You are on page 1of 9

[Type here]

[Type here]

Habang bumibili sila, siya namang pagdating ng lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama agad niyang pumasok sa

kasalan at saka isinara ang pinto. Kaugalian kasi noon na ang tanging taong nasa labas sa pagdating ng ikakasal ang papapasukin sa

piging upang maiwasang makapasok ang mga taong hindi naman imbitado at hindi kilala ng ikakasal.
-halaw mula sa parabula ng Sampung Dalaga

2. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring nagbibigay patunay na maaaring maganap sa tunay na buhay?
A. Hinanap ng organizer ang imbitasyon bago papasukin sa venue.
B. Hindi na pinapasok sa loob ng venue ang nahuling ninang ng ikinasal.
C. Papasukin sa loob ng venue ang lahat ng nais na makasaksi sa kasal.
D. Walang makakapasok sa venue maliban nalang kung sasabihin ng
ikinasal.

Para sa bilang 3-4

Panuto: Piliin ang pangungusap na may tamang pagkakagamit ng matalinghagang pahayag.

3. Ang ibig sabihin ng sanggang dikit ay.matalik na magkaibigan. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng tamang paggamit nito?

A. Ang limang batang magkakasanggang dikit ay nangako sa isa't isa na hinding-hindi sila kailanman magkakalayo.
B. Bahala na kung magkasanggang dikit sila, ang importante ay malapit sila sa isa’t isa.
C. Magkasanggang dikit sina Alex at Toni pagkatapos nilang magkaroon ng alitan.
D. Lahat ng mga magkakasanggang dikit ay nararapat lamang na magkaayos dahil maikli lamang ang buhay.
4. Ang ibig sabihin ng matigas pa sa riles ay kuripot. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng tamang paggamit nito?
A. Balang raw, magiging matigas pa ako sa riles nang sa ganun ay makapagbigay ako ng tulong.
B. Matigas pa sa riles si ang aking kumare dahil hindi man lang sumama sa aming lakad.
C. Salamat sa aking nanay na matigas pa sa riles dahil naglaan siya ng panahon para sa aking espesyal na araw.
D. Talagang matigas pa sa riles ang aking kapatid, ayaw man lang manlibre kahit kaarawan niya.
Para sa bilang 7-8

Panuto: Basahin at suriin ang bahagi ng akdang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya (Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte) sa bawat bilang. Tukuyin kung ano

ibig ipahiwatig ng mga sinalungguhitang pahayag.

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
-halaw mula sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

5. Batay sa sinalungguhitang pahayag, kaano-ano ng nagsasalita sa elehiya ang taong pumanaw?


A. kaibigan
B. kakilala
C. kamag-anak
D. kapatid
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
-halaw mula sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

6. Batay sa sinalungguhitang pahayag, anong kultura ang masasalamin mula rito?


A. pagdarasal sa kaluluwa ng pumanaw na mahal sa buhay
B. paggunita sa mga alaala ng mahal sa buhay na namatay
C. pagpapahalaga sa buhay at kaluluwa ng taong pumanaw
D. pagwawakas sa mga alaalang naiwan ng taong namatay na
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
[Type here]

-halaw mula sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

7. Ano ang ibig ipahiwatig ng sinalungguhitang kaisipan?


A. hindi inaasahan ang kaniyang pagpanaw
B. hindi pa panahon na siya’y lumisan sa mundo
C. masyadong maaga pa ang kaniyang pagkamatay
D. wala sa tamang oras ang kaniyang pagkawala sa mundo
8. Batay sa bahagi ng elehiya na makikita sa bilang 7, ano ang tono ng taong nagsasalita?
A. pagkagalit
B. paggunita
C. pagpapaalala
D. panghihinayang
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
-halaw mula sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

9. Batay sa bahagi ng elehiya na nasa itaas, ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. ang tanging naiwan ay mga alaala na lamang
B. mga larawan na lamang ang kaniyang naiwan
C. talaarawan nalang niya ang maaaring balikan
D. wala ng naiwan para sa kaniyang pamilya
Para sa bilang 10-11

Panuto: Tukuyin ang angkop na pang-uri na magpapasidhi sa anyo ng sinalungguhitang salita.

