You are on page 1of 4

LITERATURE 1S

LOVE LIES BEYOND

GENRE: TRAGEDY/ROMANCE
STORY BY: PRECIOUS KHAI LARA O. BEBOSO
11- ABM
TEACHER: NIRICA S. NATAD
Andito ako sa isang abalang daan, ang daming tao.
Wait, Anong meron? Anong Nangyayari?
“Kailan pa naging busy ang daan na ito eh dinadaanan ito ng mga sasakyan” sounds
suspicious huh….
Kaya naman pala, there is a car accident, I thought this road was up to something.
Teka, Is that me? Hindi…hindi ako iyan, hindi pa ako patay…It can’t be
May narinig akong sigaw at iyak sa kabilang gilid ng daan na ito. Si Adi, My Adi. How come?
Hindi ko pwedeng iwanan si Adi, Hindi ko kakayaning iwan siya. They brought me to the
hospital, I wish I can live longer please, para kay adi lang sana.

7:07 P.M, March 10, DEAD ON ARRIVAL.

I gave up, hindi ko kinaya at heto ako ngayon nakatunganga as I watched adi crying and
screaming at the top of his lungs. Namatay ako sa isang car accident, on my way to surprise
him on our 7th Anniversary. He's adi, siya ang first love ko so he does to me too. Nagkakilala
kami when we were in college, I thought that was only a unserious relationship but naging
totoo naman pala ang pagmamahalan naming iyon. We both surpassed some challenges and
struggles in life which made our love stronger. Mahal na mahal ko si adi, hindi ko siya kayang
iwan.
"Mahal na mahal kita precy pero bakit? Why do you have to leave me?”. He uttered, crying
and screaming while holding my hands.
I can't marry him anymore, I'm so sorry adi, I can't keep my promise.
After a month of mourning, adi continued his life without me pero palagi nalang siyang
umiiyak, minsan pa nga naririnig ko nalang siyang sumisigaw mag-isa and say how much he
misses me. I missed you too adi. Nakatanaw nalang ako palagi sa kaniya, follow his every
move, follow him in his work, he is an engineer. Crying every night, I can't see him so
devastated because of me, ang sakit sa puso.”Nakakaramdam pa ako ng ganito, hindi pa
siguro ako patay”? Nice joke precy. I could still remember the time when we always spend
our night cuddling into each other, exchanging I love you’s. Paano na? Hindi ko kayang
nakikita na nagkakaganito siya because of me. I couldn’t stand seeing him always like crying,
begging that I have to come back. Dapat may gawin ako para bumalik ang dati niyang saya sa
mukha. I miss my adi smiling.
A year has passed at naging mas mabuti ang lagay ni adi. I’m glad actually but something is
suspicious on Adi with some girl. Her name is Ari. He is Adi’s colleague. The way they
interact, nakakaselos sa totoo lang. Ewan ko ba, basta may something nga sa kanila. Let’s
admit, well she's pretty pero mas maganda ako, hmp. Relax precy, He can't fall in love and
marry that Ari because I know adi loves me, ngayon pa na patay na ako. I guess I was wrong,
they ended up hanging out together, spending most of the time doing some fun. Ang bilis
naman, gusto kong magwala at sigawan si adi sa kaniyang harapan. Why adi? Ang daya mo
naman.
The truth is they’re official now, they ended up liking each other. Ako? Eto nagmumukmok, I
want adi to be happy but not on this way. Ang sakit kaya. Like your man is dating someone
new tapos naging witness pa ako sa love story nila. I want to be alive again, sana may
himalang mangyayari. I want to be with adi again, hindi ko hahayaang mahulog na talaga ang
loob niya sa Ari na iyon.
Binisita ni Adi ang lugar kung saan ako inilibing. Kahit paano ay naaalala pa talaga niya ako, I
thought nakalimutan na niya ako. He brought something special for me, it was my favorite
tulip. A red tulip actually. Kaya mahal na mahal ko si adi, he always bring out the best for me.
“Precy, I am here again. You know how much I love you diba?” saad niya. “Remember those
times precy, ang saya-saya pa natin noon. Noong college after class, palagi tayong kumakain
ng isaw na paborito mo, ang cute mo pa nga kumain hahahaha” nagawa pa ata akong pag
tripan ni adi kahit na patay na ako, parang tanga lang. “I loved you precy, Mag 2- years na
simula nung nawala ka sa akin, miss na miss na kita precy.” I missed you more adi.
Napatigil si adi sa pagsasalita nang may dumating na isang babae. Who is this kaya? Si
