You are on page 1of 3

Alegorya ng Yungib:

Ang kwento ng alegorya ng yungib ay tungkol sa isang tao na matatagpuan sa loob


ng kweba na nakatali at nakaharap sa dingding ng yungib. Sa kanyang likuran ay may
apoy at ang tanging nakikita niya ay ang mga anino ng mga bagay na nasa labas ng
kweba. upang makita niya ang katotohanan sa mga aninong ito, kinakailangan na siya ay
makakawala sa pagkakagapos at makalabas ng kweba Mensahe: Ano nga ba ang nais
iparating ni Plato sa kanyang sanaysay na "Alegorya ng Yungib"? Nais ipabatid ni Plato
na ang karunungan ay matatamo lamang kung sisikapin ng tao na pangatwiranan ang mga
konsepto ng mga bagay bagay na nasa ating isipan mula ng tayo ay ipanganak dito sa
mundo. Tulad ng tao sa loob ng yungib, kinakailangan a tayo ay kumawala sa
pagkakagapos at tuluyan ng lumaya mula sa kwebang ating kinaroroonan. Sa ganitong
paraan, malalaman natin ang katotohanan sa kabila ng mga anino na nakikita natin mula
sa labas ng kweba. upang maunawaan ang mensaheng ito, kinakailangan na maunawaan
natin ang kanyang konsepto ng rasyonalismo.

• Kahalagahan:
Bakit isinulat ni Plato ang sanaysay na "Alegorya ng Yungib?" Sa pagnanais ni
Plato a maunawaan ng tao ang kahalagahan ng pagkatuto at karunungan, ginamit niya
ang sanaysay na ito upang ihalintulad ang mga tao sa tao sa yungib na pilit na
kumakawala upang makita ang realidad sa labas ng yungib. Nais niya na makita ng mga
tao ang kaibahan ng mga anino na nakikita ng taong sa yungib sa loo na nagmumula sa
labas at ng mga totoong bagay sa labas ng yungib na lumilikha ng mga anino sa
pamamagitan ng apoy na nagsisilbing liwanag para sa taong nasa loob ng yungib.
Sapagkat ito ay isang alegorya, hayaan nino na isa - isahin ko ang mga simbolismong
ginamit ni Plato.

• Simbolismo:
Ang yungib sa "Alegorya ng Yungib" ay sumisimbolo sa bahagi ng mundo na
humahadlang sa tao para makita ang realidad o ang katotohanan. Ang tao sa yungib ay
kumakatawan sa lahat ng tao sa mundo. Ang apoy sa likuran g tao sa yungib na
nagsisilbing liwanag sa loob ng kuweba ay ang mga karunungang natatamo ng tao dito sa
mundo. Dahil sa mga karunungang ito, nakikita ng tao ang mga bagay sa mundo ngunit
hindi ang kanilang kabuuan sapagkat sila ay nakagapos at nakakulong sa loob ng yungib.
Sa oras na sila ay kumawala sa pagkakagapos at lumabas sa yungib, dito pa lang nila
matatamasa ang kabuuan ng karunungang natamo.

• Depinison:
Ang rasyonalismo ay sangay ng pilosopiya na nagsasabing ang pangangatwiran
ang siyang pinagmumulan at basehan ng karunungan. Ayon kay Plato, kinakailangan a
magkaroon ang tao ng basehan ng kanyang karunungan at ito ay matatamo lamang a
pamamgitan ng paglabas sa yungilb na kanyang kinaroroonan. Patunay lamang a ang
personal na karanasan ay mahalaga sapagkat ito ang matibay a batayan ng pagkatuto higit
sa karunungan na natamo sa pagbabasa at pagmumuni muni lamang. Sa alegoriya,
inhalintulad ni Plato ang mga tao na walang kaalaman sa mga Teorya ng Anyo bilang
mga bilanggo na nakakadena sa isang kuweba na hindi makakakilos. Ang lahat ng maaari
nilang makita ay ang mga pader ng kuweba. Sa likod ng mga ito ay isang nagliliyab na
apoy. Sa pagitan ng mga apoy at ang mga bilanggo ay may pangsanggalang. Ang layunin
ni Plato sa Republika ay upang ilarawan kung ano ang kinakailangan para sa tao upang
makamit nito ang mapanimdim na unawa.

