You are on page 1of 1

PAGSASAMA’T PAGKAKAISA

Ipinagmamalaki natin ang wikang ating kinagisnan,


Bawat letra, bawat tunog, may saysay at halaga.
Sa bawat tula, ating nadarama ang pagkakaugnay,
Pagkakaisa'y ating ipinagmamalaki't ginugunita.

Magdiwang tayo ngayong Buwan ng Wika,


Sa mga taludtod at tugma, ating damhin ang saya.
Wikang Filipino, wika ng pagkakaisa,
Sa bawat tula’t awit, buhay ay nagiging masaya.

Huwag nating kalimutan ang kahalagahan,


Ng bawat wika sa ating kapwa tao.
Irespeto’t tanggapin, itong pagkakaiba,
Sa bawat salita, kultura’y maririnig natin.

Sa bawat indibidwal, repeto’y ipakita,


Kalayaan at karapatan, dapat ayang taglay.
Sa pagkakaiba’t pagkakapantay-pantay,
Lahat ay magkakaisa, sa iisang layunin umaabante.

Sa seguridad ng lahat, ang baway isa’y may bahagi,


Bawat puso’t isipan, dapat ay makilahok.
Ingklusibong pagpapatupad ng kaeunungan,
Sa mas magandang kinabukasan, tayo’y magtutulungan.

You might also like