You are on page 1of 4

DAILY LESSON PLAN

Teacher: Learning Areas: AP Lesson 2


School: Quarter: 1st Quarter
Teaching Dates and Time:

I. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi
ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino.

II. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)


Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa
isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

III. Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies-MELC)


 Naipaliliwanag ang ambag ang Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng
damdaming makabayan ng mga Pilipino (Hal. La Liga Filipina, Association Hispano
Filipino)
 Natatalakay ang pagtatatag at paglaganap ng Katipunan.
 Nasusuri ang epekto ng dalawang kilusan sa paglinang ng nasyonalismong
Pilipino.
 Nahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan/kilusan at
pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

IV. Layunin (Lesson Objectives)


 Natutukoy ang mga layunin ng pagkatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan.
 Natatalakay ang mga nagawa at ang naging resulta ng pagkatatag ng Propaganda
at Katipunan sa paglinang ng damdaming makabayan ng mga Pilipino.
 Napahahalagahan ang mga ginawa ng mga makabayang Filipino upang makamit
ang Kalayaan

V. Paksang-Aralin (Subject-Matter)
 Pagpupunyagi ng mga Pilipino para sa Kalayaan

VI. Pamaraan (Procedure)

A. Balik-aral (Review)
Sa pamamagitan ng Graphic Organizer, ipaliwanag ang naging epekto ng mga salik
na ito sa pagsibol ng damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Sa iyong palagay, alin sa tatlong salik ang higit na nakaapekto sa pagsibol ng
damdaming makabansa ng mga Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak (Motivation)

Panuto: Panuto: Nakikilala mo ba sila? Isulat ang kanilang pangalan at ibigay ang
kanilang nagawa sa ating bansa.

2. Pagtalakay

Kilusang Propaganda para sa Reporma

 Nagtatag sila ng mapayapang kampanya na humihingi ng reporma o


pagbabago sa sistema ng pamamahala ng mga Espanyol.
 Ito ay kinilala bilang Kilusang Propaganda na itinatag ng mga Pilipinong
mag-aaral sa Espanya.
 Ilan sa mga kasapi ng kilusan ay buhat sa mayayaman, edukado, matatalino
at
matatapang na propagandista o repormista tulad nina Dr. Jose Rizal, Marcelo
H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Dominador Gomez, Jose Maria
Panganiban, Antonio Luna, Mariano Ponce at iba pa.

Layunin ng Kilusang Propaganda ang magkaroon ng reporma o


pagbabago sa pamamalakad ng Espanya sa Pilipinas at maisulong ang
sumusunod na isyu:

1. pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas


2. pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan at hindi kolonya ng Espanya
3. pagkakaroon ng Pilipinas ng kinatawan sa Cortes sa Batasan ng Espanya
4. pagpapaalis sa mga prayle at sekularisasyon ng mga parokya
5. pagbabalik ng kalayaan ng mga mamamayan sa pagsasalita,
pamamahayag
at kalayaang maiparating ang mga hinanakit sa mga nakatataas

La Solidaridad
 Ito ang opisyal na pahayagan na binuo at itinatag
ng mga repormista noong ika-13 ng Disyembre,
1888.
 Si Graciano Lopez-Jaena ang patnugot ng opisyal
na pahayagan na La Solidaridad na pinalitan ni
Marcelo H. del Pilar noong Disyembre 15, 1889.
 Huminto dahil sa kakulangan ng pondo.
Layunin ng pahayagan ang sumusunod:
1. Iparating sa mga kinauukulan ang mga katiwalaang nagaganap sa Pilipinas.
2. Ipaglaban ang katarungan at kaunlaran.
3. Humingi ng panlipunan at pampublikong mga pagbabago.
4. Maipalaganap ang diwa ng demokrasya.

Sumulat ng kani-kanilang mga lathalain ang mga repormista gamit ang


kanilang mga sagisag-panulat:
 Dr. Jose Rizal (Laong-Laan, at Dimasalang)
 Marcelo H. del Pilar (Plaridel)
 Mariano Ponce (Naning, Kalipulako, at Tikbalang)
 Jose Maria Panganiban (Jomapa)
 Antonio Luna (Tag-ilog)
Ang Kilusang Propaganda ay hindi naging ganap na tagumpay dahil hindi
naisakatuparan ang mga layunin nito. Subalit ito naman ang nagbigay daan
upang maitatag ang Kilusang Katipunan na layuning makamit ang kalayaan sa
pamamagitan ng pakikibaka.

La Liga Filipina
 Ang La Liga Filipina ay samahang itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Tondo, Maynila
noong Hulyo 3, 1892.
 Pangkalahatang layunin nito ang pagbuo ng isang bagong pangkat na hihikayat
sa mga tao na magkaroon ng tuwirang partisipasyon sa mga kilusang
pangreporma.

Ang mga layunin ng samahan ay ang mga sumusunod:


1. Pagkakabuklod ng buong kapuluan upang magkaroon ng pagkakaisa.
2. Proteksyon ng bawat Pilipino sa pagtatamo ng kanilang mga kagustuhan at
pangangailangan.
3. Kaligtasan mula sa karahasan at kawalang-katarungan.
4. Pagpapasigla ng edukasyon, agrikultura at kalakalan.
5. Pag-aaral at paglalapat ng mga hinihiling na pagbabago.

 Bunga nito, dinakip si Dr. Jose Rizal at ipinakulong sa Fort Santiago at kalaunan
ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga del Norte noong 1892.
 Nabuwag ang samahan at ang mga kasapi ay nahati sa dalawang pangkat. Ang
isa ay nagpasimula ng samahang kikilos nang husto para sa kalayaan, sa
pamumuno ni Andres Bonifacio.

3. Pagpapahalaga

Bumuo ng pangungusap upang makabuo ng konsepto ng aralin.

Ang kilusang propaganda ay____________________________________________.


4. Paglalapat

Ipinaglaban ng ating mga bayaning Pilipino ang ating kalayaan. Bilang isang
kabataang Pilipino, paano mo mapapanatili ang kalayaan ng ating bansa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Pagtataya

Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Isulat ang tsek (/) kung ang
sumusunod ay nagpapakita ng ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng
kalayaan at ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Nagkaisa ang mga Pilipino para sa isang layuning mapalaya ang bansang
Pilipinas sa mapang-api at mapang-abusong pamamalakad ng mga Espanyol.
_____ 2. Pumanig ang mga mayayaman at nakapag-aral na Pilipino sa pamahalaang
Espanyol upang sila ay mapabilang at maging makapangyarihan sa bansa.
_____ 3. Nagtatag ng iba’t ibang kilusan o samahan ang mga Pilipino upang makamit
ang inaasam na pagbabago sa pananakop ng mga Espnayol.
_____ 4. Ginamit ng mga Pilipinong nakapag-aral ang kanilang kakayahan sa
pagsulat upang maiparating ang kanilang mga hinaing sa malupit na pamamalakad at
pang-aabuso ng mga Espanyol.
_____ 6. Gumamit ng mga sagisag sa panulat ang mga Pilipino sa mga lathalaing
kanilang isinulat laban sa mga Espanyol.

VII. Takdang Aralin


Sagutin ang mag sumusunod na tanong.
1. Bakit gumamit ng sagisag sa panulat ang mga repormista gayundin ang mga
Katipunero? Sa iyong palagay epektibo ba ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Kung ikaw ay gagamit ng sagisag sa panulat ano ito? Bakit ito ang napili mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like