You are on page 1of 2

AP10 Quarter 4: Pagkamamamayan, Karapatang Pantao, Eleksyon at mga Non-Governmental Organizations

Ang composer ng awiting pinamagatang “Akoy Isang Mabuting Pilipino” ay si Noel Cabangon. Isang awitin na
nagpapaalala sa atin tungkol sa mga gawi at ugali ng isang mabuting Pilipino. Lahat tayo ay maituturing na isang
mabuting Pilipino. Isa sa mga liriko ng awitin ay:“Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan, ‘di bumubuga ng usok ang
aking sasakyan. Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan. Inaalagaan ko ang aking kapaligiran”. Ang mga sumusunod na
gawain ay nagpapakita ng pagiging mabuting Pilipino; pagreresiklo ng mga basura, pagsakay sa tamang sakayan,
paghingi ng opisyal na resibo at pagtupad sa tungkulin at pagsunod sa mga batas at alituntunin. Isa pa sa liriko ng awitin ay
“’Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay, ticket lamang ang tinatanggap ko’t binibigay, At ‘di nahtatago sa ilalim
ng puno. ‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan, ‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan.”

Sa kabihasnang Griyego unang umusbong ang konsepto ng pagkamamayan. Nabuo ito sa mga polis o lungsdo-estado.
Binanggit ng ani Pericles na “hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.”. Sa
usaping pagkamamamayan sa Pilipinas, hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng
1987 kung ikaw ay manunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa at kung ikaw ay tumalikod o tumakas
sa Pilipinas sa panahong may digmaan. Ayon naman kay Murray Clark Havens, “ang citizenship ay ugnayan ng isang
indibidwal at estado”. Ipinahihiwatig ng kanyang pahayag na ang indibidwal ay miyembro ng isang estado at siya ay
ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Si Alex lacson naman ay isang abogadong naglahad ng labindalawang
gawaing maaaring makatulong sa ating bansa (12 Little Things Every Filipino Can do to Help Our Country). Ang
prinsipyo ng pagkamamamayan na ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng iyong
mga magulang ay tinatawag na Jus Sanguinis. Ang prinsipyo naman ng pagkamamamayan na nakabatay sa lugar kung
saan ka ipinanganak ay Jus Soli. Isang halimbawa; Si Princess ay anak ng mayamang pamilya. Pilipino ang kanyang mga
magulang ngunit minarapat nilang isilang si Princess sa bansang Amerika. Si Princess ay may dalawang
pagkamamamyan o dual citizenship. Maaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal kung nawala na ang
bisa ng naturalisasyon, nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa at kung hindi naglingkod sa hukbong
sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan. Sa usaping dual citizenship, ayon sa Seksyon 5, Artikulo IV ng
Saligang Batas ng Pilipinas, “Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at
dapat lapatan ng kaukulang batas. Nangangahulugan ito na nararapat kang pumili ng pagkamamamayan pagsapit ng
hustong gulang.

Sa pagbuo ng karapatang pantao, tinagurian ang Cyrus Cylinder bilang World’s First Charter of Human Rights. Isang
dokumento namang sapilitang nilagdaan ni Haring John I ng England na naglalahad na hindi maaaring dakpin,
ipakulong at bawian ng anumang ari-arian ang sinuman nang walang pagpapasya ng hukuman ang Magna Carta.
Noong 1864, kinilala ang First Geneva Convention na may layuning isaalang-alang ang pangangalaga sa mga
nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon. Nakaploob sa dokumentong ito ang hindi
pagpataw ng buwis ayon sa parliament, ito ay ang Petition of Rights. Noong 1787, inaprubahan ng US Congress ang
dokumentong ito na nagbigay-proteksyon sa mga karapatang-pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang
taong naninirahan sa bansa, ang Bill of Rights. Itinuturing na “International Magna Carta for all Mankind” ang
Universal Declaration of Human Rights dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibidwal at naging
batayan ito ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani=kanilang batas. Sa pagpupulong ng 16 na Europeong
bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland, kinilala ang dokumentong “The First Geneva
Convention”. Mas binibigyang pansin at halaga ang mga nasugatan at mga may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon dahil itinaguyod at nasaksihan ng tagapagtatag ng Red Cross ang mga digmaaang nagdaan
sa Europe na nagdulot ng pagkasawi ng maraming sundalo. Kung babakasin ang pagkakabuo ng karapatang pantao,
ang pagkakasunud-sunod ng pagbuo nito ay; Cyrus Cylinder, Magna Carta, Petition of Rights, Bill of Rights, Declaration
of the Rights of Man and of the Citizen at The First Geneva Convention.

Ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt na si Eleanor at siya rin ang naluklok bilang tagapangulo ng Human
Rights Commission ng United Nations. Ang uri ng karapatan ayon sa aklat ni De Leon (2011), kung saan naglalaman ito
ng mga karapatang taglay ng bawat mamamayan kahit hindi ipagkaloob ng estado ay natural rights gaya ng
karapatang mabuhay, magkapangalan at magmahal. Ang karapatan naman na binuo ng batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas ay tinatawag na statutory rights. Kung ikaw ay napasailalim ng isang pagsisiyasat o
imbestigasyon dahil sa bisa ng warrant of arrest na inilahad ng mga pulis, ang karapatan sa Constitutional Rights na
makatutulong sa iyo ay ang Karapatan ng akusado.
Sa panahon naman ng eleksyon o botohan, sinasabing may panunuhol ang mga kandidato ngunit bilang isang
matalinong botante ay alam mo sa sarili mo kung sino ang dapat ihalal o iboto at malaya kang makapipili sa kanila ng
iyong nais. Ito ay nagpapakita ng iyong karapatang politikal. Sinasabing karaniwan sa matatagumpay na
pandaigdigang samahang nagtataguyod ng mga karapatang pantao ay nagmula sa mga NGO o non-Government
Organization kung saan pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ito ay dahil waalng bahid politika ang kanilang pagilingkod at pagtataguyod ng mga karapatan. Ang nais ipahiwatig ng
mottong, “It is better to light a candle than to curse the darkness” ay mas mabuting may gawin ka kahit maliit na
bagay upang masolusyunan ang problema kaysa wala kang gawin. Isang Constitutionalista na nagpahayag na ang
layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng
kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan. Iyan ay ayon kay Fr.
Joaquin Bernas. Inilalahad sa Artikulo VI ng Saligang Batas ng 1987 ang mga maaaring makaboto. Makikita naman sa
seksyon 116 ng Omnibus Election Code, Artikulo 12 nakasaad ang mga diskwalipikadong bumoto. Civil Society ay
binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos at mga NGOs. Ang POs samahang
ito naman ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito. Ang DJANGO ay nagbibigay suporta sa mga
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal at medical na mga serbisyo. Mahalagang makilahok ang mga
mamamayan sa mga uri ng samahan tulad ng NGOs at Pos dahil isa itong pagsasanay para sa demokrasya. Ito naman
ay isang pansibikong pakikilahok at mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang ating iginigiit na
pagbabago sa pamahalaan, ito ay Elitist Democracy. Ang prinsipyo kung saan nakaangkla ang participatory
governance na tumutukoy sa paniniwalang kayang magbago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa
ikabubuti ng mamamayan ay Progressive Development Perspective.

You might also like