You are on page 1of 5

ALAMAT Ang Puso ng mga Dalaga

(Alamat mula sa Bicol)

Noong unang panahong wala pa ang mundo at isa lamang ang planeta – ang buwan.  Sa
planetang ito dalawang lahi ng tao ang nakatira, ang taong puti at ang taong itim.  Ang mga puti
ang Panginoon at iyong mga itim ang utusan.  Ang mga puti ay magaganda: maputi ang kulay ng
balat at ang buhok ay kulay ginto. Nakatira sila sa lunsod.  Ang mga utusan ay sa kuweba ng
kagubatan nakatira.  Sila’y maliliit at maiitim na tao.  Sila ang tagapag-alaga ng maganda at
malaking hardin.  May iba-ibang mababangong bulaklak at masasarap na bungangkahoy sa
halamanan.

Ang mga taga-buwan ay may kaugalian na bigyan ng salu-salo ang mga dalaga.  Taon-taon,
pagdating ng mga dalaga sa edad na labingwalong taon, tinatawag at iniipon sila roon sa hardin.
Ito’y kung kabilugan ng buwan sa Mayo.  Sila ay tumutugtog, kumakanta, sumasayaw hanggang
sa umumaga.  Ang buong bayan ay masaya.  Isang araw na hindi inaasahan, lumindol nang
malakas sa buwan.  Nabiyak ang planeta at ang hardin ay nawala.  Ang mga utusan ay nakasama
sa kalahating nabiyak.  Sa tagal ng panahon, nalaman ng mga matatalinong tao sa buwan na ang
iyong kabiyak ng planeta ay lulutang-lutang sa ibang lugar.  Tinawag nila ito ng lupa – na ang
ibig sabihin, Kabiyak ng buwan.  Hindi nagtagal, naisip ng mga taga-buwan na dalawin  ang
lupa.  Nakita nila na iyong magandang hardin ay naroon sa lupa at mabuti ang kalagayan.
Madali itong puntahan kung iibigin.  Kaya sila’y nagbalak na dumalaw sa lupa sa pagbibilog ng
buwan.

Pagdating ng Mayo nagsipunta ang mga dalaga sa lupa.  Itinaon nila sa pista ng Mayo.
Pagkatapos na magawa ang dating kaugalian bumalik sila sa buwan na walang anumang
masamang nangyari.  Mula noon sila ay dumadalaw sa lupa taun-taon pagbibilog ng buwan sa
gabi.  Hindi nila alam na may mga buhay na tao sa lupa, na kalahati ng kanilang buwan.

Nakikita ng mga tao sa gubat ang pagdalaw ng mga taga-buwan.  Malaking pagtataka para sa
kanila iyong mga kasayahan ng taga-buwan.  Sabi ng isang matandang taga-gubat:  Taun-taon
pagbilog ng buwan kung Mayo nagsisipunta rito sa lupa ang mga engkanto.  Naisipan ng mga
binatang taga-lupa na abangan ang pagbabalik na muli ng mga engkanto.

Dumating ang Mayo.  Handa ang mga taga-lupa sa pagbibilog ng buwan, hapon pa lamang,
nagsipunta sila sa gubat at nakita nila sa malawak na kapatagan ang pagbasa ng mga taga-buwan.

Ang mga taga-buwan ay handa rin sa pagpunta sa lupa.  Nang sumikat ang buwan, ito’y parang
gintong bola.  Nang malapit nang bumaba sa lupa ang mga taga-buwan, umugong ang hangin.
Parang sila na iyan, sabi ng isang nagbabantay.  Mayamaya, narinig ang tugtog ng musika at
mga tining ng kumakanta.  Ayan na, sabi nila.  Pagdating nila sa langit nakita nilang lumilipad sa
harap ng hardin ang mga dalaga na kasimputi ng gatas ang mga damit at nakalugay ang buhok na
parang gintong sinulid.
Tuloy ang tugtog ng musika habang dahan-dahang naglilibot pababa ang mga dalaga. Isa-isa
silang bumaba sa lupa at pinaligiran ang isang puno na nasa gitna ng hardin.  Nang nasa lupa na
ang lahat ng dalaga, sila ay sumayaw at kumanta sa paligid ng punong kahoy.  Ang musikang
galing sa langit ay hindi humihinto.