10. Masipag si Arnel para maiahon ang sarili mula sa kahirapan. Araw-araw siyang kumakayod at hindi iniinda ang pagod na nararam-
daman.
A. Nagpakasipag
B. Nagsisipag
C. Nagsipag
D. Ubod ng sipag

11. Mahirap ang dinanas ng mga empleyadong nawalan ng trabaho sa panahon ng krisis. Kaya ang ilan sa kanila ay umaasa nalang sa
ayuda ng pamahalaan.
A. Humihirap
B. Naghihirap
C. Sanay sa hirap
D. Walang kasinghirap
Para sa bilang 12-14

Panuto: Basahin at unawain ang pangyayari sa bawat bilang na kinuha mula sa kwentong Nang Minsang Naligaw si Adrian. Suriin kung anong

tunggalian ito nabibilang.

12. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa
kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Anong uri ng tunggalian ang sitwasyon?
A. tao laban sa tao
B. tao laban sa sarili
C. tao laban sa lipunan
D. tao laban sa kalikasan
13. Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa
balang araw kapag kayo’y nawala.” Ito ay nagpapakita ng anong tunggalian?
A. tao laban sa tao
B. tao laban sa sarili
C. tao laban sa lipunan
[Type here]

D. tao laban sa kalikasan


14. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa
kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng
ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian. Anong uri ng tunggalian ang sitwasyon?
A. tao laban sa tao
B. tao laban sa sarili
C. tao laban sa lipunan
D. tao laban sa kalikasan
Para sa bilang 15-16

Panuto: Suriin kung ang pangyayari sa bawat bilang ay posibleng maganap sa tunay na buhay at piliin ang sitwasyon na may kaugnayan sa

kasalukuyan.

Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na
responsibilidad sa
kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili
sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng
kaniyang buhay.
-halaw mula sa Nang Minsang Naligaw si Adrian

15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon sa kasalukuyan ang may kaugnayan sa pangyayari mula sa kwento?
A. Ayaw pumunta ni Ben sa ibang bansa dahil ayaw niyang iwan ang kaniyang ama.
B. Balak ni Ana na magtrabaho sa ibang bansa subalit walang maiiwan sa kaniyang amang may sakit.
C. May kontrata na sana si Rex upang makapagtrabaho sa isang kompanya sa ibang bansa subalit hindi siya pinayagan ng
ama.
D. Walang planong mangibang bansa si Melissa dahil kuntento na siya sa buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila na ang
luho at oras na makahanap ng babaeng makakasama habambuhay.
-halaw mula sa Nang Minsang Naligaw si Adrian

16. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon sa kasalukuyan ang may kaugnayan sa pangyayari mula sa kwento?
A. Alam ni Rex sa kaniyang sarili na gusto na niyang mag-asawa.
B. Balang araw ay pinapangarap ni Melissa na libutin ang buong mundo.
C. Kulang si Sam ng oras para sa kaniyang sarili kaya wala siyang ganang magtrabaho.
D. Nakaramdam ng lungkot si Ron nang malaman na mag-aasawa na ang kaniyang mga kaibigan.
Para sa bilang 17-20

Panuto: Tukuyin ang pinagmulan o etimolohiya ng salitang sinalungguhutan.

