You are on page 1of 3

GRADE 6 - FILIPINO MOCK TEST

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT


Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS
(pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos), at PK (pakiusap).

____ 1. Aray, ang sakit!


____ 2. May kumagat ba sa iyo?
____ 3. Kinagat yata ako ng langgam.
____ 4. Huwag kang tumayo riyan.
____ 5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.
____ 6. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga?
____ 7. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
____ 8. May nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno.
____ 9. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
____ 10. Huwag mong saktan ang sisiw.
____ 11. Mukhang hindi pa ito marunong lumipad.
____ 12. Pakisabi po sa akin kung may nakita kayong pugad.
____ 13. Ipasok mo muna ang sisiw sa loob ng bahay.
____ 14. Umaambon na po ba?
____ 15. Ay, mababasa ang mga sampay ko!
____ 16. Bilis, pumasok na tayo sa loob!
____ 17. Dito tayo sasakay ng dyip.
____ 18. Dadaan po ba kayo sa palengke?
____ 19. Hoy, bawal sumingit sa pila!
____ 20. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.

PAGKILALA SA MGA BAHAGI NG PANANALITA


Gaano mo natatandaan ang mga bahagi ng mga pananalitang napag-aralan mo?
Sabihin kung paano ginamit ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat
ang letrang tamang sagot sa patlang.

Sa pangungusap na
Ang mga kabataan ay nagsisikap nang mabuti para sa kanilang
maliwanag na bukas.

___ 1. Paano ginamit ang salitang kabataan ?


a. pangngalan b. pang-uri c. pandiwa d. panghalip
___2. Paano ginamit ang salitang nagsisikap?
a. pangngalan b. pang-uri c. pandiwa d. pang-abay

___3. Paano ginamit ang salitang mabuti sa pariralang nagsisikap nang mabuti?
a. pang-ukol b. pang-uri c. pandiwa d. pang-abay

___ 4. Paano ginamit ang salitang para sa?


a. pang-ukol b. pang-angkop c. pang-abay d. pangatnig

___ 5. Paano ginamit ang salitang kanila?


a. pangngalan b. pang-uri c. panghalip d. pangatnig

___ 6. Paano ginamit ang salitang maliwanag?


a. pangngalan b. pang-uri c. pandiwa d. pang-abay

___ 7. Paano ginamit ang katagang “na” sa pariralang maliwanag na bukas?


a. pang-ukol b. pangatnig c. pang-angkop d. pang-abay

___ 8. Paano ginamit ang salitang “bukas” sa pariralang maliwanag na bukas?.


a. pangngalan b. pang-uri c. pandiwa d. pang-abay

Sa pangungusap na
Ang pangarap ng ating mga magulang ay makitang maayos at
maganda ang ating buhay.

___ 9. Ang tatlo sa mga salita sa ibaba ay ginamit sa pangungusap bilang pangngalan.
Alin ang hindi kabilang dahil hindi isang pangngalan?
a. pangarap b. magulang c. atin d. buhay

___10. Anong salita ang ginamit bilang panghalip?


a. magulang b. ating c. makita d. maayos

___11. Anong salita ang ginamit bilang pandiwa?


a. pangarap b. makita b.maayos d. maganda

___12. Paano ginamit ang mga salitang maayos at maganda?


a. pandiwa b. pang-ugnay c. pang-uri d. pang-abay
___13. Paano ginamit ang katagang “at” sa pariralang maayos at maganda?
a. pandiwa b. pang-ugnay c. pangatnig d. pang-abay

Sa pangungusap na
Sikapin mo ring maging mabuting tao at gumawa nang tama sa lahat ng
oras.

___14. Paano ginamit ang katagang “ring” sa pangungusap?


a. pandiwa b. pang-uri c. pang-ukol d. pang-abay

___15. Paano ginamit ang mga salitang “sikapin at gumawa”?


a. pandiwa b. pang-uri c. pangngalan d. pang-abay

___16. Paano ginamit ang salitang mabuti sa pariralang mabuting tao?


a. pandiwa b. pang-uri c. pangngalan d. pang-abay

___17. Paano ginamit ang katagang ng sa pariralang mabuting tao?


a. pandiwa b. pang-angkop c. panghalip d. pang-abay

___18. Paano ginamit ang salitang tama sa pariralang gumawa nang tama?
a. pandiwa b. pang-angkop c. panghalip d. pang-abay

___19. Paano ginamit ang salitang gumawa sa pangungusap?


a. pandiwa b. pang-uri c. panghalip d. pang-abay

___20. Anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap?


a. ang b. at c. mo d. ring

You might also like