Tumigil sila sa pagsasayaw at isa-isang lumapit sa punongkahoy.  Mayroon silang kinuha sa


dibdib at ito’y isinabit sa mga sanga ng kahoy.  Pagkatapos nito, itinuloy nila ang sayaw.
Mahuhusay silang kumilos na parang mga puting alapaap na lumilipad sa ibabaw ng sodang
alpombra.  Mag-umaga na, huminto sila at pumunta sa sapa na ang tubig ay parang pilak at doon
sila naligo.  Samantala ang mga taga-gubat naman ay tumakbo palapit sa kahoy at kinuha ang
isinabit doon ng mga dalaga at nagtago silang muli.

Pag-ahon ng mga dalaga sa sapa, sila ay masasaya.  Ngunit nang kukunin na nila iyon mga
isinabit nila sa puno hindi na nila ito makita.  Hinanap nila sa paligid pero wala rin.

Ninakaw! Ninakaw! ang kanilang sigaw.  Mamamatay tayo dahil wala ang mga puso natin.  Ang
kanilang iyak at ang mga panambitan ay narinig ng mga nagnakaw.  Isauli natin, sinabi noon
mga naawa.  Kawawa naman, sabi ng isa.  Kailangan pabayaran natin, pahayag ng iba.  Lumapit
ang isang binata sa mga baba at nagtanong.  Ano ang nangyari sa inyo?  Ninakaw ang aming
puso na iniwan naming sa punong itong, ang sagot ng isang babae.  Ano? Puso ninyo, iniwan
ninyo sa puno? ang tanong ng lalaki.  Oo, dahil kung kami ay naglalakbay sa malayong lugar,
inilalabas naming ang puso upang hindi naming makalimutan ang oras.  Mga duwende ang
kumuha ng puso ninyo, tugon ng lalaki.  Maawa kayo sa amin.  Tulungan ninyo kami, ang
pagmamakaawa ng mga babae.

Hintay kayo. . . hahanapin ko ang mga duwende. . . . babalik ako kaagad, sabi ng lalaki.

Nag-usap-usap ang mga taga-kuweba.  Sabi nila:  Kung ang mga babae ay papayag na tumira sa
lupa ng isang taon, ibibigay natin ang mga kinuha natin.  May mga sumang-ayon:  Mabuting
kaisipan iyan, ang sabi naman ng iba.

Bumalik ang lalaki sa kinaroroonan ng mga babae.  Naroon sa mga duwende ang mga puso
ninyo.  Kaya lang, isasauli daw nila sa inyo kung kayo ay payag na tumira dito sa amin sa loob
ng isang taon.  Mabuti pa ang mamatay kaysa tumirang buhay dito, sabi ng isang babae.  Dapat
sumang-ayon tayo sa kanilang hinihingi,  tugon ng isa, ito ang ating kapalaran.  Ang isang taon
ay katapusan.

Lumabas ang mga lalaki na dala ang mga kinuha nilang mga puso.  Isa-isang ibinalik nila ito sa
mga babae, at bawat isang babae naman ay natutwang kinuha ang kanilang puso at ipinasok sa
kanilang dibdib.