17. Masayang naglalakad ang dalaga papunta sa kanilang bukid. Sabik na sabik siyang mapitas ng mga preskong bulaklak roon. Ano
ang etimolohiya ng salitang dalaga?
A. hango sa salitang latin na Darika nangangahulugang babaeng wala pang kabiyak sa buhay
B. kuha mula salitang Daraga na ang ibig sabihin ay babaeng hindi pa nagpapakasal
C. mula sa salitang Sanskitong na Darika na ang ibig sabihin ay babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong gulang na
D. orihinal na nanggaling sa wikang Espanyol na Darika na ibig sabihin ay babaeng walang nobyo o asawa
18. Magaling gumamit ng plawta si Helen kaya naman labis siyang hinahangaan ng kaniyang mga kabarangay at iniimbitahan siya
tuwing may handaan para magpatugtog nito. Ano ang etimolohiya ng salitang plawta?
A. hango sa salitang German na Flaute na ang ibig sabihin ay instrumentong pangmusika.
B. kuha mula sa salitang Ingles na flute na ang ibig sabihin ay instrumentong ginagamitan ng bibig
C. mula sa salitang Pranses na Flaute at flute sa Ingles na ang ibig sabihin ay instrumentong pangmusika.
D. orihinal na nagmula sa salitang Pranses na Flautee na ang ibig sabihin ay instrumentong panlabi.
19. Nais ni Joaquin na matutong gumamit ng gitara kahit na siya’y magaling naman sa paggamit ng drums. Ayon sa kaniya, ayaw
niyang matulad sa isang ibon na nakakulong lamang sa hawla. Nais niyang lumipad at subukin ang mga bagong karanasan. Ano
ang etimolohiya ng salitang hawla?
A. hango sa salitang Espanyol na “Jaula” na ang ibig sabihin ay kulungan
B. kuha sa salitang Latin na “Jaula” na ang ibig sabihin ay lalagyan ng lumilipad na hayop
[Type here]

C. mula sa etnikong salita na ang ibig sabihin ay bahay-kulungan ng mga ibon


D. orihinal na nagmula sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay kulungan
20. Nakakita ng isang bote si Raul sa tabing-dagat kaya naalala niya ang pelikulang kaniyang napanood na kailangang humiling sa
isang genie na nakatira sa loob ng bote. Ano ang etimolohiya ng salitang genie?
A. batay sa salitang Latin na “jinnus” na ang ibig sabihin ay isang makapangyarihang nilalang na nagbibigay katuparan sa hiling
B. kuha mula sa salitang Hindu na “jin”. Ginagamit ito sa pagpapatungkol sa isang tauhan ng istorya na may angking
kapangyarihan.
C. mula sa salitang Arabic na “jinni” kung maramihan. Ginagamit ito sa pagpapatungkol sa isang piksiyonal na karakter na
sumusunod sa kagustuhan ng taong nag-uutos sa kanya
D. orihinal na kinuha sa salitang Malayo na “jinnae” na ibig sabihin ay karakter na sumusunod na sinumang nakakuha sa bote
Para sa bilang 21-23

Panuto: Tukuyin ang pangyayari mula sa isang teleserye kung saan nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa tao at tunggaliang tao laban sa sarili.

21. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari mula sa teleseryeng Ang Probinsyano. Alin ang nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa
tao?
A. Hindi pinatulan ni Cardo ang mga pasaring sa kaniya.
B. Mahinahong nagtanong si Gen. Borja kay Cardo.
C. Nagkasagutan sina Madam Lily at Hipolito.
D. Nakiusap si Lola Flora kay Pangulong Hidalgo.

22. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari mula sa teleseryeng Too Good To Be True. Alin ang nagpapakita ng tunggaliang tao la-
ban sa sarili?
A. Masayang nag-uusap sina Kap at Eloy.
B. Naguguluhan si Eloy sa kung sasabihin niya ba kay Aly.
C. Nalungkot si Lolo Sir sa natanggap na balita tungkol sa kaniyang anak.
D. Nasiyahan si Madam Helena dahil siya na ang magiging CEO ng kompanya.
23. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari mula sa teleseryeng Darna. Alin ang nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa tao?
A. Mabilis na nilunok ni Narda ang bato upang matulungan ang bata.
B. Masayang kumakain ng hapunan sina Narda, Ding, at kaniyang lola.
C. Nagsuntukan sina Noah at ang pekeng Brian Robles sa elevator.
D. Galit na tiningnan ni Valentina ang pekeng Brian Robles.

