You are on page 1of 22

Genre: Drama with Comedy

Kind of Loan: Personal Loan

Main Characters:
1. Father = Emman
2. Mother = Pau
3. First Child = Acela
4. Second Child = Cookie
5. Youngest Child = Phil
6. Bank Teller 1 = Dylan
7. Chismosa = Apple
8. Boyfriend of Middle Child = RJ

Side Characters
9. Guard = RJ
10. Bank Teller 2 = Kath
11. Bank extra = Guia
12. Another bank extra 1 = Elli
13. Another bank extra 2 = Jill
14. Doctor = Guia
15. Nurse extra = Kath
16. Credit comm member 1 = Hannah
17. Credit comm member 2 = Ashia
18. Credit comm member 3 = Elli
19. Mother of rich bf = Jill
20. Loan shark 1 = Elli
21. Loan Shark 2 = Liza
22. Waitress 1 = Ashia
23. Waitress 2 = Hannah

Other Technical Roles:


(Main) Narrator = Danielle
(Main) Taga galaw ng kurtina and Sfx person = Extra Characters

*Note:
- All names would be replaced when the person who will play the character has volunteered/
is chosen.
First Scene
*curtains are closed*

Narrator: Isang araw-

Phil: Wait lang narrator! Naiihi lang ako. *will peak through a gap in the curtain and then close it
immediately*

Narrator: Seryoso ka? Magsisimula na yung play!

*sfx peeing*

Phil: Tapos na po!

Narrator: Napaka bastos ah, hindi man lang ako pinatapos kanina.

Phil: Hehe, sorry po. Puputok na yung butse ko eh, hindi na mapipigilan.

Narrator: *sigh* Sige na, sige na. May mag c-cr pa ba dyan?!

ALL: *all characters behind the curtains will reply* WALA NA PO

Narrator: Buti naman, makakabalik na tayo sa kwento. *Looks at the audience*

Sa lahat ng mga nanonood ngayon, alam natin na may mga taong nakaka-angat sa buhay at may
mga tao rin na iniisip na lamang kung paano pa sila mabubuhay sa susunod na araw. Maaaring
pagkagising ng iba, kakain na lamang at maghahanda para sa trabaho o eskwela, pero may iba
ring buong pamilya muna ang aasikasuhin bago ang sarili nila. Ngunit ang totoo, walang buhay na
puro saya at lungkot lamang hindi ba? Mayaman ka man pero maaaring kulang ka sa aruga at
mahirap ka man pero walang makakapantay sa pagmamahal mula sa iyong pamilya. The real
misfortune is caused by our greed. Humans would keep wishing for more, more, so much more
than what they have. But remember- be careful of what you wish for.

*curtains will close*

*next setting is in the restaurant of the poor family*

Phil: * stops brooming and looks at clock* Asaan na kaya yun si Papa? Anong oras na at hindi pa
bumabalik para saraduhan itong kainan? May pasok pa ako bukas tapos hindi ko pa nasisimulan
mga assignments ko. *guguluhin ang buhok out of annoyance*

*doorbell or yung bell sa mga restaurant pagbukas ng pinto sfx*


Emman: *walks in but almost stumbles*

Phil: PA! *catches him*

Emman: *laughs loudly* Naku, salamat Nak! Muntik na ako dun ah, napatakbo kasi ako dahil
masyado na akong natagalan habang bumibili ng groceries. Ang haba talaga ng pila paggabi!
Phil: *shakes head while smiling* Muntikan ka na nga pong matumba, grabe pa ang tawa niyo.
Sige na po Pa, umuwi na tayo. Nalinisan ko na ang lahat.

Emman: Ayun! Ang galing talaga ng anak ko! The best ka! *thumbs up*

*curtains will close*

*next scene at home*


Pau: HOY ACELA! MAHUHULI KA NA SA TRABAHO MO! BUMABA KA NA RITO!

Cookie: MA! Nakita mo po yung mga binili kong lutuan?! *frantically searches through things*

Pau: Hindi Nak, nandyan lang yan. Pagkalaki-laki ng mga binili mong kaldero, imposibleng di mo
yun makikita.

*Acela goes near table without looking at mother. She sees 2 unused plates other than hers*
Acela: Oh, wala pa, Ma sina Papa at Phil? Magte-ten o’clock na ah.

Pau: *fixes the food in the table* Eh ikaw? Magte-ten o’clock na tapos kakagising mo lang? Anong
klaseng call center yang pinapasukan mo at di ka pa tinatanggal sa trabaho? May pang blackmail
ka sa boss mo noh?

Acela: *fakes a gasp* Paano mo nalaman Ma?! *sees mothers glare making her laugh* Joke lang
Ma! ‘To naman, di mabiro-

Cookie: Ma… hindi ko talaga mahanap. Kailangan ko na magsimula sa bago kong dish, sayang
yung nagkakainterest sa mga pagkain ko! Para na rin to sa restaurant natin.

Pau: *pats Cookie on the shoulder* O sige, magpapatulong tayo kina PhilPhil at Papa mo
mamaya ha? Mahahanap din natin yun. *looks at clock after second child nods in agreement with
her* Pero nasaan na kaya yung dalawa, anong oras na oh?

Acela: *stops eating for a moment and mutters to herself* Teka…parang nakita ko si Papa na
may dala kahapong mga kaldero…

*The door opens loudly and Phil comes in while supporting their father*

Phil: *panicking* MA! ATE! KUYA! SI P-PAPA! TULUNGAN NIYO KAMI!

*Everyone rushes to the two and surrounds them as the youngest lays their father on the floor*

Pau: JUSKO KO, MAHAL! Anong nangyari sayo?! Phil, anong nangyari sa papa mo?!

Phil: *crying* Hi-hindi ko po alam Ma, bigla na lang nanghina at natumba si Papa-

Emman: *coughs* W-wala ito M-mahal, sinat lang to *coughs loudly again but with blood this
time*

Pau: Mahal! *shouts outside* TULONG! TULUNGAN NIYO PO ANG ASAWA KO!
Phil: *said at the same time with mother* KAPITBAHAY, TULUNGAN NIYO PO SI PAPA!

Apple: *while holding phone kasi nagvi-video* HALA MANONG EMMANEMMAN! Anong
nangyari?!

Mother: Chismosa! Tulungan mo kami- TANGNANAY YAN, NAGVIVIDEO KA BA?!

Apple: Ha? *hides phone* Wala to mare, teka at kunin ko kotse ko. Isugod na natin ang asawa
mo sa ospital. *diretso takbo*

*Acela will take the mother’s bag (props) and the cookie will help carry father along with mother,
youngest child and chismosa*

*curtains will close*

*next scene at hospital. Father will be lying in bed while his family and a doctor are surrounding
him*

Guia: Sa ngayon, stable na po ang kalagayan ng mister niyo pero hindi ko masasabing maaari na
kayong makampante. Malala na po ang Adenocarcinoma ng asawa niyo, wala man lang po ba
talaga kayong napansin sa mga nakaraan buwan?