Masaya ang mga taga-Lupa dahil ang bawat isa sa kanila ay may makakasamang isang dalaga.
Dinala nila ang mga babae sa kuweba ngunit nagreklamo ang mga ito.  Mamamatay kami kapag
tumira dito sa kuweba.  Kaya sa mga bahay sila nanirahan, masaya ang buhay nila.  Dumaan ang
mga araw.  Mabilis ang takbo ng panahon; dumating at lumipas ang mga buwan.  Hindi
maglalaon at darating na ang buwan ng Mayo, sabi ng mga babae sa mga lalaki.  Pagdating ng
Mayo, sa pagbibilog ng buwan, dadalawin natin ang punong sinabitan naming ng mga puso
naming noong isang taon.  Pumayag ang mga lalaki bilang alaala ng mapalad na taon nila.
Noong gabing iyon nang magbilog ang buwan, nagsama-sama sila sa pagdalaw sa puno. Nang
sila’y papalapit na sa punong kahoy nakita ng mga lalaki ang mga gintong bungang nakasabit sa
mga sanga. Ano iyan? ang tanong ng mga lalaki.  Iyan ang mga bungang kahoy sa buwan, sagot
ng mga babae.

Tinalupan nilosong bunga at pinatikman sa mga lalaki.  Matamis! Masarap! sabi ng mga lalaki.

Habang sinisipsip ng mga lalaki ang tamis ng mangga, isang malakas na ragasa ng hangin ang
kanilang narining.  Nang itaas ang kanilang mga mata, wala na ang mga babae.

Dinakot sila ng hangin at nawalan parang usok.  Ang buto ng mangga ang naiwan sa kanila –
alaala ng mga dalaga.

(Salin ni Ms. Lilia F. Realubit)

TULA

raquezha Jun 2020


Gasera
Saro-sarong nawará' 
an gámit sa palígid ko 
nagpu'ón sa símpleng kaláyo, 
an asó nagbabáyle sa la'óg kan kuárto
mántang ako nakatúkaw
asín hinahapót an sadíri -
"Hanggang sáin mákakáabót an abó pag naglupád pasíring saímo?"

An katanglikásan kan háwak ko,


an pagtunínong kan ísip ko,
asin an pagbása mo kainíng namamátian ko - 
Iyó an pagtángis kan kublít ko, 
an padágos na pagtúnaw kan gabós sakó' 
an padágos na ngírit kan demónio 
na nagtatágo' sa likód kan kaláyo.

Nalingáwan ko, 
iyó palán iní an báyad kan nakipagdigma ako ki Satanas
huríng aldáw, Domínggo, sa iraróm kan higdá'an ko.

Asín sa huríng paghángos kan sakóng plúma,


gústo kóng isúrat an sakóng namamatí'an.
Ta iyó iní an sábi kan mga aniningál 
na padágos na kinákakán an ísip ko.

Iyó man iyán an sábi kan gasera sa gílid ko.


- March 18, 2018

LAKBAY SANAYSAY:
ALBAY
Inihanda ni: Michaela Lorenz Amata

  Nakapunta kana sa albay? Kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamalaki at


magandang hugis sa buong mundo, Ang ipinagmamalaki ng mga albaeños ang bulkang
mayon. Tara samahan niyo ako tuklasin ang iba pang kagandahan meron sa albay.
Una, nating pupuntahan ang malalaking letra ang Mayon Skyline, dito mo
makikita ang kabuohan ang mayon volcano na pinalilibutan ng mga ulap at kagubatan
at may pinakita rin sila ng history tungkol sa Mayon kung kailan ito una at huling
sumabog.
Sunod naman ang huyop-huyopan cave, kung saan makikita ang iba’t ibang rock
formation o hugis ng mga bato at paano ito naging isang kweba.

          At ang huli nating pupuntahan ay ang kawa-kawa, ito ay may matirik ang daan,
pero “worth it” naman kasi pagnaabot mo na ang tuktok nito dito mo makikita kung
gaano kagada pagmasdan ang paglubog ng araw at ang pinaka magandang hugis ng
mayon at maaari ka rin ditong mamasyal dahil madaming souvenirs ang maaari mong
bilhin.
Ito’y isa lamang sa magagandang pasyalan dito sa albay, hanggang sa susunod
paalam.

You might also like