Para sa bilang 24-26

Panuto: Tukuyin kung ano ang nais ipakita ng bawat pang-ugnay na ginamit sa pangungusap.

Isang mabuti at mapagmahal na anak si Pedro sa kaniyang mga magulang. Ngunit, kamakailan, napapansin ng mga magulang niya
ang palagian niyang pag-uwi nang walang paalam. Ayon naman kay Pedro, nahuhuli lang siya ng uwi dahil sa mga gawain sa paaralan.
Kinuha mula sa https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/6565/mod_resource/content/7/index.html

24. Ano ang nais ipakita ng mga sinalungguhitang pang-ugnay sa pangungusap?


A. mga kaganapan sa kwento
B. pangunahin at pantulong
C. paraan at layunin
D. sanhi at bunga
Ayon sa mga kaibigan ni Pedro, bumibisita raw ito roon upang mag-iwan ng mga libro at kaunting pagkain sa kanila kaya raw gi-
nagabi ng uwi ang binate.
Kinuha mula sa https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/6565/mod_resource/content/7/index.html

25. Ano ang nais ipakita ng mga sinalungguhitang pang-ugnay sa pangungusap?


A. mga kaganapan sa kwento
B. pangunahin at pantulong
[Type here]

C. paraan at layunin
D. sanhi at bunga
Nagsimula raw mapalapit ang puso ni Pedro sa mga kaibigan nang minsan siyang mag-volunteer sa komunidad kung saan
nakatira ang mga ito. Sapagkat nakita at naunawaan ni Pedro ang hirap ng kanilang kalagayan, nag-isip siya ng mga paraan para makat-
ulong sa kanila kahit kaunti.
Kinuha mula sa https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/6565/mod_resource/content/7/index.html

26. Ano ang nais ipakita ng mga sinalungguhitang pang-ugnay sa pangungusap?


A. mga kaganapan sa kwento
B. pangunahin at pantulong
C. paraan at layunin
D. sanhi at bunga
Para sa bilang 27-29

Panuto: Alamin ang kahulugan ng kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa pangyayari mula sa Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Fil-
ipino ni Dr. Romulo N. Peralta).

27. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong pangyayari, masayang-masaya sila at agad nag -
balak na magsagawa ng kasal. Anong gawi ang ipinakita ng prinsesa at amang hari?
A. pagmamahal sa anak
B. masayahing magulang
C. mabuting pakikisama
D. pagsunod sa kagustuhan ng anak

28. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi agad-agad na lumipad
dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Ano ang isinasaad ng ikinilos ng mga magkakapatid?

A. kawalan ng simpatiya sa kapatid

B. pagmamahal sa kapatid at awa sa sarili

C. takot at pagmamahal para sa kanilang sarili

D. awa sa sinapit ng kapatid at takot para sa sariling kaligtasan

29. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah. Ano ang nais iparating ng kilos na ito ni Prahnbun?
A. pagiging matapang
B. pagiging sigurado
C. pagiging matiyaga
D. pagiging seryoso
Para sa bilang 30-32

Panuto: Tukuyin ang nagpapatunay sa pagiging makatotohanan o ‘di makatotohanan ng pangyayari mula sa Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isi-
nalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)

30. Binigyan ng dragon ng makapangyarihang lubid si Prahnbun para ipanghuli kay Prinsesa Manorah. Alin sa mga sumusunod ang
angkop na patunay hinggil sa pangyayaring nabanggit.?

A. Ang pangyayari ay makatotohanan dahil pwedeng gamiting panghuli ang lubid.


B. Ang pangyayari ay makatotohanan dahil mayroon naman talagang mga dragon sa kasalukuyan
C. Ang pangyayari ay ‘di makatotohanan dahil walang dragon ngayon at walang makapangyarihang lubid sa totoong buhay.
D. Ang pangyayari ay ‘di makatotohanan dahil hindi nahuli si Prinsesa Manorah ng makapangyarihang lubid.
31. Makatotohanan ang pangyayari kung nagaganap ito sa tunay na buhay. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
A. nagsasalitang dragon
B. mga kinnaree na nagtatampisaw sa ilog
C. namangha sa nakabibighaning kagandahan
D. humingi ng tulong sa dragon upang mahuli ang kinnaree
32. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang posibleng mangyari sa tunay na buhay?
A. Likas na sa tao ang paglipad nang mabilis tuwing natatakot o nabibigla sila.
[Type here]