Alegorya Ng Yungib (buod)


Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kuweba na
nakatanikala at nakaharap sa dinging ng yungib. Tanging ang mga anino lamang sa labas
ng kuweba ang ating nakikita dahil sa apoy na nagpapaliwanag sa ating likuran. Ang
larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at tinaguriang "Alegorya ng Yungib."
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating
mga tao ang hirap o suliranin na ginawa ng to sa mundo patungo sa liwanag. Ano ang
punto ni Plato? Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig ng
pagpapakita ng isang anyo na dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating
kalikasan. Pinapahiwatig niya rin a may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan
patungo sa liwanag a sila'y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay
nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil
inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag isip
na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay. Ayon kay
Plato Ang tunay na pag-iral ay nasa 'Mundo ng mga Ideya.' Ang mga konsepto ng bagay
ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating
gamitin ang ating pangangatwiran upang sila'y matuklasan. Taliwas naman ang turo ni
Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon Kay Aris totle Ang katotohanan ay
nagmumula sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, naririnig ng ating tenga,
nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Ang mga idea ay wala pa sa ating isip noong
tayo' y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Para kay Aristotle, ang isip
ng tao ay maihahalintulad sa isang blankong tableta. Tinawag niya itong 'Tabula Rasa'.
Dito isinusulat ang bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses. Ang kaisipang ito
ay tinawag na empirisismo. Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at
mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama't mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa
pagtahak sa mundo ng rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.
Sa aninong tinuran ni Plato, hindi big sabihi'y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi
may katotohanang mas makapag-papalaya a hindi makikita sa hugis. Hindi ba't ang
batong ating nakikita ay binubuo ng mga 'atomos' na iminungkahi ng dakilang si
Democritus? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas malit sa
quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang,
wala nang pag-unlad sa ating agham. Ang hugs ng mga bagay na ating nakikita ay hugs
ng kanilang gamit at ito'y bud ng relatibiting ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang
materyal. Ang konsepto ni Plato ay mga lohika na may kaugnayan sa pagtuklas sa mas
malawak at makapagpapalayang realidad.

Alegorya ng Yungib:
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay a isinulat ni Plato na tumatalakay sa
edukasyon at katotohanan. Sa sanaysay na ito ginamit ni Plato ang tao sa yungib bilang
representasyon ng kabuuan ng tao. Nais niyang patunayan na ang tao ay likas a matalino
ngunit kailangan na magising ang talinong it upang maging kapaki - pakinabang.
• Sumulat siya ng sanaysay na pinamagatan niyang Alegorya ng Yungib.
• Sa kanyang sanaysay ay gumamit siya ng mga simbolismo.
• Binigyan niya ng din ang kahalagahan ng liwanag.
• Ipinaliwanag niya ang konsepto ng tunay na mundo at mundo ng mga idea. Ang
sanaysay na isinulat ni Plato ay pinamagatan niyang Ang Alegorya ng Yungib na tungkol
sa mga tao sa yungib na may isang nakatali at hindi halos makagalaw sa kanyang
kinalalagyan. Ang tangi niyang nakikita ay ang anino na nabuo sa pamamagitan ng apoy
sa kanyang likuran kaya naman nakikita niya ang kanyang anino. Ngunit sa kasamaang
palad, hindi lahat ng bagay ay nakikita niya mula sa loob ng yungib. Maraming bagay
ang hindi niya nakikita o nararanasan sapagkat siya ay nakatali at nakabilanggo sa loo ng
yungib. Ang paggamit ng mga simbolismo ni Plato ay nakatulong ng malaki sa
pagpapakilala ng katotohanan at edukasyon. Tulad na lamang ng yungib na sumisimbolo
sa kamangmangan o kawalang malay. Ang mga pader na kung saan nakikita ng tao ang
mga anino ay ang mga balakid o hadlang sa pag abot ng mga pangarap. Samantalang ang
apoy naman na nakikita ng tao ay sumisimbolo sa edukasyon a tumutulong sa tao upang
makita ang kabuuan ng mundo. Ang liwanag na tanging makikita sa labas ng yungib ay
sumisimbolo sa edukasyon. Ang karunungan o edukason ay matatamo lamang ng mga
taong may pagpupunyagi. At kung ang tao ay may pagpupunyagi, sinabi na Plato na
maaari siyang makatamo ng mga karangalan. Isa itong katotohanan sapagkat sa paaralan
sinusukat ang pagsisikap ng tao at kinikilala ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
parangal. Ang tuna na mundo na tinutukoy ni Plato ay ang mundong ginagalawan ng tao.
Sapagkat ang tunay na mundo ay binubuo ng mga totoong tao, bagay, at pangyayari na
tulad ng matatagpuan sa kalikasan. Ang mundo g mga ideya naman na tinutukoy ni Plato
ay ang mundong gawa ng tao. Ito ang mundong binuo niya sa kanyang pag isip na tulad
ng imahe ng anino na nakikita niya sa loob ng yungib.

You might also like