You are on page 1of 12

M G A P A M B A N S A N G

B A Y A N I A T M G A
M A K A S A Y S A Y A N G
L U G A R S A P I L I P I N A S
NI IOANNA SHANE
RAMISCAL
ANG PINAKADAKILANG ANAK NG PILIPINAS AY SI
DR. JOSE RIZAL. SIYA AY ISINILANG NOONG
IKA-19 NG HUNYO, 1861, SA KALAMBA, LAGUNA.
AN UNANG GURO NI DR. JOSE RIZAL AY ANG
KANYANG INA, SI TEODORA ALONZO. NAG-ARAL
SIYA SA BINAN, LAGUNA AT NAGPATULOY SA
MAYNILA. TUMUNGO SIYA SA EUROPA UPANG
IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL NG MEDISINA.
NARATING NIYA ANG MARAMING BAYAN. MARAMING
WIKA ANG KANYANG NATUTUHAN. MARUNONG SIYA
NG KASTILA, INGLES, PRANSES, ALEMAN,
ITALYANO, PORTUGES, OLANDES, LATIN, GRIYEGO,
ARABE, INTSIK, RUSO, SUWISO, NIPPONGO, AT
IBA PA. DAHIL SA KANYANG PAGMAMAHAL SA
SARILING BAYAN AY NAG-ARAL SIYANG MABUTI.
INIHANDOG NIYA SA BAYAN ANG KANYANG BUHAY.
NAGBUBUKANG-LIWAYWAY NOONG UMAGA, IKA-30 NG
DISEYEMBRE, 1896, NANG SI DR. RIZAL AY
BARILIN SA BAGUMBAYAN (LUNETA) NA NGAYON AY
ROXAS BOULEVARD.
SI ANDRES BONIFACIO ANG TAGAPAGTATAG NG
KATIPUNAN AT ITINUTURING NA “AMA NG
HIMAGSIKANG FILIPINO.” TINATAWAG SIYÁNG
“SUPREMO NG KATIPUNAN” AT “HARING
TAGALOG” DAHIL NAGING PANGULO NG
KAPISANANG MAPANGHIMAGSIK. ISINILANG
SIYÁ NOONG 30 NOBYEMBRE 1863 SA TONDO,
MAYNILA AT PANGANAY SA ANIM NA ANAK
NINA SANTIAGO BONIFACIO, ISANG SASTRE,
AT CATALINA DE CASTRO. MGA KAPATID
NIYANG LALAKI SINA CIRIACO, PROCOPIO,
AT TROADIO AT MGA KAPATID NA BABAE SINA
ESPIRIDIONA AT MAXIMA. ITINATAG NIYA
ANG MAPANGHIMAGSIK NA KATAAS-TAASANG
KAGALANG-GALANG NA KATIPUNAN NG MGA
ANAK NG BAYAN O KKK NOONG 7 HULYO 1892.
BUNGA ITO NG KABIGUAN NG MAPAYAPANG
KAMPANYA PARA SA REPORMA NG LA
SOLIDARIDAD AT NG NAGANAP NA PAG- DAKIP
AT PAGPAPATAPON KAY RIZAL SA DAPITAN.
ANG LIHIM NA KAPISANAN AY LUMAGO NA SA
KAMAYNILAAN AT IBANG MGA LALAWIGAN BAGO
NATUKLASAN AT SUMIKLAB ANG HIMAGSIKANG
FILIPINO NOONG AGOSTO 1896.
"JOAN OF ARC OF ILOCANDIA"
IPINANGANAK SI GABRIELA SILANG NOONG
IKA-19 NG MARSO, 1731, SA CANIOGAN,
SANTA, ILOCOS SUR. SIYA AY ANG
ASAWA NG ISANG BAYANI NG PILIPINAS,
SI DIEGO SILANG. LINIBERATE NI
DIEGO SILANG ANG ILOCOS SA KATIMPIAN
NG CASTILLA. PERO, NAPATAY SI DIEGO
SILANG NOONG 1763. PAGKATAPOS NG
KAMATAYAN NIYA, NAGING PINUNO NG MGA
PILIPINO SI GABRIELA SILANG. SIYA AY
ANG IKAISANG FILIPINA NA NAGING
PINUNO NG MGA KAWAL. TINULOY NIYA
ANG LABAN SA ILOCOS. MATAPANG SIYA
AT MALAKAS SIYA SA LABAN NG
PILIPINAS AT CASTILLA. KASAKAY
SIYA NG KABAYO. NOONG 1763, NAHULI
SIYA AT ANG MGA KASAMA NIYA.