Pau: *sadly shakes her head* D-doc, imposible naman po yang sinasabi niyo. Hindi po
magandang biro na may cancer ang asawa ko. Malakas po yang lalake, malayong malayo sa
isang tao na maaaring may cancer.

Guia: Ma’am. Pasensya na po pero hindi po ako nagbibiro. May stage 3 lung cancer po ang
asawa niyo at kailangan niya nang operahan within this week kung ayaw niyo pong mas lumala
ang kalagayan niya.

*Pau is caught by the Acela before she falls to the floor*

Acela: *Hugs mother* Ma, magiging okay si papa. Magiging okay tayong lahat. Hindi ba’t dapat
matuwa tayo at isang operasyon lang, mawawala na ang cancer ni papa?

Pau: *Looks sadly at her children and husband before standing straight* Tama ka anak.
Paghandaan na natin ang operasyon ng Papa niyo.

Narrator: Lahat ng tawanan ay mga tyansang mauwi sa iyakan. Ang buhay na nararanasan mo
ngayon ay maaaring magbago matapos ang isang iglap. Ito ang nangyayari sa pamilya ni Phil. At
sa kasamaang palad… mukhang hindi pa dito magtatapos ang kanilang paghihirap.

*While the narrator speaks, the mother will tell her second and youngest child to leave first. The
mother and first child would then walk toward the nurse and get their bill for the operation next
week.*
Second Scene

*Pakakuha ng bill mula sa nurse, kasama ang oldest na anak.*

Kath: Paki-fill up na lang po maam itong mga dokumento *Pau will answer documents* Salamat
po! *Kath will check the paper* Ito po pala yung bill niyo Mrs. Morada. Come again po- ay I mean!
Sana gumaling na po ang asawa niyo para hindi na kayo bumalik- Hala, medyo rude pala-

Pau: Miss, na gets naman kita. Wag kang mag alala.

Kath: A-ay thank you po!

Pau: *leaves counter and kumunot ang noo* Alam kong mataas ang bill sa ospital pero umaabot
ba talaga ng ganito kamahal? Kakayanin KO ba ‘to? Kahit siguro kumayod ako umaga hanggang
gabi, at di na ako makapagpahinga kulang pa din ang kikitain ko. *pinches her nose bridge* Sa’n
ba ako kukuha ng ganitong halaga sa susunod na linggo?

Acela: *will put hand on mother’s shoulder* Ma, kakayanin NATIN ‘tong lahat, hindi lang ikaw.
Basta hindi tayo mawalan ng pag-asa, patuloy na manalig sa Diyos at gawin natin ang lahat…
malalampasan natin ‘to. *smiles reassuringly*

Pau: Tama anak, at wag kang mag-alala. Hanggang sa kaya pa, hindi magpapatinag ang mama
mo. Habang may buhay may pag-asa diba!

Acela: Tama Ma, para kay papa!

Pau: Para kay papa! *sabay, garo fighting eme* Oh siya, bilisan na natin nang makauwi na tayo.
Baka magutom na yung mga kapatid mo, alam mo na palagi pa naman gutom ang mga iyon

Acela: Sang-ayon po ako dyan Ma. Minsan napapaisip rin ako kung mga tao ba yun o baboy-
*sees mother’s glare and laughs loudly*

*Acela will see McDo while they’re walking home*

Acela: Ma! Bukas pa pala yung Mcdo, dyan ka na lang po bumili. Sure akong yan rin
magugustuhan ng mga pinapalamon natin sa bahay.

Pau: *playfully pinches oldest child* Hay naku! Ginagawa mo pang dahilan ang mga kapatid mo
para mag mcdo ha!

Acela: *expression twists in pain while being pinched* ARAY NAMAN MA! ANG SAKIT!

Pau: *removes hand from oldest’s cheeks* Ang OA ha! Kung magpapanggap ka lang naman,
ayusin mo rin.

Acela: *face becomes stoic while holding pinched cheek* “Aray, ang sakit.” Okay na po ba Ma?
Pang Jacqueline San Jose na?

Pau: *laughs* Siraulo ka talagang bata ka, sige na, bibili lang ako ng mabilisan.
Acela: *Will mutter while watching her mother leave* Haahhh… napatawa rin kita Ma. *looks at
her trembling hands before hugging them to her heart.*
Lord, kung nariyan ka, wag mo sana kaming pababayaan. Sa totoo lang, nagsisinungaling ako
kina Mama dahil hindi ko sinabi na nakita ko si Papa sa sugalan at pinatago rin nito ang kanyang
sakit. Hindi ko alam na aabot kami sa ganitong sitwasyon nang pinili kong itikom ang aking bibig.
Lord, please maawa kayo, para sa akin at sa pamilya ko. Lord please.

Pau: *will see first child gently smiling again* Oh, ba’t ganyan ang mukha mo?

Acela: Kakatawag lang ng kaibigan ko Ma, at may alam siyang branch ng BDO na mas mababa
ang interest rate sa loan. Kung kailangan nating bayaran ang pagpapagamot ni Papa at pagpapa-
aral kay Phil, hindi natin to maiiwasan.

Pau: *worried* Mabuti naman kung ganun anak pero maipagkakasya pa naman natin ang mga
sweldo niyo at kita natin sa kainan. Kailangan na ba talaga nating umutang sa bangko?

Acela: Mas maaaprubahan ang paguutang sa bangko kung stable pa ang financial situation natin
Ma kaya kung papayag ka, lalakadin ko na yung mga kailangan sa pag-apply ngayon.

Pau: Hmmm…sige. Pero kailangan bang ngayon mo na talaga asikasuhin? Paano tong binili ko?

Acela: Sainyo na lang Ma, mas mabuti na matapos natin to kaagad dahil sa susunod na linggo na
ang operasyon ni Papa. Tsaka call center agent ako, nakalimutan mo na po ba na may dugo
akong kuwago?

Pau: Dugong manananggal, maniniwala pa ako nak. *laughs*

Acela: *while also smiling* Ma naman ehhh

*curtains will close*

Narrator: Kinabukasan, maagang pumunta ang ina ni Phil para ihanda ang kanilang restaurant
para sa araw na iyon. Ngayong nasa ospital ang kanyang asawa, parehas may trabaho ang
unang dalawang anak at may pasok pa ang bunso, walang ibang pagpipiliian si Pau kundi ang
patakbuhin ang kanilang negosyo. Minana nila itong kainan sa lolo niya kaya matagal nang
nakabukas ito at dagdag pa na makabago ang kanilang mga pagkain dahil kay Luiselle, isang
kilalang establisyimento ang kanilang kainan sa lugar.

