You are on page 1of 105

ISTENO FILIPINO BOOK 1

TRANSCRIPTIONS
ISTENONG FILIPINO
UNANG AKLAT
LATHALA NINA:
FULCIDA A. ELIGADO
LOIDA A. YACAT

ITRINANSLATE SA LONGHAND NI:


JULIE B. OBEDOZA , BSOA
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
UNANG YUGTO
ARALING 1
PAGSASANAY SA PAGBASA
1. Angkin ni Inang ang ganda ng isang
Pilipina.
2. Ang ama at ina ni nena ay may mina
ng ginto.
3. Mangga at mangga ang ani nina Amy.
Si Ima ay ina na.
4. Si Ana at Amy ang napili ni Manny.
5. Anim ang anak nina amang at inang.
6. Ang ninang ba ni Nene ang ima?
7. Ang inam ng amin sa mga bata.
8. Ang ineng na ito ay angkan ng
marurunong.
9. “Iwasan ang anggi , “anang ina.
10. Inin na ang sinaing ni Nene.
11. Anim na mangga ang kinain nina Mini.
ARALING 2
PAGSASANAY SA PAGBASA
1. Ang bangka ay paspas. Una ang
bangka nina Nene. Si Nena ba ang
kampay ng kampay?
2. Bagay si Isang na musa. Bukas musa
si Isang sa Pasay. Si inang ay
sasama. Aagapay si Sisa.
3. Makina ang pakay ni Sisa kay Ana.
Ang makina ay nasa nanay ni Ana.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
4. Basag na ang banga ni inang. Mana
pa naman. Nasagi kasi ng pusa.
5. May kanin sa mesa. Nasa mesa ang
pusa.
6. Ang nanay ay may ubas na abaka.
Ang ubas na abaka ay sa ninang pa ni
Nena.
7. Maga ang kamay ni Gani.
8. Ang basbas ng ama sa anak ay
mabisa. Sabi ni inang kay inam ng
may basbas ng ama.
9. Ang aga ng ani nina Mina sa Naga.
Mga mangga ang ani.
10. Ang aga ni ama sa sapa. Sasama pa
naman si Manny.

ARALING 3
PAGSASANAY SA PAGBASA
1. Ina ni Lita ang amo ni Nita. Si nita ay
kasama nina Sisa.
2. Sa bangko ang pasok ni Rosa. Si
Rosa ay teler sa bangko.Mahusay at
magaling si Rosa.
3. Akin at kay Fe ang malaking bahagi ng
pera. Sa ani ni ama galing ang pera.
4. Animo unano ang nuno ni Lita sa dako
roon. Matikas pala!.
5. Sa pasko ang may alay ako kay Ina.
Tela, bag, at pera ang alay ko. Kay
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Nena naman ay pera at kay Nene ay
sapatos.
6. Ikuha mo ako ng ubas sa Cebu.Iba
ang ubas sa Cebu. Malalaki at
makakatas.
7. Dadalo sa kasal ko si Lerma. Mga
baso ang alay nina Lerma. Gabi ang
piging.
8. Hipon at karne ang nasa hapag.
Kulang na lang ng kanin.
9. Ang bunga ng mangga nina Lisa ay
malalaki. Bukas ang ani.
10. Ang bango ng langka na ani nina Lita.
11. Matangkad ang ama ni Nilo. Mana si
Nilo sa ama.
12. Matibay ang abaka. Ang abaka ay
gamit na lubid sa mga bagay.
13. Malalakas ang mga batang laki sa
prutas at gulay tulad ng mga upo,
patola kalabasa, atis, mangga, at
saging.
14. Ang ina ni inang sanay na may
nganga at bunga. Matibay ang ngipin
ng ina ni inang.
ay sanay na may nganga at bunga.
Matibay ang mga ngipin ng ina ni inang.
15. Kay asim ng suka na galing sa sasa.
Masarap ilagay sa ulam ang suka na
galing sa sasa.
ARALING 4
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
PAGSASANAY SA PAGBASA
1. Ako ay may notebook. Galing ito kay
Ginoong Luz. Gamit ko ito sa aming
klase. Ikaw ba ay mayroon na?
2. Si Neneng ay basa ng basa ng aklat.
Masipag si Neneng. Marunong sa
klase. Mataas ang grado ni Neneng.
3. Ako ay aalis ngayon. Dala ko ang mg
papeles. Sasakay ako sa tren. May
meeting ako sa Apari at isasama ko si
Lerma.
4. Ang grado ng kalihim na galing sa akin
ay kay Ginang Dans. Si Ginang Dans
ay isa ring kalihim. Sanay maging
gabay mo ito
5. Ikaw lamang ang tanging masipag sa
grupo. Ang ating amo ay nagagalak.
6. Ngiti ang dapat isalubong sa mga tao
sa opis. Ang isang kalihim ay dapat na
maging uliran sa lahat ng bagay.
7. Ang mga sulat ay dapat na nasa lugar
na madaling makita. Ang mga ito ay
dapat din abot kamay lamang.
8. Sigla at lakas ang dulot ng mga prutas
at gulay sa tao. Ugali na ng mga tao
ang may gulay at prutas sa hapag.
9. Hilig ni Rosa ang mga tula. Ipon ng
ipon ng tula si Rosa. May album ng
mga tula si Rosa na gamit ko sa klase
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
10. Sa opis dapat ay simple lamang ang
baro. Ang kulay ay dapat angkop din.
Di mahaba ang baro at di matingkad
ang kulay.
11. Di malirip ni inang ang ibig ng apo.
Halos nalabas na ni inang ang mga
ibig ng apo ay di parin maalo ang bata.
12. Singkit ang mga mata ni Sela. Maputi
ang kutis ni Ella. Makinis pareho ang
balat nina Sela at Ella.
13. Ang gara ng relo ni Felly. Sa kamay
nilagay ni Felly ang relo.
14. Saksi ako sa liga ng laro nina Rico.
Mahusay ang laro ng mga kasama ni
Rico.
15. Ang taong maaga ay maagap.
Masipag din ito.
ARALING 5
B. Tsart
Salita
1. Aga agas agam agimat agpang
2. Bakli bakuli balon bula baasa
3. Tabas tabig subok tabig taro
4. Ikaat itaktak idagdag ipagpag
kakatas
5. Kalat salat malat kalatis kalatas
6. Eteka igat igkas lapnos ngalay
7. Kulang galang silang hiling saing
8. Dangal bungal singkit inggit langkay
9. Buhol tipon duka abang habong
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
10. Dungis tingkil tukso kisig lisik
Daglat
11.Ang ako ikaw ka/ko pa
12. Ano ba at di/din sana
13. Na mga Ginang Ginoo rin/roon
14. Bakit dapat ng/nang/ngayon upang
tao, taon/tao

Parilala
15. Ang mga ako ba saan ba akong at
ang
16. Anuman sana ba sana rin saanman
at sa
17. Ikaw man bakit pa ako ay ako pa ako
man
18. Nasa bakit ba ikaw ay diba at mga
19. Saan man totoong/taong ano ba ako
rin ikaw rin ikaw lamang
20. Ako na ikaw pa ikaw rin ano pa ng
mga

PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Ginang Cruz: Ibig kong ipakilala sainyo si
Ginoong Perez. Si Ginoong Perez ang
bagong hirang na guro sa taong ito.
Si Ginoong Perez ay dating guro sa Naga.
Ingles Major at minor ng PE si Ginoong
Perez.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Maging dapat sana si Ginoong Perez
saiyong mga kasama.

Ginang Lopez,

2.Lukas: Aalis kami ngayong umaga. May


meeting ako . Ilagay mo na lang ang mga
papeles sa aking bag. Si Lope ang kukuha
ng bag.

Henry,
3.Lota: Ikuha mo ako ng isang kaing na
mangga kay aling Bebang. Malalaki at
matitigas pa ng kunin mo. Ang pera ay saka
ko na ipapadala.

Ate,

4.Jim: Tanging ikaw lamang ang saksi sa


karera ng bangka nina Del. Si Del ba o si
Hay ang nanalo.

Josie,

5.Nene: Di kami darating sa pista. Abala


kami sa opis. Madalas gabi na ako kung
umalis dito.
Mely
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

IKALAWANG YUGTO
ARALING 6
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Ginoo: Nabasa ko po na may lakong
mga gamit sainyo tulad ng TV set. Ako po
ay nagnanasang mag ari ng TV na may
kulay. Maari sana magdala sa akin ng tala
ng mga presyo ng TV at ng inyong palakad
sa magiging hulog dito. Aasa po ako
sainyong sagot.

Ginang Cruz,

2.Lita: Ang pagtaas ng mga presyo ay di


lamang sa ating lugar maging sa lahat ng
dako man. Tipid ang dpat. Maglakad kung
malapit lamang. Magunat ng baro minsan
lang. Sa pagluluto lahat ng sangkap ay
dapat nasa harap nga. Laging magtipid ang
ilagay sa isip.

Lani,

2.Lito: Ang pulisya ang laan magdakip ng


taong may maglisyang tangka. Ang mga
pulis na may tsapa ay ligid ng ligid saan
man dako. Sila ang mata ng batas. Ilagay
mo sa isip na ang mabuti ay may pagasang
naaani.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Inang,

3.Lina: Ang tsekeng padala mo ay napalit


na. Nagmatrikula na si Ana. Sa gabi ang
pasok niya. Labis ang galak ni Ana. Ang
ibang pera ay nasa bangko na.

Lola,

ARALING 7
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Ginoong Cruz: Tapos na ang pasok.sa
paaralan. Muli kaming papasyal sainyo.
Mayroon kaming kasama niya buhat pa sa
ibang lugar at ibig namin ipakita ang ating
paligid.

Maaari po bang sainyo kami uli magtira.

Ginang Marcos,

2.Sita: May mga padala ako kay Miguel.


Ang saiyo ay isang alkansya. May barong
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
marikit na kasya kay Lily. Ang kay inay
naman ay isang bag na may dabuhong
bulaklak. Ang kay Tiya ay isang kutsara na
nililok pa sa akasya.

Pag makita mo ang mga ito ay magagalak


ka.

Ate Sela,

4.Mga Gawaing Dapat Tularan


Maglinis ng paligid.
Ikulong ang mga aso.
Magkanal kung nag-uulan ulan.
Magpunla ng mga puno sa paligid.
Magbasa tungkol sa mga utis ng trapiko.

ARALING 8
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Ginoong Paras: Nabasa ko sa magasin
ang tungkol sa produkto ninyong mga
telebisyon. Ibig ko pong umangkat ng
tatlong piraso nito na may kulay pula at
pareho ng modelo sa magasin. Ipaalam
lamang po sa akin kung mayroon ng mga
ito. Itawag sa akin sa 27-44-11.

Aasa ako sainyo tawag.


ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Ginang Recto,

2.Ginoong Lukas: Ipinapaalam ko sainyo na


ang inangkat kong tabiti ay mayroon
deprensya at di husto sa sukat. Ibig ko
pong isauli ang mga tabiti upang sa
pagbabalik ng mga ito ay angkop na sa
aking gusto. Itawag lamang sa aking
kalihim kung bukas o sa ibang araw
ibabalik ang mga tabiti.

Ginang Lim,

3.Rita: Ang wikang sarili ay dapat


ipagmalaki. Ito ay di dpat iwaglit sa isip.
Kahit ikaw ay nasa ibang pook magsalita ng
sariling wika. Isa ito sa mga dapat isagawa
ng lahat maging ikaw at ako man.

Nenang,

4.Felly: Iba ka sa lahat ng nakilala kong tao.


Masinop ka sa mga gamit. Malinis ang
iyong silid. Higit sa lahat matipid ka.

Bihira ang tulad mo. Sana katulad mo ako.

Bill,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
5.Julie: Nabasa ko ang sulat mo. Ibig kong
ipaalam saiyo na ang aklat na hiniram ko
kay Mila ay nasa kanya na.

Kung Ibig mo ibibili kita.

Carol,

ARALING 9
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Ginoo: Ang kabinet dito sa amin ay yari
sa yero- isang makapal na yero. Ito ay laan
sa mga opisina na.may itatagong mga
papeles. Ang mga kabinet nito ay
maraming hugis at kulay. Tignan ang.mga
kabinet namin na nasa kasa upang matalos
na totoo ang aming sulat sainyo.

Ginoong Lopez,

2.Ginoong Cruz: Kasama nito ay ang ulat


ng aming opisina. Malaki ang tulong na
maibigay ni Ginoong Neri sa bagay na ito.
Hanga kami sa angkin niyang talino.

Sa ulat di ito kasama ang mga tala sa ulat


ng mga pinuno ng mga sangay.

B.A Sans,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
3.Lina: Ang yakal ay isang uri ng puno na
tubo sa atin. Matigas at matibay ang mga
gamit na yari rito.

Ang mga aparador na yari sa yakal ay


marikit tignan.

Dapat nating ipunla ang yakal sa ating


paligid.

Nena,

4.Ginoo: Kung ibig ninyo ng murang yero


mayroon kaming bagong yari nito sa aming
talyer. Ang mga ito ay subok na sa tibay at
husay sa init at maging sa ulan. Kami ay
may mga tabla rim na malapad at tuwid.

Pasyal sa aming talyer sa anumang araw at


oras.