PINATAY NG MGA TAGA-CASTILLA SILA.
PERO, NAGING HALIMBAWA SI GABRIELA
NG KATAPANGAN NG MGA LOOB NG MGA
BABAE SA PILIPINAS.
BINANSAGANG “TANDANG SORA” SI MELCHORA
AQUINO BÍLANG PAGKILÁLA SA KANIYANG
PAGLILINGKOD AT PAGKAKANLONG SA MGA
KABABAYAN NOONG HIMAGSIKANG 1896 KAHIT NA
SIYÁ AY NÁSA KATANDAANG GULANG NA.
ITINUTURING SIYÁNG “INA NG REBOLUSYONG
FILIPINO,” “INA NG KATIPUNAN,” AT “INA NG
BALINTAWAK.” NANG SUMIKLAB ANG REBOLUSYON
LABAN SA MGA ESPAÑOL NOONG 1896 AY 84
TAÓNG GULANG NA SI AQUINO. NGUNIT HINDI
NAGING SAGABAL ANG KANIYANG EDAD UPANG
MAKAPAGLINGKOD SA MGA KATIPUNERO. NAGING
KANLUNGAN NG MGA HAPO AT SUGATANG
MANDIRIGMANG FILIPINO ANG KANIYANG
TAHANAN AT MUNTING TINDAHAN, NA GINAGAMIT
DING LIHIM NA PULUNGAN NG MGA ITO.
NANGANGALAP DIN SIYÁ NG MGA DAMIT AT
GAMOT PARA SA KANILA. NASAKSIHAN NIYÁ AT
NG KANIYANG ANAK NA SI JUAN RAMOS ANG
PAGPUNIT NG MGA SEDULA SA UNANG SIGAW.
“UTAK NG HIMAGSIKANG FILIPINO” AT
“DAKILANG LUMPO” DAHIL SA KANIYANG MGA
AKDA AT NAGING MAHALAGANG TUNGKULIN NOONG
PANAHON NG HIMAGSIKANG FILIPINO. ISINILANG
SIYÁ NOONG 23 HULYO 1864 SA TALAGA,
TANAUAN, BATANGAS. IKALAWA SIYÁ SA WALONG
ANAK NINA INOCENCIO MABINI, ISANG
MARALITA, AT DIONISIA MARANAN, ISANG
TINDERA SA PALENGKE. SUMAPI SIYÁ SA LA
LIGA FILIPINA AT NAGING AKTIBO SA KILUSANG
PROPAGANDA. NANG ITATAG ANG KATIPUNAN,
HINDI SIYA SUMALI DITO. NAGKASAKIT SIYÁ AT
NAGING LUMPO MAKARAAN ANG DALAWANG TAON.
SA PAGSIKLAB NG HIMAGSIKANG 1896,
PINAGHINALAAN SIYÁNG KATIPUNERO NG MGA
ESPAÑOL AT DINAKIP. DAHIL MAYSAKIT, HINDI
SIYÁ IBINILANGGO KUNDI IPINADALA SA
OSPITAL NG SAN JUAN DE DIOS AT NANATILI
ROON HANGGANG MABIGYAN NG AMNESTIYA.
NAKITA NIYA PAGKARAAN ANG KABULUHAN NG
LAYUNIN NG KATIPUNAN NA IBAGSAK ANG
PAMAHALAANG ESPAÑOL.