mama kaya ito?
“Ari!” sigaw ni adi and I saw him smiling like it’s his last.
Pati ba naman sa puntod ko narito siya? It can’t be, she already take away adi from me.
Wala ba siyang kahihiyan?
Ari sat beside Adi. Ang saya nila tingnan, ngayon ko lang nakita si Adi na sumaya ulit. “Uhm
hi precy, I’m Ari nga pala. I know how much you love adi so does me too.” What? Oo mahal
ko si Adi higit pa sa pagmamahal na meron ka sa kaniya. Kung sana naririnig lang nila ako.
“Precy, how are you na pala? it's been two years since you're gone, you know precy i really
missed you so much and from these past two years i suffered and cried all day and night. But
today i have finally moved on and accepted the fact that you're gone, pinilit kong tanggapin
na wala ka na sa aking piling” Adi please no…
“Precy, i just want you to know na I’m in a relationship and i want to introduce to you si Ari,
my new girlfriend, she's beautiful, kind and maalaga, intelligent just like you and precy, me
and Ari are now engaged. We love each other precy, yung mga goals at mga plano nating
dalawa, tutuparin ko yun sa kaniya. I’m sorry Precy pero i have to let go of you, I am now
happy with ari, masaya na ako sa kaniya. Even if you're gone, you still have space here in my
heart, I loved you precy” Ang sakit-sakit. Hindi ko inaasahan na ganoon nalang iyon. Why do
I have to suffer this pain until now?
Umihip ang napakalakas na hangin na parang pumapalibot ito sa akin. I wipped my tears
away when someone was standing beside me.
“Sino ka?!” saad ko na nagugulat. Siya ay isang babae na nasa mid-50s siguro. “Who are
you? Anong kailangan mo sa akin?”. Nakikita niya ako, may powers kaya siya?
“Baka ikaw ang may kailangan sa akin hija?” tumawa lamang siya. She’s crazy maybe. “You
can see me po?” tanong ko. “Oo hija and besides hindi rin nila ako nakikita” turo niya kina
Adi at Ari. “Buti pa kayo nakikita ako, Adi can’t even see me. I missed him so much at gusto
ko na siyang makasama”. I said in a verge of crying. Ayan na, naiiyak na naman ako. “Hija,
gusto mo bang mabuhay ulit?” she said. I looked up and answered yes. “Tutulungan kita hija
dahil naaawa ako sa iyo but you’ll have to answer me first. Yes or no?” Chance ko na ito, this
is my chance to be with Adi again.
Nakikita ko, Adi is happy with Ari. They are holding each others hands habang nakikipag-
usap sa puntod ko. “Ibabalik ko ang panahon noong buhay ka pa at nagdadrive to celebrate
your anniversary with him. So deal hija?” Napatingin ako kay ateng. Nagdadalawang isip.
Then back at it again, reminiscing those happy memories with him then now. Hindi, Ito na
ang tadhana ko. Kailangan ko nang tanggapin na hindi na talaga pwede at hindi ko na
mapipilit. I am dead and Adi deserve to be happy, not with me but in someone else’s arms.
“No…..huwag nalang ateng” I have to stand by my decision. “And why so hija? Diba you want
a happily ever after with your Adi?”. Does happy ever after exist?
“Kailangan ko nang tanggapin na ito ang itinadhana sa akin. Maybe I was an instrument to
make Adi happy for the meantime. Even if it hurts, kailangan kong panindigan itong desisyon
ko” I looked up and stared at Adi. That smile, sa wakas naibalik na rin. He is happy, really
happy.
“He is now happy, kung sa iba siya okay lang, at least masaya siya. He is getting better and
hindi naman ako yung taong hahadlangan yung kasiyahan niya” naiiyak na ako. “Best
decision hija, kaya mong isakripisyo yung chance na makasama mo siya para lang maging
masaya and to continue his life with someone new. Hays, wala na tayong magagawa riyan
hija, eto na ang kapalaran mo” Ateng pursed a smile for me.
Nagsimula nang tumayo at nagpaalam si Adi at Ari. “Una na kami precy, nice to meet you”
Ari smiled, afterall she’s nice.
“Precy, thank you, sa lahat” Ang sakit mo namang mahalin Adi pero kakayanin. Nagsimula
na silang maglakad papalayo sa puntod ko. I guess this is goodbye.
Muling sinilayan ni Adi ang puntod ko at tumingin sa direksyon ko. He smiled and walked
away with Ari. I have to go now adi, thank you rin for everything.
“Hanggang sa muli Adi, I loved you my Adi” I said as I closed my eyes.

You might also like