Ginoong Rocky,

5.Ginoong Rocky: Nakita namin ang mga


yero sainyong talyer. Matibay ngayon ang
mga ito.

Ibig namin umangkat ng mga limampung


piraso. Kung maaari sana bukas na idilibee
ang mga ito.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Ginoong Si,

ARALING 10
B. Daglat
1. at di/din siya ninyo rin, roon,
2. sumasaiyo sapagkat upang karaniwan
pangyayari
3. kaniya kanila datapuwat dahil/an
lamang
Parilala
4.Siya ay, siya ay may , sa kanya sa kanya
ba ,sa kanila
5.Ang dahil dahil saiyo dahil sainyo dahil
sa kanya dahil sa kanila
6.Ang karaniwang ang pangyayari ang
mga pangyayari kanino ba kanila ba
7.Bilas binat bigat bigas bikas
8.Sitwasyon nasyon okasyon pasyon
rasyon
9.Yakag yagit yamot yunit imay
10.Magdikit magsilbi magaral magbigkas
pagtuturo
11.Galaw hilaw silaw agaw maliw
12.Dilag disenyo dilat dipa debisyon

PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Yamang Likas
Ang ating pook ay maraming likas na ay
nagsimula pa noong taong labinwalong libo
siyam na raan at walo. Ang mga kastila ay
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
nagsimulang maghukay sa Toledo Cebu
natigil lamang ito dahil sa gulong naganap.
Nagsimulang muli ang paghuhukay noong
labin siyam at pitumpu. Maraming balon ng
langis ang nadiskubre. Dito ngayon ang
pansin ng mga tao.
2.Kalusugan
Ang tao ay dapat magingat sa kanyang
sarili.
Maging mapili sa pagbili ng mga isda,
karne, prutas at gulay. Ang mga kaloris ng
mga ito ay dapat sapat lamang sa bilang.
Laging magbilang ng bigat. Ang may
gulang na na labis ang bigat ay higit na
malapit sa atake sa puso.
Ang karaniwang sakit na lagnat ay madalas
magiging lagnat, rayuma. Ang pagulit ng
lagnat ay dapat isangguni agad.
Matulog ng walong oras sa isang araw. Ang
hustong tulog ay nagpapalakas sa tao.

Mga Pangunahing Lunas sa Paso


Dapat lamang ang maagap na paglalahad
ng lunas sa paso upang:
1.Di- maghapdi ang bahaging napaso.
2.Di-mamaga.
3.Mapadali ang paggaling.
Kung ang balat na napaso ay namula
malamig na tubig ang ipaligo sa paso at
pagkatapos na ipahid ang langis. Kung may
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
butlig ang paso di dapat maglagay ng
gamot. Ang dapat ay ibalot ito sa gasang
malinis. Sa paso na dulot ng init ng araw ay
ipahid sa lotion.
Ang paso ay simpleng sakit lamang saiyo
malaki ang dulot na lagim.

IKATLONG YUGTO
ARALING 11
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Mahal kong Sita,
Sana ay may sipi ka pa ng magasin na
maaari mong ipadala sa akin. Ibig ko ang
mga lathala sa nasabing magasin dahil sa
aral na naibibigay. Ang mga balita ay laging
sariwa.
Nabasa ko ang magasin na ito sa isa kong
amiga. Ikaw pala ay nagsusulat din.
Aasa ako na ipadadala mo agad ito.
Isusunod ko na ang tseke.

Sumasaiyo,

2.Pura: Ang bakasyon sa baryo ay


masarap. Ang hangin ay sariwa pa pati na
ang mga pagkain. May gulay kang
mapipitas sa paligid at may nagbibigay
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
naman ng prutas. Pasyal dito pasyal doon
ang gawa ng mga pinsan mo.

Sa gabi ay may pasayaw pa. Maraming


mga dilag at binata ang nagsasayaw.
Masaya talaga rito sa baryo kung
bakasyon.
Bakit dika magbakasyon dito sa amin?

Nenang,

3.Lina: Ang mga tangkay ng talnos.ng


kamote na nabibili sa palengje ay dapat
itabi. Maaari itong ipunla sa alin mang
panig ng solar na malalambot ang lupa at
matubig. Madaling tutubo ang mga ito. Ang
talbos niya ay masarap na isahog sa
sinigang. Sariwa ang gulay na ito at
nagpaparami ng dugo. Palagi kang
magkain ng gulay nito.

Nanay,

ARALING 12
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Ginoong Barba: Ang nasasakdal na tao
sainyong tanggapan ay matalik kong
amigo. Alam kong siya ay mabuting tao.
Kilala ko pati na ang kanyang pamilya. Ang
turing ko sa kanya ay higit pa sa isang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
amigo. Sabay kaming nag aral at sa isang
lugar kami natira. Ibig ko po sanang ibigay
ninyo ang inyong magagawang tulong sa
kanya.

Sumasainyo,

2.Selya: Malapit na ang pista sa atin ano?


Marahil ay abala kang mabuti. Hinay
lamang ang gawa baka mapagod ka agad.
Ilista mong lahat ang dapat na isagawa.
Iuna mo and dapat na gawin. Ipahinga ang
sarili kung pagod na. Kaya malakas ka rin
aba!.
Sisikapin kong umuwi sa pista.

Sumasaiyo,

3.Mahal na Ginoong Marcelo,


Sa lathalang inyong inilabas na may
pamagat na “ Pananaw sa Buhay” mabisa
at malalim ang diskusyon ninyo ninyo ukol
sa relasyon ng magulang at mga anak.
Maraming mga anak ang sa ngayon ay
nalilisya .Marami rin namang mga
magulang ang pabaya. Kaya maraming
problemang mga anak ngayon. Sana
maraming mga magulang ang nagbasa ng
inyong lathala nang sa gayon kahit paano
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ay may maitulong sa paglutas ng kanilang
problema.

4.Neneng: Dahil sa pagtaas ng presyo


kailangang may plano sa paggasta. Ilista
ang perang laan dito. Kung sakaling ito ay
nagasta ipalagay na ito ay utang. Huwag
gagasta ng labis pa sa perang natanggap.
Ibangko ang labis kung maaari. Ito ay
paalala lamang saiyo bilang bagong kasal.

Ate Nena,

5.Ginoong Cruz: Sa aming ulat ang inyong


tanggapan ay may utang pa sa nabiling
mga silya at mesa. Kami po ay lubos na
nagagalak kung inyong mapapansin ang
liham na ito.
Umaasa kami sainyong sagot.

Gumagalang,

ARALING 13
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Mahal kong Lina: Nagagalak ako sa dahil
nabasa ako sa pagsusulit ng PUP. BSOA
ang kurso ko. Ang aking pasok ay tatlong
ulit sa isang linggo/Lunes, Martes, at
Biyernes. Maghapon ngayon lang ang
pasok . Natanggap din ako bilang isang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
kawani sa isang tanggapan malapit sa
PUP. Tuwing Martes, Huwebes, at Sabado
naman ang pasok ko rito. Mabait ang aking
magiging pinuno. Alam mo ang buhay ng
isang mag aaral at kawani pa. Medyo payat
ako ngayon. Marahil dahil na rin sa puyat at
pagod. Ayos naman ang mga marka ko sa
PUP.

Hanggang sa muli.

Nena,

2.Ginoong Morales: Malapit na namang


magtapos ang taon. Kailangan ang
pagtutuos ng mga bagay sa aming
tanggapan. Napuna namin na ang inyong
tanggapan ay may dapat pang isulit sa
amin. Bigyan sana ninyo ng pansin ang
bagay na ito. Kung nais ninyong mag usap
tayo sa aming tanggapan sa umaga ng
Lunes, Desyembre 10. Ipasabi lamang
kung kayo ay darating.
Sumasainyo,
3.Ginoong Lopez: Ibig kong ipaalam sainyo
na di ako maaaring sumaglit sainyong
tanggapan sa Lunes gaya ng nais ninyo.
Ipinagawa ko na ang dapat na isulit
sainyong tanggapan.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
May utang pa kaming nalalabi nitong
nagdaang Nobyembre. Matatanggap na
ninyo sa isang linggo ang buong kabayaran
ngayon ng mga aming utang.

Huwag po sana kayong madadalang


magbigay sa amin ng mga produkto ninyo.

Gumagalang,

ARALING 14
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Mahal na Ginoong Luz: Sa Marso ang
dating ng mga kasapi sa samahan ng mga
tanggapan ng langis dito sa Pilipinas.
Balak nila’y magtayo ng isang sangay ng
kanilang tanggapan dito upang maging
isang sangay ng buong Asya. Bilang
direktor, gagawin namin ang aming
magagawa upang mapadali ang pagpatayo
ng sangay rito sa atin.

Aasahan namin ang inyong pagtangkilik sa


bagay na ito.

Lubos na gumagalang,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
2.Mahal na Ginoong Perez: Kami ay
nagagalak na marinig na nabili ng samahan
ng mga tanggapan ng langis ang ating
lugar upang magtayo ng isang sangay na
uukit sa buong Asya. Ito’y isang malaking
tulong sa Pilipinas. Kung ito’y matutuloy,
ang Pilipinas ay magiging tanyag na sa
lahat ng dako. Maraming tao ngayon amg
darating sa Pilipinas mula sa ibang lugar.
Lalago na ang negosyo ng mga hotel.

Aasahan ninyo kaisa ako sa inyong mga


plano.

Gumagalang,

3.Sa mga Kawani: Ipinaaalam sa lahat na


sa Linggo, Pebrero 21, ay bigayan ng plake
at nga tropeyo sa mga kawani may
mahusay at matapat na paglilingkod sa
ating tanggapan.
Ang parangal ay kasabay ng dalawan
kaarawan ng ating tanggapan. Kaya lahat
ay inaasahang dadalo upang bigyan sigla
ang araw na ito.

ARALING 15
B. Tsart
Daglat
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
1. Tuwing hanggang tanggapan
mungkahi bawat
2. Bahay buhay salamat sumasaiyo
kaya, kayo
Parilala
3. Kaya ba sa tuwina ang mungkahi ko
baway buhay tapat na gumagalang
4. Mahal ko/ng Sumasainyo sa
tanggapan sumasaiyo lubos na
gumagalang

Salita
5. Pait simoy langoy tukoy umibig
6. Disyembre Hunyo Agosto Octobre
Setyembre
7. Africa Pilipinas Cebu Abra
8. Inabot sinabi tahan basahan dahan
9. Sanayin gamayin tibayin sabayin
lunasan
10. Siya’y ako’y sila’y sana’y kayo’y

PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Ginoong Reyes: Ibig kong ipaalam sainyo
na ako ay inilipat sa aming sangay sa
Cebu. Ang aking pamilya at ako ay aalis
patungong Cebu sa isang linggo.
Dahil sa pangyayaring ito ako’y magbibitiw
na bilang sekretaryo ng ating samahan.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Maaari ninyong hirangin si Ginoong Nilo
Gomez bilang kapalit ko.
Bilang kasapi ng sekretaryo ng ating
samahan, marami akong natutuhan sa
lahat ng mga kasapi.

Gumagalang,

2.Mahal na Ginoong Cabral,


Sa inyong liham na may petsang Hunyo 15
nabanggit ninyo na ang inyong sekretaryo
ay lilipat ng ibang tanggapan.May nakuha
na ba kayong kapalit? Kung wala pa may
kakilala ako na sa aking palagay ay
magiging isang mahusay na sekretarya.

Matagal ko na siyang kilala at natitiyak ko


ang kanyang kakayahan.

Ibig ninyo siyang makita?

Gumagalang,

3.Mahal na Ginoong Go: Kayo ba ay


nagiisip na ng mga ibibigay sainyong mga
kaibigan sa paskong darating?
Ibig namin ipaalam sainyo na may balak
kaming magsubasta ng mga gamit sa
bahay simula sa Nobyembre 10 at isa kayo
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
sa nais namin unang pumili ng mga gamit
na ito bago ang subasta.

Aasahan namin kayo simula bukas


hanggang Sabado.

Sumasainyo,

4.Mahal kong Adel,


Una sa lahat sana’y na sa mabuting
kalagayan kayo.

Noong isang linggo ay nagsimula na mg


aming klase. Marami akong bagong
kaibigan. Marami sa kanila ay galing sa
probinsya. Mababait din ang aking mga
guro. May kahirapan ngayon lamang ang
mga asignatura ko ngayon. Aral dito at aral
doon ang gawa namin. Halos wala na
kaming oras sa bulakbol. Masama naman
iyon diba? Uuwi ako sa isang linggo.

Nagmamahal,

5.Mahal kong Rosa. Natanggap ko ang


liham mo. Nagagalak ang ina at ama na
ika’y nag aaral ng mabuti. Sana rito ay
huwag kang magbulakbol. Di naman nila
hangad na maghonor ka.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Anihan na ngayon. Lahat kami ng mga
pinsan mo ay abala sa pag ani. Sa isang
linggo ay anihan pa rin. Kung darating ka
maisasama ka namin.. Malulusog ang mga
palay ngayon. Salamat at di nasira ng
bagyo.

Aasahan namin ang pagdating mo.

Adel,

IKA-APAT NA YUGTO
ARALING 16
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Ginoong Santos: Si Ginoong Lim ay
humihingi ng isang buwang palugit sa
kanyang utang na dalawang libo. Ito ay
dapat sanang nabayaran na noon pang
Agosto 15 ng taong ito.

