You are on page 1of 2

ST.

MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA


Purok 1, Uwisan, Calamba City
JUNIOR HIGH SCHOOL
A.P. 7 – Yunit 4
PANGALAN
BAITANG AT SEKSION
GURO JESSA MAE T. DUGAN
MODYUL BILANG 20 TRACKING NUMBER

YUNIT 4: Battle of Port Arthur (Naval)

PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-


PANGNILALAMAN unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo)
PAMANTAYANG PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag- unlad
at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 siglo)
MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang mga salik, pangyayaring at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng
COMPETENCIES mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya,

Pagtatalakay

Battle of Port Arthur (Naval)

Theod0re Roosevelt

 Ang Pagsakop ng Hapon sa Korea. Matapos ang kasunduan sa Portsmouth, kaagad sinakop nag Hapon ang Korea
at tuluyan itong isinanib sa kanyang teritoryo, bilang isang protectorate noong 1910
 Protectorate ay tumutukoy sa isang bansang nasa ilalim ng pamamahala at proteksiyon ng isang malakas na
bansa. Naging marahas ang Hapon sa pananakop nito sa Korea
 Hinikayat din ng pamahalaan ng Hapon ang pagpapatayo ng anumang negosyong Hapones sa bansa . Ang mga
Koreano ay hindi ay hindi nagsagawa ng anumang marahas na pag-aalsa laban sa mga Hapones. Ang pananakop
na ito ang nagpasimula ng paglinang ng nasyonalismong Korean. Sa ilalim ng pamamahala ng Hapon, ang Korea
ay naging isang modernong bansa.
 Ang Korea sa Ilalim ng Hapon. Kaagad pinasimulan ng mga Hapones ang pagtatatag ng pamahalaang puppet sa
pamumuno ni Sun Jong noong Hulyo 19, 1907. Pinapaniwala ng mga Hapones sa mga Koreano ang kaisipang
“big-little brother relationship” na nababatay sa pananaw ng Confucianism. Sinolusyonan ng mga Hapones ang
hamon ng kakulangan ng pagkain sa kanilang bansa sa pama- magitan ng pagluluwas sa kanilang bansa sa
murang pangunahing pagkain at pangangailangan mula sa Korea.
 Humigit kumulang sa 48% ng bigas na Korean sa Hapon noong dekada trenta (1930’s) Nilinang din ng mga
Hapones ang mga impraestaktura sa Korea. Ang pag-unlad ng Korea ay nahinto samantalang unti- unti namang
nalinang ang industriyalisasyon ng Hapon. Gawing mistulang bakal lamang ng mga hilaw na materyales ang
kanilang bansa tungo sa industralisasyon ng Hapon
 Ang Paglilinang ng Nasyonalismong Koreano. Nabanggit na ang pinakamahalagang aspeto ng mga samahang
Koreano tungo sa kasarinlan ay walang tinalakay o sinunod na ideolohiya na maaring mag- isa sa kanilang
kilusang tinampukan ng magkahiwalay na pangkat. Ang tanging layunin ng mga kilusan ay ang pagpapatalsik sa
mga dayuhang Hapones
 Ang 3-1 Movement o March 1 Movement. Noong Marso 1, 1919, tatlumpu’t tatlong nasyonalist- ang Koreano
ang naglinang “Declaration of Independence” para sa Korea. Ang “Fourteen Points” at “and the right of national
self-determination of weak nations” ni pangulong Woodrow Wilson ang naging inspirasyon ng deklarang ito.
PAHINA 1 MODYUL 20
ST. MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA
Purok 1, Uwisan, Calamba City
JUNIOR HIGH SCHOOL
A.P. 7 – Yunit 4

 Ang bagay na ito ay lumaganap sa kabuuang Koreano na nagpasimula ng March 1 Movement 3-1 Movement ay
binubuo ng mga nasyonalistang pawang mga Buddhist at Kristiyano
 Ito ay itinaon sa libing ng huling hari ng Dinastiyang Yi na si Ko-Jong. Ito ay naganap sa Pagoda Park, Seoul,
kasabay ng pagbasa nito sa ibat iba pang bahagi ng peninsula. Ipinadala ang kopya sa Gobernador-Heneral na
may kalakip na papuri sa panunungkulan ito.
 Ang pagtitipong ito ay kaagad ipinatigil at ang lahat ng namuno sa kilusan ay ipinaaresto. Ang pagtitipon ay
pinaulanan ng bala ng pulisya na ikinamatay ng may 6,000 demonstrador, 15,000 sugatan, at 50,000 naaresto.
 Ang pangyayaring ito ay hindi napagtuunan ng pansin ng pandaigdigang pamunuan

Gawain 1: Ipaliwanag kung ano ang Protectorate, magbigay ng mabuting katangian nito at di mabuting
katangian.
Kahulugan ng Protectorate Mabuting katangian Di mabuting katangian

Huling Pagtataya: tukuying kung wasto ang isinasaad ng pahayag isulat ang tama at mali kung hindi.
1. Kaagad pinasimulan ng mga Hapones ang pagtatatag ng pamahalaang puppet sa pamumuno ni Sun Jong
noong Hulyo 19, 1907.
2. Ang pagtitipon ay pinaulanan ng bala ng pulisya na ikinamatay ng may 6,000 demonstrador, 1500 sugatan,
at 5000 naaresto.
3. Pinapaniwala ng mga Hapones sa mga Koreano ang kaisipang “big-little brother relationship” na nababatay
sa pananaw ng Confucianism.
4. Sinolusyonan ng mga Hapones ang hamon ng kakulangan ng pagkain sa kanilang bansa sa pamamagitan ng
pagluluwas sa kanilang bansa sa murang pangunahing pagkain at pangangailangan mula sa Korea.
5. Ang mga Koreano ay nagsagawa ng marahas na pag-aalsa laban sa mga Hapones.

__________________________________________________________________________________________
REFERENCES: Makisig Araling Asyano 7
( Ramil V. Molina, Baby June C. Alcantara, Leo C. Somers, Leovinil P. Moneal, Dr.Gregorio R. Sismondo, Alvin C. Fronteras)
PAHINA 2 MODYUL 20

You might also like