mula sa


https://www.coursehero.com/u/file/94974523/Kaugnay-na-Literatura-at-Pag-aaraldocx/

Sinabi naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na “Habang ang

mga magaaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang

din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag-unawa at pagkatuto” (ph.4-12).

Mula sa https://www.coursehero.com/u/file/94974523/Kaugnay-na-Literatura-at-

Pag-aaraldocx/

Sinabi naman ni Toze (2012) na nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa

kabatiran at karunungan ang pagbasa. Mula sa


20

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
https://www.coursehero.com/u/file/94974523/Kaugnay-na-Literatura-at-Pag-

aaraldocx/

Ganito rin ang pahayag ni Bernales et. al, (2013) na ang pagbasa ay ang

pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Mula sa

file:///D:/My%20downloads/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA.docx.p

df

Sang-ayon ito sa sinabi ni Adison (2006) na kung ang ehersisyo ay para sa

katawan, ang pagbasa ay para sa isip. Mula sa

file:///D:/My%20downloads/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA.docx

.pdf

Ito ay nakitaan ng pagsuporta sa pagsusuri ni Scott (2006), napag-alaman

niya na ang pag-uunawa ng binabasa ay nakakaimpluwensya sa antas ng

kaalaman

ng mga mag-aaral tungkol sa pag-aaral ng mga salita kabilang dito ang

bokabolaryo

at kasanayan sa pagbabaybay at pati na rin ang kakayahang magbigay linaw ng

salitang inilathala. Mula sa

file:///D:/My%20downloads/Kaugnay_na_Literatura_at_Pag_aaral.docx.pdf
21

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
Para naman kay Grades et. al, (2007) ang isang metakognitibong mambabasa ay

tinatanong sa sarili kung nauunawaan ba niya ang sinasabi ng awtor, ano ang

gagawin niya kung hindi niya nauunawaan ang binasa at ano ang maaari niyang

gawin upang lalong maunawaan ang sinasabi ng awtor. Mula sa file:///D:/My

%20downloads/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATURA.docx.pdf

Samantalang ayon naman kay Mabilin (2016), ang pagsulat ay katulad din ng

pagbasa nakinakailangang gamitan ng wastong pag-iisip, ibayong damdamin at

karanasan. Mula sa

https://www.studocu.com/ph/document/palawan-state-university/komuniksayon-sa-

akademikong-filipino/pananaliksik-kabatana-1/39532314

Ayon kay Belvez (2002), mahalagang tiyakin muna ang kahandaan sa pagbasa ng mag-

aaral bago turuan ito ng pormal na pagbasa. Mula sa

https://dokumen.tips/documents/mga-yugto-ng-pagbasa.html?page=12

Guinoo (2017) ang wastong bigkas ng mga salita ay kasama sa araw-araw na paglalakbay

ng tao ang pakikipag-ugnayan gamitang wika. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATA

AS_NA_PAARALAN_NG_SUBIC

Yaseen (2013), lumabas na sang-ayon ang mga gurona pagdating sa ponolohiya o mga

palatunugan ito ang isa sa pinakamahirap na kasanayan para sa pagpapaunladat


22

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
pagkakaroon ng kasanayan sa pagbasa. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o

ng anumangwikang nakasulat samakatuwid ang pagbasa ay daan tungo sa kaalaman

(Delgado, 2015), kaya’t ang isang mag-aaral na magkaroon ng kasanayan at kakayahan

sa pagbasa ang pagkilala sa mga salita ay magiging maayos ang pagbigkas at walang

pagsisingit na salitang mangyayari. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

Maihahalintulad ang nagging resulta sa pa pag-aaral na isinagawa ni Yang (2014),

patungkol sa kung paano mapaunlad ang kasanayan ng mag-aaral sa pagbasa. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

Sa pahayag ni Japee (2018) ang pagbabasa ay proseso ng pagkilala ng mga nakasulat na

simbolo, mabuting inuunawa kung ano ang ibig sabihin ng binasang teksto, nakakilala

ang mga salita. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N
23

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

Haupt (2015) ang pagbasa aynapakahalagang kasanayan para sa mga mag-aaral sa

lengwahe kaalinsabay ng kasanayan sa lenggwahe ay angkasanayan sa pagsulat,

kasanayan sa pagsasalita at kasanayan sa pakikinig. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

Magno (2014) ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagbasa ay nakakapagpalawak at

nakakapagpalalim ng pang-unawa na kung saanmadali na lamang tuklasin ng

mambabasa ang mga nakapaloob na konteksto ng akda at nakikilala at nabibigkasnang

maayos ang mga nakasulat na simbolo. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

Sa pahayagnaman nina Torgesen at Mathis (2010), ang kahirapan sa pagbasa ay maaring

mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga workbooks, textbooks o worksheet.

Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC
24

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT
Ayon kay De Juan (2013) sa paglalahad niya ng mga suliranin sa pagtuturo ng Filipino isa

rito ang kawalan ng interes ng mga mag-aaralsa pagbabasa ng mga akdang

pampanitikan at ang guro ay hindi mulat sa lahat ng pagbabagong nagaganap

sakapaligiran lalo na sa larangan ng wika at panitikan para sumunod sa makabagong

estilo o teknik sa pagtuturo kung paano magbasa nang may kasanayan sa asignaturang

Filipino. Mula sa

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

Kaugnay ng pag-aaral ni Medul (2017), Abad (2018) at Salonga (2019) na ang mga

kagamitang pampagtuturo tulad ng workbook o worktext ay nakapagpapaunlad at

nakapagdaragdag pa ng kaalaman ng mgamag-aaral sa pagsasagawa ng mga ito.

https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_N

%20G_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_ATAAS_NA_

PAARALAN_NG_SUBIC

-
25

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.


EDUCATION DEPARTMENT

You might also like