Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala
ang kausap o bumabasa sa opinion, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat. Halimbawa nito ay opinion, mga isyung talakay (debate) at ebalwasyon.hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi.
Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib
Nangungumbinsi batay sa datos o Nangungumbinsi batay sa opinyon impormasyon Nakahihikayat dahil sa merito ng mga Nakahihikayat sa pamamagitan ng ebidensiya pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng may akda Obhetibo Subhetibo
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
1. Pumili ng paksang angkop para sa tekstong argumentatibo.
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig nan ais mong panindigan at ano ang dahilan mo sa pagpanig nito. 3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon. 4. Gumawa ng burador (draft). a. Unang talata: Panimula. b. Ikalawang talata: Kaligiran c. Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag pa ng talata kung maraming ebidensiya. d. Ikaapat na talata: Counter Argument. Asahan mong may ibang mambabasa na hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad ditto ang iyong mga lohikal kung bakit iyon ang iyong posisyon. e. Ikalimang talata: Unang konklusyon na lalagom sa iyong sinabi. f. Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “ Paano mo pangangatwiranan ang iyong posisyon?” 5. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo. 6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks. 7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.