B. Marami sa mga kalalakihan ang nagtatampisaw sa ilog sa tuwing sila’y nabibigo sa pag-ibig.
C. Sapat na para sa mga kabataan ang makatanggap ng pandesal bilang gantimpala sa mataas na marking nakuha.
D. Tinulungan ng kanyang matalik na kaibigan ang prinsipe sa paglutas ng kanyang mabigat na suliranin na kinakaharap.

Para sa bilang 33-35

Panuto: Tukuyin ang pang-abay na pamanahon na angkop sa pangungusap upang mabuo ang diwa nito.

33. _________________, sagana sa iba’t ibang pananim ang bayan ng Aurora. Ang mga nanninirahan doon ay nagtutulungan upang
A. Kahapon
B. Buhat paman noon
C. Noong isang araw
D. Noong unang panahon

34. _______________, nakasanayan na nina Marie at Mercy na pumunta sa tuktok ng bukirin upang magpahangin.
A. araw-araw
B. bawat araw
C. tuwing umaga
D. sa lahat ng araw
35. Inabutan _________ nina Lina at Mae ang dalawang bata nagtatampisaw sa ilog.
A. bukas
B. kanina
C. ngayon
D. mamaya

Para sa bilang 33-35

Panuto: Tukuyin ang angkop na pang-abay na pamaraan sa pangungusap upang mabuo ang diwa nito.

36. Kinamayan niya ako __________ pagkatapos kong magbigay ng talumpati.


A. nang sobra
B. nang mahigpit
C. nang madulas
D. nang malakas

37. _________ niyang narating ang gilid ng pampang upang makuha ang ligaw na mga bulaklak.
A. Pagapang
B. Patiwarik
C. Sinakay
D. Sinayaw

Para sa bilang 38-40

Panuto: Alamin ang maaaring kasunod na pangyayari sa akda batay sa ilang pangyayari sa bawat bilang.

“Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “Hindi maaari.” sabi ni Rama, “may asawa na ako.” Narinig ni Sita ang dalawa kaya
lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.
-halaw mula sa Rama at Sita (Isang kabanata) Epiko-Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

38. Ano ang ginawa ni Surpanaka matapos siyang magselos nang husto?
A. Biglang siyang naging halimaw at sinunggaban agad niya si Sita.
B. Nagalit siya kay Rama kaya dinukot niya si Sita at dinala sa kaniyang kaharian
C. Sa galit ay bigla siyang naging higante at nilundag niya si Sita para patayin.
D. Wala siyang nakitang ibang paraan kundi dukutin si Rama bilang ganti sa pagyakap nito kay Sita.
[Type here]

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni
Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong.
-halaw mula sa Rama at Sita (Isang kabanata) Epiko-Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

39. Sa tingin mo, ano kaya ang sinabing dahilan ni Maritsa bunsod ng kaniyang pagtanggi kay Ravana?
A. “Kakampi nila ang mga Diyos.”
B. “Hindi ko kaya ang kanilang lakas.”
C. “Malakas ang pwersa nilang dalawa.”
D. “Wala akong panama sa kapangyarihan nila.”
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay

sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim

na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan


-halaw mula sa Rama at Sita (Isang kabanata) Epiko-Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

40. Ano kaya ang ginawa ni Sita para masundan at mailigtas siya ni Rama?
A. Gumawa si Sita ng malakas na ingay.
B. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.
C. Palihim siyang bumuo ng simbolo at itinapon ito.
D. Mabilis niyang binunot ang mga bato sa kaniyang bulsa.

Para sa bilang 41-43

Panuto: Basahin at unawain ang talata sa ibaba. Bigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng Kanlurang Asya.

