You are on page 1of 4

FILIPINO IV

Date: ____________

I. Layunin:

 Nabibigkas ng wasto ang mga salitang napakinggan

Pagpapahalaga: pagtulong sa kapwa

II. Paksa:

Pagbigkas ng mga salitang ginamit sa pahayag na napakinggan

Pag-uuri ng mga pangungusap Ayon sa Gamit

Sanggunian: BEC-PELC Pagsasalita Blg. 2.a

Hiyas ng Wika dd. 8-10

Kagamitan: Mga larawan, mga pangungusap na nakasulat sa manila paper.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-Aral

Sabihin kung pangungusap o parirala ang mga sumusunod.

a. Ang bahay sa kanto ay bagong pinta.


b. Ang mga pari noon
c. Masayang sumalubong
2. Ipakita ang larawan ng isang bata at pulis na nag-uusap.

Itanong: Ano ang palagay ninyo ang nangyari sa bata at kausap niya ang pulis?

Ano kaya ang kanyang sasabihin sa pulis?

Isulat sa pisara ang mga pangungusap?


B. Paglalahad:

1. Tumawag ng dalawang bata. Ipabasa ang usapan.

Itanong: Anong uri ng pangungusap ang sinabi ni Ruth sa kausap nito?

2. Ipabasa sa isang bata ang lunsarang kuwento.

3. Ipasagot at talakayin:

a. Bakit nagkagulo ang mga tao sa kuwento?

b. Bakit pumasok sa gumuhong gusali ang bata?

c. Tama ba ang ginawa ng bata?

C. Pagtalakay:

1. Ipabasa ang mga pangungusap na hinango mula sa kwento. Pag-usapan ang mga ito. Tukuyin
ang uri ng bawat isa.

a. Naglabasan ang mga bata sa kani-kanilang mga bahay.

b. “Ang anak ko! Diyos ko, nasa loob ang anak ko!”

c. “Saan ka nanggaling!”

d. Umiiyak kaming nagyakapan

e. Pumasok ang bata sa isang butas ng gusali.

2. Ipabasa at talakayin ang mga sumusunod na pangungusap

a. Iyakin ang batang ito

b. Sino ang nag-aalaga sa kanya?

c. Bakit niya iniwan ang duyan?

d. Naku! Nahulog ang bata

Tanong:
1. Ano ang sinsaad sa unang pangungusap? Ano ang bantas na ginamit sa hulihan ng
pangungusap

2. Anong uri ng pangungusap ang nagtatanong? Ano ang bantas na ginagamit sa hulihan
nito?

3. Anong uri ng pangungusap ang nagsasaad ng matinding damdamin?

D. Paglalahat:

1. Anu-ano ang mga uri ng pangungusap?

2. Paano nagkakaiba ang mga uri ng pangungusap?

3. Anu-ano ang mga ginagamit na bantas sa bawat uri?

E. Pagsasanay:

Panuto: Basahin sa uring hinihingi sa loob ng panaklong ang mga sumusunod na pangungusap

(Patanong) 1. Binuksan ni Greg ang kahon.

(Padamdam) 2. Pinutol ang mga puno.

(Pautos) 3. Magwawalis ka ba ng bakuran?

(Pasalaysay) 4. Hay! Salamat at bumait na siya.

(Pautos) 5. Aalisan mo ba ang mga basurang iyan?

IV. Pagtataya:

Lagyan ng tamang bantas ang mga pangungusap.

1. Naku ____ hindi ko ito mapapasan.

2. Mapuputol mo ba ito ___.

3. Samahan mo ako sa tindahan ____.

4. Mataas na ang talahib ____.

5. Pakibili mo nga ako ng tinapay ____.


V. Takdang-Aralin:

Sumulat ng maikling talata na ginagamitan ng ibat-ibang uri ng pangungusap.

Pumili sa mga sumusunod na paksa.

1. karanasan na hindi malilimutan.

2. karanasan sa _____

You might also like