You are on page 1of 3

Buong Pilipinas ay lumiliwanag na parang ilaw

Tuwing agosto sabay sabay na humihiyaw

Grupong etniko sa Pilipinas nagkakaisa

Para pagyamanin ang wika nila

Kaya ikaw bilang isang mamamayan

Lagi mong isapuso't lagi mong tandaan

Na ang wika ay kailangan natin pahalagahan

Upang ito'y maging mayabong at hindi kailan man mapapalitan

Dahil kahit ibat-ibang diyalekto man ang gamit

Sa puso't damdamin ay iisa lang ang gamit

Buon pagmamahal itong ipagpunyagi

Kayamanan ng buhay, dugo at lahi

Wikang pambansa ay wikang pang lahat

Sa buhay natin ito'y nag sisilbing alamat

Kaya't itong gamitin ng tama't paglingkurang tapat

Upang ang wika ay maging mayabong at angat


Mayamang kultura, kanyang nasasalamin

Kaya bigyan natin ito ng buhay at pagyamanin

Makulay na tradisyon, ipinamamahagi din

Nagpapatibay ng koneksyon ng isat-isa sa atin

Ito'y sagisag ng kalayaan, sandigan ng katapatan

Kaya wikang Pilipino ating ipagpalaban

Nawa'y ingatan at laging alagaan

Lubos na mahalin, kailan man huwag pababayaan

Wikang Pilipino na ating bigkas

Ating tangkilikin sa lahat ng oras

Sapagkat ito ang ating daan at landas

Na magpapatuloy ng ating buhay at bukas

Wika ng isang bansa’y walang kapantay,

Dahil karununga’y dito nakaugnay,

Kaya’t gamitin sa tama at pantay,

Para bansa’y muling bumangon sa pagkamatay,

You might also like