You are on page 1of 2

Nagbenta ng lote walang maipakitang titulo

ear Atty. Claire,


Good day po. May nabili ako na lupa, actually di ko pa nababayaran ng buo pero malapit ko na
mapuno ng bayad at papagawan ng deed of sale. Walang maipakita sa akin na titulo ang nagbenta
pero pinacheck ko sa registry of deeds at may titulo na nga po ung lupa at mother title pa na
nakapangalan sa lolo ng nagbenta sa akin at di lang nairerelease o napaprocess dahil sa issue sa tax.

Ang hawak lang ng may ari na nagbenta ay judicial partition w/ waiver of rights at pirmado na ng
lahat ng ibang mga heirs.

Gusto ko po sana mapatituluhan ung lupa sa pangalan ko kaso ang sabi sa akin sa assessors office na
kailangan bayad lahat ng tax pati yung tax ng ibang mga lupa.. Ang problema ay may katagalan ng di
nababayaran ang mga tax, yung lupa na binibili ko ay maliit lang naman ang tax kaso yung sa ibang
lupa ay malaki-laki at di ko naman kayang sagutin yun o kahit nung sa may ari na nagbebenta sa akin
kaya hanggang ngaun kahit ung mga heirs ng namatay ay wala pang kanya kanyang titulo na hawak
sa mga lupa nila..

Paano po kaya ang maganda gawin kapag ganun ang sitwasyon, may pepwede pa po ba akong
magawa para mapatitulohan na sa pangalan ko ung lupa na binibili ko? Hingi lang po ako advice.
Salamat po.
Emmanuel

Mr. Emmanuel,
Bago mo mapatituluhan iyan sa pangalan mo ay dapat na mabayaran ng mga heir o tagapagmana ang
inheritance o estate tax dahil hindi ito mase-settle kapag hindi pa bayad ang BIR ng mga tax para
mailipat nang tuluyan sa iyo.

Pangalawa, kung sinasabi mo na mother title pa ito ay kakailanganin mo rin na malaman kung saan
ba ang lupang binili mo dahil baka lumalabas na undivided portion lamang ang nabili mo at hindi pa
nasabi kung anong partikular na sukat at ano ang boundaries ng nabili mong lupa.

Pangatlo, dapat na magkaroon ng tax clearance mula sa Assessor’s Office na ang ibig sabihin ay
dapat na walang utang na amilyar o real

property tax ang nabanggit na ari-arian. Binabayaran ito sa Local Assessor’s Office at hindi sa BIR.

Ang dapat mong gawin ay kausapin ang seller mo at sabihin na ang natitirang pera na nasa iyo pa ay
gagamitin mo na pambayad sa lahat ng buwis na kailangang bayaran upang mailipat sa iyo ang lupa.

Dapat niya naman kausapin ang lahat ng mga kamag-anak o heir para malaman na ang pagbabayad
ng buwis ay kukunin mula sa kanyang napagbentahan at dapat na bayaran ng mga ito pro rata o ayon
sa kanya-kanyang share.

Kapag hindi ito magagawa ay siguradong mahihirapan ka at mahihirapan din naman ang lahat na
mailipat ito sa bawat heir kaya mas magandang pag-usapan upang maisaayos ang lipatan nito.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa
attorneyclaire@gmail.com

You might also like