You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN 8 (KASAYSAYAN NG DAIGDIG

QUIZ 01: Heograpiya ng Daigdig

Pangalan:___________________________________ Baitang/Pangkat: _________________


I.TAMA o MALI. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang mga pahayag at MALI
naman kung hindi.
1. Ang kathang-guhit na matatagpuan sa globo na itinalaga bilang zero-degree longitude ay
tinatawag na Prime Meridian.
2. May tropikal na klima ang Pilipinas.
3. Ang Europe ay pangalawa sa pinakamaliit na kontinente sa daigdig at dito matatagpuan ang
Nile River na pinakamahabang ilog sa daigdig.
4. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo na may sukat na halos sang-katlong ng
kabuuang sukat sukat ng lupain sa daigdig.
5. Ang pag-uumpugan ng continental plate ay maaaring magdulot ng lindol, pagputok ng bulkan
at pagkabuo ng mga kabundukan.
II. Identification. Tukuyin ang mga sumusunod na salitang inilalarawan sa bawat bilang, piliin sa
kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang.

equator Mt. Everest Sahara Desert Karagatang Pasipiko Antarctica


Klima pangaea nickel iron copper Africa Prime Meridian

6. Kung ang Mt. K-2 na matatagpuan sa Asya ang pangalawa sa pinakamataas na bundok sa
daigdig, ano naman ang pinakamataas na bundok sa daigdig na matatagpuan din sa Asya?
7. Ayon sa Continental Drift Theory na ipinanukala ni Alfred Wegener, ang mga kontinente sa
daigdig ay dating magkakaugnay sa iisang supercontinent. Ano ang tawag sa malaking masa ng
lupain na ito?
8. Kung ang Gobi Desert sa Mongolia ang pinakamalamig na disyerto. Ano naman ang
pinakamalaking disyerto sa daigdig na matatagpuan sa Africa?
9. Anong imahinaryong linya sa globo ang naghahati sa daigdig sa Hilaga at Timog Hemispero?
10. Kung ang Arctic Ocean ang pinakamaliit na karagatan. Ano naman ang pinakamalawak na
karagatan sa daigdig?
11. Alin sa mga kontinente ang nababalutan ng yelo ang kalupaan at walang naninirahang tao?
12. Alin sa mga kontinente ang maraming suplay ng ginto at diyamante?
13. Tumutukoy sa pangmatagalang kondisyon ng atmospera sa isang lugar o rehiyon.
14-15. Ang core ay ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng anong dalawang
metal?

You might also like