Pau: Ay! Ala-seis na pala! Kailangan ko nang buksan ang kainan. *Will turn closed sign to open
and right on cue, the chismosa will enter the restaurant.*

*doorbell or yung bell sa mga restaurant pagbukas ng pinto sfx*

Apple: Mare! *aayusin ang curlers sa buhok* Kamusta na yung mister mo? Naloka yung non
existent bangs ko talaga nang marinig ko yung sigaw niyo kahapon. My gosh, in the name of the
Father, the Son and of the Holy Spirit, Amen.
Pau: *confused* A-amen? Ah, I mean ayun, nasa ospital pa rin si father, at kailangan niya ring
operahan kaya binuksan ko tong kainan. Baka makadagdag ng pera para sa mga babayaran
namin sa pagpapagamot niya.

Apple: Seryoso ka dyan marecakes? Grabe pala. Nahihiya na tuloy ako…

Pau: Huh? Bakit naman mare? Dahil sa tulong mo, nakapunta kaagad sa ospital ang asawa ko
kaya kung may kailangan ka, magsabi ka lang at tutulungan kita.

Apple: Ayan! Kaya favorite talaga kita mare! Ang dali mong utuin- *loudly coughs* I mean, ang
dali mong kausapin! Anyways, marecakes, grabe talaga ang buhay ngayon, grabe ang taghirap,
ang inflation grabe… nakaka omygosh. Kaya mare, may extra money ka pa ba diyan? Sobra-
sobra na kasi talaga buhay ngayon, ang sweldo ng asawa ko hindi na nagkakasya sa mga anak
ko. Hindi na nga ako nakakapa manicure at nakakaayos ng aking hair sa David's salon. Tignan
mo *shows chipped nails and hair* Mukha na akong kawawa.

Pau: *dumbfounded* U-utang ka?

Apple: *smiles shamelessly* Yes marecakes. Kahit 10k lang.

Pau: Tangmother yan, t-ten thousand?!

Apple: *smiles even wider* Sorry mars, need ko kasi talaga. Tsaka narinig mo na ba na ang
mahal na ng GASOLINA ngayon tas pag nagmamadali ang isang kotse, minsan
NAGKAKAGASGAS?

Narrator: Nais mang tumanggi ng ina ni Phil sa paguutang sakanya ng chismosa ngunit ibang
klase talaga ng kasakiman nito. Ginamit ni Apple ang pagtulong niya kay Emman kahit na siya
naman ang nag boluntaryo at ang pabaya kung magmaneho.

Pau: Haah… sige mare, basta ibalik mo lang kaagad kapag nagka pera ka na. *hands over the
money from her bag*

Apple: Oo naman mars, ako pa noh, dagdagan ko pa gusto mo? *takes money but the mother
didn’t let go yet*

Pau: Wag mo nang dagdagan, basta bayaran mo lang ha, naiintindihan ko ang sitwasyon niyo. *is
still holding on to the money*

Apple: Maraming Salamat mare, ikaw talaga ang the bestest friend na nakilala ko, ibabalik ko din
‘to ‘wag kang mag alala. Kaya pwede mo na bang bitawan? *attempts to take it more forcefully
kaya binitawan na rin nung mother*

Apple: Salamat Marecakes *leaves while counting the money*

Pau: Haayystt, mangungutang nanaman siguro yun para sa manicure, pedicure, at pang salon,
Dapat pala hindi ko na sinabing kahit ano ay tutulungan ko siya. *sighs again*

*Bumalik si mother sa pag-aayos at dumating ang dalawang extra characters as servers or


waiters para tulungan siyang ayusin ang chairs ng restaurant*
*curtains will close*

Narrator: Samantala, ilang araw ang inilaan ni Acela para makumpleto lahat ng dokumentong
kakailanganin upang maaprubahan ang kanyang loan. Naiprinta at nasagutan niya na rin ang loan
application form na nakuha niya sa website ng BDO. Ngayon, ipagdadasal niya na lamang na
walang hindi inaasahang bagay ang makaudlot sa kanyang paghihiram.
*curtains will open*

Acela: *takes our checklist from a folder filled with documents* Whew… last check na talaga to.
Current Loan Application Form ng BDO, check.
SSS ID bilang katunayan na 21 years old na ako and above, check.
Ang pinakahuli kong Income Tax Return (ITR) na may stamp at received na ng BIR, check.
BIR form 2316 na may pirma na ni boss kong masungit at walang kilay, check.
Original Certificate of Employment kung nasaan ang status, service tenure, at compensation
breakdown ko, check.
Payslip ng sweldo ko last month, check.
At kopya ng mga transaksyon gamit ang credit card ko sa huling dalawang buwan, check.
Kompleto na, pang isang daang beses ko na tong ayusin, siguro naman wala na tong mali.

*First child will go to the bank and pause for a moment after greeting the guard*

RJ: Ma’am, yung payong niyo po, pakiiwan dito. At ito po yung number niyo, lumapit na lang po
kayo sa counter kapag tinawag na to.

Acela: *will close and leave umbrella on the floor before taking her number* Salamat po. *sits
down*

Dylan: Number 69, please proceed to counter 1. I repeat, number 69 proceed to counter 1.

Acela: Oo na! Oo na! Paulit ulit naman to eh narinig ko naman nung una. Sumakto ka ring number
ah *jokingly mutters while looking at the number sheet in her hand*

*Goes near Counter 1, gives the documents, then the bank teller 1 would review them one by one
carefully.*

Dylan: Ma’am, may kulang po kayo, galing po ba ito sa website namin?

Acela: Yes po, ano po ba yung kulang?

Dylan: Siguro po ma’am nagka-glitch lang yung website pero kulang po kayo ng last 2 pages.
Importante yun kasi nandoon po ang Borrower’s bank relationship/finances- may koneksyon po ito
sa credit card informations niyo. Personal references and Loan administrator/ beneficiary other
than spouse- dito naman po ilalagay ang mga pwede naming i-contact maliban sayo at ibang
dependents dito sa loan.

Acela Hala, ang dami pa pala? Parang wala naman itong lahat nung pinakita ng kaibigan ko ang
application form niya sa BPI eh.
Dylan: Ah, may mga general information po ma’am na pare-parehas kailangan sa mga loan
application forms pero may ilan rin na specific lamang sa isang bangko.

Acela: Ohhh… kaya naman pala. Salamat sa paliwanag.

Dylan: *smiles* Walang anuman po. Kailangan mo rin i-fill up yung Undertaking- assurance namin
na magiging stable ang financial position niyo during the duration of the loan. Promissory note with
your signature at panghuli po yung disclosure statement on loan/ credit transaction- kung saan
niyo makikita lahat ng fees na ibabawas namin sa…150,000 niyong loan? Tama po ba?

Acela: Oo, okay lang ba na magpa print na lang ako dito ng mga kulang ko? Kailangan ko na kasi
talaga mukuha yung loan kaagad.

Dylan: Sige po ma’am, teka po. *stands up to print- make sound effects of printing process*

Acela: Maraming salamat! Bilisan ko lang pagfill-up nito *takes papers handed to her*

*While first child is writing, mag entertain muna ng isang bank extra si bank teller 1 for 5 seconds*

Dylan: Nafill-up-an mo na po ba lahat ma’am?