Si Ginoong Lim ay may magandang


pangalan sa larangan ng negosyo. Siya ay
isang taong may isang salita.

Sumasainyo,

2.Mahal na Ginoong Tan: Nais po namin


ipaalala sainyo na ayon sa aming talaan
ang inyong tanggapan ay may utang pang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
sampung libo sa inangkat ninyong graba
noong Agosto.

Umaasa po kami sainyong aksyong


ibibigay sa paalalang ito at sana at
matanggap namin agad ang inyonf
kabayaran sa nasabing utang.

Lubos na gumagalang,

3.Mahal na Ginoong Bunda: Sa Pebrero 20


ay darating ang pangulo ng Liwanag
Produkto na si Ginoong Mario Liwanag.
Ang dahilan ng pagparito niya ay upang
magdagdag sa bagong paraan sa
pagpapaunlad ng ating produkto sa
larangan ng makinarya. Ako ay sumulat
upang atasan kang maghanda sa
pagtanggap kay Ginoong Liwanag. Alam
kong kaya mong gampanan ang tungkuling
ito.

Sabihin lamang sa akin ang mga


kakailanganin mo sa gawaing ito.

Sumasainyo,

4.Ginoong Cruz: Kami’y nalulungkot sa


dahilang hindi ninyo sinagot ang aming
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
liham tungkol sainyong utang na isang
libong piso.
Bibigyan pa namin kayo ng sampung araw
na palugit upang bayaran ang nasabing
utang. Aasahan namin na hindi muling
lalagpas sa takdang araw na ito.

Gumalang,

ARALING 17
PAGSASANAY SA PAGBASA
1.Sa mga Kinauukulan: Ang patalastas ba
ito ang ipinaaabot sa lahat ng mga kawani
ng bahay kalakal sa lahat ng sangay ng
Pilipinas.

Dahil sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin


ang inyong sahod at iba pang bagay-pala
ay may dagdag na isang daang piso bawat
buwan simula sa Enero.

Ang Pinuno,

2.Sa mga Kawani: Ang ating tanggapan ay


may malaking benepisyong gagawin sa
Linggo, Setyembre 4.
Lahat ay inaasahang dadalo sa araw na ito.
Ito ay isang okasyong inihanda upang
bigyang kasiyahan ang mga kawani at
kanilang pamilya. Maraming paligsahan
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ang naghihintay sa anak ng mga kawani.
Malaking premyo ang ibibigay sa mga
paligsahang ito.

Sabihin lamang kung dadalo o hindi.

Ang Lupon,

3.Mahal na Ginoong Billy: Ibig ba ninyong


maglibot sa buong Pilipinas? Sa halagang
limang libong piso ay malalakbay ninyo ito
sa loob ng isang buwan.

Kailangan ay maglagak lamang ng


halagang dalawang libong piso at ang
buong kabayaran ay sa pagtatapos ng
paglilibot.
Ang halagang limang libong piso ay bayad
nasa hotel, pagkain, at pasahe. Ang takda
ng pag alis ay sa umaga. Magdala lamang
kayo ng gamit na sarili at ekstrang pera.
Hindi namin sagot ang mga subiner na nais
ninyong bilhin.

Magsadya agad sa aming tanggapan


upang mauna kayo aa reserbasyon.

ARALING 18
PAGSASANAY SA PAGBASA
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
1.Ginoong Cruz: Sa pulong na gaganapin
ngayong umaga, ikaw ang napiling kapalit
ni Ginoong Ramos bilang tagapangasiwa
ng ating sangay sa Abra.

Ang inyong matapat na paglilingkod at


mahusay na palakad sa mga kawani ang
nagbunsod sa inyo upang bigyan ka ng
pagkakataomg umukit ng isang sangay ng
ating bahay kalakal. Ikaw ay magsisimula
sa bago mong tungkulin bilang
tagapangasiwa sa unang araw ng
Nobyembre.

R.A Cabaisa,

2.Ginang Lee: Isang katungkulan namin


ang magbigay ng ilang ulat ukol sa ating
pamahalaan.

Ang ating pamahalaan nasyonal ang siyang


umuukit sa buong Pilipinas. May
pamahalaan din ang bawat lalawigan. Sa
bawat lalawigan ay may gobernador at sa
bawat munisipyo ay punong bayan o
punong lungsod. May mga katulong din ang
mga gobernador o punong bayan. Ang mga
batas ngayon ay pinagtitibay sa batasang
pambansa matapos ang ilang ulit na pag
aaral dito. May mga kinauukulan ang bawat
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
rehiyon. Ang bilang ng mga kinauukulan ay
ayon sa laki ng mga lalawigan o lungsod sa
bawat rehiyon.

Sa ngayon ito lamang ang maibabahagi ko


saiyong sulat. May mungkahi ang aming
tagapangasiwa na alam kong tatanggapin
mo. Nais na magpunta ka sa aming
tanggapan upang mabigyan ka ng mga
lathalang nauukol sa ating pamahalaan.
Tatalakayin pa roon na ang ibang bagay na
magulo pa sa isipan mo.

Sumasaiyo:

3.Mahal na Ginoong Garcia: Kami ay


sumulat upang ipaalam na may tseke
kayong muli mula sa Albay. Tila naantala
ang pagkuha ninyo ng nasabing tseke.

Magsadya agad sa aming tanggapan


ngayon. Malaman namin kung ibabalik ang
tseke o hindi.

Lubos na gumagalang,

ARALING 19
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Mahal na Ginoong Ruiz: Ang Panayam ay


naatasang mamahala ng isang bagong
proyekto ng ating pamahalaan sa lalawigan
ng Mindoro. Kaugnay nito ay ang pagbukas
ng isang sangay na tanggapan sa nasabing
lalawigan sa Enero 16.

Sa dahilang ito ay ibig naming hilingin


sainyong tanggapan dalhin sa Panayam sa
Disyembre ang mga:

Dalawamg makinilya
Isang Kalyulator

Inaasahan namin ang inyong maagang


aksyon sa bagay na ito.

Sumasainyo,

2.Mahal na Ginang Lopez: Aming


natanggap ang tsekeng kabayaran sa bag
na inyong nabili sa amim noong isang
linggo.

Nais namin ipaalam sainyo na may


dumating na namang bag na siyang
gustung-gusto ninyo na maaari ninyong
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
pagpilian ng disenyo at kulay. Ang halaga
ng mga ito ay itulad namin sa nabili ninyong
bag.

Isulat lamang ninyo kung kailan namin kayo


aasahan.

Sumasainyo,

3.Ginoong Flores: Ibig kong malaman kung


bakit hindi pa nalalathala ang ating anunsyo
sa araw na ito. Nabasa ko ngayon lahat
ang mga anunsyo subalit hindi ko nakita
ang ating patalastas.

R.B. Santos,

4.Mahal kong Kuya Lito,

Sumulat ako saiyo upang ipaalala na sa


isang linggo ay pasukan na. May naihanda
na akong pera upang imatrikula, subalit
wala akong magamit na pera upang ibili ng
mga gamit sa paaralan.

Hindi kukulangin sa anim na daang piso


ang kailangan. Sana madala mo agad ito
sa isang linggo hanggang hindi pa
tumataas ang mga halaga ng mga bilihin.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Hanggang dito na lamang at ihalik mo ako
kina itay at inay.

Si itay naman sana ang magdala ng pera


sa akin

Nagmamahal,

ARALING 20

B. Tsart
Salita
1.Bantog sandok alindog banta lanta
2.Politikal adikal teknikal etikal praktikal
3.dampa dampiin tampok tampipi dumipa
4.Lahi-lahi sari-sari iba-iba samut-samot
uli-uli
5.10 n.u. , 9 n.h. , 7 n.g. , 10,000.00 ,
300,000.00
6.Ali-aligid pala-palagay pitong piso walong
libo dalawang libo
Daglat
7.Patalastas transaksyon pamahalaan
pangyayari hilaga
8.Kalakip bahay lipunan batasang
pambansa anunsyo timog
9.Kawani kinauukulan pagawaan/
pagamutan halaga bahay kalakal
10.Kasaysayan kahapon hinaharap
munisipyo saiyo
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
11.Kasalukuyan katwiran tagapangasiwa
barangay kanluran
12.Kawang gawa manggagawa
kagawad/kagawaran ngayon
karanasan/karaniwan

PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Sa mga Kabataan
Ang buhay ay isang kasaysayang nahahati
sa ibat-ibang bahagi/ang kahapon, ang
kasalukuyan, at ang hinaharap. Ang
kahapon ay ang siyang bumubuo ng mga
ala-ala at gunita. Mga ala-alang may mga
mali rin na nagsilbing aral upang tayo ay
sumunod ayon sa katwiran at
kagandahang-asal.

Ang kasalukuyan ay ang nagaganap


ngayon. Ito ang mga nagsisilbing
inspirasyon sa hinaharap. Ang hinaharap
ang nagiging sagot sa kasalukuyan. Kaya
anumang pagsisikap at pagpupunyagi na
ating ginagawa sa ngayon ay maaaring
magkaroon ng kaugnayan sa kinabukasan.

Huwag tayong magaksaya ng araw at oras.


Magpatuloy tayo sa ating pagsisikap.
Isaalang-ala natin na ang bawar oras sa
ating buhat ay mahalaga.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

2.Ikaw ba ay Pilipino?

Ikaw ba ay Pilipino? Alam mo ba kung saan


ka nagmula? Ikaw ba ay may pusong
Pilipino? Nalalaman mo ba ang maging
kasaysayan ng ating bayan kahapon at
nahuhulaan mo ba ang mga pangyayaring
maaaring maganap sa kasalukuyan lalong-
lalo ngaung naalis na ang batas militar na
tanging naging pananggalang ng bawat
mamamayan sa bawat oras ng kanilang
buhay sa araw-araw.

Mayroon ka bang alam ba mungkahi


saiyong mga kaibigan? Nais mo bang
matulad sa mga taong naturing na walang
silbi dahil sa nagbingi-bingihan sa hikbi ng
madla? Hindi ba malaki ang iyong
maitulong sa pagsulong ng ating bayan?
Magisip ka ngayon bilang Pilipino!

3.Aklat: Yaman ng Isip


Malaki ang nagagawa ng aklat sa buhay ng
tao. Ang aklat ang siyang kasangkapan sa
pagyabong ng ating kaisipan. Sa aklat natin
nalalaman ang mga pangyayari sa buhay.
Naituturo tayo sa mga karaniwan ng iba ng
iba at ginagawa nating gabay ang mga ito
sa pagtahak ng sariling buhay.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Ang aklat ay masasabing isa rin kaibigan.


Ito ang nagbibigay kasiyahan sa atin.

Ang mga aklat ang pumapantay ng kaisipan


ng tao. Ang mga kaalamang ibinabahagi ng
aklat ay hindi nabibili. Ang mga ito ang
yaman ng isip.

IKALIMANG YUGTO
ARALING 21
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Mahal na Ginoong Matias: Natanggap


namin ang inyong sulat na may petsang
Pebrero 1 na nagsasaad na ang inyong
inangkat na telebisyon sa amin ay may
malalaking gasgas sa harapan nang ito ay
idiliber ng aming mga tauhan.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa


pagtawag ninyo sa amin sa bagay na ito.
Ang aming mga tuhan ay aminado sa di
inaasahang pangyayari. Marahil ay
nagasgas ang telebisyon nang ito ay inilipat
mula sa trak paloob sainyong bahay.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Maaari po bang magsadya kayong muli sa
aming tanggapan upang pagusapan natin
ang pangyayaring ito.

Lubos na gumagalang,

2.Ginoo: Nalaman namin na nais ninyong


pumili ng isang bodega para lagakan ng
inyong paninda. Kami ay may isang
gusaling maluwang at mataas na ibig
ipagbili. Ito ay dalawang daang metro at
nasa apat na daang metro kubikong lupa.

Ang gusali ay mainam na bodega. Ito ay


nasa panulukan ng Ipil at Bambang.
Dalawaan ang pinto nito na sadyang
iniharap sa dalawang daan. May aparato na
ito na ginagamit sa pagangkat ng bigat na
may isang libong libra.

Tawagan agad kami sa telepono bilang 22-


33-44 kung kayo ay interesado.

Sumasaiyo,

3.Ginoo: Nabasa ko sainyong mga


patalastas na ang inyong samahan ng mga
abogado ay nagaalay ng libreng tulong sa
mga mahihirap na tao na may mga kaso.
Malaki ang maitutulong ng inyong samahan
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
sa lahat ng mga mahihirap. Katulad ninyo ,
ako man ay naghahangad magsilbi sa
kanila. Kaya kalakip nito ay isang maliit na
halaga na inaasahan kong maidadagdag
ninyo sainyong layunin.

Sumasainyo,

4.Ginoo: Ibig ko pong ibilang ninyo ako sa


mga nagnanais bumili ng nga gamit sa
bahay na hulugan na inyong inaalok bilang
propaganda.
Kung maaari po sana padalhan ninyo ako
ng inyong talaan ng mga patakaran ng
pagbabayad. Aasahan ko ang inyong sagot
sa sulat kong ito.

Sumasainyo,

ARALING 22
PAGSASANAY SA PAGBASA

1.Ginoong Monas: Ibig ko pong isama


ninyo ako sainyong listahan bilang isa sa
mga padadalhan ng kopya ng “Readers
Digest” buwan-buwan.