ANG ORIHINAL NA PANGALAN NG FORT SANTIAGO AY FUERZA SANTIAGO, ISANG TANGGULANG MOOG NA
SINIMULANG ITAYÔ NOONG 1590 AT NATAPOS NOONG 1739 SA DATING LUGAR NA KINALALAGYAN NG
MATANDANG MAYNILAD NA MATATAGPUAN SA BUNGANGA NG ILOG PASIG. BAHAGI ITO NG MGA
ESTRUKTURANG BUMUBUO SA SIYUDAD NG INTRAMUROS, ANG ITINUTURING NA “LUNGSOD MAYNILA”
NOONG PANAHON NG MGA ESPAÑOL. SA PANAHON NG KOLONISASYON, ITO ANG NAGSILBING PANGUNAHING
TANGGULANG MOOG NG GOBYERNONG ESPAÑOL. GINAWA DIN ITONG BILANGGUAN. DITO IKINULONG AT
GINUGOL NI JOSE RIZAL, ANG PAMBANSANG BAYANI, ANG KANIYANG MGA HULÍNG ARAW BAGO SIYÁ
BITAYIN NOONG 30 DISYEMBRE 1896. MULA SA KANYANG SELDA, SINULAT NIYA ANG KANIYANG HULÍNG
TULA NA ULTIMO ADIOS.
ANG MAGELLAN’S CROSS AY ANG PINAKATAMPOK SA MGA MAKASAYSAYANG POOK SA LUNGSOD CEBU NA SUGBU
PA ANG KATAWAGAN NOONG DUMATING ANG GRUPO NG MANUNUKLAS AT NABIGADOR NA PORTUGES NA SI
FERNAO MAGALHAES (FERNANDO MAGALLANES SA KASTILA) O HIGIT NA KILALA BILANG SI FERDINAND
MAGELLAN. NOONG ABRIL 21, 1521 AY NAGPABINYAG ANG BAGONG KAIBIGAN NI MAGELLAN NA SI RAJAH
HUMABON, ANG KANYANG ASAWA AT HIGIT SA 300 NA MANDIRIGMA NG RAJAH KAY PADRE PEDRO
VALDERAMA.
ITO AY MATATAGPUAN SA LUNGSOD NG QUEZON. DITO NAGANAP ANG MAKASAYSAYAN SIGAW SA PUGAD LAWIN
NOONG IKA-23 AGOSTO 1896. DITO DIN INPINAHAYAG NG KATIPUNAN ANG SIMULA NG PAKIKIPAGLABAN SA
MGA KASTILA UPANG MAKAMIT ANG KALAYAAN NG ATING BANSA. DITO PINUNIT NG MGA KATIPUNERO, SA
PAMUMUNO NI ANDRES BONIFACIO ANG KANILAG MGA SEDULA.

SA POOK NA ITO BINARIL SI JOSÉ RIZAL NOONG DISYEMBRE 30, 1896. ANG PAGKAMARTIR NI RIZAL ANG
DAHILAN NG KANIYANG PAGIGING BAYANI NG HIMAGSIKANG PILIPINO, BAGKUS, IPINANGALAN SA KANYA ANG
LIWASAN PARA IKARANGAL ANG KANYANG PAGKABAYANI. PINALITAN NG OPISYAL NA PANGALANG LIWASANG
RIZAL ANG PARKE BILANG PARANGAL KAY RIZAL. NAGSISILBI RING PUNTO NG ORIHEN O KILOMETRO KUPONG
PATUNGO SA LAHAT NG IBANG MGA KALUNSURAN SA PILIPINAS ANG MONUMENTO NI RIZAL.
ANG SIMBAHANG PAOAY AY MATATAGPUAN SA BAYAN NG PAOAY, ILOCOS NORTE. ISA ITO SA APAT NA
SIMBAHANG BAROQUE NG FILIPINAS NA NAPABILANG SA TALAAN NG PAMANANG PANDAIGDIG NG UNESCO NOONG
1993 DAHIL SA “PAMBIHIRANG ESTILONG PANG-ARKITEKTURA NA HALIMBAWA NG PAG-AANGKOP NG EUROPEONG
BAROQUE SA FILIPINAS NG MGA ARTESANONG INTSIK AT FILIPINO. HIGIT 300 TAON NA ANG SIMBAHAN
MULA NG ITINAYO ITO NOONG 1710. SIKAT ANG SIMBAHAN SA NATATANGING ARKITEKTURA NA NA-HIGHLIGHT
NG MGA NAPAKALAKING BUTTRESSES SA MGA GILID AT LIKOD NG GUSALI. ANG MGA DINGDING NITO AY GAWA
SA MALALAKING CORAL NA BATO SA IBABANG BAHAGI AT MGA TISA SA ITAAS NA ANTAS.

You might also like