Acela: Yes po, paki-check na lang.

Dylan: *checks it again* Hmm…Sabi na nga ba at may problema talaga kahit sa nauna mong
application form ma’am

Acela: *frowns* Problema? Imposible, pina check ko na yang nauna sa kakilala kong nagtrabaho
sa bangko niyo dati. Alin po ba ang mali?

Dylan: Ito ma’am marital status mo *points at marital status* Sa ganda mo ma’am, imposible na
wala ka pang asawa.

*sound effects ng lintik na pagibig*

Acela: *smiles fakely* Ahh, ganun ba. May mga problema rin pala ako sayo.

Dylan: Ay, don’t worry ma’am. Hindi ako in a relationship-

Acela: Una, nasa trabaho ka pa kaya tantanan mo yang mga laro mo. Pangalawa, wala akong
oras sa ganito dahil marami pa akong aasikasuhin. Pangatlo, hindi kita type. At pangapat, sa
tingin mo hindi ko makikita yang tinaggal mong singsing, gagi ka ba?

Dylan: *will immediately hide ring before laughing nervously* H-hahaha….si ma’am naman di
mabiro. Kumpleto ka na po ma’am, makakatanggap na lang po kayo ng email kung naaprubahan
po yung loan niyo. Have a nice day po! *leaves from chair right away*

Acela: *shakes her head* Akala ko mabait dahil tinulungan ako kanina, may tinatago pa lang mga
sungay at buntot. Mga tao talaga ngayon…

*curtains will close*


Third scene

Narrator: Kung natatandaan pa, Credit Committees are generally composed of senior managers
or executives, experienced finance managers, and sometimes external leaders. Susuriin ng mga
taong ito ang aplikasyon ni Acela at magpapasya kung aaprubahan o hindi ang kanyang utang.

Hannah: Ms. Morada. Parang pamilyar siya…. Ito ba yung narinig kong pinagalitan ang isa nating
empleyadong malikot ang nasa loob ng pantalon? *laughs loudly* Dasurb! Aprubahan mo na yan!

Ashia: *hits Hannah in the back of their head* Hey! Do your work properly, what kind of
reasoning is that? Itatapon mo na lang ba sa bintana ang 5 C’s of Credit?

Elli: *poker face at pasunod sunod magsalita* Kumpleto ang dokumento niya, may kakayahan
siyang magbayad, wala pa siyang history ng hindi pagbayad, at katanggap-tangap ang rason ng
kanyang loan. I approve.

Ashia: Y-you’re done checking?

Elli: Yes, based on what you said, “I did my work properly”

Hannah: *laughs loudly* HA! YAN KASI! Na check ko na rin noh, and I approve *gets more
papers from desk* Sige na, sinong sunod na aplikante?

*Ashia will begrudgingly take Ms. First child’s papers and stamp it*

*curtains will close*

Narrator: Ilang araw makalipas— naaprubahan ang loan na kinuha nang nakatatandang kapatid.
Laking pasasalamat niya ito sa Panginoon at nabawasan kahit papaano ang dinadala niyang
problema. Masaya siyang pumunta sa kaniyang ina sa restaurant nila para ipakita ang email at
nang makasama ito mamaya sa pag-withdraw ng pera pero agad na mapapawi ang kanyang ngiti
dahil sa madadatnan. Nagkalat ang mga kutsara’t tinidor, nasira ang lamesa’t basag ang ibang
mga plato at baso- tila ba parang binagyo ang kanilang restaurant. Nang mawala ang una niyang
pagkahulat, napansin nito ang bunsong kapatid at inang nagtataka rin.

Acela: MA, BUNSO! Anong nangyari!? Okay lang ba kayo? Ba’t parang binagyo ang restaurant?

Pau: Jusko, ano ba naman to? Ang dami na nga nating problema, nanakawan pa tayo *attempts
to fix the mess but gets pierced by a glass shard* Porkchop! Aray! Anong klaseng malas ba to?!

Phil: Ma! Wag mo na yang linisin, ako na lang. *proceeds to get broom and cleans*

Acela: Nanakawan? Hindi niyo po ba sinara ang restaurant kahapon?

Pau: Yun na nga, sinara ko na tapos pagdating ko, naka-lock pa rin naman yung restaurant. Hindi
ko alam kung paano nagkaganito sa loob, wala na yung pera sa cashier at sinira rin pati ang mga
cctv. Anong pwede nating magawa anak? Ilang araw na lang operasyon na ng papa niyo…
Acela: *sets down laptop* Kumalma ka muna Ma-
*doorbell or yung bell sa mga restaurant pagbukas ng pinto sfx*

*The door is opened loudly and the first child quickly shields her mother and younger sibling*

Elli: What is up ladies and gentlemen!

Liza: The ceiling madam.

Elli: Huh?

Liza: *completely serious* Tinanong mo madam kung what is up, *points up* yung dingding po
ang nasa taas.

Elli: *pats loan shark 2 in the back with increasing force* Napaka funny funny funny, very very
very ka naman Maliza. Gusto mo bang ipalapa kita sa mga alaga ko tulad ng balak ko sa ama ng
mga taong to? *points rudely at the poor family* Nasaan na ba kasi ang magaling niyong ama, at
bigla na lang naglalaho kapag malapit kami?

Pau: *gets in front of her kids* Sino kayo at kayo ba ang may gawa nito?!

Loan Shark 1: *eyes mother up and down* Asawa ka pero hindi mo alam?Pararehas talaga
kayong ignorante, dahil kung hindi, aabot ba ng 500k ang utang ng asawa mo saakin? Dalawang
buwan ang nakalipas pero wala pa kaming natatanggap! Kaya asaan na si Morada?! Sa tingin ba
niya matatakasan niya ako?! Mukha ba akong tanga sakanya?!

Phil: Imposibleng susmusugal si Papa! Paano po ako maniniwala sainyo, eh mas kilala namin si
papa bilang isang mabait at responsableng tao? Diba mama, ate?!

*mother will nod vigorously but first child will avoid her stare*

Phil: Ate? Ba’t ganyan ang reaksyon mo?

Elli: *laughs loudly* Sabi na nga ba at pamilyar ka! Hindi ba nakita natin siya, Maliza na kausap ni
Morada nung nakaraan? Inakala ko pa nga na bukod sa pagiging sugarol, manloloko pa. Anak
niya pala yun!

Loan Shark 2: Maliban sa kumpirmasyon ng inyong anak, may pruweba rin kami.
*Plays the dialogue-

Father: “Madam! Madam! Babayaran ko kayo! Kahit kailangan ko pang ibenta ang lamang loob
ko, babayaran ko kayo basta wag niyo lang ipaalam ito sa pamilya ko. Nagmamakaawa ako
madam!