Kalakip ng sulat na ito ay isang tseke sa


halagang pitum-pung piso bilang kabayaran
sa isang taong tuusang kopya. Ibig ko pong
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
magsimula ang aking kopya sa darating na
buwan.

Salamt po at hangad ko ang inyong


pagunlad sa hinaharap.

Sumasainyo,

1.Ginoong Cruz: Sa ikalawang linggo ng


Abril ay darating ang pangulo ng “Seiko”
buhat sa Hapon na si Iroshima Tanaka.
Siya ay bibisita sa lahat ng “Seiko Center”
upang malaman ang anumang problemang
dulot ng relos na “Seiko”. Siya rin ay
handang magbigay tulong sa pagpapaunlad
at paraan ng pagaalok ng ating paninda sa
mga mamimili.
Ako ay takdang umalis sa unang linggo ng
Abril ng at mawawala sa halos ng isang
buwan. Habang ako ay wala nais kong ikaw
ang siyang maging kinauukulan ng ating
sangay sa anumang maaaring
pagpupulong na gagawin sa pagdalaw ni
Ginoog Tanaka.

Ikaw ang pinili ko dahil alam ko may


kakayahan ka sa bagay na ito.

Sumasainyo,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
2.Ginoong Sales: Nais kong ipaalam sainyo
na ang lahat ng bagong kawani sa aming
tanggapan ay kaya munang sumailalim sa
isang seminar. Ang seminar ay
magsisimulang sa Mayo 3 sa ganap ika-
walo ng umaga. Ito ay gaganapin sa unang
palapag ng ating gusali.

Ang seminar ay maghapon at tatagal ng


tatlong araw. Dito tatalakayin ang mga
dapay tupdin ng bagong kawani. Sa aming
naging karanasa, ang seminar ay buony
lugod na tinatanggap ng mga kawani.

Inaasahan namin na kayo rin ay malulugod


sa pagdalo rito.

Ito rin ang maghuhudyat ng pagsisimula


ninyo sa aming tanggapan.

Sumasainyo,

ARALING 23
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Sa mga Kawani: Ipinaaabot sa lahat na


ang kumbensyong gaganapin sa unang
linggo ng Hunyo ay hindi matutuloy sa halip
ang mga sangay ay inaatasang magtakda
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ng kanilang pulong upang talakayin ang
anumang mga sagabal sa ikagaganda pa
ng samahan ng mga kawani.

Ang pangulo ay ang siyang nagmungkahi


na ipagliban muna ang kumbensyon upang
bigyan ang lahat ng sangay na maghanda
ng kanilang maaambag sa lahatang
kumbensyon.

2.Mahal na Ginang Limos: Natanggap


namin ang inyong mensahe na kami ay
manatiling masinop sa aming tungkulin.
Labis akong nagagalak sainyong
pagmamalasakit at umaasa na lagi ninyo
kaming susubaybayan.

Bihira ang katulad ninyo na may personal


na pagsubaybay sa kanyang mga tauhan.
Kayo ang nagsisilbing huwaran ng lahat ng
mga kawani rito.

Salamat pong muli sa inyong pagmamahal.

Lubos na gumagalang,

3.Lina: Sa ngayon, maraming bagay na ang


nabago. Pumikit ka at dumilat ka makikita
mo ang katauhan tulad ng mga panukat sa
pamilihan.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Ang lahat ng mga bilihin ngayon ay


tinitimbang na. Ang datig dosenang
mangga ay di-kilo na. Ultimong bigas na
dating salop ay kinikilo. Sa bagay kayo ay
pagbabago sa pagsukong sa kaunlaran
ayon ka ba rito?

Ding,

4.Ginoong Castro: Ibig kong malaman ang


naging bunga ng pulong ninyo ni Ginoong
Martin.

Puntahan mo ako sa Lunes sa ganap na


ikasiyam ng umaga. Pagusapan natin ang
bagong seminat ba ilulunsad ng kapisanan
ng mga ahente na mga bahay kalakal. Ikaw
muli ang kinauukulan ng ating tanggapan.

E.A. Cruz,

ARALING 24
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Sa mga Suki: Ipinaaalam sainyo na ang
sangay ng Milas Mart sa Rizal ay malapit
na sa Makati. Magbubukas ito simula sa
unang araw na Abril. Ang mga presyo rito
ay tulad rin ng syudad ng Quezon.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Ang bagong lugar ay may paradahan ng


sasakyan. Masasabing ang gusali ay
moderno sa gamit at maaus. Kumpleto ito
sa lahat ng paninda. Isa pa nadagdag dito
ay ang kainan na naghahandog ng lutong
bahay at sariling atin.

Sana sa pagbubukas namin sa Abril 2 ay


isa kayo sa makikita namin.

2.Ginoong King: Isang malaking karalangan


sa amin na kayo ay matulungan sa pagpili
ng isang siguro na karapatdapat sa mga
transaksyon ninyo.

Ang aming tanggapan ay tanyag saan


mang dako kung siguro lamang ang
paguusapan. Kami ay nagaalok ng siguro
na abot kaya. Lahat ng siguro sa lahat ng
mga bagay. Marahil kung sa ibang
tanggapan ng siguro kayo lumapit, hindi
tatanggapin ang nais ninyong klase ng
siguro.

Sana ay lumawig pa ang ating ugnayan.

Sumasainyo,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
4.Mahal na Ginoong Perez: Ibig kong
ipabatid kayo ay napiling kagawad ng lupon
ng mga direktor ng Bangko Rural ng
Gapan.
Kayo ay takdang ipakilala sa ibang
kagawad sa Hulyo 10 sa isang
pananghalian na gagawin sa Hilton Hotel.
Maaari ninyong isama ang inyong Ginang
sa pagdiriwang na ito.

Ipinauuna ko na na kami ay handang


tangkilikin ang anuman ninyong plano.

Maligayang bati sainyo muli.

Sumasainyo,

4.Ginoong Manalo: Ang ikatatlong seminar


ng samahan ng mga ahente ay gagawin sa
Biyernes, Agosto 15. Ang seminar ay
gaganapin sa ikatatlong palapag ng gusali
ng Rosas.

Dahil sa ikli ng panahon, maaari po bang


ipaalam lamang sa amin kung kayo ay
darating o kung kayo ay may ipapadalang
sugo. Ibalik po lamang sa amin ang kalakop
na aplikasyon.

Henry Lim,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

ARALING 25
PAGBABALIK ARAL

B. Daglat
1. panahon pambihira minuto samantala
2. Palimbagan karunungan/karangalan
kagawaran/kagawad kapuwa
3. kapangyarihan bansa panatikan
saligang batas
4. ala ala alinsunod alituntunin, pahayag/
pahayagan linggo
Salita
5. dinampot
6. Dumipa aminado nangumit hatid
7.timba pasado nanggaya batid
8. tumaba gisado walang hirap litid
9. kontes kumita siste pasas
10. tinda tindi tinta tinay, tanay

PAGSASANAY SA PAGBASA
1. Mahal na Ginoo: Kayo po ay malugod
naming inaanyayahan sa Manila Hotel sa
Sabado, Enero 9, sa ganap na ika-pito ng
gabi.

Ang pulong-hapunan ay dadaluhan nina


Ginoong Julio Silva, Ginoong Ramon Lim at
ng inyong lingkod.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Ang atin pong tatalakayin ay tungkol sa
nalalapit na pasinaya ng ating opisina.

Umaasa po ako sainyong pagdalo.

Gumagalang,

2.Ginoo: Alam mo ba na maaari na kayong


magkaroon ng isang malaking paliguan sa
likod ng inyong bahay? Isipin mo ang
pagpapagawa ng isang malaking paliguan
na abot kaya ng mga may ari ng bahay?

Kung inyong ibibigay sa amin ang


pagkakataong paglingkuran kayo,
magagamit ninyo ang bagong paliguan
kaagad at mga dalawang buwang palugit
ang aming ibibigay bago ninyo ito bayaran.

Upang malaman ninyo ang mga detalye ng


aming paliguan, isulat lamang ang inyong
pangalan at tirahan sa nakalakip na papel
at muling ibalik sa amin.

Sumasainyo,

3.Ginoo: Ang demonstrasyon ng inyong


hinihingi sa amin ay itutulou sa Marso 5 sa
ganap na ikawalo ng umaga.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Si Ginoong Mario Canlas, ang nagtatanghal
ay papasyal sainyo sa isang linggo bago
ang takdang araw upang malaman ang
mga dapat na kakailanganin. Sasabihin
niya sa inyo kung ano-ano ang mga dapat
ihanda.

Inaasahan namin na ibibigay ninyo ang


abot kaya ninyong tangkilik kay Ginoong
Canlas.

Gumagalang,

IKAANIM NA YUGTO
ARALING 26
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Ginoong Flores: Ang may dala ng liham


na ito ay si Elsa P. Santos. Siya ay tapos
ng kursong Batselor ng Edukasyon sa
Pangngangalakal. Alam kong karapat dapat
siya na maging guro. Hindi pa man siya
nagtapos ay may tinuturuan na siyang mga
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
bata sa kanilang pook. Siya ay sinugo ng
kanilang kapitan ng barangay.

Siya ay ang pambato ng kanilang paaralan


sa mga paligsahang pambansa sa
pagbigkas. Ang karanungan niya ay hayag
sa buong apat na taon.

Lubos kong tatanawin na malaking utang


na loob kung inyo siyang tatanggapin.

Lubos na gumagalang

3.Mahal na Ginoong Lim: Nais ko pong


magkaroon ng isang sipi ng paalalang
dapat gawin sa kusina na inyong inilathala
sa magasing Kislap noong Oktubre. Ako po
ay kasalukuyang kumukuha ng kurso bilang
isang taong naghahanda ng pagkaing
pampalusog. Kalakip ng liham kong ito ay
ang halagang sampung pisong kabayaran
ng magasin at sa pagpapadala nito.

Salamat po.

Sumasainyo,

3.Mahal na Ginoo: Ibig po naming ipaalam


sainyo na kami ay dalawang ulit na
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
nagbayad sa aming inangkat noong Agosto
21.

Siyang aming suriin ang aming talaan


nakita namin na kami ay unang nagbayad
noong Setyembre 20.

Aming papahalagahan kung inyong ibabalik


sa amin ang halagang isang daang piso.
Humihingi kami ng paumanhin sa abalang
nagawa.

Sumasainyo,

4.Mahal na Ginoong Paredez: Natanggap


namin ang inyong liham na may petsang
Setyembre 30 na tinatawag pansin ng
dalawang ulit na pagbayad ninyo ng inyong
utang sa inangkat ninyo noong Agosto 21.
Ibig namin ipaabot sainyo na ang ikalawang
tseke ninyo ay kahapon lamang namin
natanggap halos kasabay ng inyomh
paalalang liham. Inatasan na namin ang
aming ahente na dalhin sainuo ang
nasabing tseke.

Salamat po sa inyong walang sawang


pagtangkilik sa amin.

Gumagalang,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

ARALING 27
PAGSASANAY SA PAGSULAT
1.Mahal na Ginoong Ramos: Kami ay
lubos na nagpapasalamat sainyo at sa
lahat ng aming kliyente. Dahil sa patuloy na
pagtatangkilik kami ngayon ay nagdiriwang
ng aming ika-sampung taong anebersaryo.

Sa patuloy na pagpasok ng kapital at kinita,


maaari na kaming magpalaki mg negosyo
upang mabigyan kayo ng higit na mabuting
paglilingkod at mainam na produkto.

Minsan pa kami ay nagpapasalamat at


umaasa pa sa patuloy ninyong pagtangkilik.

Lubos na gumagalang

2.Mahal na Ginang Soriano: Ibig ba


ninyong maging maaga ang pasok sa inyo?

Kung ganon magsadya sa aming tindahan


ngayon din. Kami ay maagang magbibili ng
mga pamasko. Ang aming paninsa bukod
sa mura ba ay nabibikang sa mga may uri.
Marami kayong pagpipilian mula sa
kasuotang pambata hanggang sa matanda.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Huwag mag aksaya ng panahon. Ito ay
kauna-unahan naming ginawa upang
bigyan kasiyahan ang mga mamimili tulad
ninyo.

Gumagalang,

3.Mahal na Ginoong Sales: Kalakip ng


liham na ito ay isang hero postal sa
halagang isang daang pisong kabayaran sa
linggohang magasin sa loob ng isang taon.
Simulan ninyo ang pagpapadala sa buwan
ng Enero sa pangalang: Ginag Laura T.
Cruz 345 Dinasalang.

Salamat po.

Lubos na gumagalang,

4.Lahat ng kawani: Ang kompanya ay


magdaraos ng pagpupulong tungkol sa
pagpapaunlad ng ating produkto at mga
alinsunod dapat masunod. Ito ay gaganapin
sa Marso, Pebrero 10, ika-9 ng umaga sa
Bulwagang Pangkalahatan.

Ang lahat ng mga kagawad ng kompanya


ay ang siyang mamamahala sa
pagpupulong. Ang lahat ng sangay ay
inatasang maghanda ng kani-kanilang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
tanging palabas. May isang sorpresa sa
lahat ng dadalo.

Kami ay umaasa na ang lahat ay dadalo.

