You are on page 1of 2

Bakunado,

Protektado
Bakit kailangang magpabakuna?
➢ Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang Covid-19 Vaccines ay
nakakatulong upang labanan ang Covid-19 infection, malalang
sakit dulot ng Covid-19, at pagkamatay. Subok at napatunayan ang
bisa gaya ng mga sumusunod:
✓ 5X from infection
✓ Greater than 10X from hospitalization
✓ Greater than 10X from death

Mga benepisyo sa pagiging Bakunado


➢ Ang pagsuot ng face mask, social distancing, at paghuhugas ng kamay
ay nakakatulong upang mabawasan ang pagkahawa subalit ang mga
protocols na ito ay hindi sapat. Ang Covid-19 vaccines ay nagpapalakas
sa ating Immune System upang labanan ang Covid-19 virus kung ikaw
ay na-exposed.
➢ Ang pagiging bakunado ay hindi lamang proteksyon sa iyong sarili,
kundi nakakatulong upang mapangalagaan ang inyong mga mahal sa
buhay lalo na ang mga matatanda na at may sakit.

Huwag matakot
➢ Ayon sa datos mula sa
Department of Health
(DOH), ang Covid-19
Vaccines ay LIGTAS at
0.15%* lamang ang
nagkaroon ng mild
reactions ngunit ang mga
ito agarang na-resulba.

*as of 19 Sept 2021 (1st & 2nd


Doses/Fully Vaccinated).
Ang Totoo
➢ Ang mga researchers/scientist sa Covid-19 Vaccines ay gumugol ng
masusing pag-aaral – walang shortcut. Ang mga ito ay aprubado ng
World Health Organization, Food and Drug Administration, at
Department of Health kung kaya napatunayan na mabisa at ligtas.
➢ Ang Covid-19 Vaccines ay imposible na baguhin ang inyong DNA.
➢ Ito ay walang live virus strain.
➢ Walang ebidensya na dahilan ng infertility.
➢ Higit sa lahat, huwag maniwala sa mga nakikita o nababasa sa social
media sites. Pinapayuhan na makigpag-ugnayan sa mga lehitimong
otoridad upang mas mabigyan ng linaw ang ating agam-agam.
BAKUNADO, PANALO!
Kung ikaw ay bakunado, maaari kang manalo ng P1Milyon. I-text ang
RESBAKUNAREG <space> NAME/AGE/ADDRESS at i-send sa 8933.
Hal: RESBAKUNA JUAN REYES/23/Maayos St., Brgy 23, Quezon City.

Ang mga hindi bakunado ay maaaring ma-ospital


ng 17x more likely, kaya magpa-rehistro na !!!

References:

Department of Health (DOH)

US Centers for Diseases Prevention and


Control (CDC)

Sanford Health

You might also like