Elli: Basta’t hindi namin iistorbohin ang pamilya mo, kukunin namin ang lahat ng iyong ari-arian
kung hindi mo ako mababayaran sa loob ng tatlong buwan. Nagkakaintindihan ba tayo?

Father: Salamat Madam! Kahit ibigay ko pa sainyo itong susi sa restaurant namin bilang
patunay-”*
Elli: *takes out the keys and show it to the family* Sorry sa kalat! Naubos na yung pasensya ko
kaya kumuha na ako ng pera tutal may susi naman ako~

Phil: Isusumbong ko kayo sa pulis! Krimen itong ginagawa niyo-

Pau: Anak, tama na. *comfortingly pats her son in the shoulder before glaring at the two loan
sharks* May isang linggo pa bago matapos ang buwan na to. Hindi niyo kailangang sirain ang
restaurant namin dahil magbabayad naman kami.

Elli: So hindi mo talaga sasabihin kung nasaan ang animal mong asawa- *phone rings*

Liza: May appointment ka madam sa susunod na 30 minutes. Sigurado akong tumatawag si


Santino para i-remind ka.

Elli: *puts down her hand and looks at her phone* Tsk. Bubungangaan na naman ako nito. *looks
at the family again* Babalikan namin kayo by the end of this week, kung wala pa ang pera, hindi
lang restaurant niyong sisirain ko. *leaves with Liza while on the phone* Oo na, oo na! Papunta
na, miss mo na naman ako kaagad.

*5 secs silence ensues and none of the family moves from their places until the mother’s phone
rings*

Pau: *Takes a few deep breaths to calm herself down* Y-yes po?

Guia (incall): Good day Mrs. Morada. I am Doctor Duran from Father Seton, the one in charge of
your husband. Unfortunately, biglaang lumala ang kondisyon ng inyong asawa kaya kailangang
maoperahan na siya ngayon. We can’t start without your payment.

Pau: *blocks phone so the other line can’t her sighs* Pera na naman? Bakit sa pera na lang lahat
umiikot ang mundo?

Acela: Ma, naaprubahan na yung loan na sinabi ko sainyo noong isang araw. I-withdraw ko na
ba?

Pau: *nods tiredly* I-withdraw mo na at sumunod ka na lang saamin sa ospital. Mauuna na kami
ni bunso. *Talks to phone again* Papunta na ho kami Doc.

*curtains will close*

*curtains will open*

Doctor: Successful po ang operasyon ng asawa niyo pero kailangan niya pa pong manatili dito sa
ospital ng ilang linggo para obserbahan. Dahil sa lala ng kanyang sakit, delikado kung may naiwan
pang cancer cells sa katawan ni Mr. Morada, kaya importante na oras oras siyang chinecheck-up-
an.

Acela: Ah sige po, salamat Dok.

Pau: *looks straight at father* Bakit, Father? Paano mo nagawa saamin ito?
*somber music plays*

Doctor: Uhhhmm, naririnig ko na ang paparating na drama. Mauuna na po ako para mabigyan
kayo ng space. Pinindutin niyo na lang po yang buzzer kung may aksidenteng nangyari. *pats
father on the shoulder before leaving* Goodluck sir, nabuhay ka mula sa cancer, wag kang
mamamatay dahil sa galit ng asawa niyo.

Narrator: Sa 150 thousand pesos na ni-loan ni Acela sa bangko, sampung libo na lamang ang
natira matapos bayaran ang bill sa ospital. At dahil sa mga bagong kaalaman tungkol sa kanilang
ama, mas lumala lamang ang tensyon sa silid pagkalabas ng doktor. Sino naman kasi ang hindi
panghihinaan ng loob kung may ganyan ka kataas na babayaran at hindi ka pa magawang
tulungan na bayaran ito dahil nagpapagaling pa? Sa pamilyang Morada, the first one who
snapped was unexpectedly the always cheerful Luiselle.

*Luiselle aggressively opens the door with her boyfriend in tow*

Luiselle: Teka, babe, huminahon ka lang-

Cookie: *glares at her father* Truth ba yung narinig ko? Totoo ba ang sinabi ng chismosang yun
at sumusugal ka kaya nag to the highest power na ang ating utang?!

Acela: Second child! Ayusin mo ang tono mo-

Cookie: Hindi ate, shut up ka rin! Wala kang karapatan na patigilin ako may sikretong malupit ka
rin saamin! Alam mo ba ang naramdaman ko nang madatnan ko ang sira-sira nating restaurant at
sinabi saakin ni Chismosa na may mga babae manunugal na naniningil sa utang sakanila ni
Papa?! At ano- kalahating milyon?! OH MY GHAD. Umabot ng kalahating milyon ang babayaran
natin dahil sa pauli-ulit na pagsugal ni Papa!? Are you serious?!

Emman: Patawarin niyo ako… Sinubukan ko lang naman siya ng ilang beses dahil sinabi ng
kaibigan ko, hindi ko naman alam na kinakatakutan palang kalaban si Madam… nang mabalik ang
katinuan ko, ganun na kalaki ang halaga. Hindi ko inaakala na magkakaganito tayo, hindi- hindi
ako nararapat na maging ama niyo. *cries*

*Mother will just look at the crying father disappointedly while the first child will hide her tears as
she pats the youngest child who is also crying. *

Cookie: *scoffs* You’re crying? *goes near father* I kennat believe na magpapakahirap kami dahil
sa kawalan mo ng kontrol sa sarili Pa. Sa totoo lang, nagka-cancer ka siguro dahil sa karma mo.
Sa tingin niyo ba hindi ko malalaman na ikaw rin ang dahilan kung bakit laging may los pero
walang found sa bahay? Yung mga nawawalang alahas ni mother-dear, mga bagong damit ni ate,
yung mga dating gadget ni bunso at yung mga kaldero at own recipes ko! Wow! Father, gambler,
cancerist, ngayon, snatcher pa?! Ibang klase!

Emman: P-paano-

Cookie: Paano? Eh di yung chismosa na naman! Malay ko ba kung FBI agent ba yun o wala lang
talagang ibang magawa sa buhay! Basta, hindi to importante- ang saakin lang, kung alam ko sana
itong lahat, hindi na sana ako nagpapaos kakasigaw na matulungan kang isugod ka ospital at
hinayaan ka na lang mamatay-
*Pau (mother) will slap the second child and the second child, along with the others except the
mother is astonished*

Pau: Sumusobra ka na Cookie! Hindi ka ba nagkakamali?! Nang nakagawa ka ng masama dati,


hiniling ko ba na mamatay ka? Kaya wag mong sasabihin yan dahil bali-baliktarin man ang
mundo, ama mo pa rin siya!

*Luiselle leaves angrily at this moment*

RJ: Pasensya na po kay Cookie, ako na po ang bahalang kumausap sakanya. *goes to father*
Magpa-galing po kayo Pa. *bows at the family before leaving after 2nd child.*

*curtains will close*


*the second child and her boyfriend’s scene will be acted out while the curtains are closed*

Fourth scene

RJ: *looks at narrator* Excuse me? May romantic scene pa kami ng honeybunch ko, pwedeng
pumunta ka muna sa likod ng kurtina?