ARALING 28
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Ginoong Cruz: Lumipas na naman po ang


tag-ulan at ngayon ay tag-araw na. Malapit
na naman ang panahon ng tag-ani rito sa
aming nayon. Muli sa panahong ito ay may
malaking kasiyahan bilang pasasalamat sa
mabuting ani. Kayo ay inaasahan namin
muli maging panauhin sa aming kasiyahan.
Marami kaming inihandang palabas na
kaiba noong isang taon. Bukod dito kami ay
may inaasahan mula sa ibang lugar upang
maghandog ng isang palabas.

Umaasa po ako sainyong pagdalo.


Gaganapin ito sa Mayo 30.

Sumasainyo,

2.Sa mga Kawani: Ipinaaabot ng pangulong


Angeles na lahat ay pumasok na kasama
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ang buong mag-anak. Di-dapat magdala ng
pagkain o ano pa mang pamatid uhaw.

Sa umaga ay may misa at pasasalamat na


gaganapin sa bulwagan bonipasyo may
almusal na laan sa lahat. Ang susunod ay
isang proklama na magsisuka sa ika-10 ng
umaga at dito ibibigay ang mga plake at
tseke sa mga katangi-tanging kawani ng
taon. Ito ay taon-taon inilulunsad.

3.Mahal kong Belen: Ako ay nagbakasyon


sa nayon ng aking kaibigan. Dito ay
masasaya ang mga tao. Kitang-kita mo ang
dami ng magagandang samahan ng bawat
isa. Damang-dama mo na kahit hindi ka
taga-rito ay mahal ka rin.

Natikman ko rito ang magbungkal ng lupa


at pagtatanim ng halaman at gulay. Hindi
ko alintana ang init ng araw. Masarap
palang anihin ang gulay na itinanim mo.
Sulit ang pagod ko sa kasiyahang
nadarama ko.

Sa bakasyon muli ako inimbita ng aking


kaibigan. Nais din niya na magsama ako ng
isa. Sama ka, Hang?

Nagmamahal,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ARALING 29
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
Ginoong Alvis: Ako po ay nalulugod na
makarinig ng magandang impormasyon
ukol sa pagtangkilik ng aming produkto.
Kayo ay isa lamang sa nagsasabi ng
kanilang kasiyahan sa aming produkto.
Marami na ang nakagamit nito at akoy’ higit
pang umaasa na dadami pa ang gagamit
ng aming produktong pampaganda dahil sa
inilunsad naming anunsyo sa radyo.

Maraming salamat sainyong pagtangkilik sa


aming produkto ang Momosa.

Lubos na gumagalang,

2.Mahal na Ginoong Gloria:


Nabasa ko ngayong umaga sa pahayagan
na ang inyong tanggapan ay nagbibili ng
kalan na papel ang pamparikit. Nais ko
pong bumili ng isang kalan na ito. Kung
maaari padalhan agad ako ng mga detalye
ng bilihin. Sulatan o tawagan ako sa
telepono bilang 61-24-74.

Gumagalang,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
3.Ginoong Perez: Sa Hunyo ay tag-init na
naman. Bilang palagiing kinauukulan ng
ating tanggaoan s bayan ng Abra, ikaw ay
inaatasang maghanda na sa pagpunta sa
lugar na ito. Ayon sa ating talaan, ako ay
ang siyang mahusay umuri ng mga aning
palay. Siyang-siya ako sa mga bagay na
aking nabatid. Bilang bago ninyong pinuno,
inaasahan kong muli mong gagawin ang
inyong kakayahan upang masiyahan ang
mga taga-Abra. Ibinibigay ko sa inyo ang
aking lubos na pagtitiwala.

L.N Malliari,

4.Mahal na Ginoo: Nais po naming


maganunsyo sainyong pahayagan na
inilalabas ng buong isang linggo. Ang
anunsyong ito ay para sa ika-apat na
pahina.

Kalakip ng sulat na ito at ang kopya ng


anunsyo at isang tseke sa halagang isang
libong piso para sa paunahang bayad.

Inaasahan namin ang paglabas mg


anunsyong ito sa unang linggo ng
Nobyembre.

Lubos na gumagalang,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

ARALING 30
Tsart
Daglat
1. Kompanya sumusunod memorandum
2. Unibersidad anibersaryo halimbawa
3. Pamamagitan abakada halaga

Parilala
4. At iba pa sa kinauukulan sa mga
kinauukulan
5. Kung sakali/ sabagay baka sakali
para sa

Salita
6. Tag ani tag-araw tag-ulan
7. Tala-arawan tala-tinigan tala-aklatan
8. Tagakuha tagaabot taga-bayan
9. Singhusay singgansa singlinis
10. Magsinglaki magsingyumi
magsingluma
11. Nakalabas mapangakit panglabas
12. Panlunas Santa Ana Santa Cruzan
PAGSASNAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
Memorandum para kay Ginoong Lugto:
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
1.Ang mga abogado ng kawani na iyong
nasasakupan ay kayo ngayoy magbigay ng
kani-kanilang buwanang ulat sa lahat ng
mga nangyari sa kanilang gawaan ang
lahat ng ulat ay dapat na nasa punong
tanggapan sa ika-15 ng Enero.
H.A. Lucban,

2. Mahal na Ginoong Santos: Kalakip ng


liham na ito ay ang inyong pagpayag na
maglagay ng isang “tellicks” sainyong
bangko.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat


sainyong tapat na pagtulong sa
sambayanan upang maipalaganap ang
komunikasyon sa buong daigdigan. Kami
ay laging handang makatulong sa ulay
ninyo na nakauuna sa pangangailanham ng
madla. Bukas ang aming tanggapan mula
Lunes hanggang Biyernes, ika-8 ng umaga
hanggang ika-5 .

Hanggang dito na lamang at umaasa kayo


sa aming pagtaguyod.

Gumagalang,

3. Sa mga kawani: Ipinababatid sainyong


lahat na may pagpapalit ng mga
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
manunungkulan sa sangay na ito. Ang mga
kadahilanan kung bakit kaya ito ang mga
sumusunod:
 Marami sa mga ito ang mataas.
 Kayo ang marunong manungkulan.
 Marami ang hindi tapat sa tungkulin.
 Di- marunong makisama.
Upang mapadali ang pagpapalitan nais
ninna magbigay kayo ng mga tauhan sa
palagay ninyo ay karapat-dapat.

4. Mahal na Ginoong Celos: Ang inyo bang


damuhan ay hindi magandang malasin?
Kung ito ay totoong pumili at maglagay ng
abonong “ True Grass” sa paligid ng inyong
damuhan o sa lugar na halos ay lanta na
ang mga damo.
Ang “True Grass” ay ang bagong abonong
subok na sa husay mura pa. Sa isang
beses na paggamit makikita agad ang
bunga ng “True Grass”. Magdali at huwag
magsapalaran subukang gamitin ang “True
Grass”.

Mabibili ito sa lahat ng tindahang


panghalaman.

Lubos na gumagalang,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
IKA-PITONG YUGTO
ARALING 31
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Para sa Lahat ng mga Attorney:
Paksa: Mungkahi ang Regular na
Meeting ng ating Opisina ay Isasagawa
bukas sa silid panayam sa ganap na ika-1
ng umaga.
Inaatasan kayong dalhin ang inyong ulat sa
buwanang kasong natapos na at pati na rin
ang mga kasong kasalukuyang hawak pa.
Gayong di kayo ay hinihiling maghanda ng
maGa mungkahi sa ika-tatagumpay ng
lahat ng mga kasong hawak at hahawakan
pa.

2.Mahal na Ginoong San Pedro: Nais kong


ipabatid sa inyo na tuloy ang ating meeting
na nakatakda sa Lunes, Marso 20. Gaya ng
pinagusapan ang meeting ay ukol sa
paraan ng paglulunsad ng ating bagong
produkto.

Ako ay naniniwala na ang bagong produkto


natin ay higit ang tagumpay na matamo
kaysa iba pa nating produkto kung tinatama
lamang ang hakbang na gagawin sa
paglunsad na ito. Sana ay huwag nating
maranasang muli ang ating kamaliang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
nagawa sa huli nating produkto. Bagamat
ito ay kumita ay hindi natin natamo ang
ating pagasam.

Ihanda mo ang ang inyong sarili sa


mahabang talakayang gagawin sa Lunes.

Sumasaiyo,

3.Ginoong Maba: Ibig kong ipabatid sa inyo


na ang proyekto ng iyong grupo ang siyang
napili ng ating dikana para gamitin bilang
mga gagamitin sa pagtuturo.

Ang inyong plano at proyektoay tumatama


sa mga pangangailangan. Mabisa ang
pamaraang inyong ginagamit. Madali itong
iakma sa ano pa mang antas ng mga mag-
aaral.

Ipagpatuloy pa ninyo ang magandang


ninyong balak. Kami ay nasa inyong likuran
sa pagtupad ng mga ito.

Sumasaiyo,

ARALING 32
PAGSASANAY SA PAGBASA
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
1.Mahal na Ginang Pateros: Natanggap ko
ang inyong sulat na nagsasaad na nais
ninyong bumili ng sampung lantsa na
gagamiti ninyo sainyong negosyo. Dahil isa
kayo sa masugid na tagapagtangkilik ng
aming produkto, binibigyan namin kayo ng
karagdagang bawas sa halaga ng sampung
lantsa. Maaari ninyo itong bayaran ng cash
o ng tseke.

Ang mga lantsa ay magmumula pa sa USA


at ang mga ito ay ihahatid namin sainyong
bahay kalakal makaraan ang isang buwan.

Maraming salamat muli sainyong


pagangkat sa amin.

Sumasainyo,

2.Ginoong Santa Ana: Ikinagagalak kong


ibalita saiyo na ang ating produktong
inilunsad ay mabili sa madla. Sa unang
linggo pa lamang ay halos isang uta na
ang pumasok na pera.

Mabisa ang paraang iyong naisip sa


paglunsad na ito. Alam kong
magkasingmura ang bagong sabon natin at
ang dating sabon, subalit iba ang naging
halina ng bago sa madla.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Hindi ako nagkamali saiyo. Ikaw lamang


ang alam kong dalubhasa sa larangan ng
anunsyo.

Sumasaiyo,

3.Mahal na Binibining Gomez: Ibig namin


kayong inaanyayahan bilang sagala sa
nalalapit naming Santa Cruzan ay
magsisimula sa aming plasa at magtatapos
sa simbahan.
Ang mga tagapagtaguyod ng Santa Cruzan
ay ang nagpapasya na ang mga sagala ay
dapat na magkasingtaas , magkasingganda
, at magkasingtulad sa saya.

Wala kayong dapat alalahanin sa gastos sa


damit at sa pagpunta rito. Lahat ng gastos
ay babalangkatin sa konseho.

Aasahan namin ang pagtanggap ninyo sa


aming paanyaya.

Sumasaiyo,

4.Sa Lahat ng mga Guro: Ipinababatid sa


lahat na may nakatakdang isang samaralin
na gaganapin sa silid bulwagan sa ika-5
hanggang ika-12 ng Hunyo.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

May pagtitipon muna s unang araw sa may


hayskul. Dito gagawin ang paggrugrupo ng
mga guro.

Inaasahan ang pakikiisa ng lahat.

ARALING 33
PAGSASANAY AA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Mahal na Ginoong Papa: Ito ay
kaugnayan sa aming liham na may petsang
Setyembre 5 tungkol sa aming kahilingang
magamit ang bulwagang nasasakop ng
inyong tanggapan. Ang bulwagang ito ay
aming gagamitin sa isang pagtatanghal ng
mga mag-aaral para sa mga kabataan. Ang
nasabing bulwagan gagamitin namun mula
ika-8 ng umaga hanggang ika-5.

Ibig din naming malaman kung sino ang


dapat naming makausap tungkol sa mga
gagamiting mga upuan ng ispiker. Makapag
ayos sana kami nang maaga sa bulwagan.
Sa pagtatanghal na ito inaasahan namin
ang pagdagsa ng mga tao. Maraming
salamat po sa ibibigay ninyong tulong.

Sumasainyo,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
2.Ginoo: Ang liham na ito ay ukol sa aking
pagbili ng mga gamit pangtanghal. Nabasa
ko sainyong latlhala na ang inyong mga
produkto ay akma sa aking panglasa.

Nais ko po sana bumili ng dalawang


magsinglaking lampara at narang mesa
para sa apat na katao. Sana ay madala
agad ninyo ang mga ito sa ika-23 ng
Agosto.

Umaasa ako sa madali ninyong pagaksyon.

Sumasainyo,

3.Mahal na Ginoong Rocky: Aming


natanggap ang inyong liham na may
petsang Disyembre 5.

Isang kasiyahan samin ang paunalakan


kayo sainyong kahilingang magamit ang
bulwagan sa Disyembre 15 para sa inyong
pagtatanghal. Kung maaari po sana
padalhan ninyo kami ng sipi ng inyong
proklama nang malaman pa namjn ang
mga iba pa ninyong mga kailangan.

Umasa kayo sa aming pakikipagtulungan at


pakikipagugnayan.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Gumagalang,

4.Mahal na Ginoo: Nais ko pong ibilang


ninyo akong isang aplikante para sa
kalihim. Natapos ko po ang kusrong kalihim
sa PUP. Kalakio nito ay isang tala ng aking
kakayahan bilang isang kalihim.

