You are on page 1of 3

Lesson Plan in Edukasyon Sa Pagpapakatao

Paaralan: Baao Community College Baytang/antas: 10


Guro: Eballar, Jemmary B. Asignatura: ESP
Petsa: Markahan: Una

I. Layunin
A. Pamantayang pangnilalaman Sa mudyol na ito, inaasahan ang pagsagot ng mag aaral
Mahalagang tanong na: Paano makakatulong sa tao ang mga
katangian ng pagpapakatao upang magampanan niya ang
kaniyang misyon sa buhay tungo sa kaliyang kaligayahan.
B. Pamantayan sa pagganap May kakayahan ang mga mag aaral na pag isipan ang kanilang
sariling interes.
C. Mga kasanayan sa pagkatuto A. May malinaw na Personal na Pahayag sa kanilang mga
desisyon.
B. Natukoy ang iba’t ibang papel sa buhay batay sa kanilang mga
personal na desisyon.
C.Natukoy ang mga katangian ng pagpapakatao na nahuhubog sa
pagsasagawa ng mga konkretong gawain na natukoy.
ll. Nilalaman Modyul 1: ANG MGA KATANGIAN NG PAGPAPAKATAO
lll. Mga kagamitan sa pagtuturo
D. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro
2. Mga pahina sa kagamitan pang-mag- modyul sa edukasyon sa pagpapakatao 10 TG p.1-8
aaral.
3. Mga pahina sa teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal
ng learning resource.
E. Iba pang kagamitang panturo
Vl. Pamamaraan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at Sa unang pag tatalakay ng Modyul na ito . Piliin ang titik ng
pagsisimula ng bagong aralin. tamang sagot , isulat ang mga sagot sa kuwaderno.

1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa


kasabihang “Madaling maging tao, mahirap mag pakatao?”
a.Mag isip at kilos-loob ang tao.
b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang
kaganapan.
c. Tapa tang tao sa kaniyang misyon.
d. May konsensiya ang tao.
2. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa
kasabihang “Madaling magpakatao, mahirap magpakatao?”
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na
kambal kung maharap sa parehong sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang
nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para
lamang sa katotohanan at kabutihan.
3. Alin ang nagpapahayagsa katangian ng taong indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na panininindigan, pagpapahalaga, at
paniniwalang bukod-tangi sa lahat.
b. Hiwalayan ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang,
nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyong hiwalay sa ibang
sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga
katangian, pangarap at pagpapahalaga ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya
ang lumilikha ng kaniyang pagka-sino.
4. Ano ang kahulugan ng pangungusap?
“Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo
sa pagiging ganap na siya.
a. Nilikha ng tao ang kaniyang pagka-sino sa pamamagitan ng
pagsisikap.
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
c. Dapat mag sikap ang lahat ng tao.
d. Nagiging ganap ang tao dahil sa kaniyang paagpupunyagi.
5. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita bg pagkamit
ng kaniyang kabuuan, kaya hindi siya naiimpluwensiyahan ng
pananaw mg kararami dahil sa kaniyang matibay na
paninindigan?
a. Persona
b. Personalidad
c. Pagme-meron
d. Indibidwal

B. Pagtataya ng Aralin. A. Sagutin ang mga tanong ng guro tungkol sa pangkatang


gawain.
1. Batay sa mga sagot ng mga pangkat, ano-ano ang pagkakaiba
ng pagiging tao sa pagpapakatao?
2. Bakit sinasabi sa kasabihan na madaling magpakatao?
Ipaliwanag.

B. Pagkatapos, isasadula ng bawat pangkat sa malikhaing paraan


sa loob ng tatlon minute ang taong nagpapakatao
(halimbawa:pagbisita sa mga bilanggo o maysakit.)

C. Pagkatapos ng dula-dulaan, sagutin ang sumusunod na tanong


sa klase;
1.) Ano-anong katangian ng pagpapakatao ang napansin mo sa
mga dula-dulaan?
2.) Kung isasabuhay mo ang mga katangian ng pagpapakatao, ano
ang kanutihang idudulot nito?
3.) Ano ang magsisilbing gabay na lahat ng iyong mga
pagpupunyagi na dapat mong buuin upang makamit ang
tagumpay at tunay nankaligayahan?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Suriin at tuklasin ang mga sumusunod na gawain bilang panimula.
bagong aralin
1. Suriin ang kasabihang “Madaling maging tao, ngunit mahirap
magpakatao.
2. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pag-uusapan ng bawat
pangkat ang kahulugan ng kasabihan.
3. Sa bawat pangkat sasagutin ang tanong na: Ano ang mga
katangian ng tao at ng nagpapakatao? Bawat kasapi ng pangkat
ay magbibigay ng kanya-kanyang opinion.

A. Isusulat ng isang ng isang miyembro ng pangkat sa isang


kartolina ang matrix sa ibaba.
B. Pagkatapos, bubuo ang bawat pangkat ng konsepto o buod
mula sa mga sagot na lumalabas sa talakayan.
C. Ibabahagi ng lider ng pangkat ang kanilang output sa klase.

D. Karagdagang gawain para sa Takdang- Gawain 2, Pahina 6 Sagutan ang gawaing 2 sa kuwaderno balikan
Aralin ang binuo mong personal na pahayag ng sisyon sa buhay (PPMB)
V. Remarks
Vl. Reflection
Vll. Mga tala
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang Gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaralna
magpapatuloy sa remediation?
E. alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Ano suliranin ang aking naranasang
solusyonan sa tulong ng aking punong-
guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuhong nais kung ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:
Eballar, Jemmary B.

You might also like