Narrator: *nabigla* A-ako? Ako ba ang kausap mo?

Cookie: Ah, sugarplum, dyan naman talaga nakapwesto ang narrator-

RJ: Pumpkin, gusto mo ba talagang may ibang babae kapag kasama mo ako?

Cookie: pero Sweetie Pie-

Narrator: TAMA NA! AKO NA MAG AADJUST! Maloloka ako kapag narinig ko pa ang "You're my
cuppy cake, gum drop, soogums boogums na di ko maintindihan" sainyo. Mga mag-jowa talaga,
PAKORNIHAN!

*Narrator goes behind the curtain then peeks again*

Narrator: Take 2! *Goes back inside again*

RJ: Luiselle Alliana Morada

Cookie: *Gets angry again* Pati ba naman ikaw magagalit saakin? Sa tingin mo rin ba mali yung
mga sinabi ko-

RJ: *unexpectedly puts cold compress on Cookie's slapped cheek* Okay lang ba yung pisngi mo?

Cookie: Sheet of paper! Ang lamig! Saan mo ba ito kinuha? May dugo ka ba ni Doraemon?!

RJ: *laughs* Syempre wala, nag-alala lang ako sayo kaya dali-dali ko tong kinuha kanina sa
kwarto ng papa mo.
*Cookie frowns again at the mention of her father so RJ sighs*

RJ: Walang mali sa nararamdaman mong galit babe. I know how hard you worked to buy the
things your father gambled and how badly you were trying to make your family business more
successful the past few months. Do you also think I wouldn’t notice how much sleep and rest you
sacrificed these past few days just to gain more income to help your father? Alam ko kung gaano
mo kamahal ang iyong pamilya kaya alam kong hindi galing sa puso ang mga sinabi mo kanina.

Cookie: *cries* A-ayaw ko ring mamatay si Papa, pero ang sakit sakit lang dahil nagawa niya
saamin iyon. He broke our trust babe, at mas hindi ko masikmura ang kaisipan na kung hindi pa
siya nagkasakit, maaaring magpatuloy ang pagloloko niya saamin. Hindi yan ang father-dear na
nagpalaki saakin.

RJ: I understand you babe, *pinapatahan* shshhshshs stop crying na. I know na its hard for you to
accept that fact, pero I think pinagsisisihan naman na ni Papa, and I’m sure na ayaw ka niya
makitang umiiyak, kaya tahan na. *pats in the back *

RJ: Ganto na lang , para mabawasan naman yang mga problema, I can help you. I’ll use my
connections to provide for you and your family in the meantime. What do you think? *garo very
energetic si bf *

Cookie: *sighs* Babe, diba napagusapan na natin toh many times na? Ano, do you really want us
to fight over about this matter again and again? I told you naman na diba, I appreciate your help
pero I don’t want you to meddle about this things, basta nandiyan ka lang sa tabi ko ay okay na
ako. Nakalimutan mo na ba?

RJ: okay okay, finee, pero kasi babe—

Cookie: Hay naku, bahala ka nga diyan *Nagwalk out pero tig stop siya ni bf then nag hug.*

RJ: Fine fine, ikaw masusunod eh. Basta nandito lang ako sa tabi mo ha.

*closed pa rin ang curtains tas papasok na lang sa loob si Luiselle and RJ while lalabas ang
narrator*

Narrator: Kalimutan na nating mga single ang naunang scene at tandaan niyo na lamang ang Hell
Week. Nag-aaral ka na dahil sa mga tests, gumagawa ka pa ng mga performance tasks, meron
pa kayong prina-practice na performances, kailangan mo pang mag-ayos ng notes, and on top of
that, you still have other duties with your friends and family? Nililista ko pa lang pero nakakapagod
nang isipin hindi ba. Pero sa pamilyang Morada, wala silang ibang choice kundi iraos ang araw-
araw na Hell day. Habang nagpapagaling sa ospital ang haligi ng kanilang tahanan, lahat- si
Acela, Luiselle, at Phil ay napilitang maghanap pa ng trabaho. Ang call center agent ay naging
online seller at tutor, ang chef ay naging waitress at janitress, samantalang si bunso ay napabenta
ng mga answer sheets-

Phil: *goes through the curtain to the narrator* HOY HINDI! Banana cue and Kamote cue lang
binebenta ko sa school!

Narrator: Wehhhh, bakit ito ang nakalagay sa script?


Phil: Malay ko! Basta hindi ako nagbebenta ng answer sheets, ano yan eh di puro kami bagsak!

Narrator: Sige, sabi mo ha. Nagmamarunong sa scriptwriters…

Phil: Ano po yun?

Narrator: Wala! Bumalik ka na nga sa pwesto mo!

*Bunso will go back behind the curtain again*

Narrator: Ayan, so moving on. Basta lahat sila busy at naghihirap, gets niyo na yun. Pero ang
pinakanahirapan talaga ay si Pau. Dahil sa pagaasikaso sa restaurant matapos paalisin ang mga
katulong, pag-aalaga sa pamilya at sa nagpapagaling na asawa, pagtanggap ng labada at dagdag
pang stress mula sa chismosa, ang tinuturi nilang ilaw ng tahanan ay unti-unti nang dumidilim ang
liwanag.

*curtains open to mother trying to catch chismosa who is now dressed more lavishly*

Pau: *pants* M-mare! Hoy! Tama ng takbo yan! Gusto mo bang matapilok sa heels mo?!

Apple: *immediately stops to inspect heels* Hala! I forgot na bagong bili to-

Pau: *ties rope connecting her wrist to chismosa’s wrist* Nadakip rin kita! Daga ka ba at pusa ako
dahil lagi ka na lang kumakaripas ng takbo pakakita saakin?!

Apple: *gasps in disbelief* D-daga?! Sa ganda kong to, isa akong daga?! Eh ikaw-

Pau: Tama na! Kailangan ko na ang perang inutang mo. Ilang linggo na rin ang nakalipas at
obvious naman na may pera ka na, kaya mare, kung kaibigan talaga ang turing mo saakin,
please, bayaran mo na ako.

Apple: Galing to lahat sa asawa ko kayawala pa akong pera! *fans herself with money* Hindi ba
sabi mo na bayaran lang kita kapag may pera na AKO? Whew….napagod ako wait. *wipes sweat
with money*

*Mother stares in awe at her shamelessness*

Apple: Anong klase kang kaibigan mare when you’re lying to me lang pala dati! Hindi na tayo
friends kaya wag ka nang maga-appear sa harap ko! *cuts rope with scissor from who knows
where*

Pau: *stares with mouth agape as the chismosa leaves* What the fudge-HOY! BUMALIK KA
RITONG CHISMOSA KA- ARAY! *frowns and tightly holds heart*

Elli: Oh? Diba ikaw yung asawa ni father’s last name? Asaan na yung pera-

*Mother collapses and the loan sharks are speechless*

Elli: Lagot ka madam, nahimatay na dahil sayo-


Elli: *panics* H-hoy! Kakakita lang natin sakanya ha! *kneels beside mother* Ma’am! Okay lang
po ba kayo?!