Ako po ay handang magpunta sainyong


tanggapan para sa isang panayam sa
anumang oras at araw na nais ninyo.
Aasahan kong bibigyang pansin ninyo ang
liham kong ito.

Lubos na gumagalang,

ARALING 34
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Binibining Cruz: Natanggap po namin


ang pinadala ninyong liham at
napagalaman namin na nais ninyong
umangkat ng mga kasangkapang
pangopisina na yari sa nara. Ang inyo pong
gusto ay matutupad kung kayo ay
makikipagkita sa amin. Umaasa kami na
pauunlakan ninyo ang aming kahilingan at
tuloy kami’y nagpapaabot ng aming
kasiyahan sainyong pagtangkilik.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Sumasainyo,

2.Mahal na Ginang Peneda: Malugod


namin kayong binabati sainyong natamong
karangalan bilang Manggagawa ng Taon.
Kayo ay karapat-dapat sa karangalang ito
hindi sa dahilang matagal na kayo sa
serbisyo kung hind dahil sa sipag tiyaga at
sa ipinakitang kakayahang magampanan
ang katungkulang iniatang sa inyo.

Kayo ay pararangalan sa darating na


Sabado, Mayo 2. Ito ay isasabay sa
anibersaryo ng ating tanggapan. Bilang
gantimpala kayo at tatanggap ng plake at
limang libong piso.
Isang karangalan sa amin ang kayo ay
maging manggagawa ng ating tanggapan.

Gumagalang,

ARALING 35
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

DAPAT LINANGIN ANG PAGSASALITA


Ang isa sa pinakamahalagang ipinagkaloob
sa atin bilang isang tao ay ang kakayahang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
makapagsalita. Ang kakayahang
makipagugnayan sa pamamagitan ng salita
ay hindi sinasambit ng lahat ng tao. May
mga taong tipid kung magsalita at mayroon
namang mga taong hindi mapilgilang
magsalita-walang hinto,
Walang-diwa.

May mga pagkakatong may mga umpukan


tayong masarap makihalo,
Makisabad, makihunta o makisali sa
diskusyon. Isa ito sa mainam na
pangpalipas oras. Nakatutulong sa
paghubog ng ating katauhan o palitan ng
kuro-kuro.

Gaya ng anumang pagtitipon o anumang


gawaing sosyal o politikal, may mga
alinsunud tayong dapat na sundin at
igalang upang lalong maging makahulugan
at makabuluhan ang magiging bunga ng
usapan.

Hinihingi ng kagandanhang asal na sa


isang umpukan o diskusyon, bigyan natin
ng pagkakataong makapagsalita ang lahat.
Bawat isa ay dapat na magbigay ng
kanyang kaalaman sa pinaguusapan.
Iwasan din natin ang pagtatalo. Isipin na
lamang natin na ito ay nagpapalitan lamang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ng kuro-kuro. Ang kuro-kuro natin ay hindi
natin dapat ipilit na tanggapin ng ating
kausap. Hintayin natin silang limitin at
unawain ang anumang pahayag natin. Lalot
higit sa lahat, huwag tayong maninira ng
pagkatao ng ating kapuwa. Ito ay labag sa
kagandahang asal.

Sa isang umpukan hindi maiiwasan na may


lalabas na katangi-tangi. Hindi ibig sabihin
nito, siya na ang dapat na maging sentro ng
usapan, kung hindi, siya ang dapat gumaya
o magdala ng grupo upang ang lahat ay
makalahok nang sa ganitong paraan ang
usapan ay magiging isang tagumpay. Kung
napupuna at mahahawaan, itatago na ang
usapan sa taong ito. Karamihan ang mga
taong walang kibo ay may itinatagong
matalinong kaisipab.

Dapat nating linangin ang ating kakayahang


magsalita. Kung gusto nating magkaroon
ng tinatawag na “Katauhang Litaw”,
pagaralan nating makilahik sa usapan. sa
usapan. Ito ay isang malaking sisi sa ating
ikaliligaya at ikatatagumpay.

IKA-WALONG YUGTO
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
Araling 36

1.Ginoong Ramos: Narito ang sipi ng isang


dokumento na galing sa ating sangay sa
Nueva Ecija. Pagaralan mong maigi ito at
gumawa ka ng iyong pagsusuri rito.

Ang iyong reaksyon ay kailangang nasa


aking tanggapan sa Marso, Abril 7.
Isasama ko ito sa ipa bang reaksyong bigay
ng mga iba pang pinuno ng ating
kompanya. Ang mga ito ay takdang
paguusapan sa susunod nating meeting.

Ginoong Adessa,

2.Mahal na Binibining Cario: Ang samagan


ng mga kalihim sa Pilipinas ay nagtakda ng
isang pagsusulit na gaganapin sa
Disyembre 6 at 13. Ang pagsusulit na ito ay
para sa lahat ng mga kalihim sa buong
kapuluan upang piliin “Ang Natatanging
Kalihim ng Taon”.

Bilang katugunan sa kahilingan ng


samahang ito para sa isang hurado, kayo at
hinihirang kong maging kinauukulan ng
ating unibersidad upang tumayo isa sa mga
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
lupon ng inambalan. Inaasahan kong
magiging isang magandang karanasan
sainyo ang pagkakataong ito.

Dekina Luber,

3. Isang Tradisyon ng Pangasinan.


Bahagi ng kultura ng ating bansa ang mga
pagdiriwang sa karangalan ng mga santong
pinapintakasi sa iba pang lugar. Isang
katangi-tanging pagdiriwang nito ay
ginaganap sa linggo, Pangasiwaan tuwing
Ika-1 ng Mayo. Ito ay ang pistia diat. Ang
pook na ito ay isang pook-isdaan kung kaya
ginagayakan ang mga bangang gamit sa
pangingisda ng mga palamuting dahon ng
niyog , lambat,mga iba pang uri ng kabibe
at naggagandahang bulaklak. Nakahilira
ang mga ito sa dalampasigan ngayong
Linggo. Sinisimulan ang pagdiriwang ng
isang parada na nilalahukan ng mga banda,
mga tanging panauhin. Kasama sa parada
ang Santo Nino. Nagtatapos ang parada sa
cadral ng Linggo kung saan nagdaraos ng
isang misa at pagbenetahan sa mga
mangingisda.

Tulad ng ginagawa sa alinmang kapistahan


, nagdaraos ng isang pagtatanghal. Dito
binibigyan ng parangal ang mga
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
natatanging mangingisda. Mayroong mga
pagtatanghal ng mga sayaw , katutubo at
karaniwan. Sa mga handaan , hindi
mawawala sa kanilang hapag ang mga
alimango, hipon, sugpo, at malalaking isda.

ARALING 37
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Sa Tagapangasiwa: Ibig ko pong humingi
ng ilang impormasyon sa pagtatakda ninyo
ng paglalakbay sa bayan ng Leyte. Balak
po namin mga mamalagi sa isang linggo sa
bayang ito.

Takdang umalis ang aming grupo


papuntang Leyte sa Hulyo 20. Mga lima
kami at ibig namin manuluyan sa isang
hotel. Maaari po bang malaman namin ang
inyong kasagutan bago dumating ang
takdang araw ng pagalis namin.

Gumagalang,

2.Ginoong Cruz: Natanggap namin ang


inyong liham kahapon, Hunyo 21.

Bilang tugon sa inyong kahilingan, kami ay


naglakip ng isang talaan na nagsasaad ng
aming mga takdang paglalakbay at ang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
halaga ng mga ito. Gayon din, may
nakatala kaming mga hotel na maaari
ninyong tuluyan na nagaalok ng mababang
halaga lamang subalit may pangunahing
serbisyo.

Inaasahan namin kayong paglingkuran sa


pagpunta ninyo sa Leyte.

Gumagalang,

3. SINULOG NG CEBU.
Ayon sa matandang paniniwala, ang
sinulog ay isang sayaw-rasal na
ipinagdiriwang bago pa man dumating si
Magellan noong 1521. Ito ay isang alamat
na nagpasalin-salin at napangalagaan
hanggang sa ito ay naging isa nang kwento
na kinagiliwang ulit-ulitin ng mga taga-
Cebu.

Sa ginagawa Sinulog, mababakas ang


pag-ala-ala sa kanilang mahabaging haring
Humabon na gumagawa ng ibat-ibang
galaw bilang panalangin kay bathala na
knilang diyos na tanggap amg kaluluwa ng
bawat kanyang nasasakupan. Ang sayaw o
mga galaw ay sinasaliwin ng itoy ng
tambol.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Ang sayaw ay isa rin paraan ng
pagpapakita ng pagbati sa isang panuhin.
Kung magkaminsang isa rin itong
paghinging kapatawaran at kaligtasan sa
kapahamakan sa kanilang Diyos.

Ang higit na naitaguyod na nakahalina sa


padaraos ng sinulog ay ang sama-sama
nilang pagpapakita ng debusyon sa Santo
Nino. Ang sinulog, bilang pagsamba sa
Santo Nino, ay nagsimuka sa pagdiriwang
ng isang prosisyon na ng isang araw noong
1565 sa Iloilo Syudad Di Santisimo Numbre
De Jesus. Ngayon ang Sinulog ay dinadayo
mg mga ibamg bayan at maging ng mga
banyaga.

ARALING 38
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1. Ginoong Lopez: Ibig po namin
magpalaan ng isang bus sainyong
kompanya. Gaya ng nasasaad sa inyong
talaan na ipinadala, kami ay maaaring
magbayad lang ng kalahating halaga
dalawang araw bagoang takda ng paggamit
namin ng bus. Kung nais naman naming
magkaroon ng mga sampung porsyentong
diskwento, kailangang magbayad kaming
kabuuang halagang isang linggo bago ang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
paglalakbay. Kalakip ng liham naming ito
ang halagang dalawang libong pisong
kabayaran para sa buong halaga.

2.Mahal na Ginoong Yap: Ako po ay


natutuwa nang nabasa ko aa pahayagan ng
umaga na kayo ang tinanghal na
kinauukulab ng bayang Agusan sa
nakaraang halalang pambansa.

Natitiyak kong kayo ay nanalo dahil sa


inyong husay na pakikisama at walang
imbot na paglingkod sa mga taga-Agusan.

Sa aking palagay, ang mga taga-Agusan ay


ang siyang higit na mapalad sa
pagkakaroon ng isang kinauukulan na
handanf maglingkod sa kanyang bayan.
Hangad ko ang inyong tagumpay sa
hinaharap.

Lubos na gumagalang,

3.TASADAY. Isa sa mga nadiskubre na


bumigla sa Pilipinas ay ang tribo ng mga
tao kung tawagin ay taong bato.Sila ay
natagpuan sa katimugan ng Cotobato na
naninirahan lamang sa mga lungga. Sila
ang tribo na nabubuhay lamang sa
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
pamayanan ngpaghanapng kanilang
pagkain na bato amg gamit. Wala
silangalam na mga kagamitang pamatay
kung kinakailangan marahil hindi pa sila
nakapapatay ng mga hayop. Hindi rin sila
marunong magtanim, maglala ng
dinadamit, manahi, maglilok, at gumawa ng
mga sandata. Ang kanilang mga dinadamit
ay pawang mga dahon lamang.
Masasabing ang mga Tasaday ay mga
taong mapagmahal sa kapayapaan. Hindi
nila alam anf salitang gutom sa dahilang
ang kanikang lugar ay sagana sa mga
bungang kahoy, sagana rin sa mga isda at
pagkaing tubig ng mga ilog at ilan sa
kanilang kapaligiran.

Dahil sa ipinakita nilang katiwasayan ng


pamumuhay, hindi na ninais ng
pamahalaan na guluhin pa ang mga
Tasaday sa kanilang pamayanan.

ARALING 39
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Mahal kong Inay: Nakarating ako


ngayong maluwalhati dito sa Bicol. Ang
ganda-ganda ng Bulkang Mayon.Talaga
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
palang mabibighani ka sa halos perpektong
kuno nito

Hindi naman ako nahirapang hanapin ang


bahay nina Rosa. Maliit ngunit masinop na
kanilang bahay. Ang itay naman niya ay
maraming tanim na mga gulay tulad ng
repolyo, petsay, upo, kalabasa, talong,
kamatis, at marami pang iba. Sumasama
ako tuwing umaga sa kanilang dampana
upang mamitas ng mga gulay na kanilang
inihuhulog sa palengke. Nakatutuwang
malasin amg mga kamatis na sayad na
sayad sa lupa. Mapupula at malalaki ang
mga ito.

Malaki ang aking itinaba. Ang mga damit


kong dala ay halos hindi na magkasya sa
akin. Sariwang gatas ng baka ang iniinum
ko tuwing umaga. Alagang-alaga ako rito
nina Rosa.

Huwag kayong mag-alala sa akin. Ako ay


nasa mabuting kamay. Anak din ang turing
sa akin dito.

Nagmamahal,

2.BONTOK SA BAGUIO CITY.


ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Sa isang liblib na lugar ng Baguio City ay
may isang tribu na masabing nagtagumpay
na makabahagi sa bagong selebrasyon .
Ang tribung ito na ngayon ay
maipagmamalaki ng mga guro, nars,
doktor, abogado, mga pari at madre, at
mga pinuno rin naman sa pamahalaan, ay
ang mga taga-Bontok. Bagamat sila ay
nahalo na sa makabagong pamayanan,
nanatili parin sa kanila ang kanilang mga
tradisyon at paniniwala. Ang tribung ito ay
namumuhay sa pamamagitan ng paglalaa,
pagtanim, o pagtatrabaho sa mga
paghuhukay ng mama. Ang kanilang
pagkain ay kinabibilangam ng bigas, mga
gulay, at kung magkaminsang naman ay
nilagamg laman ng baboy o usa.

Bagamat karamihan sa kanila ayga


Kristyano na, may mga natitira pa rin mga
iba na patuloy pa rin sa kanilang
paniniwalang pagano. Naniniwala pa rin sila
na ang sakit ay gawa ng masamang
espiritu. Ang pagpigik at pagtimpi ng anak
ay ayaw tanggapin ng mga Bontok dahil sa
kanila ang anak ay isang kayamanan.

ARALING 40
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
1.DUMAGAT.
Ang tribung dumagat ay naninirahan sa
bayan ng Quezon ng Sierra Madre na
mararating lamang matapos madaanan ang
mga higit sa dalawampung ilat. Ang
pangalan ng tribu ay galing sa silangang
gubay at hubad na siyang angkop sa
kanilang kapaligiran.

Dati rati ang mga tribung ito ay binubuo


lamang ng anim napu’t walong pamilya
lamang subalit naging tatlumpu’y anim na
lamang ang mga ito nang ang iba ay
nagsilikas na sa kaparangan. Ang kanilang
mga bahay ay yari dati sa nipa at kawayan.
Ngayon ay yari na sa higit na matibay na
tirahan. Ang kanilang mga anak ay natututo
na rin bumasa at sumulat dahil na rin sa
pagtayo ng isang paaralan sa kanilang
lugar.

Ang kanilang pamumuhay ay nanatiling


payak lamang. Nabubuhay sila sa isda at
hipon na nahuhuli sa mga ilog, mga saging,
bigas, at mga lamang ugat na pagkain tulad
ng kamote, ube, uraro.
Malaki ang paniniwala nila sa walang
pangalang Diyos. Dito sila nanalanging
sana ay mailayo sila sa sakit.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Ang mga dumagat ay marunong ng
mamuhay sa pamamagitan ng pagtanim ng
pag-aaral.

2.IBA’T-IBANG GAMIT NG NIPA.


Ilan sa ating mga Pilipino ang nakaalam ng
punong nipa lalo’t higit ang mga gamit nito?
Marahil kung hindi ka pa nakakita ng puno
nito ay nakakita ka na ng mga tuyong
dahon nito sa bubong ng mga bahay sa
probinsya. May mga pa ang bubong ng
bahay ay may mga nakahilirang mga kulay
balat na mga dahong tuyo, ito ay yari sa
dahon ng nipa. Ang nipa ay karaniwang
ginagamit bilang bubong ng bahay dahil sa
nagibigay ito ng malamig-lamig na
pakiramdam sa loob ng bahay. Sa
paggawa ng bubong, ang nipa ay inaalis sa
tangkay pagkatapos binabaliktad ang bawat
dahon sa mahabang piraso ng kawayan.
Ang mga dahon ay pinagdidikit-dikit o
pinagpapatong-patong sa kawayan upang
kung pag natuyo ay hindi lilikha ng awang.

Bukod sa pagiging materyal na


pambubong, ang nipa ay may iba pang
gamit. Isa rito ay ang alak na tuba. Gawa
ito mula sa katas ng nipa. Ang puno nito ay
hinihiwa at pagkatapos, ang katas iniipon
sa isang lalagyan. Ang natapon na katas ay
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
iniimbak sa katamtamang panahon upang
maging isang masarap na alak. Ang
inimbak na katas ng nipa ay maaari rin
gawing suka. Maasim at malinamnam ang
sukang ito.

Ang murang dahon ng nipa ay ginagamit


bilang pambalot ng suman kung tawagin ay
suman ibus. Ginagawa rin itong salakot sa
Bulacan. Ang tangkay ng nipa ay
ginagawang basket at mahusay rin
panggatong. Ang bunga ng nipa ay
nakikiayon din na ang laman ay katulad din
ng buko.

Ang nipa kung bibigyan lamang ng pansin


ng ating pamahalaan ay magiging isang
produktong kikita ng dolyar.

Araling 41
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Sa mga Kawani: Ipinaaalam s lahat ng


mga kawani ng bawat departamento na si
Ginoong Renato Cruz ay nagtamo ng
unang karangalan bilang editor ng ating
pahayagan. Dahil sa kanyang pambihirang
karanasan ay ibinibigay niya ang mas
mabisang ulat tungkol sa mga epekto ng
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
pagkawala ng batas militar. Siya ay
ginantimpalaan ng plake at tropeyo ni
Ginoong Morales na siyang pangulo ng
Pahayagang Tambuli.

Tayo ay makipagdiwang at ating ipaabot sa


kanya ang ating taos pusong pagbati. Ako
ay umaasa na balang-araw ay kayo naman
ang magwagi ng ganitong karangalan.

2.Mahal na Ginoo: Nais ko sanang kumuha


sainyong ahensya ng katulong ng babae
para sa bahay at dalawang katulong na
lalake para sa aking tanggapan. Ang nais
ko ay magpasimpin at mapagkumbaba.
Matapat din sana para hindi manghihila ng
mga kasangkapan ko. Ikaw na ang
bahalang magbigay ng halaga kung
magkano ang ibayad sa kanila.
Umaasa ako at lubos na nagpapasalamat
sainyo.

Gumagalang

3.Mahal na Ginang Cruz: Nakarating sa


amin ang inyong mensahe na kami ay
mananatiling masinop sa aming tungkulin.
Labis akong nagagalak dahil sa walang
pagiimbot na pangaral ang natamo namin
sa inyo at ito ay naging kapaki-pakinabang.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Mula sa unang araw ng aking paglilingkod


sainyong tanggapan ay napamahal na sa
akin ang tungkulin kong ito. Tadhana
lamang ang makakabatid kung kailan
matatapod ang paglilingkod kong ito sainyo.

Kaya huwag kayong magalinlangan sa akin


sa pagkakataong ito at lalo kong
gagampanan ngmaayos angvaking
tungkulin dito sainyong tanggapan.

Matapat na Gumagalang,

4.Sa mga Kinauukulan: Sa hindi


inaasahang pangyayari ang ating pulong na
ipinatawag ng ating pangulo sa Linggo ay
hindi matutuloy sa kadahalinang ang ating
pangulo ay mayroong pagpupulong sa
Departamento ng Edukasyon at Kultura sa
ganoon ding oras at araw.

Inaasahan namin na inyong mauunawaan


ang pangyayaring ito. Ang panibagong
pulong ay ipaaalam na lamang muli
sainyong lahat.

Araling 42
PAGSASANAY SA PAGBABASA AY
PAGSULAT
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Mahal na Ginang Ilustre: Nais ko pong


ipabatid sainyo na ang inyong buwanang
hulog na dalawang libong piso ay dapat
bayad na noon pang Agosto 30. Ngayon ay
Setyembre 20 na subalit hindi pa namin
natatanggap ang nasabing halaga. Umaasa
kami sainyong matapat na pagtangkilik ng
maiwasan natin ang mahabang usapan sa
kasong ito.

Hanggang dito na lamang po at maraming


salamay sainyony pang-unawa.

Gumagalang,

2.Ginoong Santos: Malapit na naman ang


tag-ulan at kailangan na namang maging
handaang ating mga gagamitin sa
kabukiran. Ang aking kaibigan na taga-
Laguna ay nag-aalok ng mga payong at
kapotr sa murang halaga lamang.
Kung nais ninyong umangkat ng mga ito,
ipagbigay alam sa akin sa lalong madaling
panahon.

Sumasainyo,

3.Mahal na Ginoong Cruz: Sa Lunes ay


darating ang aming mga taga-suri upang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
makipagkita sainyong pangulo. Sila po ay
mga taga-banko sentral na naatasan
sainyong kompanya. Sila po ay tutulong
sainyony mga suliraninhg ipinaabot sa amin
na nauukol sainyong mga talaan.

Sana po ay makatutulong kami sa inyong


problema.

Gumagalang,

4.Sa mga Kinauukulan: Nalalapit na naman


ang tag-init at batid na ito ay isa sa mga
sanhi ng maraming sunog sa bawat sulok
ng ating bayan. Ito rin ang dahilan ng ating
pagkabagot sa lugar na hindi tayo
maginhawa. Sunog din ang dahilan ng
pagkawala ng kabuhayan. Ang mga
sumusunod ay mga alinsunod sa pag-iwas
sa sunog sa bahay:
 Panatilihing malinis ang loob ng labas
ng bahay.
 Palaging maging handa sa anumang
pangyayaring darating.
 Ayusan ang mga daluyan ng kuryente.
 Magkaroon ng pamatay-tubig sa bahay.
 Unahing patayin ang swits kung ang
sunog ay magsisimula sa kuryente.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
 Kailangang nasa wastong
pag-iisip/huwag mataranta.
Upang lalo kayong maliwanagan,
inaanyayahan namin kayong dumalo sa
gaganaping seminar sa Linggo, Marso 3 sa
ganap na ika-5 ng umaga sa silid bilang
509.

Araling 43
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSUSULAT

1.Sa mga Kinauukulan: Sumulat po ako


sainyo tungkol sa pakikipagmabutihan ko
sainyong mungkahi sa nakaraang
pagpupulong. Ang ilan sa aking mga
kawani ay pinapatapos kp ng ilang mga
pagsasanay na nauukol sa ating produkto
kung kaya sila ay maaari nang mag-umpisa
bukas ng umaga.

Pakibigay at pakisabi na lamang sa


kanilang ang mga alituntuning dapat
sundin. Alam ko na ang pakikipagsapalaran
natin sa ating negosyo ay isang pagsubok
sa ating kakayahan kung kayat tayo ay
dapat na mag-kaisa sa pagpapaunlad nito.
Ako ay nakahandan ipamigay ang aking
sampung palaisdaan sa mga kawaning
masusugif sa pakikipagtulungan.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Labis akong umaasa sainyong lahat.

Memorandum: Para sa mga Kasapi ng KB


Paksa: Pangkalahatang Asembleya

Ang kabataang Barangay ay magkakaroon


ng pangkalahatan na asembleya sa ika-2
ng Pebrero. Magkakaroon ng bagong
eleksyon ang bawat lupon. Tatalakayin din
ang mga produkto na gagawin sa darating
na tag-init.
Inaasahan ang lahat ng kasapi ng kabataan
na dumalo para sa ika-tatagumpay ng ating
barangay.

3.Ginoong Kapulong: Aming nabatid na


kayo ay itinataas ng posisyon dahil sa
inyong malawak na karunungan at
katapatan sa gawain. Alam naming kayang-
kaya ninyong gampanan ang bago ninyong
posisyon. Saksi kami na inyong mga
tauhan sa husay ng inyong pamamalakad.
Kami ay umaasa pa sa lalo pa ninyong
pagtatagumpay.

Lubos na Gumagalang,

4.Ginang Sandoval: Malugod po namin


kayong inaanyayahan sa isang pagtitipon
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
na gagawin sa Bulwagang Lopez sa ganap
na ika-5 ng umaga sa ika-10 ng Agosto.

Ang pagtitipon ay isang pagpapasinaya sa


bagong gusali ng nasabing paaralan.

Maraming salamat po at umaasa kami na


pinauunlakan ninyo ang paanyaya naming
ito.

Lubos na Gumagalang,

Aralin 44
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT

1.Mahal na Ginoo: Kung maaari po sana,


pakipadalhan ninyo ako ng tig-tatlong sipi
ng bawat linggo.

Makailang ulit na akong lumiham sainyo


subalit hanggang sa ngayon ay wala pa
akong naririnig mula sainyong tanggapan.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Inaasahan ko pong na hindi ninyo akong
bibiguin sa pagkakataong ito. Sana ito ang
maging simula ng mabuti natinh
pagkaibigan.

Gumagalang,

2.Mahal na Ginoong Ting: Sa Lunes ay


magkakaroon ng pagpupulong ukol sa
masaganang pagtatanim. Ang okasyong ito
ay kapupulutan ng magandang leksyon.
Alam natin na sa Pransya ng Asya o saan
mang dako ay mahalaga ang pagtatanim.
Subukan natin ang pagtatanim ng aangkat
ng petsay rito sa ating bansa. Ang puno rin
ng “ anga” ay magandang itanim.

Inaasahan ko ang inyong pagdating sa


nasabing okasyon.

Gumagalang,

3.Mahal na Ginoong Cruz: Nagagalak


akong ibalita saiyo na makakapagsimula na
kayo sa trabaho sa susunod na Linggo.
Ipagpaumanhin ninyo na ngayon lamang
namin kayo natawagan sa haba ng buwan
na inyong pinaghintay. Ang dahilan ay ang
problemang naharap namin noong
nakaraang buwan at hindi namin nabigyan
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ng kaukulang atensyon ang mga bagay
tungkol sa mga aplikante.
Inaasahan namin kayo.

Gumagalang,

4.Ginoo: Natanggap ko ang inyong liham at


ako ay sang-ayon sainyong mga mungkahi.
Kailangan ko lamang ng iba pang mga ulat
sapagkat magkakaroon ng isang pulong sa
isang linggo sa pribadong tanggapan ng
pangulong Luz.

