You are on page 1of 2

6 Simple Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas (Philippines)

Step 1

Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung
may-ari ng lupa at sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang
UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng TITULO.
Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa REGISTER OF DEEDS. May
xerox copy ka ng titulo ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may
mga PASANIN (problema) yang lupang yan: nakaprenda/nakasanlamay
nagki-CLAIM na iba Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat
yang kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa kopya ng Register of
Deeds. Hindi sila nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung PEKE, may
mga PASANIN, o kaya may mga PROBLEMA ang lupa.

Step 2

Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa nang Relocation survey
sa Mga Boundaries para ma check kong ok ba ang Actual ground wala
bang structure or Fence sa Kabilang lot na lumagpas.. Sa Property na
iyung Bibilhin.

Step 3

Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-


eexecute kayo ng DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute
kayo ng DEED of SALE o "Kontrata ng Pagtitinda", pipirmahan nyong
dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at inonotarized yon.

Step 4

Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang


tawag dun, DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang
buwan ng pagpipirma, magbabayad ka ng DOCUMENTARY STAMPS.
Step 5

Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na


CAPITAL GAIN TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.
At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF AUTHORITY TO
REGISTER, isang certification na sinasabi sa Register of Deeds na bayad
na yan ng lahat ng mga taxes at pwede mo ng ilipat ang pangalan ng
titulo dyan doon sa bumili.

Step 6

Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO


REGISTER), dadalhin mo yan sa Register of Deeds, yun ang huling
yugto. Sasabihin ng Register of Deeds, heto ang huling bayad, Transfer
Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong mahal yon, hayan na, kukunin
na ng Register of Deeds lahat.
Isusurender na ang OWNERS' COPY ng titulo at maghihintay ka na. At
yan kelangan mo ng follow-up. Dahil nga sa Register of Deeds, medyo
tatagal yan. Kaya kelangan ng follow-up ng follow-up.

You might also like