Liza: Baka inatake ma’am sa puso.

Elli: Bakit nakatunganga ka pa rin dyan?! Tumawag ka na ng ambulasya hoy!

Liza: Ah, yes po ma’am *calls*

*curtains will close as ambulance alarm sfx plays*

Fifth scene

*curtains will open*

Phil: Maaa…. Wag mo kaming iiwan….

Pau: *weakly raises hand and puts in on bunso’s cheeks to wipe his tears away * Ang maalaga
kong bunso, ba’t ka umiiyak? Pa-payag ka ba na *coughs* ang huli kong makita ay ang malungkot
mong mukha?

Phil: Maa namannn, di ko naman masisinghot itong luha ko.

Cookie: Ma, pumayag ka na magpa opera! Ano naman kung gagastos uli tayo?! Mas mahalaga
ang buhay niyo kesa sa anong halaga ng pera kaya wag niyong takasan ang mga problema natin
sa ganitong paraan!

Acela: Cookie! Sumosobra ka na naman-

Pau: Hindi, first child. Tama ang kapatid mo, siguro nga sa loob looban ko ay ninais kong takasan
itong paghihirap natin kaya nagpabaya ako sa aking katawan. Kasalanan ko ito pero kayo ang
mawawalan ng ina, sana’y mapatawad niyo ako sa nagawa ko. *coughs heavily*

Emman: Mahal! Gusto ko rin na magpa-opera ka na! Ako na ang bahala sa iba, mag-pokus ka
lang sa pagpapagaling. Maawa ka mahal, hindi ko kayang mawala ka, hindi kakayanin ng pamilya
natin.

Pau: *lightly hits father in the shoulder and suddenly has a boost of energy because of anger* Tse!
Akala mo nakalimutan ko na ang mga kasalanan mo?! Magpagaling ka muna ng maayos bago ka
mangako na ikaw na ang bahala sa iba! *coughs even more blood, making the others fuss over
her to lie down properly again*

Emman: Hindi mo man ako patawarin Mahal ay ayos lang saakin. Gagawin ko pa rin ang lahat
para bumawi sainyo kaya sana wag mo kaming iwan para makita mo ang pagsisisi ko.

Pau: *smiles gently and speaks in a kinder voice* Alam kong hindi mo na uulitin ang mga
pagkakamali mo Mahal, kaya patanag akong maipagkakatiwala sayo ang mga anak natin. *looks
at Phil* Mag-aral ka ng mabuti at protektahan mo ang mga ate mo. *Phil nods* *Pau looks at
second child* Ma-mi-miss ko anak ang mga luto mo, pero hindi ko mami-miss ang pananalita mo
ha. Buti na lang at nandyan si RJ kaya sigurado akong magiging okay ka.

Cookie: *second child wipes her tears away* Ayaw mo pa nga kay RJ dati dahil sabi mo hindi siya
gwapo pero siya nga ang dahilan kaya nagka-ayos kami ni Papa. Kaya Ma, hindi mo man lang ba
hihintayin ang kasal namin?

Emman: HUH?!

Pau: *laughs* Naku, mukhang may mumultuhin ako kaagad. *looks at Acela* Gusto ko rin makita
ang kasal mo Nak, sino nang gigising sayo para pumasok ng trabaho kung wala na ako?

Acela: I’m a strong, i-independent woman Ma, wh-who needs no man. Kaya sapat n-na saakin
kahit ang multo mo na lang.

Pau: *smiles* Pasensya na sainyong lahat… mahal na mahal ko kayo….*closes eyes*

*flat heart rate monitor sfx* *Doctor will pull white sheet over mother as the curtain closes*

Sixth Scene

*dinner time sa house ng rich boyfriend ni second child*

RJ: *susubo tapos magsi-sigh (repeat 4 times)*

Jillian: Son, don’t you think it’s rude to sigh while eating dinner? If you’re so worried about my
future daughter in law then just go to her already.

RJ: *sighs again* I also want that Mom, pero sa pamilya niya dapat mas i-spend ang oras niya
ngayon.

Jillian: Yeah, I know. When your father passed away, I also couldn’t bring myself to work without
yours or your grandparent’s presence. Losing a family member is something no one should ever
go through. *also sighs*

*the duo will eat in a sad manner for 5 seconds*

RJ: By the way Mom, where did you order this food? It’s really good *mutters to himself* at parang
pamilyar na rin…

Jillian: *suddenly gains energy* Ah! I’m glad you asked! This meal was given to me by one of our
shareholders once last week and it was so delicious I ended up making her buy it for me again
today. It tastes so refreshing and exquisite but it’s not expensive! The only times I felt this way
about food was when we visited that 3 Michelin-starred restaurant and when my future daughter in
law comes up with new dishes! Goshhh, should I invest in this restaurant?

RJ: *smiles* I also think it’s worth the investment. I mean, if they can deliver this quality time and
time again for an affordable price, then why not? What’s the restaurant called?
Jillian: Mary’s Basket! A heavenly name for heavenly foods!

RJ: *widens eyes* MARY’S BASKET?!


Jillian: *startled* Why? Is there something wrong about that restaurant?

RJ: O-of course not! *can’t contain excitment* I was just surprised because I also thought to invest
in it before. Mom, if you want to, invest in that restaurant. You won’t regret it.

Jillian: Okay?

RJ: And don’t tell the owner I pushed you to invest in it, alright?

Jillian: Son, your actions are making me even more curious about it. Fine, I’ll do as you say.

*curtains will close*

Narrator: Life has its up and downs. For every action, there is an opposite and equal reaction.
Every debit inputed will have a credit corresponding to it. Sa lahat ng aking mga nabanggit, nais
ko lamang iparinig sa pamilyang Morada na ang lahat ng pinagdaanan nilang kahirapan, mula sa
pagkakaroon ng cancer ng kanilang ama, sa kalahating milyon niyang utang at sa pagkamatay ng
kanilang ina- lahat ng ito’y papantayan sa hinaharap ng kanilang swerte. Nagsimula ito sa tuloy
tuloy na paggaling ng kanilang ama. Sumunod ang pagpayag ni Madam na bayaran ang utang
sakanya sa loob ng tatlong taon. At pati na rin ang matagumpay nilang rebranding ng family
restaurant matapos magtrabaho na rito ni Luiselle bilang head chef. Ngunit, hindi pa dito
nagtatapos ang kanilang magandang balita.

*curtains will open with father and first child , being busy with the restaurant*
Acela: *slumped on a chair* Haaaaahhh… paano na yan? Natanggal na ako sa trabaho. Sabi na
nga ba’t bad sign talaga yung bank teller na yun sa bangko. Anong malas ba ang meron ako at
boss ko pala ang asawa nun?! Eh di nagmukha pa akong babae niya.

