You are on page 1of 3

SARAH JANE FERRER HIGH SCHOOL

Guinacutan, Vinzons, CamarinesNorte

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao GRADE X

Name: _______________________________________________Yr. & Sec.: ______________________ Date: ____________


I. TUKUYIN ANG MGA SUMUSUNOD. PILIIN ANG SAGOT MULA SA KAHON. ISULAT ITO SA PATLANG BAGO ANG
BILANG.
persona indibidwal imahinasyon
pagmamahal personalidad makaunawa
ens amans memorya maghusga
instinct
__________________________1. Ito ay tumutukoy sa pagkamit ng tao sa kanyang kabuuan.
__________________________2. Ito ay galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may halaga.
__________________________3. Tinutukoy nito ang kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas.
__________________________4. Ito ay ang pagkilos ng tama tungo sa layuning magmahal.
__________________________5. Tinutukoy nito ang yugto ng paglikha ng pagka-sino ng tao kung saan dumadaan sya sa
proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.
__________________________6. Ito ay isang proyekto na bubuuin habang nabubuhay ang tao.
__________________________7. Tinutukoy nito ang kakayahan ng tao na lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin
ito.
__________________________8. Ang tao, lalo na ang babae, ay may kakayahang maramdaman ang isang karanasan na hindi
dumadaan sa katwiran.
__________________________9. Naiiba ang tao sa hayop dahil may kakayahan syang mangatwiran sa isang sitwasyon.
__________________________10. Pinapakita nito na ang tao ay may kakayahang makakuha ng buod ng karanasan.

II. PILIIN ANG TITIK NG SAGOT AT ISULAT ITO SA PATLANG BAGO ANG BILANG.
__________11. Ang mga sumusunod ay tatlong yugto ng paglikha ng pagka-sino ng tao, MALIBAN sa:
a. indibidwal b. persona c. personalidad d. pagpapasya
__________12. Ito ay tumutukoy sa pagiging hiwalay ng isang tao sa ibang tao.
a. pagpapasya b. personalidad c. indibidwal d. person
__________13. Ang yugtong ito ng pagka-sino ng tao ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na sya.
a. personalidad b. persona c. pagpapasaya d. indibidwal
__________14. Ito ang yugto ng pagka-sino kung saan ay nakamit na ng tao ang kanyang kabuuan, ang resulta ng
pagpupunyagi sa pagbuo ng kanyang pagka-sino.
a. personalidad b. persona c. pagpapasya d. indibidwal
__________15. Sa kanyang murang edad, nagpamalas sya ng pagiging personalidad. Tumanggap sya ng International
Children’s Peace Prize bilang pagkilala sa mga kabataang nagpakita ng bukod tanging paggawa.
a. Cris Valdez b. Lea Salonga c. Mother Theresa d. Aiza Seguerra
__________16. Siya ay isang magsasaka sa Jones Isabela na nagpamalas ng personalidad. Tinuruan nya ang kapwa
magsasaka ng iba’t ibang estratehiya at makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
a. Mother Theresa b. Roger Salvador c. Cris Valdez d. Kesz Valdez
__________17. Sa kanyang pagninilay, narinig nya ang tawag ng paglilingkod na tulungan ang mga batang napabayaan,
mga taong hindi minahal, at mga maysakit na hindi naaalagaan.
a. Roger Salvador b. Mother Theresa c. Kesz Valdez d. Cris Valdez
__________18. Ang ens amans ay salitang latin na ang ibig sabihin ay:
a. may kakayahang magbuod ng mga umiiral c. indibidwal
b. personalidad d. umiiral na nagmamahal
__________19. Aling yugto ng ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kanyang kabuuan, kaya hindi sya
naiimpluwensyahan ng nakararai dahil sa kanyang matibay na paninindigan?
a. persona b. pame-meron c. personalidad d. indibidwal
__________20. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kanyang misyon sa buhay na syang magiging daan
tungo sa kanyang kaligayahan?
a. mga pangarap at mithiin c. mga talent at kakayahan
b. mga katangian ng pagpapakatao d. kasipagan at katapatan
__________21. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
a. mag-isip b. makaunawa c. maghusga d. mangatwiran
__________22. “Ang katotohanan ay tahanan ng mga katoto”, ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
a. ang katotohanan ay masusumpunang sa loob ng tahanan.
b. ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
c. may kasama ako na makakita sa katotohanan.
d. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.
__________23. Ano ang nagutulak sa tao na maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. kakayahang mag-abstraksyon b. kamalayan sa sarili c. pagmamalasakit d. pagmamahal
__________24. Ang mga sumusunod ay pagkakapareho ng hayop sa tao, MALIBAN sa:
a. pandama b. pag-unawa c. pagkagusto d. paggalaw
__________25. Ano ang tawag sa kakayahan ng tao na magkaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-
uunawa?
a. memorya b. imahinasyon c. kamalayan d. instinct
__________26. Sino ang may pilosopiya na ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan?
a. St. Andrew de Aquinas b. St. Anthony de Aquinas c. St. Tomas de Aquinas d. St. Tomas Aquiani
__________27. Anong kalikasan ng tao ang tumutukoy sa panlabas na pandama?
a. materyal b. ispiritwal c. sosyal d. mental
__________28. Ibinibigay nito ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-loob.
a. kamalayan b. isip c. kilos-loob d. instinct
__________29. Ano ang kakayahan ng kilos-loob?
a. Kaya nitong magbuod ng mga pangyayari. c. Kaya nitong maghusga sa mga pangyayari.
b. Kaya nitong umasa lamang sa isip. d. Lahat ng nabanggit
__________30. Ano ang tawag sa kakayahan ng tao na maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumaan sa katwiran?
a. kamalayan b. memorya c. imahinasyon d. instinct
__________31. Alin ang HINDI tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “madaling maging tao,
mahirap magpakatao”?
a. may isip at kilos-loob ang tao c. tapat ang tao sa misyon
b. may kamalayan sya sa kanyang pagtungo sa kanyang kaganapan d. may konsensya ang tao
__________32. Alin ang HINDI tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “madaling maging tao,
mahirap magpakatao”?
a. ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kanyang kapwa tao
b. ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa mga magkapatid na kambal kung maharap sa parehong sitwasyon
c. nililikha na sa kanyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kanya habang sya ay nagkakaedad.
d. may kakayahan ang tao na itakda ang kanyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan
__________33. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod tangi sa lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na syang magokupa ng espasyong hiwalay sa
ibang sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at pagpapahalaga ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kanyang kapwa dahil sya ang lumilikha ng kanyang pagka-sino.
__________34. Ano ang kahulugan ng pangungusap?: “Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo
sa pagiging ganap sya.”
a. Nililikha ng tao ang kanyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap.
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao.
d. Nagiging ganap ang tao dahil sa kanyang pagpupunyagi.
__________35. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng HINDI pa ganap na personalidad?
a. Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
b. Naitaas ni Kap. Roger ang antas ng kabuhayan ng kanyang pamilya at kapwa magsasaka.
c. Naging instrument ang mga paintings ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng kahirapan at kawalan
ng katarungan sa bansa.
__________36. “May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang kakayahang
magmuni-muni, alam ng tao na alam nya o hindi nya alam. Nagiging mundo ang kanyang kapaligiran dahil sa
kakayahan nyang pagisipan ang kanyang sarili.” Ano ang buod ng talata?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili c. maraming magagawa ang isip ng tao
b. alam ng tao ang lahat ng may kaugnayan sa kanya d. nalalaman ng tao ang hindi nya alam sa pagmumuni
__________37. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging personalidad?
a. Nagpapakita ang tao ng pagkamit ng kanyang kabuuan, kaya hindi na sya naiimpluwensyahan ng pananaw ng
nakararami dahl sa kanyang matibay na paninindigan.
b. Nang isinilang ang tao sa mundo, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyo na hiwalay sa ibang sanggol.
c. Dahil sa kamalayan at kalayaan ng tao, nasa kanyang kamay ang pagbuo nya ng kanyang pagka-sino.
__________38. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap?
Noong nakita ni Buddha ang apat na lalaki – isang matanda, may ketong, bangkay at pulubi, nakabuo sya
ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa.
a. May kamalayan sa sarili c. may kakayahang kumuha ng esensya ng umiiral
b. umiiral na nagmamahal d. tumutugon sa tawag ng paglilingkod

