You are on page 1of 2

Edward Albano

OtcatoloSboegurs r1d6 peoSnsgaotrr 7hhi:4f0nrlde PMhdi  · 
Shared with:
Public
6 Simple Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas (Philippines)
Step 1
Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung may-ari ng lupa at
sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng
TITULO.
Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa REGISTER OF DEEDS. May xerox copy ka ng titulo
ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may mga PASANIN (problema) yang lupang yan:
nakaprenda/nakasanlamay nagki-CLAIM na iba Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat
yang kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa kopya ng Register of Deeds. Hindi sila
nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung PEKE, may mga PASANIN, o kaya may mga
PROBLEMA ang lupa.
Step 2
Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa nang Relocation survey sa Mga Boundaries para
ma check kong ok ba ang Actual ground wala bang structure or Fence sa Kabilang lot na
lumagpas.. Sa Property na iyung Bibilhin.
Step 3
Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-eexecute kayo ng
DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng DEED of SALE o "Kontrata ng
Pagtitinda", pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at inonotarized
yon.
Step 4
Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang tawag dun,
DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbabayad ka
ng DOCUMENTARY STAMPS.
Step 5
Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN
TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.
At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER, isang
certification na sinasabi sa Register of Deeds na bayad na yan ng lahat ng mga taxes at pwede
mo ng ilipat ang pangalan ng titulo dyan doon sa bumili.
Step 6
Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER), dadalhin mo yan
sa Register of Deeds, yun ang huling yugto. Sasabihin ng Register of Deeds, heto ang huling
bayad, Transfer Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong mahal yon, hayan na, kukunin na ng
Register of Deeds lahat.
Isusurender na ang OWNERS' COPY ng titulo at maghihintay ka na. At yan kelangan mo ng
follow-up. Dahil nga sa Register of Deeds, medyo tatagal yan. Kaya kelangan ng follow-up ng
follow-up.
#FilipinoHomes
#TRD

You might also like