Emman: Naku, dito ka na lang talaga magtrabaho Anak! Nakakatakot maging chef yang kapatid
mo.

Cookie: *from outside, loudest shout*: PA! ATE! MAY BIBILHIN LANG KAMI NI BUNSO, KAYO
NA MUNA MAGSARA NG RESTAURANT! PAG NA FORGET MO NA NAMAN ATE, LALAGYAN
KO NG IPIS FOOD MO!

Emman:... Kita mo yan?

Acela: *goes back to slumping in the chair* Mas lalong ayaw ko rito…Narrator naman kasi! Sabi
mo dadagdag na yung swerte namin, eh bakit nasesante pa ako sa trabaho?!

Narrator: Ako na naman?! Yung script writers sisihin niyo! Tagabasa lang ako tas ako lagi
minamalian. Suko na ako! *leaves classroom*

*may sfx didgi*

Acela: Hala. NARRATOR! BUMALIK KA! Sino magsasara ng kwento namin?! *sees narrator not
coming back so she slumps back in chair* Wala na nga akong trabaho, wala pa kaming narrator…
Emman: *sets down mop* Nga pala anak… hanggang kailan nga natin babayaran yung sa loan at
kay madam?

Acela: *looks at her father suspiciously* Since 150K po yung sa bangko, 6,350 ang kailangan
nating bayaran buwan buwan, sa dalawang taon. Kasama na po dyan yung interest.

At yung kay madam, 13, 900K every month for 3 years, with interest na rin po. Pa, pwede bang
tigilan mo na yang ekspresyon mo? Obvious na obvious na gini-guilt trip mo na naman ang sarili
mo.

Emman: P-pasensya na Nak, hindi ko talaga mapigilan sarili ko na hindi yun isipin lalo na’t
kasalanan ko lahat.

Acela: Kasalanan mo nga Pa, pero dahil pamilya tayo, hindi lang ikaw ang sasalo ng resulta ng
pagkakamali niyo. Wag kayong masyadong mag-alala dahil hindi ka namin sinisisi sa pagkamatay
ni mama at kahit di man sabihin nila bunso, hindi kami napipilitang tulungan ka Pa. Kaya ako na
muna po ang i-cheer up mo at wag puro pera ang alalahanin!

*doorbell or yung bell sa mga restaurant pagbukas ng pinto sfx*

Acela: *not looking at door* Sarado na po kami, bumalik na lang po kayo bukas-

Jillian: Oh! The father of my future daughter-in-law! Have you been well sir?

*Acela immediately stands up as the father shakes hands with the mother of bf*

Emman: Bumabalik na ho ang lakas ko, salamat sa Diyos! Umalis lang po saglit yung anak ko
pero ay tira pa namang pagkain sa kusina, dito muna kayo at initin ko.

*Father leaves so eldest child makes the mother of bf sit down*

Jillian: So, dear, i think it’s our first time meeting.

Acela: *frowns* First time? Nag dinner po ata tayo last year and lagi naman po tayong
nakakapagusap sa video call, anong ibig niyo pong sabihin tita?

Jillian: No dear, it’s our first time meeting as a restaurant owner *points at eldest child* and as an
investor *points to herself*

Acela: *eyes widen* Anong ibig niyo pong sabihin tita? Hindi po ito magugustuhan ni Cookie kaya
magpapanggap na lang po ako na hindi ito nangyari.

Jillian: I know dear, that your sister is a woman with principles. That’s the biggest reason I
consented to their relationship years ago. But this time, I really didn’t know it was your family’s
restaurant when I decided to invest here! I swear! And don’t you think that your food, which my
daughter-in-law makes, and with your management, has the potential to become a franchise with
just some investment and some pointers from me?
Acela: T-talaga po tita!? *excited at first but frowns* Pero, dapat niyo pong malaman na grabe ang
binabayaran naming utang ngayon. Kaya kahit gaano kalaki ang makukuha namin monthly dito sa
restaurant, laging mababawasan ito ng higit sa dalawampung libong piso pangbayad ng utang.
Hindi po kami worth it ng investment niyo.

Cookie: *enters with bunso*: Ate, nagkakamali ka. *goes to mother ng bf niya tapos magmamano*
Ma, we can be worth your investment. Or rather, my food is worth your investment and we’ll make
sure our customers would also think that way. And that 20 thousand reduction, I’ll make up for it
with a 40 thousand profit every month. Kaya kung pagkakatiwalaan niyo po ang kakayahan namin,
hindi namin kayo bibiguin.

Acela: Cookie, okay lang ba talaga ito sayo? At magagawa ba natin talaga ng mga sinabi mo?

Cookie: Don’t worry ate, pinaliwanag na siya saakin ng mabuti ni babe.*bf enters shyly and holds
hand with second child*

RJ: Hindi ko natiis eh.

Cookie: And super duper confident ako sa food ko! Kaya kung may tyansang mas makaabot sa
iba ang ating pagkain, tiyak na babalik-balikan nila tayo!

Jillian: This is why I like you, future daughter in law! You remind me of myself when I was young!
All right, let's make a private placement *takes out documents from bag* I’ll invest in your
restaurant and do my best to make it a real franchise. The only thing you need to do is to make
sure that every single order would be as delicious as I ate it.

Cookie: You’re wish is our command, future mother in law!

Emman: *goes to the stage with trays of food* Oh, nakabalik na pala kayong lahat!

Phil: *goes to father* Pa! Mag-iinvest daw saatin si Tita! Mas lalaki itong restaurant at mas rarami
ang customers natin!

Emman: Talaga? Naku, salamat naman Mrs. Olaes! Saktong-sakto pala at niramihan ko itong
pagkain. Sana hindi pa kayo naghapunan dahil uubusin natin ang pagkain ngayon upang
magdiwang!

*everyone gets a glass at magche-cheers*

ALL: FOR THE PROSPEROUS FUTURE OF MARY’S BASKET!

*everyone freezes in place and holy or banal na song will play*

Pau: *praying hands lagi* At dahil nag-quit na ang ating narrator, ako’y gumapang pataas mula sa
impyerno- *ehem* I mean, bumaba mula sa langit para mabigyan ng konklusyon ang aming
kwento. Sa mga susunod na taon, pinagkatotoo ni Cookie ang kanyang mga pangako at naging
matagumpay ang Mary’s Basket na ngayo’y may sampung branches na sa Pilipinas. Hanggang sa
pagtanda, patuloy pa rin sa pagtrabaho ang aking asawa sa restaurant, kinasal na si Cookie at
sumunod rin ang kasal ni Acela, at isang kilalang propesor na ang aking bunso. Hindi perpekto
ang pamilya ko, pero kahit ako’s mabigyan ng tyansang mabuhay muli- sila pa rin ang pipiliin ko.
Yun lamang po, maraming salamat.

~THE
END~

You might also like