Professional Documents
Culture Documents
Step 1
Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung may-ari ng
lupa at sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya
ng TITULO.
Step 2
Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa nang Relocation survey sa Mga Boundaries
para ma check kong ok ba ang Actual ground wala bang structure or Fence sa Kabilang
lot na lumagpas.. Sa Property na iyung Bibilhin.
Step 3
Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-eexecute kayo
ng DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng DEED of SALE o "Kontrata
ng Pagtitinda", pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at
inonotarized yon.
Step 4
Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang tawag dun,
DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbabayad ka ng
DOCUMENTARY STAMPS.
Step 5
Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN
TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.
Step 6
Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER), dadalhin mo yan sa
Register of Deeds, yun ang huling yugto. Sasabihin ng Register of Deeds, heto ang
huling bayad, Transfer Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong mahal yon, hayan na,
kukunin na ng Register of Deeds lahat.