Para sa bilang 39 at 40
Habang nagri-research si Ana, biglang nagchat si Arnold sa kanya. Inaaya sya nitong magdate sa Linggo.
Matagal nang may pagtingin si Ana kay Arnold. Subalit alam nya na kasintahan ito ng kanyang kamag-aral.
Kahit kinikilig si Ana sa paanyaya ni Arnold, hindi nya ito pinansin at nagpasya siyang i-block ito sa messenger.
__________39. Bakit kaya ni Ana na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili c. may kakayahan ang taong mangatwiran
b. Malaya ang tao na pumili o hindi pumili d. may kakayahan ang taong mag-abstraksyon
__________40. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang
desisyon.
b. ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan nyang
gawin.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang karelasyon upang maiwasan ang makasakit ng
kapwa.
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.
__________41. “Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-loob.”
Ano ang kahulugan nito?
a. walang sariling paninindigan ang kilos-loob
b. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
c. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
d. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito
__________42. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksyon sa pandama
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid nito.
__________43. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig
sabihin nito?
a. ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito
b. ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
c. may kasama ako na makakita sa katotohanan
d. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
__________44. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon, nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa
tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
__________45. Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang
kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o amoy sa kanyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kanyang
buhay. Mula sa mga pahayag, para saan ang kakayahang ito ng hayop?
a. kailangang Makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
b. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili
c. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
d. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

III. SAGUTIN ANG MGA TANONG.

A. PAANO NAKAKATULONG SA TAO ANG MGA KATANGIAN NG PAGPAPAKATAO UPANG


MAGAMPANAN
NYA ANG KANYANG MISYON SA BUHAY? (3 pts.

B. PAANO DAPAT GINAGAMIT ANG ISIP AT KILOS – LOOB? (2 pts.)

You might also like