You are on page 1of 2

Ang Holen

ni: Otsenre Etrebac

Tumbang preso, luksong tinik, luksong baka, sipa, patintero, Chinese


garter, tubigan at holen. Ito ang mga laro noong unang panahon. Isa sa
paborito naming laro noong kami ay paslit pa lamang ay ang holen. Ako si
Boyet, ako ay siyam na taong gulang at mahilig mangolekta ng mga holen.
Mayroong iba’t ibang kulay at disenyo ang holen. May holeng ceramic na
nagmula sa Romblon at may holeng yari sa babasaging salamin na mula
sa Lungsod ng San Pedro. May iba’t ibang larong gamit ang holen tulad ng
asintahan, pato at syutan. Naalala ko pang pwedeng maglaro ng teks at
kara at krus na ang taya mo ay holen. Mayroon akong walong iba’t ibang
kulay na holen at limang iba’t ibang disenyo.

Ang holen ay maaaring gamiting pandisenyo sa aquarium at iba pang


muwebles sa bahay. Ginagamit din ito sa silid-aralan upang matuto sa
pagbilang ang mga mag-aaral sa elementarya. Ang holen ay pwede ring
ipagbili batay sa kalidad at laki nito. Ginagawa ring aytem pangkoleksyon
ang mga holen. May iba’t ibang laki ang holen, may pinakamaliit, maliit,
malaki at pinakamalaki. Ang holen ay isa sa mga nakasanayang laro ng
mga Pilipino.

Sa kasalukuyang panahon ay mangilan-ngilan na lamang ang


naglalaro ng holen. Depende sa lugar at panahon makikita ito.
Ipinagbabawal ang holen sa mga sanggol hanggang ikaapat na taong
gulang. Delikado kasi itong maisubo at malunok ng mga batang wala pa sa
wastong pag-iisip. Dapat na ilayo natin ito sa maaaring maabot ng mga
bata. Kung kaya’t dapat natin itong itago sa hindi makikitang lugar.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Ano ang pangunahing laro na paboritong laruin ni Boyet noong siya’y
paslit pa lamang?
A. sepak takraw C. tumbang preso
B. tubigan D. holen
2. Ilang taon si Boyet nang mhiligang maglaro ng holen?
A. 7 B. 8 C. 9 D.10
3. Ano-ano ang mga laro na ginagamitan ng holen MALIBAN sa isa?
A. asintahan B. pato C. syutan D. batuhan
4. Saan pa ginagamit ang holen?
A. maaaring gamiting pandisenyo sa aquarium
B. maaaring gamiting pandisenyo sa iba pang muwebles sa bahay
C. maaaring gamitin sa pagbibilang ng mga mag-aaral
D. lahat ng nabanggit
5. Bakit dapat itago ang holen kapag nasa bahay?
A. delikado kasi itong maisubo at malunok ng mga batang wala pa sa
wastong pag-iisip
B. maaaring gamitin ito sa pagbabatuhan kapag naghaharutan
C. maaari itong makabasag ng mga appliances sa bahay
D. maaari itong makabulag sa mata kapag natamaan

You might also like