Si Mohandas Gandhi ay itinuturing na ama ng kilusang kalayaan ng India. Nagpalipas si Gandhi ng 20 taon sa South Africa upang labanan ang
diskriminasyon. Nariyan ang kanyang konsepto ng Satyagraha, isang ‘di marahas na paraan ng pagprotesta laban sa mga kawalang-katarungan. Habang
nasa India, makikita ang halatang kabutihan ni Gandhi, ang simpleng paraan ng pamumuhay, at ang kaunting damit ay pinahalagahan niya sa mga tao.
Ginugol niya ang kanyang natitirang taon sa pagtatrabaho nang masigasig upang alisin ang parehong panuntunan sa Britanya mula sa India pati na rin
upang mas mapahusay ang buhay ng mga pinakamahihirap na klase sa India. Maraming mga lider ng karapatang sibil, kasama na si  Martin Luther King
Jr. , ang gumamit ng konsepto ni Gandhi sa ‘di marahas na protesta bilang isang modelo para sa kanilang sariling mga pakikibaka.
Kinuha mula sa https://tl.eferrit.com/buhay-at-mga-kinakailangan-ni-mohandas-gandhi/

41. Si Gandhi ay may konsepto ng Satyagraha, isang ‘di marahas na paraan ng pagprotesta laban sa mga kawalang-katarungan.
Batay rito, anong katangian ang masasalamin natin sa kaniya?
A. pabor sa gulo
B. komplikadong lider
C. matapang na tao
D. ‘di mahilig sa dahas
42. Anong patunay ang magpapakita na payak na tao lamang si Gandhi at hindi mahilig sa materyal na bagay?
A. Halata ang kabutihan sa puso ni Gandhi.
B. Hindi siya mahilig sa mga mamahaling damit.
C. Nilabanan niya nang buong puso ang diskriminasyon.
D. Pinahahalagahan niya ang simpleng pamumuhay.
43. Batay sa talata, dalawampung taon ang ginugol ni Gandhi upang labanan ang diskriminasyon. Anong katangian ang masasalamin
mo kay Gandhi?
A. Malakas
B. Masinop
C. Masigasig
D. mapagparaya
Para sa bilang 44-48

Panuto: Piliin ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano.


[Type here]

“Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si
Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.
-halaw mula sa Rama at Sita (Isang kabanata) Epiko-Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

44. Anong angkop na paglalarawan sa kulturang Asyano ang ipinamalas ni Ravana sa sitwasyong ito?
A. magalang na pakikitungo
B. di matatawarang bayanihan
C. matibay na pananalig sa Diyos
D. matinding pagmamahal sa pamilya

45. Batay sa mga nabasang bahagi ng epikong Rama at Sita, anong kulturang Asyano ang angkop na masasalamin at mailalarawan
sa binasang epiko?
A. Ang matinding pagmamahal sa sarili.
B. Ang di-hamak na galit at pag-aalipusta sa kapwa.
C. Ang pakikipagkalakalan upang mas umunlad ang kanilang bansa.
D. Ang pagmamahal sa pamilya, paggawa ng mabuti at pananalig sa Diyos.
46. Labis ang pagmamahalang ipinakita nina Rama at Sita. Aling salita sa pangungusap ang nagpapakita ng paghahambing ng higit na
katangian?
A. labis
B. higit
C. kanila
D. ipinakita
47. Kung ang pagbabatayan ay ang epikong Rama at Sita, alin sa mga sumusunod ang angkop na naglalarawan sa bansang India?
A. maunlad sa larangan ng industriya at kalakalan
B. sagana sa mga likas na yaman tulad ng petrolyo
C. mayaman sa kultura, paniniwala, at pananampalataya
D. kilala sa mga mahuhusay na artista at mga mang-aawit
48. Ang bansang Pilipinas at India ay magkasingyaman pagdating sa kultura at tradisyon. Alin sa mga salita sa pangungusap ang nag -
papakita ng paghahambing na magkatulad?
A. bansa
B. kultura
C. pagdating
D. magkasingyaman

You might also like