Sa kasalukuyan magpapatuloy pa rin kami


sa aming dating gawain habang
maghihintay ng kalalabasan ng pulong sa
isang linggo. Kami ay maglalabas ng
anunsyo na nauukol sa nasabing
pagpupulong.

Magkita na lamang tayo sa isang linggo.


Inaasahan kong magiging maganda ang
relasyon ng ating mga tanggapan sa
hinaharap. Magiging malaking karangalan
sa akin ang pagsasama ng ating mga
bahay-kalakal.

Maraming salamat.

Sumasaiyo,
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Araling 45
PAGSASANAY SA PAGBABASA AT
PAGSULAT
1.Mila: Alam mo ba na ang mga taong
naniniwala sa Poon ay di maliligaw ng
daan. May isang Dakilang Lumikha sa lahat
ng bagay. Dapat wagas ang pag-ibig ng tao
tulad ng mga inuukol Niya sa mga ito. Lagi
tayong magdasal ng magdasal sa lahat ng
ibinibigay Niya sa tao.

Nita,

2.Mahal na Ginoong Ong: Nais kong


ipaalam sainyo na kalakip ng sulat nito ay
isang tseke na nagkakahalaga ng limang
libong piso pati na rin ang mga detalyr ukol
sa pagdating ng isang mahalagang bisita
sa ating tanggapan.

Ang balak ko ay sa Manila Hotel ganapin


ang pulong. Ang ating panauhin ay isang
datu na galing sa Sulu at nais kong
maasikaso siya ng mabuti.

Sumasainyo,

3.Mahal na Ginoong Sanchez: Ibig ko pong


humingi ng paumanhin sa hindi ko
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
pagbabayad ng aking utang noong
nakaraang buwan. Kalakip po ng liham
kong ito ang isang tseke sa halagang anim
na daang libo bilang kabayaran noong
buwang nagdaan at para sa susunod na
buwan.

Maraming salamat po.

Lubos na Gumagalang,

4.Mahal na Ginoong Lim: Alin sa mga


tinadhana ng mga umiiral na batas, kayo ay
hinihirang sa pamamagitan nito bilang
pangunahing direktor ng aming tanggapan
na kapalit ni Ginoong Jose De Leon.
Sa susunod na buwan ay maaari na kayong
magsimula at gumanap ng inyong tungkulin
bilang pangunahing direktor at padalhan
ninyo ang aming tanggapan ng mga kopya
ng inyong panunumpa pati na rin ang
sertipiko ng Serbisyong Sibil.

Sumasainyo,

Araling 46
PAGSASANAY SA PAGBABASA AT
PAGSULAT
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
1.Mahal na Ginoong Porko: Ibig kong
matanto ninyo na kami ay magbubukas ng
bagong sangay sa Pasay. Ito ay isang
hakbang tungo sa aming planong
pagpapalawak.

Sa pagbubukas ng sangay nito kami ay


mangangailangan ng mga bagong mesa at
silya. Dahil dito,nais naming umangkat ng
mga sampung narang mesa at sampung
de-kotson na silya. Kung maaari po lamang
na ipadala ang nasabing mga mesa at silya
sa aming bagong sangay sa Pasay bago
sumapit ang ika-10 ng Oktubre.

Maraming salamat po.

Lubos na Gumagalang,

2.Mahal na Ginang Luber: Isa pong


karangalan na ako ang iyong napili ngayon.
Inyong samahan na maging tagapagsalita
sa gaganaping semiar sa ika-5 ng
Disyembre.

Maraming salamat din po sa pagbibigay


ninyo sa akin ng karapatang makapamili ng
aking paksang tatalakayin. Sa ngayon hindi
ko pa masasabi ang pamagat ng aking
paksa. Pagpipilitin kong pumili ng isang
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
paksa na angkop sainyong mga taga-
pakinig.

Gumagalang,

3.Mahal na Ginoong Enrile: Kung inyong


matatandaan, kayo ay nag-palaan sa aming
silid pangkombensyon para sa loob ng
isang linggo simula sa ika-7 ng Mayo. Ang
silid-kombensyon nito ay nakalaan na sa
ibang samahan.
May isa po kaming silid-pangkombensyo na
naglalaman ng mahigit sa dalawang daan
ng may sarili rin po itong mga kasangkapan
para sa anumang seminar o kombensyon.
Kung maaari na po itong sa iyong
panglasa, maaari po lamang na ipaalam sa
amin agad.

Lubos na Gumagalang,

Araling 47
PAGSASANAY SA PAGBASA AT
PAGSULAT
1.Mahal na Ginoong Garcia: Bilang tugon
sainyong liham noong ika-24 ng Hunyo, ibig
ko pong mabatid na hindi ako nakarating
sainyong seminar. Gayonpaman, hinihiling
kong magpasugo kau ng isang tao sa aking
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
opisina upang kunin ang aking abuloy sa
seminar na ito.

Binabati ko ang pamunuan ng seminar at


hangad ko ang pagtatagumpay nito.

Gumagalang,

2.Ginoong Morales: Ibig ko pong ipaalam


sainyo na ang patalastas naming inyong
inilabas sainyong pahayagan ay may
kuntinh kamali. Hinihiling po namin na kung
maaari ay gawan ninyo ng paraan upang ito
ay maitama.
Umaasa po ako sa maaga ninyong
pagaksyon sa bagay na ito.

Gumagalang

3.ANO ANG PAG-IBIG?


Ito at isang salita na di kayang ipaliwanag
ng simpleng salita. Mainam pa ang ito ay
ipadama kaysa ang ito ay ipaliwanag.
Gayonpaman, ang pag-ibig ay hindi
pagsimangot o pagdabog kapag ikaw ay
nakagalitan ng iyong mga magulang dahil
sa pagkakamaling iyong nagawa.

Hindi pag-ibig ang pagkurot sa isang


nakababatang kapatid na gumalaw ng
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
iyong kasangkapan ng walang-pasabi.
Hindi rin pag-ibig ang madalas mong
pamimilit saiyong mga kaibigan masunod
lamang ang iyong kagustuhan.

Ang pag-ibig ay mapag-bigay. Ito ay


mapag-unawa sa mga pagkakamaling
nagawa ng taong iyong mahal.

Araling 48
PAGSASANAY SA PAGBABASA AT
PAGSULAT
1.Mahal na Ginoong Cruz: Salamat sa
naging interes mo sa aming paaralan.
Buong lugod ka naming tinatanggap bilang
bagong mag-aaral.

Kami ay naghahandog ng apat na taong


kurso. Sa apat na taong kurso, kami ag
mayroong dalawang pangunahing antas.
Kung nais mong maging taga-pamahala sa
opisina, pag-aralan mo ang BOA. Kung
nais mo namang magturo, BBE ang kunin
mo.

Ang palistahan sa unang semestre ay


magsisimula sa Mayo 15. Ang matrikula ay
depende sa bilang ng unit na kukunin. Ang
kabuwanan ang umaabot mula labin-walo
hanggang dalawampu’t-isang unit.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

Nagbibigay rin kami ng diskwento sa mga


natatanging mag-aaral.
Sainyong pagparito sa Mayo 15, dalhin mo
ang iyong kard kung ikaw ay tapos sa
mataas na paaralan o kaya’y isang
katibayang galing sa huli mong unibersidad
na pinuntahan.

Aasahan ka namin sa Mayo 15.

Sumasaiyo,

2.Mahal na Ginoong Canlas: Magalang po


naming hinihiling ang inyong tanggapan na
magtapos ng pasanayan sa istilong Pilipino
sa aming paaralan mula sa ika-15 ng Enero
hanggang ika-14 ng Pebrero.
Kami po ay naniniwala ba makakatulong ng
malaki. Sa aming mga mag-aaral sa
mataas na paaralan ang kaalaman sa
estilong Pilipino.

Umaasa kami na inyong pauunlakan ang


aming kahilingan.

Sumasainyo,

3.Mahal na Binibining Mapa: Isang


karangalan para sa amin ang mag-handog
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ng isang pasanayan sa estilong Pilipino
sainyong paaralan. Napapanahon na upang
ating palaganapin ang ating sariling wika sa
pamamagitan ng estilong Pilipino. Hindi
kaila sa atin na ang aming tanggapan ay
walang-humpay sa pagpapalaganap nito.
Aasahan namin na maraming mga mag-
aaral ang dadalo sa pasanayang ito.
Tinitiyak namin na hindi nila pag-sisisihan
ang pagdalo rito.

Gumagalang,

Araling 49
PAGSASANAY SA PAGBABASA AT
PAGSULAT
1.Mahal na Ginoo: Bilang katugunan
sainyong anunsyo sa Pahayagang Manila
Times na kayo ay nangangailangan ng
isang kalihim sainyong sangay na
bubuksan, ako po ay naghahandog ng
aking kakayahan sa nasabing gawain.

Ako po ay may dalawampu’t-isang taon at


katatapos pa lamang ng pag-aaral sa PUP
sa kursong pangkalihim.

Nakapaglingkod na po ako bilang kalihim


sa tanggapan nina abogadong Angara
habang ako ay nag-aaral. Nakakukuha ako
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ng diktasyon sa bilis na isang daan at
nakapagmamakinilya sa bilis na
animnapung salita sa isang minuto. Natamo
ko noong taong labin syam na libo’t
walumpu’t-anim ang parangak na ulirang
mag-aaral.
Inaasahan ko po na inyong bibigyang
pansin ang liham kong ito. Kung inyong
mamarapatin, handa po ako sa isang
panayam na inyong itatakda sa anumang
oras at araw na magaan sainyo.

Lubos na Gumagalang,

2.Ginoong Miguel: Ang may dala ng liham


na ito ay si Ginoong Henry Santos, punong
tagapag-plano ng aming tanggapan. Dahil
sa kanyang kaalaman at karunungan sa
paglilimbag, siya ang aming ika-limang
makipag-ugnayan sainyo tungkol sa mga
ipinalilimbag naming aklat tulad ng
Madaling Pag-aaral ng Pilipino, Estilong
Pilipino, Deksyonaryong Estilong Pilipino.

Pagpapalimbag ng mga nasabing mga


aklat. Binibigyan namin siya ng karapatang
magpasya sa mga problemang kai-
kailangan kaugnay ng madaling
pagpapalimbag ng mga aklat.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Pasasalamatan namin ang anumang tulong
na kaloob ninyo kay Ginoong Santos.

Sumasainyo,

3.Ginoong Miguel: Sa pamamagitan ng


liham na ito, ibig naming ipaabot ang aming
taos pusong pasasalamatan sainyo at sa
inyong mga kawani sa ginawa ninying
pagtukong kay Ginoong Henry Santos
habang siya ay nasa inyong tanggpan sa
buong panahon ng paglilimbag ng aming
mga aklat.
Ang mga aklat ay lumabas na maganda
higit pa sa aming inaasahan. Kaakit-akit
ang mga kulay ng takip ng mga aklat. Ayon
kay Ginoong Miguel kayo ang nagmungkahi
sa kulay ng mga takip ng aming aklat.

Muli, maraming salamat sa pakikiisaa


ninyo.

Gumagalang,

Araling 50
PAGSASANAY SA PAGBABASA AT
PAGSULAT

PASKO
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
Ang araw ng pasko na pinakahihintay at
pinakamimithi ng lahat, maging bata o
matanda ay ang Araw ng Pasko. Ito ang
araw ng pagsilang ng ating Panginoong
Jesus. Ipinagdiriwang ito sa lahat ng dako
ng mundo. Ang ating bansa ay hindi
pahuhuli sa pagdiriwang nito.

Unang linggo pa lamang ng Nobyembre


marami ng mga tao anf nagdadagsaan sa
mga malalaking tindahan. Namimilia na sila
ng mga panghandog sa kanilang mga
mahal sa buhay. Ang mga tindahan ay
naglalagay na ng mga palamuting
pamasko. Iba’t-ibang hugis at kulay ang
mga ilaw kumikintab. Ang ibang tindahan
ay tinatayo dahil sa kanilang palamuting
pinaghahandaan taun-taon.

Sa mga unang linggo ng Disyembre ang


mga bahay naman ay nag-aayos na rin ng
kani-kanilang palamuti. Iba’t-ibang hugis
ang mga parol na kanilang sinasabit sa
kanilang mga punong pamasko. Ang mga
bata ang higit ang natutuwa sa paggayak
ng mga punong ito.

Ang araw ng Pasko ay ang pinakaligayang


araw sa mga bata. Ito ang araw ng
pagdalaw nila sa kani-kanilang mga inaama
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
at iniina. Umaasam sila sa tatanggaping
aginaldo buhat sa mga ito. Ang Pasko
sakanila ay araw ng pagtanggap ng
pabibigay ng mga aginaldo. Sa kanila ito rin
ang araw ng bago ang kanilang mga damit
at mga sapatos, maraming pagkain, at
maraming mga panauhin.

Ang katotohanan ang Pasko ay araw ng


pagninilay. Ito dapat ang araw na paggunita
sa pagdating sa mundo ng ating taga-sagip
sa kasalanan. Ito ang araw ng pagdakila sa
Anak ng Diyos.
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS
ISTENO FILIPINO BOOK 1
TRANSCRIPTIONS

You might also like