You are on page 1of 1

RUBEN C. AVENIDO JR.

LAKBAY SANAYSAY
GRADE 11 CARSON (STEM) MAY 09, 2023

“Pamumuhay sa Kagandahan ng Linaw Resort”

Isang araw, nagdesisyon akong bumalik sa Brgy. Loreto, Dinagat Island upang
makahanap ng katahimikan at pahinga mula sa kaguluhan ng lungsod. Sa tulong ng
mga lokal na taga-rito, natuklasan ko ang isang magandang lugar na puno ng
kagandahan at kapayapaan at ito ang “Linaw Resort”. Napakaganda ng lugar na ito. Sa
bawat pagpasok ko, nagpapakita ito ng maganda at nakakalunos na tanawin ng buong
resort. Mula sa mga malalaking puno, malinis na tubig ng swimming pool, at sapa,
siguradong mapapaligiran ka ng kagandahan.
Pagpasok ko sa resort, hindi ko mapigilan ang
aking pagkamangha sa ganda ng kapaligiran. Nasa
harap ko ang isang malawak na swimming pool. Sa
aking kanan, mayroong mga puno ng sariwang mga
bulaklak na nakakapukaw ng aking damdamin. At sa
aking kaliwa, nakita ko ang dalawang uri ng cottage,
standard at deluxe, na nagbibigay ng komportableng
tirahan sa mga bisita. Mas napamangha ako sa iba
pang mga aktibidad sa resort at Nasiyahan din ako
sa masarap na pagkain at inumin habang nakikinig
sa musika. Ngunit ang pinakapaborito kong bahagi
ng resort ay ang sapa. Tinahak ko ang sapa at nag-
swimming ako sa malinis na tubig ng nito at natamo
ang katahimikan at kalinawan na hinahanap ko.
Sa kabuuan, ang pagbisita ko sa Linaw Resort ay naging isang magandang
pagpapahinga para sa akin. Hindi ko akalaing mayroong ganitong lugar sa Brgy. Loreto
na puno ng kagandahan at kapayapaan. Sa susunod kong pagbisita sa lugar,
sisiguraduhin kong mas matagal ako sa resort para mas lalo kong maenjoy ang
kagandahan ng lugar. Kung nais mo rin ng katahimikan at kasayahan sa Brgy. Loreto,
bisitahin ang Linaw Resort at magpakasaya ka sa mga magagandang tanawin at
aktibidad na mayroon ito.

You might also like